This Chapter is dedicated to Ma Sofia. Hahaha nasa kwento na po kayo. 😂 Huwag kalimutan mag-iwan ng comments, gems, at i-rate ang libro po. Just leave a comment below kung gusto n'yo rin magpa-dedicate. Maraming salamat.
Celeste's POV Nasa loob ako ng korte, nakatayo sa harapan ng hukom, at kasalukuyang nakikipag-debate sa kabilang panig. Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat, puno ng tensyon at matinding pokus mula sa lahat ng naroroon. Mula sa mga abogadong nasa magkabilang panig, sa mga miyembro ng hurado, hanggang sa hukom na mapanuring nakatingin sa amin—lahat ay tila isang chess game kung saan bawat salita at kilos ay may estratehiya. "Your Honor, with all due respect, the opposing counsel is attempting to redirect this court's attention to irrelevant matters that do not hold any legal bearing on this case," mariing sabi ko, hindi inaalis ang titig ko kay Atty. Salazar, ang kalaban namin sa kasong ito. Siya ay isang beteranong abogado, kilalang mahusay sa pagsalita at pagpapaliko ng argumento upang ipabor sa kanyang kliyente. Ngunit hindi ako basta-basta matitinag. "Atty. Rockwell-Villamor, the defense is merely establishing a foundation that could significantly impact the credibility of the
Celeste's POV Matiyaga kong tinapos ang pagbasa ng mga kaso sa harapan ko. Mahalaga ang bawat detalye, kaya hindi ko maaaring balewalain ang anumang impormasyong maaaring magamit sa korte. Napakarami kong kailangang aralin, at gusto kong tiyakin na handa ako sa bawat hakbang ng proseso. Makalipas ang mahigit dalawang oras, napansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Nang makita kong si Ate Sofia iyon, agad akong sumagot. Siya ang nag-aalaga sa anak namin ni Chester, kaya anumang tawag mula sa kaniya ay hindi ko maaaring balewalain. "Celeste, ang taas ng lagnat ni Caleigh! Dinadala ko na siya sa ospital!" Napapanic ang boses ni Ate Sofia, at agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko'y bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. "Ano? Gaano kataas ang lagnat niya? Anong mga sintomas niya?" Sunod-sunod kong tanong habang kinakabahan. Hindi ko na nagawang ipunin ang mga papel sa harapan ko. Sa sobrang pagmamadali ay natabig ko pa ang ballpen ko sa mesa. "Nagsusuka s
Chester's POV Katatapos lang ng huling operasyon ko ngayong araw kaya agad kong hinubad ang aking surgical gloves at tinungo ang locker room. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako, ngunit nang makita ko ang cellphone ko at ang mahigit dalawampung missed calls ni Celeste, agad akong kinabahan. Hindi normal para sa kaniya ang ganito karaming tawag. Karaniwan ay isang beses lamang siya tatawag at kung hindi ko masasagot, magpapadala siya ng mensahe. Ngunit ngayon, wala ni isang text na kasama. Agad kong tinawagan ang numero niya. Nag-ring lamang ito, ngunit hindi niya sinasagot. Muling bumigat ang dibdib ko, lalo na nang makarinig ako ng pabulong na usapan sa hindi kalayuan. "Nakita mo ba kanina si Sir Reginald? Pinaalis niya ang asawa ni Dr. Chester," rinig kong sabi ng isa sa mga nurses. Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila. Ang dalawang nurses ay nakatalikod sa akin at patuloy sa pag-uusap, hindi namamalayang naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan. "May s
Chester's POV Nakahinga kami nang maluwag matapos asikasuhin ng mga doktor at nurse ng St. Jude. Pakiramdam ko ay para akong nakunan ng tinik sa puso habang pinagmamasdan ang aming anak na si Caleigh, na ngayon ay mahimbing nang natutulog matapos ang matinding lagnat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit papaano ay nasa ligtas na siyang kalagayan ngayon. Napatingin ako kay Celeste, nakaupo siya sa gilid ng kama ni Caleigh, hawak-hawak ang maliit na kamay ng aming anak. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha—ang lungkot, ang takot, at ang sakit na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na oras. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalagayan ni Caleigh, kundi dahil na rin sa ginawa ni Daddy sa kanila. Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang malamig at walang puso na boses ni Daddy noong sinabi niyang wala siyang pakialam kung mamatay ang sarili niyang apo. Paano niya nagawang itaboy ang sarili niyang dugo
Chester’s POV Hindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin. Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap. Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata. "Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa a
Chester’s POV Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala. Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo. Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko. Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa? Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohana
Chester’s POV Buong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito. “Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya. “Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa. Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat. “Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.” Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room.
