Good morning. Just woke up. Hahaha. Stay tuned for more updates! 🙂 Pa-comment at gem vote naman po Salamaaaat.
Chester's POVNakahinga kami nang maluwag matapos asikasuhin ng mga doktor at nurse ng St. Jude. Pakiramdam ko ay para akong nakunan ng tinik sa puso habang pinagmamasdan ang aming anak na si Caleigh, na ngayon ay mahimbing nang natutulog matapos ang matinding lagnat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit papaano ay nasa ligtas na siyang kalagayan ngayon.Napatingin ako kay Celeste, nakaupo siya sa gilid ng kama ni Caleigh, hawak-hawak ang maliit na kamay ng aming anak. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha—ang lungkot, ang takot, at ang sakit na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na oras. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalagayan ni Caleigh, kundi dahil na rin sa ginawa ni Daddy sa kanila.Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang malamig at walang puso na boses ni Daddy noong sinabi niyang wala siyang pakialam kung mamatay ang sarili niyang apo. Paano niya nagawang itaboy ang sarili niyang dugo at
Chester’s POVHindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin.Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap.Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata."Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa akin
Chester’s POVGabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala.Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo.Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko.Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa?Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohanang i
Chester’s POVBuong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito.“Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.“Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa.Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat.“Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.”Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room. Mabilis ak
Chester's POVKatatapos ko pa lang makipag-usap kay Isabelle, at pakiramdam ko ay napakabigat ng dibdib ko. Parang may nakaipit na bato sa gitna ng mga buto ko. Gusto ko na lang sanang umalis at makauwi. Gusto ko nang makita si Celeste—makita ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng pag-asa, kahit hindi niya alam ang unos na dumarating sa amin. Ngunit habang papasok na ako sa kotse ko, may narinig akong pamilyar na boses—isang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong.Agad akong napalingon.“Tulong... please! Ayoko na! Tama na!”Napakunot ang noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw.Hindi ako maaaring magkamali.Si Lourdes Sanchez iyon.Ang anak ng isang makapangyarihang politiko. Ang babaeng gusto ni Daddy na mapangasawa ko noon—para raw sa “kapakanan” ng pamilya at negosyo. Pero tinanggihan ko. Hindi ko kailanman minahal si Lourdes, at mas lalong hindi ko ginusto ang buhay na pinaplano para sa akin ng iba.Sa loob ng ilang segundo ay na
Celeste's POVMasikip at maingay ang bar. Ang kulay gintong liwanag ng chandeliers ay kumikislap sa mamahaling baso ng alak, at ang tunog ng halakhakan ay sumasabay sa mabigat na beat ng music. Hindi ko kailanman ginusto ang ganitong klaseng environment, pero ngayong gabi, wala akong choice."Come on, Celeste! You won a big case today!" tili ni Andrea, isa sa mga junior associates sa firm. "One drink lang!"I shook my head, pero bago pa ako makatanggi nang maayos, may dumaan nang waiter at iniabot sa akin ang isang baso ng champagne. Si Raymond, isa pang associate na laging may hidden agenda, ang nag-abot nito sa akin. Nakangiti siya—masyadong matamis para hindi kahina-hinala."Huwag kang KJ, Celeste," aniya. "You deserve this. One drink lang. Swear."Napabuntong-hininga ako. I just wanted to go home, pero alam kong kung tatanggihan ko pa sila, magiging topic na naman ako ng office gossip. Masyado nang maraming naiinggit sa akin sa law firm at mas lalong marami ang gustong makita akon
