Good evening po. Stay tuned for more updates 🤍 Medyo naging busy lang kanina.
Celeste’s POV Makalipas ang tatlong araw, nagpunta ang mga magulang ko sa penthouse bitbit si Caleigh, ang walong buwang anak namin ni Chester. Agad akong napaluha sa sobrang saya nang makita ko ulit ang anak ko. Tatlong araw na kaming magkahiwalay, at kahit araw-araw akong nakikipag-video call sa kaniya, iba pa rin ang pakiramdam ng mayayakap at mahahalikan ko siya nang personal. Agad akong lumapit at maingat na kinuha si Caleigh mula sa bisig ni Mama. "Baby ko," mahina kong bulong habang hinahaplos ang maliit niyang mukha. Tuwang-tuwa rin si Chester. Halos hindi niya mabitawan ang anak namin. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinapanood siyang hawak-hawak si Caleigh na parang pinakamahalagang bagay sa mundo. "Ang bigat mo na, baby," natatawang sabi niya habang kinikiliti ang tiyan ni Caleigh, dahilan para matawa ito nang malakas. Para siyang batang nakakita ng paborito niyang laruan. "Ganyan talaga ‘pag tatlong buwan mong hindi nakikita ang anak mo," natatawang asar ni Pap
Celeste’s POV Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang mahinang pag-vibrate ng cellphone ni Chester sa tabi ko. Medyo madilim pa sa kwarto, at may iilang sinag lang ng araw ang pumapasok sa kurtina. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan sa screen—Reginald Villamor. Agad akong nakaramdam ng kaba. Mula nang nalaman nila na kinasal kami ni Chester, hindi kailanman naging maganda ang pakikitungo sa akin ng ama niya. Sa mata nito, isa lamang akong babaeng walang maipagmamalaki para sa isang Villamor. Sa tuwing maiisip ko kung paano niya ako minamaliit noon, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis at lungkot para kay Chester—na kailanman ay hindi niya nagawang mapaligaya sa paraan ng isang ama. Napalingon ako kay Chester nang mapansin kong nagmulat siya ng mata. Agad niyang kinuha ang cellphone mula sa kamay ko at tiningnan ang screen, pero imbes na sagutin ito, pinatay niya lang ang tawag. "That's your father," sabi ko, pinagmamasdan ang mukha niyang walang bahid ng emosyon
Chester's POV Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang aking mag-ina. Si Celeste, nakasandal sa sofa habang kinakantahan si Caleigh, na abala namang nilalaro ang munting daliri ng kaniyang ina. Sa bawat hagikhik ng aming anak, parang natutunaw ang puso ko sa labis na kasiyahan. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko na ulit sila. Wala nang hadlang. Wala nang kontrata. Kami na talaga, at ito na ang bagong simula namin. Habang hinahalo ko ang gatas na ipapatimpla ko kay Celeste, bigla kong naisip ang nalalapit na espesyal na araw. "Malapit na ang birthday ni Caleigh," sabi ko habang iniaabot sa kaniya ang baso. Napangiti si Celeste at inabot iyon. “She’s turning nine months old na. Wala pa siyang binyag.” Napalunok siya at tila may iniisip. “Balak ko sanang pagsabayin ang binyag at birthday niya. Mas makakatipid tayo.” Napakunot ang noo ko. “Puwede naman natin siyang pabinyagan anytime, Wifey. Hindi naman natin kailangang magtipid pagdating kay Cal
