Share

OUR KINKY LITTLE SECRETS
OUR KINKY LITTLE SECRETS
Author: BeauWP

CHAPTER 1

Author: BeauWP
last update Last Updated: 2022-10-25 22:09:16

"After trying different treatments, wala pa ring nagbabago sa kondisyon mo. And, in fact, lalo pa itong lumalala. Palagi tayong nagfe-fail sa tuwing sumusubok tayo ng iba't-ibang klase ng gamot. I'm really sorry, Miss Robles. Mahirap e-cure ang sakit na mayroon ka. Kumakalat na ito sa utak mo. But, let's not lost our hope. May posibilidad pa rin na magamot ka. Marami pang ibang treatment na maaari nating subukan. Pwede rin nating idaan sa operasyon," the doctor explained to me.

Nanlulumo ako sa tuwing naririnig ko mula sa kanya na nagfe-fail ang bawat subok namin ng iba't-ibang klase ng gamot. Pero alam ko rin naman na kasalanan ko kung bakit.

"Habang tumatagal, paliit ng paliit ang tsansa kong gumaling, 'di ba, doc?" tanong ko sa mahinang tono.

Iniwas ng doktor ang tingin sa akin.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Doc, may sasabihin ako sa'yo," saad ko.

"Ano 'yon?"

Nagbaba ako ng tingin pagkatapos ay pasimpeng pinaglaruan ang hawak kong purse.

"Tutal wala namang kasiguraduhan kung gagaling pa ba 'ko o hindi, naiisip ko na itigil na lang muna ang treatment ko. Nawawalan na kasi ako ng pag-asa eh. Sapat na siguro ang mga napagdaanan ko throughout my treatment journey. Siguro, ii-enjoy ko na lang 'yung natitirang araw para sa'kin," ani ko.

Tumayo ang doktor pagkatapos ay lumapit siya sa akin at umupo sa katapat kong upuan. Hinawakan ako nito sa balikat.

"Don't give up, Miss Robles. Lalo na ngayon na malayo na ang narating mo. May tsansa ka pa. 'Wag kang magsalita ng patapos. Wala pang taning ang buhay mo," mahinang ani ng lalaki kong doktor.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya pagkatapos ay tipid na ngumiti. "Ayos lang. Tanggap ko naman na hindi na talaga ako gagaling."

Mahinang bumuntong hininga ang doktor pagkatapos ay umiling-iling.

Tiningnan ako ng doktor diretso sa aking mga mata.

"Ere-refer kita sa kaibigan kong psychiatrist. Matutulungan ka niya. Hindi kita hahayaang itigil ang treatment mo. Masyado ka pang bata. Marami ka pang pwedeng gawin. Ayos lang na handa ka ng mawala pero 'wag mong sasabihing hindi ka na gagaling. Hindi pa tayo sigurado. Hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari sa susunod na mga araw. 'Wag ka munang panghihinaan ng loob. May mga tao pang naghihintay sa 'yo. Pwede mong ilabas lahat ng sama ng loob mo sa psychiatrist na 'to para man lang gumaan ang pakiramdam mo at mabawasan 'yang bigat sa dibdib mo," mahabang ani ng doktor.

Nagbaba ulit ako ng tingin. "Fatima, I'm not saying this because I'm your doctor. I'm saying this as your friend. Mabuti kang tao at alam kong matapang ka. Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob? Ang dami mo ng pinagdaanan sa buhay. Ngayon ka pa ba susuko?!"

Tama siya. Marami na nga akong mahihirap na pinagdaanan sa buhay. Saksi ang doktor na 'to sa mga pinagdaanan ko.

Magkaklase kami ni Doctor Evrous simula elementarya hanggang high school. Magkababata kami. Kahit na magkaibang kurso ang kinuha namin noong college, hindi pa rin kami nawalan ng koneksyon sa isa't isa.

"Pwede bang pag-isipan ko muna kung itutuloy ko pa ba o hindi? Masyado na kasing malaki ang nagagastos ko, wala namang nangyayari."

Mahinang bumuntong hininga ulit ang doktor. "'Wag mong isipin ang mga expenses. 50% lang naman ang binabayaran mo sa bawat treatment. Tutulungan kita sa bagay na 'yan. Basta 'wag ka lang susuko."