Celeste's POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang ipagsiksikan ang sarili ko sa shower nang halos isang oras, sinisikap na hugasan ang hindi ko maipaliwanag na bigat sa balat ko. Pero kahit anong gawin ko, kahit ilang beses kong sabunin ang sarili ko, hindi nababawasan ang kilabot sa loob ko.Ilang beses akong napapikit, pilit na binabalikan ang gabing iyon, at pilit na kinakalkal ang memorya ko. Pero wala. Isang malabong haze lang ang bumabalot sa akin. Para akong nalunod sa dilim at hindi ko alam kung paano ako lumutang.Hindi ako makatulog at makapag-focus dahil bumabagabag sa akin ang nangyari sa amin.Anong nangyari sa pagitan namin ni Ninong Chester?Pero kung walang nangyari… bakit ganoon ang reaksyon niya? Kumakabog ang dibdib ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin. Maputla ang mukha ko, ang mga mata ko ay bahagyang namamaga dahil sa kakaiyak.Celeste, pull yourself together. Pagkalabas ko ng banyo, isang bagay lan
Celeste's POV Pagpasok ko sa opisina kinabukasan, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Parang may anino ng nakaraang gabi na patuloy na sumusunod sa akin, bumubulong sa tenga ko na hindi ko basta-basta matatakasan ang nangyari. Pero hindi pwedeng magpatalo.Hindi pwedeng ipakita ko sa kahit sino na may bumabagabag sa akin. Lalo na kay Ninong Chester Villamor.Ilang beses kong inulit sa sarili ang sinabi niya sa text bago ako lumabas ng condo kanina:"Make sure to act normal at work. No one should suspect anything."Napakapit ako sa strap ng bag ko. Napilitan akong huminga nang malalim bago pumasok sa lobby ng law firm.As soon as I stepped inside, I felt a dozen pairs of eyes on me. May mga bumati, may mga ngumiti, at may mga tipid na tumingin lang habang naglalakad ako papunta sa opisina ko. I nodded at them, plastering the most professional smile I could muster. Dahil hindi ako pwedeng magkamali. Kahit na bumibigat ang tiyan ko sa kaba. Kahit na hindi ko alam kung kaya kong har
Chester's POVKatatapos ko pa lang makipag-usap kay Isabelle, at pakiramdam ko ay napakabigat ng dibdib ko. Parang may nakaipit na bato sa gitna ng mga buto ko. Gusto ko na lang sanang umalis at makauwi. Gusto ko nang makita si Celeste—makita ang ngiti niya, ang mata niyang puno ng pag-asa, kahit hindi niya alam ang unos na dumarating sa amin. Ngunit habang papasok na ako sa kotse ko, may narinig akong pamilyar na boses—isang babaeng umiiyak at humihingi ng tulong.Agad akong napalingon.“Tulong... please! Ayoko na! Tama na!”Napakunot ang noo ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang sinusundan ko ang pinanggagalingan ng sigaw.Hindi ako maaaring magkamali.Si Lourdes Sanchez iyon.Ang anak ng isang makapangyarihang politiko. Ang babaeng gusto ni Daddy na mapangasawa ko noon—para raw sa “kapakanan” ng pamilya at negosyo. Pero tinanggihan ko. Hindi ko kailanman minahal si Lourdes, at mas lalong hindi ko ginusto ang buhay na pinaplano para sa akin ng iba.Sa loob ng ilang segundo ay na
Chester’s POVBuong araw akong parang zombie sa loob ng ospital. Ang katawan ko ay narito, pero ang isip ko ay malayo. Para akong sinasakal ng bigat ng katotohanan, habang sinusubukan kong ipagpatuloy ang responsibilidad ko bilang isang doktor. Nakamasid lang ako sa mga pasyenteng hawak ko—mga taong umaasa sa akin para sa kanilang buhay, habang ako mismo ay hindi alam kung paano ililigtas ang sarili ko mula sa gumuguhong mundong ito.“Dr. Villamor, ayos lang po ba kayo?” maingat na tanong ng isa sa aking team habang nasa operating room kami. Ramdam ko ang pag-aalala sa tono ng boses niya.“Kanina pa po kayo wala sa focus,” dagdag ng isa.Napakurap ako at napatingin sa hawak kong surgical tools. Muntik ko nang mahipo ang parte ng pasyente na hindi dapat.“Pasensiya na. Medyo hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.” Pilit kong pinakalma ang sarili. “Iwan ko muna kayo. I need to rest before the next operation.”Tumango sila, at agad akong lumabas ng operating room. Mabilis ak
