Share

Chapter 141

Author: Deigratiamimi
last update Last Updated: 2025-04-05 12:32:26
Chester’s POV

Hindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin.

Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap.

Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata.

"Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa a
Deigratiamimi

Good afternoon po. Pasensya na kung ngayon lang may update. I'm not feeling well po.

| 5
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
Salamat pooo
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
get well soon Ms. author wag mo pababayaan ang kalusugan mo and2 lng kami mghihintay ng update mo if magaling ka na
goodnovel comment avatar
Deigratiamimi
thank you po
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 142

    Chester’s POV Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala. Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo. Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko. Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa? Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohana

    Last Updated : 2025-04-05
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 143

    Chester’s POV Buong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito. “Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya. “Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa. Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat. “Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.” Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room.

    Last Updated : 2025-04-05
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 144

    Chester's POV Katatapos ko pa lang makipag-usap kay Isabelle, at pakiramdam ko ay napakabigat ng dibdib ko. Parang may nakaipit na bato sa gitna ng mga buto ko. Gusto ko na lang sanang umalis at makauwi. Gusto ko nang makita si Celeste—makita ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng pag-asa, kahit hindi niya alam ang unos na dumarating sa amin. Ngunit habang papasok na ako sa kotse ko, may narinig akong pamilyar na boses—isang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong. Agad akong napalingon. “Tulong... please! Ayoko na! Tama na!” Napakunot ang noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw. Hindi ako maaaring magkamali. Si Lourdes Sanchez iyon. Ang anak ng isang makapangyarihang politiko. Ang babaeng gusto ni Daddy na mapangasawa ko noon—para raw sa “kapakanan” ng pamilya at negosyo. Pero tinanggihan ko. Hindi ko kailanman minahal si Lourdes, at mas lalong hindi ko ginusto ang buhay na pinaplano para sa akin ng iba. Sa loob ng ilang segund

    Last Updated : 2025-04-06
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 145

    Celeste’s POV Hindi ako makapaniwala sa inasal ni Chester. Nanatili akong nakatayo sa labas, nakatulala habang pinanonood siyang naglalakad papasok ng bahay, galit na galit, tila isang bombang sasabog anumang sandali. Mabilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga daliri ko sa kaba at pagkabigla. Hindi ko alam kung mas nasaktan ako sa biglaan niyang pagsugod sa kasama ko… o sa malamig at selosong tingin na ibinigay niya sa akin pagkatapos. Bakit parang hindi niya ako pinagkakatiwalaan? Mabilis akong nagpaalam sa kasama ko, humingi ng paumanhin, at dali-daling sumunod kay Chester sa loob. Ramdam ko pa rin ang bigat ng tingin ng mga kasambahay sa akin habang pinapanood nila akong pumasok. Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko siyang nakaupo sa sofa, nakasubsob ang ulo sa pagitan ng kanyang mga kamay, parang nilalamon ng sarili niyang emosyon. Tahimik ang buong paligid. Tanging ang mabigat niyang paghinga at ang tunog ng orasan sa dingding ang maririnig. Dahan-dahan ak

    Last Updated : 2025-04-06
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 146

    Celeste’s POV Maaga akong dumating sa law firm ngayon. Gusto kong maagang matapos ang mga nakatambak na kaso para makauwi rin agad. Ayoko nang palampasin pa ang pagkakataong ayusin namin ni Chester ang pagitan namin. Hindi ko pa rin malimutan ang nangyari kagabi—ang bigla niyang pagseselos, ang selos na nauwi sa isang marahas na suntok, at pagkatapos ay ang gabing nauwi sa isang mainit na p********k. Gulong-gulo pa rin ang isip ko. Papasok na sana ako sa loob ng building nang biglang bumungad si Atty. Dina Cayapan—isa sa mga una kong na-close na case lawyer dito sa firm. Maingay, palakaibigan, pero may pagka-tsismosa rin. "Atty. Celeste!" tawag niya habang nagmamadaling lumapit. "May chika ako, grabe!" Napakunot ang noo ko. Ano na naman ‘to? Ngunit kinuha ko rin ang cellphone na iniabot niya sa akin, dala na rin ng kuryosidad. "Ano 'yon?" tanong ko, at nang ibaling ko ang paningin ko sa screen ng phone niya, agad akong natigilan. Larawan iyon ni Chester kasama si Isabelle sa loo

    Last Updated : 2025-04-07
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 147

