Hinaplos ni Seojun ang pisngi ng kaniyang ina. Maputla ang mukha nito at mukhang nahihirapang huminga kaya sinubukan niyang hawakan ito. Samu’t saring emosyon ang lumulukob sa kaniyang puso pero kung may nangingibabaw man, iyon ang panghihinayang. Kung nag-focus na lang sana siya noon sa pag-aaral, hindi siya nahumaling sa konsepto ng pag-ibig, hindi siya magkakaroon ng anak pagtuntong ng bente anyos. Kung nakatapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo, kahit dalawang taon siyang mawala sa piling ng mga ito dahil sa military service, alam niyang may magandang kinabukasan na maghihintay sa kaniya paglabas. “Appa… Magiging okay lang si lola, ‘di ba?” tanong ni Eclaire habang nakahawak sa kamay ng taong tumayong ina nito. Masuyo siyang ngumiti, kahit nangingilid na ang kaniyang mga luha. “Oo naman. Malakas na tao ‘yang lola mo. Sigurado ako, sa susunod na linggo, tatayo na ulit iyan at manonood ng telebisyon. Magagalit pa iyan kapag may mga episodes siyang hindi napanood.”
Halos hinahawi nila ang mga taong nakakasalubong nila bago sila makarating sa mismong silid ng kaniyang lola. Hawak-hawak ni Eclaire si Marion dahil humihingal na ito, pero ang lahat ng kanilang mga mata ay nakatingin sa loob ng silid na iyon. Nakadapa na sa mismong kama si Ms.Kim, hindi ito humihinto sa pagsasagawa ng CPR sa pasyente. Ilang sandali pa, dumating na ang aparato na hinihintay nila, kasabay ng doktor. “Halmeoni… (Grandmother)” bulong niya. “Anong nangyayari? Okay pa naman siya bago tayo umalis, ‘di ba? Bakit ganito?” Hinawakan ni Marion ang kaniyang ulo, masuyong hinahagod ang kaniyang buhok. “Ginagawa ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila…” “Hanggang… Dito na lang ba talaga? Hindi ko man lang siya nakausap nang maayos kanina. Hindi pwede…” Naikuyom ni Seojun ang kamao nito at halos masuntok ang pader dahil sa inis. “Kailangang mabuhay ang nanay ko!” Ilang beses nang ginamit ang defibrillator pero hindi tumitigil ang matinis na tunog mula
Naiwan sa ere ang dapat na isusubo ni Eclaire na egg roll at napatingin sa binatilyong bigla na lang umupo sa katapat ng upuan niya. Naka-krus pa ang mga kamay nito na nakatapat sa dibdib nito habang pinapanood ang kaniyang kilos. Napairap siya nang ma-realize na si Kenneth lang pala iyon kaya sinubo niya nang buo ang egg roll kaysa sumagot sa tanong nito. “You didn’t told me your answer yesterday, so I have to ask you again –” “I’m not interested.” Kinuha niya ang kutsara para tumikim ng kimchi stew. Napangiti pa siya dahil tama lang ang anghang at alat nito para sa panlasa niya. “Bakit? Anong mayro’n?” bulong ni Hae won. Sumubo pa ito ng kanin na para bang nag-e-enjoy sa pagkain nito habang nakatingin sa bwisita nila na nandoon lang naman talaga para guluhin ang matiwasay nilang pananghalian. “My Uncle really wants to hire you as a co-model for the brand. If you want, you can just accept this offer, get paid, and move on. I won’t bother you anymore beca
