Halos maibuga ni Marion ang piraso ng steak na sinubo niya. Hindi niya kasi inaasahan na biglang bubuksan ng dalagita ang usaping iyon. Kung tutuusin, hindi na dapat siya magulat kung sakali mang sinabi ni Seojun sa anak ang ‘kontrata’ nila. Pero nang mabanggit ang sensitibong topic na iyon, doon niya na-realize na hindi siya prepared na magpaliwanag. “Ano… Kasi…” Halos alugin niya ang kaniyang utak para mag-isip ng isasagot sa tanong nito. “Kailangan muna naming magkakilala ng Daddy mo kahit paano para naman emotionally at mentally prepared kami kapag nagkaroon na kami ng… baby.” Muntik nang mapunta sa damit ni Seojun ang wine nito sa baso dahil sa tanong na iyon. Bahagya pa itong tumikhim na tila tinatanggal ang bara sa lalamunan. “Anak, darating din tayo roon, okay? Hindi iyon ganoon kadali.” “Ganoon po ba? Akala ko po kasi… Pumunta tayo rito para doon…” Nagpatay-malisya lang si Eclaire bago sumubo ng dessert na pinili nito. Medyo nakabawi na siya kaya
“I don’t care if we’re neighbors. Just stop harassing my daughter with your antics. Or else…” pagbabanta ni Marion. Hinawakan niya sa balikat si Eclaire para ayain na itong umuwi. Napapatingin na lang si Seojun sa mga estranghero na naroon pa rin sa may tapat ng elevator. Sumunod na rin ito sa kanila dahil ito na lang ang naiiwan sa labas. Nakasilip na lang si Marion kung magtatangka ang mga ito na lumapit sa unit nila. Hindi siya magdadalawang-isip na tumawag ng security guards para mapaalis ang mga ito sa tapat nila. “Tita Marion… Wala po ba tayong magagawa? Nakakatakot naman kasi iyon… Akalain niyo bang bigla na lang akong kinausap habang naglalakad ako sa daan? Syempre, nagulat po ako…” “Tahan na…” Nangingilid na kasi ang luha sa mga mata ng dalagita. Mukhang takot na takot talaga ito sa nangyari. “Huwag kang mag-alala. Magpa-file ako ng formal complaint sa management ng building na ito bukas ng umaga. Huwag ka nang umiyak…” Dahan-dahang yumakap sa ka
“Kenneth? Sinong Kenneth?” Diskumpyado si Hae won nang mapansin nito na wala nang laman ang inumin nito. “Siya ‘yong kasama nong Mr.Jang na sinasabi ko sa iyo. Grabe… Alam mo bang tiningnan lang niya ko noong hinahabol na ko. Kung umasta siya, parang kasalanan ko pang hinabol ako ni Mr.Jang. Kainis! Akala mo kung sino. Tapos ngayon…” Sinilip nito ang cellphone niya at napasinghap nang malakas bago inagaw ang cellphone niya. “Ito ba ‘yong sinasabi mong Kenneth? Ang pogi naman pala…” “Anong pogi? Akin na nga iyan.” Inagaw niyang muli ang cellphone niya at inilapag sa lamesa. “Ewan ko sa iyo.” “Sus!” Naririnig ni Hae won kay Marion ang expression na iyon kaya ginagaya nilang magkaibigan. Tiningnan nito sa sarili nitong cellphone ang article na nakita ni Eclaire at binasa nito ang mga nakasulat. “Wow… Bagong model daw iyan under ng Star Entertainment… Kenneth Jang… Ka-edad pala natin siya!” “Wala akong pake,” singit niya. Ayon sa headline ng article, si
Ang akala ni Seojun, makakapagpahinga pa si Marion kapag nakabalik na sila sa apartment. Iyon nga lang, hinihintay na pala ito ng trabaho mula kay Andrew. Magkausap ang dalawa sa salas habang ipinapaliwanag ni Andrew ang mangyayari sa bagong business venture ng asawa niya. Nagulat pa siya nang malaman na isa palang accountant si Andrew, hindi lang ito basta alalay lang ng mga VIP. Si Andrew ang nakatoka na mag-aalaga at mamamahala sa expenses ni Marion habang nakatira ito sa South Korea. “Wow… Totoo bang wala kayong alam sa business? Hindi ko akalain na makakasabay kayo… I mean, bilib ako sa inyo.” Inayos ni Andrew ang mga papel na kinailangan nitong ipakita at papirmahan kay Marion. “Ang alam ko po kasi, Architecture ang kurso niyo no’ng college.” Umismid lang si Marion at uminom ng tubig na nasa room temperature lang. Ang babae na ang nagkusang magbago ng kinakain nito. Hindi ito umiinom ng kahit na ano, maliban sa tubig na maligamgam o sakto lang ang temperatura.