Chester's POV Katatapos ko pa lang makipag-usap kay Isabelle, at pakiramdam ko ay napakabigat ng dibdib ko. Parang may nakaipit na bato sa gitna ng mga buto ko. Gusto ko na lang sanang umalis at makauwi. Gusto ko nang makita si Celeste—makita ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng pag-asa, kahit hindi niya alam ang unos na dumarating sa amin. Ngunit habang papasok na ako sa kotse ko, may narinig akong pamilyar na boses—isang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong. Agad akong napalingon. “Tulong... please! Ayoko na! Tama na!” Napakunot ang noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw. Hindi ako maaaring magkamali. Si Lourdes Sanchez iyon. Ang anak ng isang makapangyarihang politiko. Ang babaeng gusto ni Daddy na mapangasawa ko noon—para raw sa “kapakanan” ng pamilya at negosyo. Pero tinanggihan ko. Hindi ko kailanman minahal si Lourdes, at mas lalong hindi ko ginusto ang buhay na pinaplano para sa akin ng iba. Sa loob ng ilang segund
Tahimik akong kumakain sa harap ni Drako. Kaharap ko siya sa mahabang dining table, pero sa bawat kutsarang isubo ko, pakiramdam ko ay para akong nilulunok ng sarili kong katahimikan. Walang kasamang pagmamahal ang almusal na ito—tanging presensya lang naming dalawa, na tila may laylayan ng hindi maipaliwanag na tensyon.Gusto kong sirain ang katahimikan. Gusto kong sabihin sa kaniya na may pangarap pa rin ako, kahit pa gaano na niya akong ikulong sa mundong ginusto niyang likhain para sa akin. Kaya kahit nangangatal ang kamay ko, at tila may nakakulong na tinig sa lalamunan ko, naglakas-loob ako."Drako," mahina kong tawag habang pilit kong iniwas ang tingin sa malamig niyang mga mata. "I’ve been thinking... maybe I can go back to school."Hindi siya agad sumagot. Dinampot niya ang baso ng alak at dahan-dahang uminom, na para bang sinadya niyang patagalin ang katahimikan para lalong pasigawin ang kaba sa dibdib ko.“School?” ulit niya, may kasamang bahagyang ngiti sa sulok ng labi. “
Masakit ang bawat hibla ng katawan ko.Napapikit ako nang mariin habang sinusubukang igalaw ang mga binti ko. Para bang piniga ng paulit-ulit ang kalamnan ko buong magdamag—at hindi lang basta piga, kundi parang niyurakan din ng init at sarap. Pero higit sa lahat, ang pagkababae ko… para akong winasak.Napakagat ako sa labi habang marahang pilit na iniusog ang sarili sa kama, ngunit agad akong napatigil. Isang kirot na may kasamang kiliti ang sumalubong sa pagitan ng hita ko.Damn it, Drako.Napalingon ako sa kanan. Nandoon siya—nakaupo sa gilid ng kama, nakahubad ang pang-itaas, at may hawak na sigarilyo sa kamay. Bawat pagbuga niya ng usok ay tila may kasamang lungkot at bigat na hindi ko kayang basahin. Parang ibang tao na naman siya. Malamig. Malayo. Misteryoso.Wala na ang lalaking buong gabi akong nilamon ng halik at init.Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan, at tila ba hindi man lang alintana na gising na ako’t pinagmamasdan siya."You're awake," mahina niyang sambit
Mainit ang hininga ko. Hindi ko na alam kung alin sa dalawa ang mas nakakaapoy—ang epekto ng tsokolate o ang presensya niyang ngayon ay nakatayo sa harap ko, hubo’t hubad, habang ang mga mata niya ay tila apoy na nais lumamon sa buong pagkatao ko.Ramdam ko ang pagragasa ng panginginig sa katawan ko. Mula ulo hanggang talampakan, para akong sinisilaban sa ilalim ng balat. At ang mas nakakatakot—hindi ko gustong tumakas sa apoy na ‘yon.Napaangat ako sa kama nang maramdaman ang init ng daliri niyang muling gumapang sa pisngi ko, pababa sa baba, hanggang sa mga labi kong nanginginig pa. Ipinasok niya ang dalawang daliri niya sa bibig ko—hindi marahas, pero sapat para mapasunod ako.“Good girl,” aniya, paos at punong-puno ng mapang-akit na lambing ang tinig.Hindi ko alam kung anong klaseng babae na ako ngayon. Ilang oras pa lang ang nakakalipas, ako ‘yong babaeng umiwas sa init ng halik niya. Ngayon, ako na ang naghihintay, nag-aabang, nauuhaw sa susunod niyang galaw.Lumuhod siya sa ha