Kahit gaano kaabala ang schedule ni Marion, palagi pa rin niyang sinisiguro na kumakain siya sa tamang oras, nakakainom siya ng tubig, at nakakapag-ehersisyo. Bukod sa iyon ang gusto ng doktor, nagsusumikap siyang maging malusog para naman hindi magkaroon ng problema o komplikasyon ang buong pagbubuntis niya. Sa umaga, nakakaramdam aiya ng hilo, at paminsan-minsang pagsusuka pero pinipilit niya ring bumangon. Isang buwan na lang kasi at matatapos na ang resort and hotel na pinapayari niya nang mabilis. “Sakto sa simula ng spring ang pagbubukas ng resort. Siguradong maraming pupunta,” paninigurado ni Seojun. Galing silang dalawa sa isang meeting kasama si Andrew. “Dapat lang… Malaki na ang ginastos ko para sa project na ito.” Inayos pa niya ang bonnet sa kaniyang bago lumabas. Medyo malakas pa rin ang malamig na hangin sa gabi dahil hindi pa rin natatapos ang winter season. Kinuha ni Seojun sa back seat ang roasted chicken na binili nila bago umuwi. Hindi sila m
Hindi kaagad nakakibo si Marion sa kaniyang narinig. Sa unang pagkakataon, tinawag siyang ‘eomma’ o ‘mother’ ni Eclaire. Noon pa man, alam niyang magaan ang loob nito sa kaniya pero hindi niya naisip na dadating sila sa punto na bubuksan nito ang puso para sa kaniya. Para siyang hinehele sa alapaap at napayakap na lang sa dalagita. Walang salita ang pumapasok sa utak niya para ihambing ang kaniyang nararamdaman. “Tutal, tapos na tayong kumain… Bakit hindi tayo manood muna ng pelikula? Bonding lang nating tatlo bago matulog,” suhestiyon ni Seojun. “Gusto ko iyan… Saka simula bukas, sasabihin ko kay Andrew na hindi ako papayag na hindi ako uuwi ng alas-singko ng hapon. Ang dami na naming korean drama na napalagpas ni Eclaire. Hindi na kami updated sa mga bago.” Hindi siya ganoon kagaling sa pag-aaral ng bagong lenggwahe kaya ginagamit niya ang mga drama para matuto ng korean. “Sige po! Game po ako riyan,” segunda ni Eclaire. “Sandali… Alam kong busog na kay
Bago matapos ang araw na iyon, tatlong business cards ang napasakamay ni Seojun. Karamihan sa mga iyon ay nagtatanong kung may interes siya sa pag-aartista o pagmomodelo. Sa tuwing may nagtatanong, hindi makapaniwala ang mga ito na may anak na siya na kasing laki ni Eclaire. Pero… Noon pa man, wala siyang interes sa film industry. Malayong-malayo iyon sa totoong pangarap niya… “Appa… Anong balak niyong gawin sa mga iyan?” tanong ni Eclaire habang nakatingin sa hawak niya. “Itatapon ko ito mamaya kapag nakauwi na tayo. Nakakahiya lang gawin ngayon dahil nakikita nila,” pag-amin niya. Napapakamot si Marion sa pisngi nito at pasimpleng napapatingin din sa kaniyang kamay. “Ikaw? Wala ka bang balak na maging model din? Kita mo nga… Maraming offer sa iyo.” Ngumiti lang siya at marahan na umiling. “Hindi… Hirap kami sa pera noon kaya muntik na kong pumayag. Pero… Hindi naman talaga kasi iyon ang pangarap ko noon.” “A… Bakit? Ano bang gusto mo? I mean… Anon
April 16, 2022. Araw ng sabado. Iyon din ang araw kung saan binuksan ang Sachi Hotel and Resort sa sampung bisita na naimbitihan doon. Ang kalahati sa mga iyon ay mga dayuhan na nanggaling pa sa ibang bansa at pumunta lamang sa South Korea para pumunta sa event ng Zafora kung saan naging highlight ang pagkakaroon ng VIP pass sa kanilang hotel. Ipinakilala si Seojun Song bilang may-ari at CEO ng Sachi Hotel. Nasa background lamang si Marion, tahimik na nakatingin sa asawa habang nagbibigay ng maiksing speech sa salitang ingles. Nakaupo sina Eclaire at Hae won sa tabi nito, abala habang pumapalakpak, kasama ang mga bisita. Nang matapos ang talumpati, itinaas ni Seojun ang hawak nitong kopita at nagsimula ng isang toast para sa matagumpay na opening ng kanilang negosyo. “Whoa… Hindi ako makapaniwala… Si Appa ba talaga iyon?” bulong ni Eclaire. “Gulat ka, ‘no? Magaling na ang Daddy mo ngayon na magsalita ng wikang ingles. Hindi pa nga lang niya masyadong naiintindi