Tumingin ako ng diretso rito sabay na tipid na ngumiti.

"Mauuna na muna ako. Marami pa akong gagawin," saad ko.

Inalis ng doktor ang kamay nito sa braso ko. "Magwawalwal ka na naman?! Alam mong masama sa kalusugan mo ang alak," nakabusangot ang mukhang sabi ng doktor.

Malapad ko lang siyang nginitian.

"Hindi porket aalis na 'ko eh magwawalwal agad. Boy hunting lang," pagbibiro ko pa.

Mahina akong binatukan ng doktor sa nuo. "Kaya laging nasasawi 'yang puso mo eh. Ang hilig-hilig mong mag-boy hunting tapos kapag na-fall at sinaktan ka, alak kaagad inaatupag mo."

Tinawanan ko lang siya.

Tumayo na ako sabay na naglakad palapit sa pinto pagkatapos ay pinihit 'yon pabukas. "'Wag kang mag-alala, doc. Gaya nga ng sabi mo kanina, matapang akong tao. Kering-keri ko 'to." Nakangiting sabi ko pagkatapos ay tuluyan ng lumabas at hindi na hinintay ang sasabihin ng doktor.

Nang tuluyan ko ng naisara ang pinto, kaagad na napawi ang ngiti sa labi ko.

Pinilit kong tumayo ng tuwid pagkatapos ay mahihina ang mga hakbang na naglakad palabas.

Okupado na naman ang utak ko.

Nang tuluyan na akong nakalabas sa ospital, mahina akong bumuntong hininga bago pilit na iplinaster ang masayang ngiti sa labi saka pumara ng taxi.

****

I tried so hard not to burst into tears while I was covered with a thick white sheet inside this dark room.

Pero sobrang hirap pigilan. Kusa na lang kumakawala ang mga luha at hikbi ko.

Sobrang hirap makipaglaban habang nag-iisa ka.

As I was crying my heart out, my phone suddenly rang.

I pick it up ang look at who's calling.

It's Liah.

Kaagad kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko at kaagad na kumalma.

I cleared my throat before answering the call.

"Wassup, girl! Bakit ka tumatawag ng dis oras ng gabi?" sinubukan ko ng mabuti na pasiglahin ang tono ko.

"Samahan mo ko bukas sa ospital ha? Bukas na kasi ang due date ko. Mas maganda kung nasa ospital na kaagad ako," sagot ng nasa kabilang linya.

This month ay ang ika siyam na buwan ng buntis kong kaibigan.

"Bakit? Nagsisimula ka na bang mag labor?" I asked.

"Nope. Hindi nga sumasakit 'tong tiyan ko. Pero mas maganda kapag prepare na 'ko habang maaga pa."

"Nasaan ba ang parents mo or siblings mo? Bakit hindi ka sa kanila magpasama?" I asked.

Mahabang bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Wala akong aasahan sa kanila. Alam mo naman ang mga 'yon. Puro business na lang ang palaging nasa utak. Kahit nga noong namatay ang tita ko, hindi man lang nila nagawang makipaglamay kahit na isang gabi lang dahil mas iniisip nila 'yung negosyo. Kahit nga siguro malapit na silang mamatay, negosyo pa rin ang iisipin nila," mahabang litanya ng kaibigan ko.

"Eh, 'yung ex-fiancé mo? 'Di ba close pa rin naman kayo hanggang ngayon ng isang 'yon?"

"Busy ang isang 'yon sa negosyo at mga babae niya."

Mahina ko lang siyang tinawanan. "Oh, sige, sige. Sasamahan na kita bukas. Susunduin kita sa inyo. Kaya matulog ka na. Malapit ng maghating gabi tapos gising ka pa rin diyan. Sige ka, baka pumangit 'yang anak mo dahil diyan sa kakapuyat mo."

Mahinang tumawa lang ang nasa kabilang linya. "Oh, sige. Bye-bye! Goodnight! Sleepwell, friend."

"Goodnight. Sleepwell rin," I said before ending the call.

Inilapag ko ang cellphone ko sa bedside table pagkatapos ay humiga na.

Nang makalipas ang ilang minuto at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, tumayo ako at umalis sa kama.