“Syempre naman po… Saka paano kung may mangyaring masama sa inyo? Bigla kayong ma-kidnap? Or maligaw kayo sa mall tapos nakalimutan niyo ‘yong papunta sa parking lot –” Gustong pahabain ni Eclaire ang nguso niya dahil sa inis pero pinigilan niya ang sarili. Palagi kasi siyang inaasar ni Hae won na mukha siyang pato kaya pilit niyang binabago ang ugaling iyon. Tiningnan niya ang twenty-four inches pizza na hawak nito. “Ano po bang flavor niyan?” Nagkatinginan sina Marion at Seojun bago napangisi ang mga ito. “Ang mabuti pa, umuwi na tayo. Mukhang nagugutom na itong anak natin.” “Huwag kang mag-alala. Pinili ko ang paborito mong toppings. Cheesy beef at Bacon Pepperoni.” Gumilid si Marion at hinawakan ang kaliwang kamay niya. “O, ano? Nabili mo ba ang lahat ng kailangan mo para bukas?” “Opo… Okay na.” Kinuha ni Seojun ang paper bag na hawak niya at hinawakan ang kanan niyang kamay. “Bukas, ihahatid ka namin ng Tita Marion mo bago kami pumunta sa clinic, oka
January 17, 2022. Iyon ang araw kung kailan malalaman nila kung naging matagumpay ba ang isinagawang IVF. Kinakabahan nang husto si Marion dahil hindi niya pa alam ang resulta. Nakatingin siya sa puting dingding ng clinic na tila naghahanap ng kahit na anong dumi na pwede niyang tingnan. Nakaupo si Seojun sa tabi niya, tahimik na nakahawak sa kaniyang kaliwang kamay habang nakatingin sa may pintuan kung nasaan ang laboratoryo ng doktor. Binigyan siya ng pregnancy kit, at kinuhanan siya ng dugo para makasiguro. “Kumalma ka nga… Ako ang naii-stress sa iyo.” Ramdam ni Marion ang bawat pagkibot ng asawa niya habang nakaupo. “Lalabas na rin iyon mayamaya.” “Ewan ko ba…” Hinawakan ni Seojun ang buhok nito at bahagya ‘yong ginulo. “Ako itong may anak na pero ako itong takot na takot.” “Bakit ka natatakot?” bulalas niya nang hindi pinag-iisipan. “Kasi… Si Eclaire, hindi naman sa ano… Pero hindi namin inaasahan iyon. Isang beses lang iyon. Tapos… Ayon nga… Nagbago
Unti-unting lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin ni Seojun dahil sa luwag ng kaniyang ngiti. “Ewan. Para kasing… Nakakonekta sa wakas ang ningning ng mga mata mo, sa tamis ng mga ngiti mo. Basta! Hayaan mo na…” Napahawak naman si Marion sa pisngi nito, halatang hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Hay, naku… Gutom lang iyan. Kumain na lang tayo.” “Opo… Ito na nga…” Inilagay niya ang malaking plato kung saan sila kumukuha ng kanin sa gitna ng lamesa. Pagkatapos noon, nagsandok siya ng ulam sa mangkok at sinigurong kumpleto ng karne, gulay at sabaw ang laman no’n. Umupo na si Marion sa puwesto nito, sa may kanan niya. Sumandok na rin ito ng kanin at naglagay sa plato niya. Bahagya pa nitong binuhaghag ang kanin para madaling lumamig. Iyon daw kasi ang nakasanayan nito sa Pilipinas. Inilapag niya ang ulam sa bandang kaliwa ni Marion. Inilapit niya iyon para hindi matapon ang sabaw kapag kumuha ito. “Mukhang mapaparami na naman ang ma
“Huwag kang mag-alala, anak. Ako ang bahala sa iyo.” Iyon ang nakatatak sa utak ni Eclaire kaya naibsan ang takot niya. Matagal na niyang hindi nakikita ang tatay ng stepmother niya at hindi niya pa iyon nakakausap. Grabe rin ang intimidasyon na hatid ng pa-simpleng mga tingin nito kaya hindi talaga siya nagiging kumportable sa presensiya nito. Pero sa pagkakataong iyon, panghahawakan niya ang mga salita ng kaniyang Tita Marion. Alas-singko y’ medya pa lang ng hapon pero maraming pagkain na ang nakahain sa harap nila. Kahit hindi sabihin ng mga ito, alam niyang hapunan na nila iyon. Tahimik siyang kumain at hinayaan ang mga matatanda na mag-usap. Wala naman siyang masyadong naiintindihan dahil negosyo ang topic ng mga ito. “Ang sabi sa ‘kin ni Andrew, wala naman raw problema sa construction ng hotel. Mukhang balak mong magkaroon ng property rito sa South Korea kaya iyon ang pinili mong direksyon –” “Dad… Isang progressive country ang South Korea. Iba ang mental