“O! Bakit parang ang dami naman ng mga damit na binabaon mo?” tanong ni Seojun nang mapansin na nakakalat ang mga damit ni Eclaire sa kama nito. “Isang linggo lang tayo roon. Baka mamaya, hindi tayo makasakay dahil sa dami ng bagahe mo. Gano’n daw iyon, ‘di ba? Ilang kilo lang ang pwede dalhin.” Napakamot sa ulo si Eclaire. “Ano pong gagawin ko? Pwede po ba kong maglaba sa banyo ng tutuluyan natin sa Jeju? Malamang… Sa hotel po tayo, ‘di ba? Kasi nga, kung apat o limang tshirt lang ang bitbit ko, kakapusin po ako ng pamalit. Alangan naman ilang araw kong suot ang damit ko?” May punto ang dalagita kaya napaisip rin siya. “Ewan… Hindi ko rin alam. Gagawan na lang natin ng paraan pagdating doon. Ang mahalaga, makapag-empake na tayo ng mga damit.” Binuksan niya ang maleta na binili ni Marion para kay Eclaire. “Dad, ako na pong bahala rito. Mag-empake na rin kayo. Gusto kong maligo bago kumain kaya nagmamadali na po ako.” Pinagpatong-patong ni Eclaire ang limang tsh
Alas-dos y’ medya na ng hapon nang makababa sa Jeju International Airport ang sinakyang private plane nila Marion. Hindi naman sila masyadong nainip sa paghihintay dahil naayos na ni Andrew ang lahat ng accomodations na gagamitin nila. Iniwan niya ang binata sa Seoul dahil kailangan nitong humanap ng paraan upang matupad ang gusto niya. Kung may company na may kapareha niya ng gusto, doon na lang niya ilalagay ang investment na ibinigay ng Daddy niya. Pero sa ngayon, kailangan niyang magbakasyon para naman maramdaman niyang nakatira talaga siya sa ibang bansa. Sinundo sila ng limousine na nai-provide ng hotel na tutuluyan nila. Pagkatapos noon, bumaba sila sa entrance ng Lutte Jeju Hotel, ang isa sa pinakamamahaling hotel sa buong isla. Ibinaba na ng driver ang mga suitcase. Tutulong sana si Seojun ngunit hindi ito hinayaan ng hotel staff na umalalay sa kanila. Ang mga ito ang naglagay ng tatlong malalaking suitcase, dalawang bagpack, at isang duffel bag. Hawak ni Marion sa dala
“W-what? Ano? Sige… Ikaw ang bahala –” Halos malaglag ni Marion ang hawak nitong baso na may laman pang beer. “Ako na ang mag-aayos nito. Ikaw na ang mauna. Sunod na lang ako.” “Sige…” Kumunot ang noo ni Seojun dahil sa naging reaksyon ni Marion ngunit hindi na siya nag-komento pa. Pumasok na siya sa banyo dahil nagliligpit na si Marion ng mga ginamit nilang baso, pati na rin ang ginamit sa kanilang samgyupsal. Ayaw magpatulong ni Marion kaya napilitan siyang mag-shower na lang. Naisip niya na baka gusto lang talaga nitong matulog na silang tatlo para naman makapagpahinga na. Kahit inalok niya ito na siya na ang mahuhuling maligo, kinulit rin siya nito na ito na lang ang mahuhuli. “Ewan… Ang weird ni Marion. Dahil siguro sa alak…” Binuksan niya ang shower at itinapat ang sarili sa tubig. May air freshener sa loob na amoy rosas kaya iyon ang naamoy niya sa buong banyo. Mainit-init ang tubig na naglalandas sa kaniyang balat kaya nakaramdam siya ng kaginahaw
Halos isang oras ang naging byahe nila mula Lutte Hotel papuntang Maze Land. May dalawang klase ng maze doon na gawa sa mga bushes. May pabilog at may kung saan-saang direksyon na daan. Pero nang makita nila ang maze mula sa ibabaw, doon nila na-appreciate nang husto ang lugar. Kagaya ng ini-expect ni Marion, natuwa si Eclaire sa pagkuha ng litrato habang naroon. Sinubukan din nilang dumaan sa maze pero kalahating oras na silang naroon pero hindi pa rin nila nakikita ang dulo. “Umuwi na lang kaya tayo,” aya ni Seojun. “Paano tayo makakauwi kung hindi pa natin nahahanap ‘yong exit?” tanong niya. Nasa gitna si Marion. Nasa kanan niya si Eclaire at nasa galiwang kaliwa si Seojun. Ilang beses na silang nagkahiwa-hiwalay kaya naman nakakapit na ang mga ito sa kaniya. Mahirap naman kung umuwi siya ng Seoul nang wala ang mag-ama niya pero natatawa pa rin siya sa pagiging nerbyoso at nerbyosa ng mga ito. “Dito tayo sa kanan. Siguro naman… Makakalabas na po tayo ri
