Hello! Humaba na 'yong kuwento nang hindi ko ini-expect. Medyo bibilisan ko na po ang pacing ng story para matapos ko na ito kaagad. Happy reading!
Mahigit isang buwan na ang pagbubuntis ni Marion kaya nararamdaman na niya ang pagbabago, lalo na sa panlasa niya. Hindi na niya masyadong gusto ang mga putahe na masyadong maanghang o maalat. Biglang nawala ‘yong halos araw-araw siyang humahanap noon ng softdrinks at kahit na anong sugary drinks. Ayos na sa kaniya ang room temperature na tubig. Madali na rin siyang makaramdam ng lamig kaya tuwang-tuwa siya dahil unti-unti nang nagbabago ang panahon. Naging sensitive siya sa amoy kaya hindi na siya pwedeng pumunta sa palengke o grocery dahil palagi siyang nasusuka sa kahit na anong amoy na hindi pamilyar sa kaniya. “Ugh… Hello, back pain, my old friend…” ramdam niya ang pagsakit ng kaniyang likod at tagiliran kapag masyado siyang matagal na nakatayo o nakaupo. Sa dami ng paperworks dahil sa bago niyang negosyo, hindi na niya nabalikan ‘yong manuscript niya. Kinukulit siya ng editor niya kaya pinag-iisipan niyang huminto na muna at idahilan ang mood swings niya dahil sa pag
Hinaplos ni Seojun ang pisngi ng kaniyang ina. Maputla ang mukha nito at mukhang nahihirapang huminga kaya sinubukan niyang hawakan ito. Samu’t saring emosyon ang lumulukob sa kaniyang puso pero kung may nangingibabaw man, iyon ang panghihinayang. Kung nag-focus na lang sana siya noon sa pag-aaral, hindi siya nahumaling sa konsepto ng pag-ibig, hindi siya magkakaroon ng anak pagtuntong ng bente anyos. Kung nakatapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo, kahit dalawang taon siyang mawala sa piling ng mga ito dahil sa military service, alam niyang may magandang kinabukasan na maghihintay sa kaniya paglabas. “Appa… Magiging okay lang si lola, ‘di ba?” tanong ni Eclaire habang nakahawak sa kamay ng taong tumayong ina nito. Masuyo siyang ngumiti, kahit nangingilid na ang kaniyang mga luha. “Oo naman. Malakas na tao ‘yang lola mo. Sigurado ako, sa susunod na linggo, tatayo na ulit iyan at manonood ng telebisyon. Magagalit pa iyan kapag may mga episodes siyang hindi napanood.”
Halos hinahawi nila ang mga taong nakakasalubong nila bago sila makarating sa mismong silid ng kaniyang lola. Hawak-hawak ni Eclaire si Marion dahil humihingal na ito, pero ang lahat ng kanilang mga mata ay nakatingin sa loob ng silid na iyon. Nakadapa na sa mismong kama si Ms.Kim, hindi ito humihinto sa pagsasagawa ng CPR sa pasyente. Ilang sandali pa, dumating na ang aparato na hinihintay nila, kasabay ng doktor. “Halmeoni… (Grandmother)” bulong niya. “Anong nangyayari? Okay pa naman siya bago tayo umalis, ‘di ba? Bakit ganito?” Hinawakan ni Marion ang kaniyang ulo, masuyong hinahagod ang kaniyang buhok. “Ginagawa ng mga doktor ang lahat ng makakaya nila…” “Hanggang… Dito na lang ba talaga? Hindi ko man lang siya nakausap nang maayos kanina. Hindi pwede…” Naikuyom ni Seojun ang kamao nito at halos masuntok ang pader dahil sa inis. “Kailangang mabuhay ang nanay ko!” Ilang beses nang ginamit ang defibrillator pero hindi tumitigil ang matinis na tunog mula
Naiwan sa ere ang dapat na isusubo ni Eclaire na egg roll at napatingin sa binatilyong bigla na lang umupo sa katapat ng upuan niya. Naka-krus pa ang mga kamay nito na nakatapat sa dibdib nito habang pinapanood ang kaniyang kilos. Napairap siya nang ma-realize na si Kenneth lang pala iyon kaya sinubo niya nang buo ang egg roll kaysa sumagot sa tanong nito. “You didn’t told me your answer yesterday, so I have to ask you again –” “I’m not interested.” Kinuha niya ang kutsara para tumikim ng kimchi stew. Napangiti pa siya dahil tama lang ang anghang at alat nito para sa panlasa niya. “Bakit? Anong mayro’n?” bulong ni Hae won. Sumubo pa ito ng kanin na para bang nag-e-enjoy sa pagkain nito habang nakatingin sa bwisita nila na nandoon lang naman talaga para guluhin ang matiwasay nilang pananghalian. “My Uncle really wants to hire you as a co-model for the brand. If you want, you can just accept this offer, get paid, and move on. I won’t bother you anymore beca