Chester’s POV Pagkauwi ko sa bahay, agad kong nadatnan si Celeste na nakaupo sa sofa habang karga si Caleigh. Marahan niyang hinahaplos ang buhok ng anak namin habang kinakantahan ito ng isang munting lullaby. Isang tanawin na dati ay pinapangarap ko lang, pero ngayon, sa kabila ng pagod at bigat na nararamdaman ko, hindi ko maiwasang madungisan ng alinlangan ang kasiyahang dapat ay nadarama ko. Bumuntong-hininga ako, pilit na pinipigilan ang sarili kong magalit nang hindi pa naririnig ang paliwanag niya. Ayaw kong magpadalus-dalos. Ayaw kong maniwala sa mga litratong nakita ko na kasama niya si Charles… sa iisang kama. Napansin niya ang presensya ko at agad na nagliwanag ang kaniyang mukha. "Chester, nakauwi ka na pala," masiglang bati niya habang palapit sa akin. Inilapag niya si Caleigh sa crib at agad akong niyakap. "May problema ba?" nag-aalalang tanong niya nang mapansing hindi ko siya niyakap pabalik. Huminga ako nang malalim at diretso siyang tinitigan. "Noong umalis ka, si
Chester's POV Marahan kong hinaplos ang hubo't hubad na katawan ni Celeste habang hinahalikan siya. Ang isang kamay ko ay naglalakbay sa likod niya pababa sa pribadong parte ng kaniyang katawan. Napaungol si Celeste nang kagatin ko ang leeg niya at nag-iwan ng kiss mark doon - palatandaan na akin lang siya at ako lang dapat ang aangkin sa kaniya. Hinayaan niya lang akong gawin ang mga kalibugang bagay na nasa isip ko dahil lang sa nagseselos ako sa kapatid ko. Hinawakan ko ang bagang niya habang patuloy na hinahalikan. Dahan-dahan kong hinahawakan ang maselang parte ng katawan niya hanggang sa marinig ko na naman ang paulit-ulit na pagmumura at pag-ungol ni Celeste na dala ng kakaibang sensasyong naipaparamdam ko sa kaniya. Ipinasok ko ang aking tatlong daliri sa loob ni Celeste habang patuloy siyang hinahalikan. Hinimas ko ang dalawang suso niya at sinipsip ang kaniyang u***g ng paulit-ulit. "Chester, si Caleigh umiiyak. Shit," saad niya bigla habang umuungol. "Oh...God, Che
Chester’s POV Padabog akong pumasok sa opisina ni Daddy, halos mabuwal ang pinto sa lakas ng pagkatulak ko rito. Ramdam ko ang galit na kumukulo sa dugo ko, habang ang dibdib ko ay mabilis na nag-akyat-baba dahil sa inis. Hindi ko na kinaya ang pananamantala at pagkokontrol sa akin ng sarili kong pamilya. Ngunit ang mas lalo pang nagpasama ng loob ko ay nang makita kong hindi lang si Daddy ang nasa loob ng opisina. Nandoon rin si Lourdes, nakaupo sa tabi niya na para bang siya ang reyna ng ospital na ito. Nakangiti siya, pero alam kong likas na kasinungalingan ang ngiting iyon—hindi ito pagpapakita ng mabuting loob kundi ng kasiyahan niyang nakakulong pa rin ako sa mundong itinakda nila para sa akin. Napahilot ako sa sentido, pilit pinapakalma ang sarili bago ako tuluyang sumabog sa galit. Pero hindi ko rin nagawa. "Pirmahan n’yo na ang resignation letter ko, dahil hindi na ako mananatili rito!" diretsong sabi ko, puno ng diin ang boses ko. Mabilis akong nilingon ni Daddy, pero hi
Celeste's POV Mabilis ang tibok ng puso ko habang pilit kong pinipigilan ang nanginginig kong mga daliri sa pag-click sa email icon sa screen ng laptop ko. Halos bumagal ang oras habang hinihintay kong mag-load ang inbox ko, na para bang ang sagot sa email na ito ang magiging hudyat ng panibagong kabanata ng buhay ko. Nang sa wakas ay lumitaw ang mensaheng may subject line na "Congratulations, Attorney Rockwell!", para akong napatigil sa paghinga. Dahan-dahan kong binuksan ang email, pilit pinoproseso ang bawat salitang nakasulat doon. "We are pleased to inform you that you have been selected for the position at our esteemed law firm..." Wala akong napansin na ibang linya. Paulit-ulit kong binasa ang unang pangungusap, at sa bawat ulit ay lalo akong napapatunayan na totoo ito—natanggap ako. Hindi ko na napigilan ang sigaw ng tuwa na agad bumalot sa buong kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinapakalma ang sarili sa sobrang excitement. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinaw
Celeste's POV Maaga akong umuwi ngayon dahil gusto kong surpresahin si Chester. Hindi pa niya alam na hired na ako sa law firm, at gustong-gusto ko siyang makita para ibalita iyon sa kanya. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko habang nagmamaneho pauwi. Pakiramdam ko, ito ang simula ng panibagong yugto ng buhay naming dalawa—pareho kaming muling nagkaroon ng oportunidad sa aming mga propesyon. Pagdating ko sa bahay, agad kong binuksan ang pinto at inikot ang aking paningin sa loob. Tahimik ang paligid maliban sa mahihinang ungol ng anak naming si Caleigh mula sa kanyang nursery room. Agad akong napangiti. Ngunit, sa halip na si Chester ang sumalubong sa akin, si Ate Sofia lamang ang nadatnan ko, abala sa pag-aalaga sa aming anak. "Ate Sofia, nakauwi na ba si Chester?" tanong ko habang tinatanggal ang blazer ko at inilagay iyon sa sandalan ng sofa. Umiling siya at bahagyang napatingin sa akin. "Hindi pa, Celeste. Wala pa rin siyang tawag o text kung anong oras siya m
Chester’s POVHalos hindi ko na maramdaman ang tibok ng puso ko sa sobrang takot at galit. Nanginginig ang buo kong katawan, parang sasabog ang ulo ko sa dami ng emosyon na nagsisiksikan sa dibdib ko. Para akong nakalutang sa gitna ng masamang panaginip na hindi ko matakasan, habang pinagmamasdan si Isabelle—nakahandusay sa malamig na sahig ng mansion, duguan ang kamay, hawak pa rin ang kutsilyo na muntik nang pumatay sa akin.She was trembling, but her eyes still burned with obsession. Para siyang isang nilikhang nilamon ng sarili niyang delusyon. Hindi ko na siya makilala.“Diyos ko…” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko habang hinahabol ko ang hininga. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot, sa pagod, o sa takot na mawalan ako ng isa pang mahal sa buhay ngayong gabi.Nanginginig ang mga daliri ko habang pinulot ko ang cellphone na tumilapon sa tiles nang mangyari ang kaguluhan. Nanlalamig ang pawis ko, bumabalot ang kaba sa buong katawan ko habang tinitingnan ko si Dad—nakah
Chester’s POVMadaling araw na nang magising ako. Tahimik ang buong ospital, tanging mahinang humuhuning aircon at ang marahang paghinga ni Caleigh ang nagsisilbing musika sa paligid. Nakaupo ako sa maliit na couch sa sulok ng silid, pilit na pinipikit ang mga mata ngunit nananatiling gising ang diwa ko. Ang dami pa ring gumugulo sa isip ko—ang kalagayan ni Caleigh, si Celeste, ang kinabukasan naming tatlo, at ang katotohanan na pilit kong hinuhukay mula sa nakaraan.Bigla kong naramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Mabilis akong napabangon, at nang makita ang pangalan sa screen, agad akong kinabahan.Si Daddy.Sinagot ko ang tawag at agad na sumalubong sa tenga ko ang nanginginig na tinig ng lalaking halos kalahati ng pagkatao ko."C-Chester, anak… tulongan mo ako…"Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Umangat ang balahibo ko sa braso. Hindi ko pa naririnig ang boses niya sa ganitong anyo—basag, paos, at puno ng takot."Dad? Nasaan ka? Anong nangyayari?" nangingini
