Ang akala ni Seojun, makakapagpahinga pa si Marion kapag nakabalik na sila sa apartment. Iyon nga lang, hinihintay na pala ito ng trabaho mula kay Andrew. Magkausap ang dalawa sa salas habang ipinapaliwanag ni Andrew ang mangyayari sa bagong business venture ng asawa niya. Nagulat pa siya nang malaman na isa palang accountant si Andrew, hindi lang ito basta alalay lang ng mga VIP. Si Andrew ang nakatoka na mag-aalaga at mamamahala sa expenses ni Marion habang nakatira ito sa South Korea. “Wow… Totoo bang wala kayong alam sa business? Hindi ko akalain na makakasabay kayo… I mean, bilib ako sa inyo.” Inayos ni Andrew ang mga papel na kinailangan nitong ipakita at papirmahan kay Marion. “Ang alam ko po kasi, Architecture ang kurso niyo no’ng college.” Umismid lang si Marion at uminom ng tubig na nasa room temperature lang. Ang babae na ang nagkusang magbago ng kinakain nito. Hindi ito umiinom ng kahit na ano, maliban sa tubig na maligamgam o sakto lang ang temperatura.
“Syempre naman po… Saka paano kung may mangyaring masama sa inyo? Bigla kayong ma-kidnap? Or maligaw kayo sa mall tapos nakalimutan niyo ‘yong papunta sa parking lot –” Gustong pahabain ni Eclaire ang nguso niya dahil sa inis pero pinigilan niya ang sarili. Palagi kasi siyang inaasar ni Hae won na mukha siyang pato kaya pilit niyang binabago ang ugaling iyon. Tiningnan niya ang twenty-four inches pizza na hawak nito. “Ano po bang flavor niyan?” Nagkatinginan sina Marion at Seojun bago napangisi ang mga ito. “Ang mabuti pa, umuwi na tayo. Mukhang nagugutom na itong anak natin.” “Huwag kang mag-alala. Pinili ko ang paborito mong toppings. Cheesy beef at Bacon Pepperoni.” Gumilid si Marion at hinawakan ang kaliwang kamay niya. “O, ano? Nabili mo ba ang lahat ng kailangan mo para bukas?” “Opo… Okay na.” Kinuha ni Seojun ang paper bag na hawak niya at hinawakan ang kanan niyang kamay. “Bukas, ihahatid ka namin ng Tita Marion mo bago kami pumunta sa clinic, oka
January 17, 2022. Iyon ang araw kung kailan malalaman nila kung naging matagumpay ba ang isinagawang IVF. Kinakabahan nang husto si Marion dahil hindi niya pa alam ang resulta. Nakatingin siya sa puting dingding ng clinic na tila naghahanap ng kahit na anong dumi na pwede niyang tingnan. Nakaupo si Seojun sa tabi niya, tahimik na nakahawak sa kaniyang kaliwang kamay habang nakatingin sa may pintuan kung nasaan ang laboratoryo ng doktor. Binigyan siya ng pregnancy kit, at kinuhanan siya ng dugo para makasiguro. “Kumalma ka nga… Ako ang naii-stress sa iyo.” Ramdam ni Marion ang bawat pagkibot ng asawa niya habang nakaupo. “Lalabas na rin iyon mayamaya.” “Ewan ko ba…” Hinawakan ni Seojun ang buhok nito at bahagya ‘yong ginulo. “Ako itong may anak na pero ako itong takot na takot.” “Bakit ka natatakot?” bulalas niya nang hindi pinag-iisipan. “Kasi… Si Eclaire, hindi naman sa ano… Pero hindi namin inaasahan iyon. Isang beses lang iyon. Tapos… Ayon nga… Nagbago
Unti-unting lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin ni Seojun dahil sa luwag ng kaniyang ngiti. “Ewan. Para kasing… Nakakonekta sa wakas ang ningning ng mga mata mo, sa tamis ng mga ngiti mo. Basta! Hayaan mo na…” Napahawak naman si Marion sa pisngi nito, halatang hindi maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Hay, naku… Gutom lang iyan. Kumain na lang tayo.” “Opo… Ito na nga…” Inilagay niya ang malaking plato kung saan sila kumukuha ng kanin sa gitna ng lamesa. Pagkatapos noon, nagsandok siya ng ulam sa mangkok at sinigurong kumpleto ng karne, gulay at sabaw ang laman no’n. Umupo na si Marion sa puwesto nito, sa may kanan niya. Sumandok na rin ito ng kanin at naglagay sa plato niya. Bahagya pa nitong binuhaghag ang kanin para madaling lumamig. Iyon daw kasi ang nakasanayan nito sa Pilipinas. Inilapag niya ang ulam sa bandang kaliwa ni Marion. Inilapit niya iyon para hindi matapon ang sabaw kapag kumuha ito. “Mukhang mapaparami na naman ang ma
“Huwag kang mag-alala, anak. Ako ang bahala sa iyo.” Iyon ang nakatatak sa utak ni Eclaire kaya naibsan ang takot niya. Matagal na niyang hindi nakikita ang tatay ng stepmother niya at hindi niya pa iyon nakakausap. Grabe rin ang intimidasyon na hatid ng pa-simpleng mga tingin nito kaya hindi talaga siya nagiging kumportable sa presensiya nito. Pero sa pagkakataong iyon, panghahawakan niya ang mga salita ng kaniyang Tita Marion. Alas-singko y’ medya pa lang ng hapon pero maraming pagkain na ang nakahain sa harap nila. Kahit hindi sabihin ng mga ito, alam niyang hapunan na nila iyon. Tahimik siyang kumain at hinayaan ang mga matatanda na mag-usap. Wala naman siyang masyadong naiintindihan dahil negosyo ang topic ng mga ito. “Ang sabi sa ‘kin ni Andrew, wala naman raw problema sa construction ng hotel. Mukhang balak mong magkaroon ng property rito sa South Korea kaya iyon ang pinili mong direksyon –” “Dad… Isang progressive country ang South Korea. Iba ang mental