Hindi siya pinansin ni Hae won na halatang nag-e-enjoy sa paglalaro. Sa kanilang magkakaibigan, ito naman talaga ang mahilig sa sports. Siya naman ‘yong tipong masaya na sa pagbabasa ng libro sa sulok. Medyo chubby lang talaga ang katawan nito dahil hindi ito mabilis pagpawisan kahit active itong nilalang. Noon pa nito gustong maglaro ng tennis pero hindi nito magawa sa kanilang eskwelahan dahil palaging nakatambay roon ang mga tennis players. “O! Eclaire, buhay ka pa ba?” biro pa ni Hae won. “Manahimik ka! Kapag nanalo ako ng isang set, kailangan mo kong ilibre ng miryenda pagbalik natin sa school bukas!” Hinihingal na siya sa pagod pero pilit pa rin siyang nagpo-focus. Second set na. Sa awa ng Diyos, hindi pa rin siya nananalo kahit isang game. Fifteen-love ang score nila at si Hae won pa ang magsi-serve ng bola. “Sige ba… Basta kapag nanalo ako, ikaw ang gagawa ng english essay ko, okay?” “Oo na… Bilisan mo na!” Hinawakan niya nang mahigpit ang racket
Nawalan na ng lakas si Marion magreklamo nang bigla siyang makatulog. Hindi niya akalain na mararanasan niyang makainom ng tubig na may halong pampatulog kahit bottled water ang ibinigay sa kaniya. Sa pelikula lang kasi niya nakikita ang mga ganoon, ginagamitan ng injection ang takip nito para mapasukan ng gamot nang hindi mapapansin ng biktima. Nang magising siya, nakasakay na siya sa eroplano at may dalawampung minuto na lang bago bumaba ng Macau. Medyo groge pa siya pero pinilit niyang bumangon. Kung hindi dahil sa announcement ng piloto, hindi pa siya magigising. Pumunta siya sa banyo na naroon sa malapit at sinubukang mag-shower para tuluyang mawala ang kaniyang antok. “Ang walang hiyang Romeo na iyon… Isusumbong ko talaga siya sa Daddy ko!” asik ni Marion. Kung tutuusin, dapat siyang magpasalamat sa ginawa nito dahil iyon lang ang paraan para mapakalma niya ang kaniyang sarili noong mga oras na iyon. Dahil kung mauuna ang init ng ulo niya, baka tuluyang m
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa hanggang sa bahagyang humagikhik si Romeo mula sa kabilang linya. Masigla ang naging halakhak nito ngunit kaagad din itong tumigil at pilit na pinakalma ang sarili. “Miss Marion, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon pero… Hindi ko matatanggap kung ngayon ka pa mawawalan ng tiwala sa ‘kin –” “Shut up. Hindi ka magaling magsinungaling. Nahuli na kita…” Marahas na nagbuga ng hangin si Marion. “Iniisip ko noon na samin ng Daddy ko, ako talaga ang may tama sa utak. Pero ngayon… I changed my mind. Siya lang ang kilala ko na kayang sumugal nang ganito para lang makuha ang gusto niya.” “Miss Marion, alam mo –” “Gusto kong magtiwala sa mga plano niyo ni Daddy pero… Hindi niyo naman maiaalis sakin na matakot ako, ‘di ba? You’re practically saying na isugal ko ang buhay naming mag-ina rito.” Namumuo na ang patak ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinipilit niyang maging malakas. Pero sa bawat segundo na tum