Lalabas na lang muna ako para magpahangin.

Isinuot ko ang isang hoodie jacket. Nakashort at tsinelas lang ako. Nagsuot na rin ako ng sumbrero.

Pagkatapos ay lumabas na ako.

Nakatira ako sa isang maliit na condo. Lumipat ako rito a month ago.

Sumakay ako ng elevator at dumiritso sa lobby.

Kaagad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin nang tuluyan na akong nakalabas ng building.

Maraming kotse ang dumadaan.

Dahan-dahan lang akong naglalakad habang nakasilid ang dalawang kamay ko sa bulsa ng hoodie at lumilinga-linga sa paligid.

Makalipas ang mahigit sampung minutong paglalakad ay huminto na ako sa tapat ng isang mini cafe na mayroong mga libro.

Naisipan kong pumasok roon.

Malayo ang cafe na 'to mula sa condo ko.

Isang staff lang, ako, at ang isa pang costumer ang nasa loob ng cafe. Hindi masyadong dinadayo ng mga tao ang lugar na 'to. Para lang naman kasi sa mga bookworm o nerd and lugar na 'to.

Umorder ako ng isang hot choco at naghanap na ng librong pwede kong basahin.

Nang makapili ako ng babasahin ko, dumiritso ako sa pinakagilid na parte at umupo roon.

Sobrang tahimik sa loob. Perpektong lugar para sa mga taong mahilig magbasa ng libro kagaya ko.

Hindi naman talaga ako masyadong mahilig magbasa ng mga libro. Kailangan ko lang talaga na magpalipas ng oras.

Sinusumpong na naman kasi ako ng insomnia. Ayoko rin namang uminom ng sleeping pills dahil masama 'yun para sa 'kin.

Nagsimula na akong basahin ang laman ng librong kinuha ko.

Ilang sandali lang ay nilapag na ng staff ang order ko.

Nakafocus lang ako sa binabasa ko nang biglang narinig ko ang pagpasok ng isa pang costumer sa loob ng cafe.

Hindi ko na 'yon pinansin at pinagpatuloy lang ang pagbabasa.

Makalipas ang ilang minuto, hindi na pumapasok sa isip ko ang binabasa ko dahil pakiramdam ko ay parang may nakamasid sa akin.

Ramdam kong nakatitig sa akin ang taong kakapasok lang na umupo sa kaliwa ko. Sa tantiya ko'y tatlong metro lang ang layo namin sa isa't isa.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng taong 'yon. At nahuli ko siyang nakatingin sa'kin pero kaagad rin itong yumuko.

Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakasuot siya ng itim na jacket at natatakpan ng sumbrero ng jacket ang kanyang mukha.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Sa porma at laki ng pangangatawan niya, masasabi kong lalaki siya.

My eyes landed on his arm. I could see a snake tattoo on the back of his palm.

I suddenly felt anxious and scared.

Kaagad na dinamba ng kaba ang dibdib ko.

Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa librong hawak ko.

Bakit na naman niya ako sinusundan?

Kahit na hindi na halos kita ang mukha ko, nakilala pa rin niya 'ko. Bwesit, bakit ba ang talas ng mga mata ng baliw na 'to.

Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko at ang panginginig ng buo kong katawan.

Pinilit kong tumayo at binalik ang librong hawak ko sa malapit na shelves sa pwesto ko at nagbayad na sa staff.

Mabilis akong lumabas ng cafe. Hindi ko na ginawang lumingon pa. Pagkatapos ay mabilis na naglakad papunta sa direksyon ng condo ko.

Pero ilang sandali lang, ramdam kong sumunod sa akin ang lalakeng 'yon.

Lalo kong binilisan ang bawat paghakbang.

Diretso lang ang lakad ko. Marami akong nakakasalubong. Ilan sa kanila ay nababangga ko na dahil sa pagmamadali at hindi ko na nagawang mag-sorry pa sa kanila.

Isang liko na lang sana, malapit na ako sa condo ko nang biglang may mga kamay ang humila sa 'kin at pinasok ako sa isang masikip at madilim na eskinita.

Nasa pagitan kami ng dalawang magkatabing building.

Hindi ko na nagawang sumigaw dahil mabilis na may kamay na tumakip sa bibig ko.