Celeste’s POVNakahiga ako sa couch ng private room ni Caleigh habang binabasa ang bagong medical report na galing sa pedia. Kahit papaano, mas gumaan na ang pakiramdam ko. Bumabalik na ang sigla ng anak namin, at malapit na siyang i-discharge kung patuloy ang paggaling niya. Pero habang abala ako sa pagbabasa, bigla kong narinig ang mahinang tunog ng doorknob ng banyo. Napalingon ako, at sa isang iglap, para akong na-paralyze.Bumukas ang pintuan ng banyo, at tumambad sa akin si Chester—topless, basa pa ang buhok, at tanging puting tuwalya lamang ang nakapulupot sa baywang niya.Hindi ako agad nakagalaw.Tumulo ang tubig mula sa kanyang buhok, dumaan sa matigas niyang panga, sa leeg, at dumausdos pa hanggang sa matipuno niyang dibdib. Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya. Parang slow motion ang bawat hakbang niya palapit sa akin. Bawat patak ng tubig ay parang musika na nanunukso sa pandinig ko.Mabilis kong iniwas ang tingin nang magtama ang mga mata namin. Hindi ko maint
Celeste’s POVTahimik ang kwarto. Tanging mahina at regular na paghinga ni Caleigh ang bumabasag sa katahimikan. Nakaupo ako sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mag-ama—si Chester, at ang anak naming si Caleigh—na tila ba walang anuman ang bigat ng mga tanong na bumabalot sa pagitan naming dalawa.Dahan-dahan niyang hinihili ang buhok ni Caleigh, marahang inaayos ang nakalugay nitong bangs habang nakapikit ang bata. Napakaingat ng bawat galaw niya, tila ba isa siyang alagad ng sining at ang hawak niya ay ang pinakamahalagang obra.There was something undeniably heartbreaking about watching them like this. Something tender. Something so painful it almost made me want to look away. Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang hindi pagmasdan ang lalaking minsan kong kinamuhian, minahal, tinanggihan, at ngayon, hindi ko na alam kung anong posisyon niya sa puso ko.“Celeste,” mahina pero buo niyang tawag, hindi inaalis ang tingin sa anak namin. “Let’s take the test.”Agad akong natahimik. Para
Celeste's POV Nang tuluyang makaalis si Isabelle, agad akong kumawala mula sa pagkakayakap ni Chester. Para akong nakalunok ng apoy—umiinit ang dibdib ko sa galit, sa inis, at sa sobrang pagkalito. Hinawi ko ang kaniyang mga bisig na tila ba umaangkin pa rin sa katawan ko kahit pa malinaw na malinaw sa amin pareho kung gaano kasalimuot ang sitwasyon namin.Mabilis akong bumaba ng kotse at inayos ang gusot ng blouse ko habang nanginginig ang mga kamay ko—hindi sa lamig kundi sa emosyon na pilit kong pinipigil mula kanina. Pakiramdam ko ay nilapastangan ko ang sarili ko sa pagtugon sa halik na ‘yon. At kahit anong pilit kong iwasan ang katotohanan, ramdam ko pa rin ang apoy na iniwan ng mga labi niya sa balat ko.“Celeste, wait!” sigaw ni Chester mula sa loob ng sasakyan.Hindi ko siya nilingon. Humakbang ako papunta sa kotse ko, pero bago ko pa man mabuksan ang pinto, inabot niya ang braso ko mula sa likuran. Hinila niya ako paharap at doon ko siya hinarap—kasabay ng isang malutong na
Celeste's POV Mabigat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang pamilyar na pasilyo ng ospital na minsan kong itinuring na ligtas na lugar para sa anak ko. Pero ngayon, bawat sulok ay tila may bahid na ng panlilinlang at pagtataksil. Ipinagkatiwala ko kay Isabelle Montemayor ang buhay ng anak ko—ngunit ngayon, mas pinili kong kumilos kaysa palamunin ng galit at pagsisisi.“Ma’am, kayo po ulit?” tanong ng guard sa may lobby. Hindi ko na siya sinagot. I had no time for pleasantries. Diretso akong pumasok, wala na akong pakialam kahit pa sabihan akong bastos o mapagsabihan ng security. I was here for the truth. And if truth meant war, then so be it.Pagdating ko sa hallway ng pedia ward, doon ko sila nakita—magkasama. Si Chester, nakatayo sa tabi ni Isabelle, tila may pinagtatalunan. She was speaking animatedly, halos idampi ang kamay niya sa braso ni Chester habang may binubulong dito.Uminit ang dugo ko.Naramdaman kong muling umusbong ang galit at pait mula sa dibdib ko, parang asid