“A-Anong sinasabi mo bata? Wala kong alam diyan.” Naging malikot ang mga mata ni Berto, halatang may itinatago ito. “Huwag mo nang alamin. Gawin mo na lang ang gusto ng boss namin para makuha na namin ang pera. Ayaw mo bang matapos na kaagad ang lahat ng ito para makauwi ka sa inyo?” Lumapit si Abel sa upuan ni EJ at tumayo ito sa likuran. “Berto, bilisan mo na!” “Oo na… Oo na… Ito na nga…” Nagmamadaling lumapit si Berto sa camera at simpleng pinindot ang ilang button. “Ayan! Okay na!” Muling tiningnan ni EJ ang papel bago tumingin sa lente ng camera. “Mom… Dad…” panimula niya. “Nanghihingi sila ng five hundred million pesos kapalit ko…” Kumunot ang noo ni Abel. “Basahin mo na lang kasi –” “Kaso Eomma… May mali ka sa parteng ito. May pangatlong version ang kwento. Mukhang mahihirapan ka sa pagkakataong ito.” “T-teka! Ano bang sinasabi mo? Sundin mo lang ang nakasulat sa papel! Ano ba!” Napakamot si Berto sa ulo nito. “Ang tigas talaga ng ulo m
Nang maramdaman ni EJ na unti-unting bumabagal ang takbo ng bangka, bigla siyang naging alerto. Hindi pa rin siya gumagalaw o nagpumiglas man lang. Alam niyang sasayangin lang niya ang kaniyang lakas dahil nasisiguro niyang nasa kung saan sila at mas malaki ang tsansa niyang mabuhay kung susundin lang niya ang sinasabi ng mga ito. “Buhay pa ba ito? Bakit hindi man lang gumigising?” tanong ng isa sa mga lalaki. Lumapit ang isa pang lalaki sa puwesto ni EJ at itinapat ang daliri nito sa ilong niya. Nang mapansin nito ang kaniyang paghinga, walang kaabog-abog siya nitong binuhat sa balikat nito. “Tara na, kanina pa tayo hinihintay ni Boss.” “Ang weird naman ng batang iyan. Hindi man lang siya sumisigaw o umiiyak. Normal ba iyan?” Napailing-iling pa ang lalaki na payat ang katawan. “Akala ko kasi magwawala siya kaya binusalan ko na rin. Pero mukhang balewala lang sa kaniya ang nangyayari.” Ngumisi ang lalaking kalbo at balbas-sarado na bumubuhat kay EJ mula s
Mabilis na kinuha ni Marion ang bag na iyon. Binasa niya ang nakasulat sa memo pad. Nakasulat doon ang pangalan ng isang private hotel sa isang isla. Unti-unting kumurba ang ngiti mula sa kaniyang mga labi. “Salamat… Salamat dito sa note na iniwan mo sa tablet niya.” Ibinigay niya ang tablet kay Francis. “M-Miss Marion… Isa itong private island malapit sa Palawan.” Ibinaba ni Francis ang baril nito. “Anong balak niyo, Miss?” “Anong pangalan mo?” tanong ni Marion sa lalaking hostage nila noong mga oras na iyon. “Nag-iwan ng mensahe si EJ pero kami lang ang makakabasa no’n dahil sinanay namin siya na matuto ng Hangul (South Korean alphabet). Kaya alam kong ikaw ang nag-iwan ng note sa tablet na nakasulat sa ingles.” Awtomatikong napatingin si Francis sa estranghero. Magaling kasi itong umarte na parang wala sa sarili. Bahagya pa itong nagta-tantrums para magmukhang makatotohanan na hindi talaga ito ganoon katalino. Kinabahan si Francis kaya muli nitong tinutukan
Hindi nakapagsalita ang mga kausap ni Marion dahil sa pagkabigla. Nakatitig lang ang mga ito sa kaniya, halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Kahit ituring ng mga ito na isang biro ang mga salitang binitawan niya, hindi iyon nakakatawa. May kapangyarihan pa rin ang mga ito, lalo na sa mga lugar na sinasakupan ng mga ito. “Excuse me… Miss Viray,” si Mayor Enriquez ang unang nakabawi. “Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang anak ng negosyante dito –” “Well, kung napapansin niyo, wala ako sa mood para makipagplastikan at i-filter ang mga sinasabi ko kaya didiretsahin ko na kayo… Maam/Sir.” Pilit na ngumiti si Marion. “Dahil sa hindi niyo pagsunod sa protocol ng security namin, nagkaroon ng isang insidente… Na sisiguruhin ko sa inyong magiging dahilan ng pagbagsak ng karera niyo sa pulitika kung hindi kayo makikipag-cooperate sakin.” “T-teka, Miss Marion. Narinig mo naman na siguro ang mga balita, di ba? Kailangan ko ng bodyguard na palaging kasama