    Celeste’s POV Buong maghapon akong parang wala sa sarili. Sa bawat segundo, paulit-ulit lang ang tanong sa utak ko: Bakit hindi siya nagparamdam? Hindi ba niya ako naiisip man lang? Ilang beses kong tiningnan ang cellphone ko, umaasang may mensahe o kahit isang tawag galing kay Chester—pero wala. Ni isang notification mula sa kaniya ay hindi ko natanggap. Sinasabi ko sa sarili ko na baka busy lang siya. Na baka may inasikaso lang talaga siyang importante. Pero hanggang kailan ko ipagtatanggol ang asawa ko sa sarili kong isipan? Kung talagang importante ako sa kanya, hindi niya ako hahayaang maghintay ng wala. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa selos o sa pangamba, pero hindi ko maiwasang isipin si Lourdes. Nakita ko kanina kung paano siya inasikaso ni Chester. Kung paano siya inalalayan. Ganoon din ba ang ginagawa niya kapag ako ang nasasaktan? O si Lourdes na ba ang mas iniingatan niya ngayon? "Hey, may problema ba? Mukhang malalim ang iniisip mo," saad ni Joaquin, pilit inaagaw

    Last Updated : 2025-04-07
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 148

    Celeste’s POV Alas dos na ng madaling araw nang marating ko ang bahay. Pagkababa ko ng kotse, tahimik ang paligid at malamig ang simoy ng hangin—parang sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Inaantok at pagod na pagod ako, pero higit pa roon, mas nangingibabaw ang lungkot at pag-aalala. Pinagbuksan ako ni Ate Sofia ng pinto. Nakangiti siya sa akin, bitbit ang tasa ng mainit na gatas. “Uy, akala ko dito ka na sa office matutulog. Mabuti’t nakauwi ka rin,” sabi niya habang inaabot sa akin ang tasa. Napangiti ako nang bahagya. “Thanks, Ate.” Umupo ako sa couch habang siya naman ay tumabi sa akin. "Nakauwi na ba si Chester?" tanong ko, inaasahang maririnig ko ang boses niya sa itaas o makita siyang bumababa ng hagdan. Umiling si Ate Sofia. "Hindi pa. Akala ko nga ay sabay kayong uuwi mag-asawa." Nawala ang ngiti sa labi ko at napatingin ako sa pinto, na parang umaasang bumukas iyon at bigla siyang lilitaw. Pero wala. Muli kong naalala ang nakita ko kahapon—si Chester at si Lourde

    Last Updated : 2025-04-07
  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 149

    Celeste's POV Lumalim ang hinga ko habang tinititigan ko si Atty. Lourdes Sanchez na kasalukuyang nakatayo sa tapat ng coffee station sa labas ng courtroom. Dala niya ang kaniyang signature Louis Vuitton tote. She always dressed like she was attending a fashion week, not a legal battle. Ngunit higit pa sa panlabas na anyo ang tunay na dahilan kung bakit hindi ko siya kailanman kinampihan—she was ruthless, manipulative, and dangerously charming. Ako ang nauna sa korte ngayon. Dumiretso ako sa preparation room bitbit ang mga dokumento ng kaso, pero makalipas ang ilang minuto, nariyan na agad si Lourdes. At gaya ng dati, hindi siya papayag na hindi ako asarin. “Ang aga mo ngayon, Celeste,” simula niya, habang pa-casual na nagsasalin ng kape. “Baka sakaling mauna ka ring matalo?” Ngumiti ako ng matamis, pero may bahid ng asido. “Mas gusto ko kasing nauuna sa lahat. Unlike others na laging second choice.” Bigla siyang napahinto. Tumitig siya sa akin habang dahan-dahang nilapag ang tasa

    Last Updated : 2025-04-08

Latest chapter

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 158

    Celeste’s POVHabang naghihintay ng resulta sa kalagayan ni Caleigh, nahagip ng mata ko si Reginald Villamor na nakikipag-usap sa mga doktor at nurses. Nanliliksik ang mga mata ko nang nagtama ang paningin namin. Hindi naman kami sa Villamor Medical Hospital nagpunta, pero kahit dito ay nakikita ko pa rin siya. Nagkibit-balikat ako nang mapansing naglakad siya patungo sa direksiyon ko. "Ano ang kailangan mo? Papaalisin mo na naman ba kami kagaya ng ginawa mo dati?" sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Alam kong galit ka sa akin," saad niya."Galit?" Hindi ko mapigilang mapangisi. “‘Galit’ is an understatement, Mr. Villamor,” sagot ko, tinitigan ko siya. “You raped my mother. And I am the living proof of that crime.”Napalunok siya. Nanlabo ang mata niya sa paningin ko, pero wala akong pakialam. Gusto kong makita niya ang bawat piraso ng sakit sa mga mata ko.“I was young. I was reckless. And yes… I committed a sin I can never take back.”“Sin?” mariin kong ulit. “You call it a sin?