Chester’s POVGabi na nang makauwi ako sa bahay. Tahimik ang buong paligid, tanging mahinang pag-ihip ng hangin sa labas ang naririnig habang marahan kong isinara ang pintuan. Pakiramdam ko’y sobrang bigat ng katawan ko, parang buong araw akong binugbog ng emosyon at alaala.Dumiretso ako sa kwarto namin at agad akong sinalubong ng isang tanawin na halos ikalugmok ko sa sahig—si Celeste at si Caleigh, mahimbing na magkayakap sa gitna ng kama, tila walang kamalay-malay sa bangungot na posibleng gumuhit sa pagitan naming tatlo.Pinagmasdan ko ang bawat detalye ng mukha ni Celeste—ang mahinhing paghinga niya, ang mapayapang ekspresyon na para bang wala siyang iniintinding problema. Lumapit ako at marahang naupo sa gilid ng kama. Pinunasan ko agad ang mga luhang kusang bumagsak sa mga mata ko.Paano kung totoo? Paano kung totoo nga ang sinabi ni Daddy? Paano kung anak nga siya ni Daddy… paano kung magkapatid kaming dalawa?Hindi ko kayang isipin. Hindi ko kayang lunukin ang katotohanang i
Chester’s POVHindi ko na kayang pigilan ang galit ko. Habang naririnig ko ang mga salitang lumalabas mula sa bibig ni Andrew, parang may isang mabigat na bagay na humihila sa akin pababa. Nang wala na akong maisip na ibang paraan upang maipahayag ang nararamdaman ko, isang matinding suntok ang inabot ni Andrew mula sa akin.Hindi ko na alintana ang sakit ng mga buto ko o ang mga posibleng epekto ng ginawa ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang mga salitang binitiwan niya—ang mga salitang maaaring magbago ng lahat. Para bang buong buhay ko ay itinapon niya sa isang iglap.Nagngingisi si Andrew, hawak ang panga niya, tila hindi apektado sa suntok ko. Hindi ko na alam kung anong uri ng kasiyahan ang hatid ng kanyang ngisi. Habang pinupunasan niya ang gilid ng labi niya, tumingin siya sa akin na parang may kasiyahan sa mga mata."Bakit hindi mo tanungin si Uncle Reginald para magkaalaman na?" sabi niya habang binabaybay ng dahan-dahan ang mga galos sa kaniyang pisngi. "Kaya nga sa akin
Chester's POVNakahinga kami nang maluwag matapos asikasuhin ng mga doktor at nurse ng St. Jude. Pakiramdam ko ay para akong nakunan ng tinik sa puso habang pinagmamasdan ang aming anak na si Caleigh, na ngayon ay mahimbing nang natutulog matapos ang matinding lagnat. Sa kabila ng lahat ng nangyari, kahit papaano ay nasa ligtas na siyang kalagayan ngayon.Napatingin ako kay Celeste, nakaupo siya sa gilid ng kama ni Caleigh, hawak-hawak ang maliit na kamay ng aming anak. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha—ang lungkot, ang takot, at ang sakit na pinagdaanan niya sa mga nakalipas na oras. Alam kong hindi lang ito dahil sa kalagayan ni Caleigh, kundi dahil na rin sa ginawa ni Daddy sa kanila.Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na pinakalma ang sarili, pero hindi ko magawa. Sa isip ko, paulit-ulit kong naririnig ang malamig at walang puso na boses ni Daddy noong sinabi niyang wala siyang pakialam kung mamatay ang sarili niyang apo. Paano niya nagawang itaboy ang sarili niyang dugo at