Mainit ang hininga niya sa leeg ko. Mabigat ang bawat paghaplos ng palad niyang humihimas sa balat ko—parang sinusubukan niyang basahin ang bawat lamat, bawat takot, bawat piraso ng pagkatao kong pilit kong itinago. Nang maramdaman kong unti-unti na niya akong sinasakop, para akong napako sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung paano huminga. Hindi ko alam kung paano tanggapin ang bagong sensasyon na dahan-dahang umuukit ng bagong kwento sa katawan ko. "Drako…" mahina kong tawag, halos pabulong. Nanginginig ang tinig ko. “I know,” bulong niya. “Just hold onto me, Caleigh.” Niyakap ko siya nang mahigpit. Napapikit ako, pinilit kong pigilan ang mga luha pero kusa silang bumagsak sa pisngi ko. Hindi ito masarap. Hindi ito gaya ng sinasabi sa mga libro, o sa mga pelikula. May kirot. May hapdi. Parang pinipilas ang sarili kong katahimikan. Naramdaman siguro ni Drako ang panginginig ng katawan ko kaya’t huminto siya. Hinawakan niya ang pisngi ko, tinignan ako sa mata. “Are you okay?” Umilin
Pagkasara ng pinto ng sasakyan, sabay ang paglagitik ng lock at pagbilis ng tibok ng puso ko. Wala pang isang segundo nang maramdaman ko ang marahas ngunit gutom na labi ni Drako na agad lumapat sa labi ko. Mainit. Mapang-angkin. Parang buong gabi siyang naghintay para sa sandaling ito—at ngayon, handa na siyang kunin ang matagal na niyang inaangkin. Hindi ako pumalag. Hindi dahil gusto ko. Hindi dahil inaasam ko rin ang halik na iyon. Kung hindi dahil alam kong wala rin naman akong magagawa. Kahit paulit-ulit ko mang sabihin sa sarili ko na may karapatan ako sa sariling katawan, sa piling ni Drako, ang lahat ng iyon ay nawawala. Para akong isang manikang iniupo sa kotse, bihis at maganda, pero walang sariling buhay. Hinayaan ko siya. Hinayaan ko ang halik niya, ang kamay niyang gumagapang sa tagiliran ko, ang init ng hininga niya sa leeg ko. Niyakap ko ang katotohanan—na ako ay asawa niya, at wala akong saysay na tumanggi. Ngunit sa gitna ng madilim na sasakyang iyon, sa pagit
Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Drako sa loob ng isang pribadong VIP lounge ng isang high-end restaurant sa Makati. Malamig ang simoy mula sa centralized aircon, ngunit hindi iyon sapat para payapain ang kaba sa dibdib ko. Tatlong araw pa lang mula nang ikasal kami—tatlong araw ng tahimik na pagkakabihag sa piling ng lalaking ito. At ngayon, kailangan ko na namang gumanap bilang “asawang masaya,” habang nakaharap ang mga business partners niya sa isang investment deal para sa bagong real estate project. Pinilit kong panatilihing maayos ang postura ko. Suot ko ang cream-colored bodycon dress na siya mismo ang pumili. Halos hindi ako makagalaw sa sobrang sikip nito, pero wala akong karapatang tumutol. "You look lovely today," malamig ngunit malalim ang boses ni Drako sa tabi ko. Napalingon ako sa kaniya. Wala akong sinagot. Sanay na akong hindi inaasahang makapagbigay ng opinyon. “Smile,” bulong niya habang nakatitig sa wine glass. “You're my wife now, remember? You represent me.”