Kahit gaano kaabala ang schedule ni Marion, palagi pa rin niyang sinisiguro na kumakain siya sa tamang oras, nakakainom siya ng tubig, at nakakapag-ehersisyo. Bukod sa iyon ang gusto ng doktor, nagsusumikap siyang maging malusog para naman hindi magkaroon ng problema o komplikasyon ang buong pagbubuntis niya. Sa umaga, nakakaramdam aiya ng hilo, at paminsan-minsang pagsusuka pero pinipilit niya ring bumangon. Isang buwan na lang kasi at matatapos na ang resort and hotel na pinapayari niya nang mabilis. “Sakto sa simula ng spring ang pagbubukas ng resort. Siguradong maraming pupunta,” paninigurado ni Seojun. Galing silang dalawa sa isang meeting kasama si Andrew. “Dapat lang… Malaki na ang ginastos ko para sa project na ito.” Inayos pa niya ang bonnet sa kaniyang bago lumabas. Medyo malakas pa rin ang malamig na hangin sa gabi dahil hindi pa rin natatapos ang winter season. Kinuha ni Seojun sa back seat ang roasted chicken na binili nila bago umuwi. Hindi sila m
Hindi kaagad nakakibo si Marion sa kaniyang narinig. Sa unang pagkakataon, tinawag siyang ‘eomma’ o ‘mother’ ni Eclaire. Noon pa man, alam niyang magaan ang loob nito sa kaniya pero hindi niya naisip na dadating sila sa punto na bubuksan nito ang puso para sa kaniya. Para siyang hinehele sa alapaap at napayakap na lang sa dalagita. Walang salita ang pumapasok sa utak niya para ihambing ang kaniyang nararamdaman. “Tutal, tapos na tayong kumain… Bakit hindi tayo manood muna ng pelikula? Bonding lang nating tatlo bago matulog,” suhestiyon ni Seojun. “Gusto ko iyan… Saka simula bukas, sasabihin ko kay Andrew na hindi ako papayag na hindi ako uuwi ng alas-singko ng hapon. Ang dami na naming korean drama na napalagpas ni Eclaire. Hindi na kami updated sa mga bago.” Hindi siya ganoon kagaling sa pag-aaral ng bagong lenggwahe kaya ginagamit niya ang mga drama para matuto ng korean. “Sige po! Game po ako riyan,” segunda ni Eclaire. “Sandali… Alam kong busog na kay
Bago matapos ang araw na iyon, tatlong business cards ang napasakamay ni Seojun. Karamihan sa mga iyon ay nagtatanong kung may interes siya sa pag-aartista o pagmomodelo. Sa tuwing may nagtatanong, hindi makapaniwala ang mga ito na may anak na siya na kasing laki ni Eclaire. Pero… Noon pa man, wala siyang interes sa film industry. Malayong-malayo iyon sa totoong pangarap niya… “Appa… Anong balak niyong gawin sa mga iyan?” tanong ni Eclaire habang nakatingin sa hawak niya. “Itatapon ko ito mamaya kapag nakauwi na tayo. Nakakahiya lang gawin ngayon dahil nakikita nila,” pag-amin niya. Napapakamot si Marion sa pisngi nito at pasimpleng napapatingin din sa kaniyang kamay. “Ikaw? Wala ka bang balak na maging model din? Kita mo nga… Maraming offer sa iyo.” Ngumiti lang siya at marahan na umiling. “Hindi… Hirap kami sa pera noon kaya muntik na kong pumayag. Pero… Hindi naman talaga kasi iyon ang pangarap ko noon.” “A… Bakit? Ano bang gusto mo? I mean… Anon
April 16, 2022. Araw ng sabado. Iyon din ang araw kung saan binuksan ang Sachi Hotel and Resort sa sampung bisita na naimbitihan doon. Ang kalahati sa mga iyon ay mga dayuhan na nanggaling pa sa ibang bansa at pumunta lamang sa South Korea para pumunta sa event ng Zafora kung saan naging highlight ang pagkakaroon ng VIP pass sa kanilang hotel. Ipinakilala si Seojun Song bilang may-ari at CEO ng Sachi Hotel. Nasa background lamang si Marion, tahimik na nakatingin sa asawa habang nagbibigay ng maiksing speech sa salitang ingles. Nakaupo sina Eclaire at Hae won sa tabi nito, abala habang pumapalakpak, kasama ang mga bisita. Nang matapos ang talumpati, itinaas ni Seojun ang hawak nitong kopita at nagsimula ng isang toast para sa matagumpay na opening ng kanilang negosyo. “Whoa… Hindi ako makapaniwala… Si Appa ba talaga iyon?” bulong ni Eclaire. “Gulat ka, ‘no? Magaling na ang Daddy mo ngayon na magsalita ng wikang ingles. Hindi pa nga lang niya masyadong naiintindi