Maluwang ang ngiti ni Seojun nang makaalis sila sa restaurant na iyon. Kumuha siya ng kopya ng litratong iyon sa cellphone niya. Hindi niya maintindihan pero… Ramdam niyang nagiging totoong pamilya na silang tatlo. Magkatabi sa likurang upuan ang mag-ina. Nakasandal si Eclaire sa mga balikat ni Marion habang mahimbing na natutulog ang mga ito. “Sana… Ganito na lang palagi,” bulong niya. Gamit ang GPS app para malaman niya ang daan kung saan siya pupunta, binagtas niya ang daan papunta sa Alive Museum. Binuksan niya ang radyo ng kotse na nirentahan ni Marion para magamit nila. Nagsimulang tumugtog ang isang popular na korean dance song. Medyo malakas ang volume kaya hininaan niya kaagad iyon. “Inaantok ka ba, Appa?” Nagulat si Seojun nang marinig ang boses ni Eclaire. “Akala ko tulog ka?” “Nagising ako sa music, e…” Pupungas-pungas ito at bahagyang kumalas kay Marion. “Hindi po ba kayo magpapahinga?” “A… Ayos lang naman ako.” Ngumiti siya up
Halos maibuga ni Marion ang piraso ng steak na sinubo niya. Hindi niya kasi inaasahan na biglang bubuksan ng dalagita ang usaping iyon. Kung tutuusin, hindi na dapat siya magulat kung sakali mang sinabi ni Seojun sa anak ang ‘kontrata’ nila. Pero nang mabanggit ang sensitibong topic na iyon, doon niya na-realize na hindi siya prepared na magpaliwanag. “Ano… Kasi…” Halos alugin niya ang kaniyang utak para mag-isip ng isasagot sa tanong nito. “Kailangan muna naming magkakilala ng Daddy mo kahit paano para naman emotionally at mentally prepared kami kapag nagkaroon na kami ng… baby.” Muntik nang mapunta sa damit ni Seojun ang wine nito sa baso dahil sa tanong na iyon. Bahagya pa itong tumikhim na tila tinatanggal ang bara sa lalamunan. “Anak, darating din tayo roon, okay? Hindi iyon ganoon kadali.” “Ganoon po ba? Akala ko po kasi… Pumunta tayo rito para doon…” Nagpatay-malisya lang si Eclaire bago sumubo ng dessert na pinili nito. Medyo nakabawi na siya kaya
“I don’t care if we’re neighbors. Just stop harassing my daughter with your antics. Or else…” pagbabanta ni Marion. Hinawakan niya sa balikat si Eclaire para ayain na itong umuwi. Napapatingin na lang si Seojun sa mga estranghero na naroon pa rin sa may tapat ng elevator. Sumunod na rin ito sa kanila dahil ito na lang ang naiiwan sa labas. Nakasilip na lang si Marion kung magtatangka ang mga ito na lumapit sa unit nila. Hindi siya magdadalawang-isip na tumawag ng security guards para mapaalis ang mga ito sa tapat nila. “Tita Marion… Wala po ba tayong magagawa? Nakakatakot naman kasi iyon… Akalain niyo bang bigla na lang akong kinausap habang naglalakad ako sa daan? Syempre, nagulat po ako…” “Tahan na…” Nangingilid na kasi ang luha sa mga mata ng dalagita. Mukhang takot na takot talaga ito sa nangyari. “Huwag kang mag-alala. Magpa-file ako ng formal complaint sa management ng building na ito bukas ng umaga. Huwag ka nang umiyak…” Dahan-dahang yumakap sa ka
“Kenneth? Sinong Kenneth?” Diskumpyado si Hae won nang mapansin nito na wala nang laman ang inumin nito. “Siya ‘yong kasama nong Mr.Jang na sinasabi ko sa iyo. Grabe… Alam mo bang tiningnan lang niya ko noong hinahabol na ko. Kung umasta siya, parang kasalanan ko pang hinabol ako ni Mr.Jang. Kainis! Akala mo kung sino. Tapos ngayon…” Sinilip nito ang cellphone niya at napasinghap nang malakas bago inagaw ang cellphone niya. “Ito ba ‘yong sinasabi mong Kenneth? Ang pogi naman pala…” “Anong pogi? Akin na nga iyan.” Inagaw niyang muli ang cellphone niya at inilapag sa lamesa. “Ewan ko sa iyo.” “Sus!” Naririnig ni Hae won kay Marion ang expression na iyon kaya ginagaya nilang magkaibigan. Tiningnan nito sa sarili nitong cellphone ang article na nakita ni Eclaire at binasa nito ang mga nakasulat. “Wow… Bagong model daw iyan under ng Star Entertainment… Kenneth Jang… Ka-edad pala natin siya!” “Wala akong pake,” singit niya. Ayon sa headline ng article, si