Celeste's POV Sa loob ng halos dalawang buwan na pananatili namin sa ospital, hindi pa rin ako nakaramdam ng kahit anong ginhawa—hindi bilang ina. Araw-araw ay para akong nilulumpo sa tuwing makikita ko ang anak kong si Caleigh na nakahiga sa puting kama ng silid na iyon, tila pinanghihinaan ng lakas habang ako naman ay unti-unting nauubusan ng pag-asa.Walang pagbabago. Walang malinaw na paliwanag. Walang katiyakan.Sa bawat araw na lumilipas, unti-unti kong nararamdaman ang malamig at mapanlinlang na presensya ni Dr. Isabelle Montemayor—ang babaeng alam kong hindi ko kayang pagkatiwalaan, hindi lamang dahil sa koneksyon niya kay Chester, kung 'di dahil sa pakiramdam kong... sinasadya niyang hindi gamutin ang anak ko.Hindi ko alam kung paranoia na lang ba ito dulot ng pagod at takot, o sadyang tama ang kutob ko bilang ina. Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin ngayon: hindi ko na kayang ipagsapalaran pa si Caleigh.Nakatitig ako sa bintana ng silid namin, hawak ang medical fold
Chester's POVHindi ko alam kung anong oras na. Ang alam ko lang, narito pa rin ako, nakaupo sa tabi ng kama ni Caleigh habang si Celeste ay tahimik na nakatitig sa anak namin. Hindi niya ako pinaalis. Wala siyang sinabi na manatili ako, pero hindi niya rin ako sinabihan na lumabas. At para sa akin, sapat na ang katahimikang ‘yon para manatili. Hindi ko kayang iwan ang anak ko, hindi sa ganitong kalagayan. Hindi ngayong unti-unti ko nang nararamdaman ang distansyang hindi lang emosyonal, kung 'di literal na ring bumabalot sa amin ni Celeste.Tahimik lang ang buong silid. Tanging ang mahinang tunog ng monitor at ang mahinhing paghinga ni Caleigh ang maririnig. Tahimik, pero punung-puno ng bigat. Pinagmasdan ko silang mag-ina. Si Caleigh, mahina pa pero maayos na ang lagay. Si Celeste, pagod, tila wala nang luha pero malinaw ang kirot sa mga mata niya. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihing ayos na ang lahat, na wala nang dapat ipag-alala, na kaya pa naming ayusin 'to. Pero sino b
Chester’s POVHindi ko na alam kung ilang beses kong binasa ang mensaheng ipinadala ng isang nurse mula sa ospital kung saan dinala si Caleigh. Persistent vomiting, signs of dehydration, possible congenital complications.Tumigil ang mundo ko. Para akong binasag ng malamig na salamin—nabiyak, nagkapira-piraso, at walang kahit anong paraan para ibalik sa dati.Hindi ko na pinigilan ang sarili kong tumawag sa ospital para kumpirmahin ang lagay ng anak ko. Pero bago pa man ako makaalis upang personal na bisitahin si Caleigh, dumating ang isang hindi inaasahang sagabal—si Isabelle Montemayor.Pumasok siya sa condo ko na parang may karapatan. Naka-black dress siya na sobrang fitting na parang sinadyang akitin ako. Pero wala akong panahon para sa gano’n. Hindi ngayon."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko, malamig at diretso.Tumikhim siya at ngumiti ng mapanukso. "I heard about your daughter. I suppose now isn't the best time, but we need to talk, Chester.""I don’t have time for your games,