Chester's POV Katatapos lang ng huling operasyon ko ngayong araw kaya agad kong hinubad ang aking surgical gloves at tinungo ang locker room. Pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako, ngunit nang makita ko ang cellphone ko at ang mahigit dalawampung missed calls ni Celeste, agad akong kinabahan. Hindi normal para sa kaniya ang ganito karaming tawag. Karaniwan ay isang beses lamang siya tatawag at kung hindi ko masasagot, magpapadala siya ng mensahe. Ngunit ngayon, wala ni isang text na kasama.Agad kong tinawagan ang numero niya. Nag-ring lamang ito, ngunit hindi niya sinasagot. Muling bumigat ang dibdib ko, lalo na nang makarinig ako ng pabulong na usapan sa hindi kalayuan."Nakita mo ba kanina si Sir Reginald? Pinaalis niya ang asawa ni Dr. Chester," rinig kong sabi ng isa sa mga nurses.Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyon nila. Ang dalawang nurses ay nakatalikod sa akin at patuloy sa pag-uusap, hindi namamalayang naririnig ko ang kanilang pinag-uusapan."May sakit
Celeste's POV Matiyaga kong tinapos ang pagbasa ng mga kaso sa harapan ko. Mahalaga ang bawat detalye, kaya hindi ko maaaring balewalain ang anumang impormasyong maaaring magamit sa korte. Napakarami kong kailangang aralin, at gusto kong tiyakin na handa ako sa bawat hakbang ng proseso. Makalipas ang mahigit dalawang oras, napansin kong may tumatawag sa cellphone ko. Nang makita kong si Ate Sofia iyon, agad akong sumagot. Siya ang nag-aalaga sa anak namin ni Chester, kaya anumang tawag mula sa kaniya ay hindi ko maaaring balewalain. "Celeste, ang taas ng lagnat ni Caleigh! Dinadala ko na siya sa ospital!" Napapanic ang boses ni Ate Sofia, at agad akong napabalikwas sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko'y bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. "Ano? Gaano kataas ang lagnat niya? Anong mga sintomas niya?" Sunod-sunod kong tanong habang kinakabahan. Hindi ko na nagawang ipunin ang mga papel sa harapan ko. Sa sobrang pagmamadali ay natabig ko pa ang ballpen ko sa mesa. "Nagsusuka s
Celeste's POV Nasa loob ako ng korte, nakatayo sa harapan ng hukom, at kasalukuyang nakikipag-debate sa kabilang panig. Ang hangin sa loob ng silid ay mabigat, puno ng tensyon at matinding pokus mula sa lahat ng naroroon. Mula sa mga abogadong nasa magkabilang panig, sa mga miyembro ng hurado, hanggang sa hukom na mapanuring nakatingin sa amin—lahat ay tila isang chess game kung saan bawat salita at kilos ay may estratehiya. "Your Honor, with all due respect, the opposing counsel is attempting to redirect this court's attention to irrelevant matters that do not hold any legal bearing on this case," mariing sabi ko, hindi inaalis ang titig ko kay Atty. Salazar, ang kalaban namin sa kasong ito. Siya ay isang beteranong abogado, kilalang mahusay sa pagsalita at pagpapaliko ng argumento upang ipabor sa kanyang kliyente. Ngunit hindi ako basta-basta matitinag. "Atty. Rockwell-Villamor, the defense is merely establishing a foundation that could significantly impact the credibility of the
Celeste's POV Maaga akong umuwi ngayon dahil gusto kong surpresahin si Chester. Hindi pa niya alam na hired na ako sa law firm, at gustong-gusto ko siyang makita para ibalita iyon sa kanya. Hindi ko mapigilan ang excitement na nararamdaman ko habang nagmamaneho pauwi. Pakiramdam ko, ito ang simula ng panibagong yugto ng buhay naming dalawa—pareho kaming muling nagkaroon ng oportunidad sa aming mga propesyon. Pagdating ko sa bahay, agad kong binuksan ang pinto at inikot ang aking paningin sa loob. Tahimik ang paligid maliban sa mahihinang ungol ng anak naming si Caleigh mula sa kanyang nursery room. Agad akong napangiti. Ngunit, sa halip na si Chester ang sumalubong sa akin, si Ate Sofia lamang ang nadatnan ko, abala sa pag-aalaga sa aming anak. "Ate Sofia, nakauwi na ba si Chester?" tanong ko habang tinatanggal ang blazer ko at inilagay iyon sa sandalan ng sofa. Umiling siya at bahagyang napatingin sa akin. "Hindi pa, Celeste. Wala pa rin siyang tawag o text kung anong oras siya m