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 157

    Celeste's POV Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatayo sa harap ng lalaking tinuring kong salot sa buhay ko. Halos magliyab ang dibdib ko sa galit. Hindi ko na alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob para humarap sa kanya ngayon. Mabigat ang hangin sa loob ng silid. Tahimik ang paligid. Nasa harap ko ang lalaking ito, na may mukha ng isang respetadong negosyante sa lipunan, ngunit sa ilalim ng maskarang iyon ay isang halimaw. "Idedemanda kita pagkatapos mong gahasain ang ina ko noon," diretsong sabi ko kay Reginald Villamor. "Ang kapal-kapal ng pagmumukha mong magpakita sa akin pagkatapos mong gumawa ng kasamaan!" "So alam mo na..." Mas lalong humina ang boses niya. "Your son told me everything. Ano? Masaya ka na ba? Sinira mo kami at pati buhay ng anak namin ay masisira dahil sa ginawa mo! Wala kang puso! Kampon ka ng demonyo, Reginald. Ikinahihiya kita bilang ama ko. Kahit kailan hinding-hindi kita tatanggapin bilang ama. Si Carlos Rockwell lang ang ama ko. Wala akong am

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 156

    Celeste's POV Lumabas ako ng kotse ni Chester na parang wala nang lakas ang mga paa ko, pero pinilit kong hindi lumingon, kahit pa ilang ulit niya akong tinawag. Paulit-ulit na “Celeste” ang naririnig ko mula sa likod ko—paos, puno ng pakiusap, nanginginig ang tinig na para bang siya rin ay dinudurog ng sarili niyang katotohanan. Pero hindi ako tumigil. Hindi ako lumingon. Hindi ko kayang makita ang mukha niya. Hindi ko kayang madagdagan pa ang bigat na dala ko sa dibdib. Dire-diretso lang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay. Wala na akong pakialam kung may nakakakita sa akin—nakayuko ako, basang-basa ng luha ang mga mata ko, at ang buong katawan ko ay nanghihina na. Pagkapasok ko sa gate, hindi na ako nakatiis. Naupo ako sa gilid, sa malamig na sahig ng pasilyo, at doon na ako tuluyang bumigay. Nanginginig ang katawan ko habang tahimik na humahagulhol. Ang mga palad ko ay nakatakip sa mukha ko, pilit pinipigil ang mga hikbi pero wala, hindi ko na makontrol. Ang bawat p

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 155

    Celeste’s POV Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa malamig na bangkong iyon sa waiting area ng maliit na clinic. Tila ba bawat segundo’y may bigat na parang binabayo ang puso ko ng malalakas na hampas ng kabog ng kaba at pangamba. Ang mga kamay ko’y nanlalamig, at ang bawat paghinga ko’y mababaw, pilit na itinatago ang takot na baka may masamang mangyari kay Chester. Napatayo na lang ako sa biglang pagtapik ng nurse sa aking balikat. “Ma’am, gising na po ang pasyente. Pwede niyo na po siyang makita.” Parang nawala ang bigat sa dibdib ko, pero kapalit nito ay ang kaba na muli ko na namang maririnig ang boses niya. Mabilis akong pumasok sa silid, pilit na tinatago ang pag-aalalang nag-uumapaw sa dibdib ko. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang maputlang mukha ni Chester, nakahiga sa kama, naka-intravenous, at bahagyang pinipilit ngumiti nang makita ako. “Celeste,” mahinang usal niya, parang bang sinambit niya ang pangalan ko sa paraang niyayakap ng kanyang buong kal

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 154

    Celeste's POV “Dada! Dada!” Paulit-ulit na binibigkas ng anak kong si Caleigh ang salitang iyon habang nilalaro ang maliit niyang stuffed toy sa tabi ng crib. Tila musika ito sa pandinig ng isang inang sabik sa bawat milestone ng kanyang anak—ngunit sa puso ko, iyon ay isang paalala. Isang mabigat at masakit na paalala ng kawalang nandoon sa likod ng bawat "Dada" na isinisigaw ni Caleigh. Wala si Chester. At kahit gustuhin kong ipaliwanag sa bata kung bakit, paano mo nga ba sasabihin sa isang musmos na ang taong hinahanap-hanap niya ay kusang lumayo, at hindi sigurado kung kailan—o kung babalik pa? Lumapit ako sa crib at marahang hinaplos ang buhok ng anak ko. Pinilit kong ngumiti habang hinahaplos ang pisngi niya. “Anak, mahal ka ng Dada mo,” mahina kong bulong. “Pero hindi siya pwedeng sumama sa atin ngayon…” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Napapikit ako at mariing kinagat ang labi ko. Ramdam kong unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko, pero hindi ko pinayagang bumags