“Bakit ba ang dami mong alam tungkol sa Kenneth na iyon? Don’t tell me… Isa ka na rin ba sa mga fan girl niya? Sabihin mong hindi… Kasi kung oo, sasakalin talaga kita!” pagbabanta ni Eclaire. “Hoy! Grabe ka naman… Fan girl kaagad? Hindi ba pwedeng curious lang muna? Saka siya lang kasi ‘yong kilala kong celebrity sa personal, okay? Malay mo, maging artista siya sa future. Ang sarap kaya sabihin na may kaklase akong sikat na celebrity nung high school!” Bahagya pa siyang hinahampas-hampas ni Hae won sa braso kaya lalo siyang nakakairita. “Ewan ko sa iyo. Mahihirapan sumikat iyon, okay? Hindi mo ba napapansin? Wala siyang balak na matuto magsalita ng Korean. Paano siya sasali sa mga variety shows? O kahit cameo lang sa drama? Alangan naman bigla siyang mag-ingles doon?” “Pwede rin naman…” Hinampas niya ito sa hita dahil hindi ito nauubusan ng sagot. “Aray ko naman, Eclaire! Masyado kang mapanakit…” Humaba ang nguso ni Hae won na tila nagtatampo. Unti-unti nama
Mahigit isang buwan na ang pagbubuntis ni Marion kaya nararamdaman na niya ang pagbabago, lalo na sa panlasa niya. Hindi na niya masyadong gusto ang mga putahe na masyadong maanghang o maalat. Biglang nawala ‘yong halos araw-araw siyang humahanap noon ng softdrinks at kahit na anong sugary drinks. Ayos na sa kaniya ang room temperature na tubig. Madali na rin siyang makaramdam ng lamig kaya tuwang-tuwa siya dahil unti-unti nang nagbabago ang panahon. Naging sensitive siya sa amoy kaya hindi na siya pwedeng pumunta sa palengke o grocery dahil palagi siyang nasusuka sa kahit na anong amoy na hindi pamilyar sa kaniya. “Ugh… Hello, back pain, my old friend…” ramdam niya ang pagsakit ng kaniyang likod at tagiliran kapag masyado siyang matagal na nakatayo o nakaupo. Sa dami ng paperworks dahil sa bago niyang negosyo, hindi na niya nabalikan ‘yong manuscript niya. Kinukulit siya ng editor niya kaya pinag-iisipan niyang huminto na muna at idahilan ang mood swings niya dahil sa pag
Hinaplos ni Seojun ang pisngi ng kaniyang ina. Maputla ang mukha nito at mukhang nahihirapang huminga kaya sinubukan niyang hawakan ito. Samu’t saring emosyon ang lumulukob sa kaniyang puso pero kung may nangingibabaw man, iyon ang panghihinayang. Kung nag-focus na lang sana siya noon sa pag-aaral, hindi siya nahumaling sa konsepto ng pag-ibig, hindi siya magkakaroon ng anak pagtuntong ng bente anyos. Kung nakatapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo, kahit dalawang taon siyang mawala sa piling ng mga ito dahil sa military service, alam niyang may magandang kinabukasan na maghihintay sa kaniya paglabas. “Appa… Magiging okay lang si lola, ‘di ba?” tanong ni Eclaire habang nakahawak sa kamay ng taong tumayong ina nito. Masuyo siyang ngumiti, kahit nangingilid na ang kaniyang mga luha. “Oo naman. Malakas na tao ‘yang lola mo. Sigurado ako, sa susunod na linggo, tatayo na ulit iyan at manonood ng telebisyon. Magagalit pa iyan kapag may mga episodes siyang hindi napanood.”
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S
Masaya siya… Hindi, mas tamang sabihin na matagal niyang ipinagdasal na muli silang magkita at makasama nang matagal si Kenneth. Sa tuwing nagbabakasyon siya sa South Korea, palagi itong abala sa trabaho at pag-aaral nito. Halos hindi sila nagkikita, maliban na lang kung magpupuyat siya kakahintay sa binata. Night classes ang kinuha nito dahil halos gawin nang full time ni Kenneth ang trabaho nito. Gusto raw kasi nitong makaipon kaagad para sa pamilya nito – lalo na para sa Mama nito. Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang kagustuhan ng binata na makauwi na sa South Korea ang nanay nito. Sa kabilang banda, ayaw niyang maramdaman na napag-iiwanan siya kaya kung ano-anong online courses para madagdagan ang kaalaman niya. Gusto sana niyang maging businesswoman, iyon ang orihinal niyang pangarap dahil gusto niyang yumaman. Pero noong minsan na mag-isa siya sa kaniyang silid, nakita na lang niya ang kanyang sarili na nagtitipa ng mga letra sa laptop niya. Humahabi ng maikling