Pilit pa sana akong nagpumiglas pero sadyang malakas ang kaharap ko.

Marahas niya akong isinandal sa pader at inipit niya ako gamit ang kanyang katawan.

Kaagad na nanuot sa ilong ko ang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo.

Lumapit siya sa kabilang tenga ko.

"Sa tingin mo makakalayo ka sa 'kin, huh? Hindi, hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Naiintindihan mo ba?!" pabulong at may diin nitong usal. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa nakakatakot niyang boses.

Gusto kong umiyak o sumigaw ng tulong dahil sa sobrang takot.

Isang paraan lang ang naiisip ko. Lakas loob ko siyang tinuhod.

Malakas na tinamaan ang pagkalalake niya dahilan para mapabitaw siya sa pagkakahawak sa 'kin at napaatras saka bumagsak sa sahig.

Mabilis akong tumakbo palayo.

Hindi na ako lumingon pa at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo hanggang sa nakapasok ako sa condo ko.

Mabilis kong naisara ang pinto at napadausdos pababa roon.

I was having a mental breakdown in the middle of the night and I tried to forget that shit and now this?

Lalo lang sumama ang pakiramdam ko.

Kailan niya ba talaga ako titigilan?! Lumipat na nga ako ng lugar, nahanap niya pa rin ako.

Nakakasawa at nakakapagod na ang ganito.

Para akong kriminal na takbo ng takbo at tago nang tago mula sa taong 'yon.

Gusto ko ng taong matatakbuhan. Pero hindi ko naman magawang sabihin sa mga taong malalapit sa akin ang tungkol sa problema ko.

Ayokong madamay sila.

Lumalaban ako mag-isa.

Samantalang kapag sila, kasama nila akong lumalaban.

Pero tama lang rin 'tong ginagawa ko. Ayoko silang madamay. Mahal ko sila kaya ayoko silang masaktan.

Kaya ko 'to. Kakayanin ko ng mag-isa lang. Nagawa ko noon, magagawa ko ulit ngayon.

Pinahiran ko ang luhang kumawala mula sa mata ko sabay na tumayo.

I was tightly holding my phone nang bigla 'yong nag-ring.

Someone just texted me.

Ate, kukunin na raw ako nina mommy at daddy. Sa Italy ko na lang raw tatapusin ang pag-aaral ko. Nalaman kasi nilang nahihirapan kang paaralin ako sa loob ng mahigit dalawang taon ko sa med school.

I immediately called my sister's number.

Ilang ring lang ay sumagot kaagad ang kapatid ko.

"Hello, ate?"

"Pumayag ka?" mabilis kong tanong.

Ilang segundo pang natahimik ang nasa kabilang linya.

"Eh, kasi, ate, nahihirapan ka kasing paaralin ako kaya pumayag na lang ako. Mas malaki ang opportunities kapag nasa Italy ako. Magiging kumpleto na rin 'yong mga gamit ko. Hindi ka na magkakaproblema dahil lang sa pag-aaral ko," paliwanag ng kapatid ko.

Natahimik ako ng ilang segundo.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Mas maganda nga kung sa Italy ka na lang mag-aaral. Mabibigay nila mom and dad sa 'yo lahat ng mga bagay na hindi ko maibigay sa 'yo," tipid akong ngumiti.

"Talaga, ate?!" sumigla ang boses ng kapatid ko. I hummed in response. "Maraming salamat, ate! Sige, magpahinga ka na. Goodnight, salamat ulit!" then the other line ended the call.

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko.

Kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap ko, hindi pa rin talaga nagiging sapat.

Mahina akong napabuntong hininga.

Too much disappointment for myself today.

Dumiritso ako sa kama ko at humiga roon. Pagkatapos ay pinilit ko ang sarili kong makatulog.

***

"Ahhhh!!" sabay kaming napasigaw ni Liah sa sakit. Sa tuwing sumasakit ang tiyan ni Liah, humihigpit ang pagkakakapit niya sa palad ko.

Namamanhid na nga ang palad ko dahil mahigpit isang oras ng nakahawak siya sa 'kin.