Tahimik ang paligid nang ihatid ako ng mga alalay ni Drako sa isang silid na malapit sa maliit na chapel sa loob ng Valderama estate. Doon ako pinagbihis, nilagyan ng make-up, inayusan ng buhok—parang isang manikang nililok para sa palabas na ako rin mismo ay ayaw panoorin. Ang kasuotan ko ay gawa sa mamahaling tela, malambot sa balat pero mabigat sa dibdib. Bawat tahi, bawat detalye ng damit ay patunay kung gaano kayaman si Drako at kung gaano niya gustong ipakitang kontrolado niya ang lahat. “Are you ready, Ma’am?” tanong ng isang babae habang inaayos ang laylayan ng aking gown. Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin, at gaya ng dati, hindi ko pa rin maramdaman na ako iyon. Sa suot kong puting damit, para akong pinaghahandaan sa burol, hindi sa kasal. Tahimik akong lumabas ng silid. Dalawang guwardiya ang nag-abang sa labas, parang mga bantay sa bilangguan kaysa escort ng isang bride. Tahimik akong naglakad sa pasilyo, kasabay ng mahinang tunog ng violi
"Before anything else, let me remind you, Caleigh..." malamig na basag ni Drako sa katahimikan, "You already signed the contract. You agreed to marry me and live under my conditions the moment you walked out of that mental hospital." Napakapit ako sa gilid ng aking upuan. Hindi ako makatingin sa kaniya, pero ramdam kong sinusuri niya ang bawat galaw ko. Gusto kong magalit. Gusto kong sigawan siya. Pero walang lakas ang tinig ko. "So," patuloy niya, mas mariin ang boses, "Say it. Out loud. I want to hear your decision—right here, right now." Napalunok ako, pilit na nilunok ang buong pait na nararamdaman. Napatingin ako sa ina ko, umaasang babawiin niya ang lahat, na magsasabing, "Anak, hindi kita ibebenta." Pero nanatili siyang tahimik, ang mga mata'y nakatutok sa sahig na para bang ayaw akong tingnan sa mga oras na ito. Wala na akong maaasahan. Wala na akong matatakbuhan. Para sa ama kong nakakulong, para sa apelyido naming nilamon ng paratang, ito lang ang natitirang daan. "I'll
Dalawang linggo na ang lumipas simula nang ikandado ni Drako ang silid ko. Dalawang linggo ng paghihintay, ng pag-asa, ng pagtitiis. Sa bawat araw na dumaraan, unti-unti akong nauupos sa katahimikan ng mansiyon na ito. Walang kalayaan. Walang boses. Walang sinumang makikinig. Ang mga bintana ay may rehas, ang pinto ay palaging naka-lock, at ang paligid ay tila ba sinadyang maging kulungan ng mga lihim at kasinungalingan. Ngunit ngayong araw na ito, nilakasan ko na ang loob ko. Wala na akong ibang masusubukan kundi ang mga taong nasa paligid niya—ang mga kasambahay. Alam kong isa man lang sa kanila, baka… baka pakinggan ako. Nang marinig kong bumukas ang pinto para ihatid ang pagkain, agad akong tumayo. Pumasok ang isa sa mga bagong kasambahay, isang babaeng nasa mid-twenties. Hawak niya ang tray ng agahan ko. Napansin kong nanginginig ang kamay niya habang inilalapag ito sa mesa. "Please... can I borrow your phone?" mahina kong bulong, halos hindi marinig. Napalingon siya sa akin