“A-Ano?” Biglang bumalikwas ang mag-asawa nang marinig ang anak. Si Seojun ang unang tumayo at tinulungan si Marion na makabangon pero hindi nito tinanggal ang tingin kay Eclaire. “Paanong wala? Wala ba siya sa kwarto namin?” “Baka naman nasa banyo lang ang kapatid mo, o baka may hihiramin sa mga gamit mo kaya pumasok sa kwarto mo. Wala namang ibang pupuntahan iyon. At lalong hindi lalabas si EJ nang hindi kasama ang isa satin, alam mo naman na ayaw niyang nakikisalamuha sa ibang tao.” Nanginginig ang mga tuhod ni Marion. Hindi niya alam kung dahil iyon sa biglang pagtayo o dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman. Napakamot si Eclaire sa buhok nito. “Mom! Dad! Hindi naman ako magsisisigaw dito kung nandiyan lang siya sa loob. Natural, tiningnan ko na ang banyo at lahat ng kwarto sa suite na ito pero wala siya. Bukod pa ro’n…” Tila may naalala ang dalaga at nagtatakbo papasok sa loob. Nagmamadaling sumunod sina Seojun at Marion. Dumiretso sila sa kuwar
“Salamat, hon. Mag-ingat kayo ni Ethan sa byahe… Ako na muna ang bahala rito.” Pinasadahan ni Marion ng mabilis na halik sa pisngi ang asawa. Iyon ang pinaka-gusto niya rito. Palagi itong rational mag-isip at tinitingnan ang mga bagay sa mas malawak na perspektibo. Pagkatapos ng mga laboratory tests na ginawa kay Peterson, dinala na ito sa VIP Suite ng ospital. Kailangan na lang nilang malaman ang sanhi ng pagsakit ng tiyan ng Daddy niya. Pero sa mga oras na iyon, nabigyan na ng pain reliever medicine si Peterson kaya kumalma na ito at nagsimulang makaramdam ng antok. “Bakit gising ka pa, Dad? Matulog ka na para bumalik ang lakas mo… Siguradong malalaman din natin ang laboratory results mo mamayang madaling araw,” untag ni Marion sa ama. Halata namang groge na ito sa gamot pero pilit pa rin nitong hinawakan ang manggas ng damit niya. “H-huwag mong hayaan na malaman ito ng iba, anak…” “I know, Dad. Huwag kang mag-alala. Nagpagawa na ko ng Non-Disclosure Agreement sa abogado natin. S
Masaya siya… Hindi, mas tamang sabihin na matagal niyang ipinagdasal na muli silang magkita at makasama nang matagal si Kenneth. Sa tuwing nagbabakasyon siya sa South Korea, palagi itong abala sa trabaho at pag-aaral nito. Halos hindi sila nagkikita, maliban na lang kung magpupuyat siya kakahintay sa binata. Night classes ang kinuha nito dahil halos gawin nang full time ni Kenneth ang trabaho nito. Gusto raw kasi nitong makaipon kaagad para sa pamilya nito – lalo na para sa Mama nito. Pagkatapos ng tatlong taon, nangyari ang kagustuhan ng binata na makauwi na sa South Korea ang nanay nito. Sa kabilang banda, ayaw niyang maramdaman na napag-iiwanan siya kaya kung ano-anong online courses para madagdagan ang kaalaman niya. Gusto sana niyang maging businesswoman, iyon ang orihinal niyang pangarap dahil gusto niyang yumaman. Pero noong minsan na mag-isa siya sa kaniyang silid, nakita na lang niya ang kanyang sarili na nagtitipa ng mga letra sa laptop niya. Humahabi ng maikling