Share

Chapter 52

Ibinigay ni Seojun ang tseke sa mga kamay ni Marion nang maghiwalay sila. Nawala na ang pamumula ng mga mata nito na tila maluluha na kanina. Kahit paano, nawala na rin ang mga agam-agam sa kaniyang isipan. Ang importante, maging maayos ang pagsasama nilang dalawa hanggang sa piliin nito na iwan siya…

“Teka, nagugutom ka na nga pala, ‘no? Anong gusto mong kainin?” pag-iiba niya ng topic habang inaalis ang mga nakaharang na hibla ng buhok sa mukha ni Marion.

“A… Oo nga.” Ngumiti si Marion at bahagyang pinunasan ang mga pisngi nito. “Hinahanap na siguro tayo ng mga bisita natin. Ang mabuti pa… Bumalik na tayo sa loob ng tent.”

“Sige…” Inilahad niya ang kaniyang kamay. Napansin kasi niyang nahihirapan na si Marion sa paglalakad sa malambot na buhangin habang nakasuot ito ng wedding gown na limang dipa ang haba ng trahe.

Lumuwang ang ngiti ni Marion at hinawakan ang kaniyang kamay. Sabay na silang naglakad habang kumakaway sa mga bisitang tumatawag sa kanila.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status