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 153

    Celeste's POV "C-Chester?" usal ko nang mapansin ang pamilyar na pigura ng lalaki hindi kalayuan sa amin. Parang may mali sa aking paningin. Ang puso ko ay parang kumakabog nang mabilis, at ang mga paa ko ay para bang hindi makagalaw. Iba't ibang emosyon ang dumaan sa akin nang makita ko si Chester sa mismong araw ng birthday at binyag ni Caleigh. Alam kong nandito siya, ngunit hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng presensya niyang iyon. Ang lalaki na iniwasan ko, ang lalaki na hindi ko alam kung anong nangyari sa aming relasyon, ay nariyan—nagpakita sa okasyong hindi ko inasahan. "Excuse me," mahinang sinabi ko kay Joaquin, na kasalukuyang katabi ko. "May pupuntahan lang akong bisita." Ngunit ang totoo, gusto ko lang siguraduhin na hindi ako nagkakamali. Baka naman nananabik lang ako. Gusto kong mapatunayan sa aking sarili na hindi lang ako namamalikmata. Hindi ko kayang makita si Chester na nawawala sa aming buhay. Gusto ko lang malaman kung siya nga iyon. Ilang segundo lang

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 152

    Chester's POV Hindi ko pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Bawat araw na lumilipas mula noong iniwan ko si Celeste, parang may matigas na piraso ng bato na nakabara sa dibdib ko—ang bigat ng desisyon ko na walang kaligayahan, at ang patuloy na paggugol ng oras ko sa isang hindi natutunang aral. Ang penthouse ko, na dati ay puno ng tawanan at pagmamahalan, ngayon ay tila isang malamlam na kuweba ng mga alaalang masakit. Hindi ko alam kung anong klaseng tao na ako. Minsan naiisip ko na mas mabuti nang lumayo—kung aalis ako, hindi ko kailangang patuloy na makita ang mukha ng babaeng minahal ko nang sobra, pero ngayon ay alam kong imposible. Ilang araw nang naglalaro sa isip ko ang desisyon ko. Gusto ko siyang balikan, ang pagmamahal namin, ang lahat ng naiwan na masaya, pero ni hindi ko kayang magsinungaling. Kung muling magbabalik siya sa buhay ko, magiging masakit lang ang lahat. Hindi ko kayang baguhin ang mga itinakdang batas ng buhay, at hindi ko kayang labanan ang tadhana. Mag

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 151

    Chester's POV Tahimik ang buong bahay. Tanging ang mahihinang hikbi ni Celeste ang naririnig ko habang nakaupo siya sa sahig, hawak pa rin ang annulment papers na ako mismo ang nag-abot sa kaniya. God, what have I done? Bahagya akong lumingon. Palihim ko siyang sinulyapan—ang babaeng minahal ko ng buong puso. Nakalugmok siya, tila gumuho ang buong mundo niya. At ako, ako ang dahilan ng lahat ng sakit na 'yon. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa doorknob ng kwarto namin, pinilit kong hindi lumapit. Dahil alam kong kapag niyakap ko siya, kapag hinayaan kong marinig niya ang tibok ng puso kong ito na para pa rin sa kaniya—mababasag ang desisyon kong buuin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Mahal ko si Celeste. That’s the irony of it all. Mahal na mahal ko siya kaya ko siya kailangang iwan. Pumasok ako sa silid namin at agad kong dinampot ang maleta sa ilalim ng kama. Isa-isa kong inilagay ang ilang mga damit, mga gamit ko sa ospital, ilang personal na gamit. Pilit kong pinanatag a

  • One Fateful Night With My Ninong   Chapter 150

    Celeste's POV Pitong araw na ako naghihintay ng kahit katiting na lambing mula kay Chester, ngunit wala—hindi man lang ako matitigan sa mata, ni hindi ako mahalikan sa labi gaya ng dati. Ang dating mainit na yakap tuwing gabi, napalitan ng katahimikan at espasyong parang bangin sa pagitan naming dalawa. At kahit ilang beses ko na siyang sinubukang lapitan, lambingin, o kausapin nang maayos, hindi ko siya maramdaman. Para bang may pader na hindi ko matawid. Simula nang makita niya kaming magkasabay ni Joaquin sa labas ng bahay, bigla siyang nagbago. Wala naman akong ginawang masama. Hinatid lang naman ako ng kaibigan ko matapos ang isang mahabang araw sa korte, pero ang naging reaksyon ni Chester ay parang nahuli niya akong may kasalanan. Hindi siya nagsalita, pero mas mabigat pa sa sigawan ang katahimikan niya. Minsan, alas-dose na ako natutulog, umaasa na maririnig ko ang tunog ng pinto, ang yabag ng sapatos niya sa hallway, o kahit ang mahina niyang bulong ng “I’m home,” pero wala

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status