"Bwesit kang babae ka! Do'n ka sa kama kumapit! Bali na ang mga buto ko sa kamay. Utang na loob! Bitawan mo na ang kamay ko!" pagmamakaawa ko sa kanya. Halos maiyak na ako sa sakit.

Narinig kong tumawa ang dalawang nurse na nakatingin sa amin.

Nasa loob kami ng isang kwarto. Tagaktak na ang mga pawis sa noo ni Liah. Habol na rin nito ang hininga.

Nagle-labor na ang babaeng 'to kanina nang sunduin ko.

At limang oras na siyang nagle-labor.

Tinawagan ko na rin ang ex-fiancé niya at sinabi ang kalagayan ng kaibigan ko. Sinabi naman nitong tatapusin lang ang importanteng meeting pagkatapos ay pupunta na sa ospital na kinaroroonan namin.

Kahit na mahigpit ang pagkakahawak sa 'kin ni Liah, pinilit ko pa ring alisin ang kamay niya sa 'kin.

Nang mabitawan niya ang kamay ko at doon na sa kumot kumapit, mabilis na naikumpas ko ang palad ko sa ire. Hindi ko na maramdaman ang palad ko dahil sa pamamanhid at sobrang pula na ang kulay.

Nakangiwi akong tumingin kay Liah.

Hindi na rin maipinta ang mukha ng kaibigan ko. Namimilipit na ito sa sobrang sakit at halos pumutok na ang mga ugat niya sa leeg.

Mahirap nga talagang manganak.

Kalmado lang ang dalawang nurses na nagmomonitor sa kaibigan ko.

Ilang sandali lang ay lumabas na ang mga nurse. Tiningnan lang ng mga ito kung manganganak na ba si Liah o hindi pa.

Lumapit ako kay Liah at hinimas-himas ang likod nito.

"Kaya mo 'yan, friend. Konting tiis na lang. Lalabas na rin 'yang anak mo. Tinawagan ko na rin 'yong ex-fianceé mo at papunta na siya rito."

Liah kept on grunting in pain. Parang pilit rin siyang umiire.

Biglang mabilis na bumukas ang pintuan at pumasok mula roon ang isang lakakeng humahangos.

Nakasuot pa ito ng all black tuxedo. Malinis ang pagkakaayos ng buhok. Matangkad, gwapo at hot rin ito, obviously. Siya ang klase ng lalake na madalas na pinagkakaguluhan ng mga babaeng kagaya ko.

Nanunuot rin sa ilong ko ang matapang at panglalake nitong pabango.

Hindi ni Liah napansin ang presensya ng lalake dahil matindi ang iniinda niyang sakit.

Hindi rin ako napansin ng lalake. Mabilis niyang dinaluhan si Liah.

Naialis ko ang palad ko sa likod ni Liah nang idapo ng lalake ang palad niya roon.

"Hey! Are you good?" he asked Liah. His voice is so manly and baritone. Nakatitig lang ako sa kanya.

Napabaling sa lalake si Liah. "A-Ang sakit!" nahihirapang sambit ng kaibigan ko sabay na mahabang bumuga ng hangin. Paulit-ulit lang na bumubuga ng hangin si Liah.

Ang lalake naman ay hinaplos-haplos ang likuran ng kaibigan ko.

Biglang napadako ang tingin ng lalake sa akin. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

He obviously looks worried for my friend.

Mabilis akong ngumiti sa kanya.

"Hi," I greeted.

Ngumiti naman siya pabalik sa akin. I was caught off guard because of his sudden mesmerizing smile.

His smile makes him even hotter.

"I'm Liah's friend," pagpapakilala ko.

"I'm also her friend. Nice meeting you."

"Likewise," I said. I was just looking at him kahit na itinuon na niya ang atensyon sa namimilipit sa sakit kong kaibigan.

There's something about him dahilan para mapatitig ako sa kanya ng matagal.

Napabaling ako kay Liah nang bigla itong malakas na sumigaw.

My eyes landed on her legs. Blood is dripping down to her knees.

"Manganganak na siya!" I exclaimed sabay na tumakbo palabas para magtawag ng nurse.

Sumigaw ulit ako kaya mabilis na pumasok sa kwarto ang dalawang nurse kanina at may kasama na silang isang doktor.

Pumasok ulit ako sa kwarto.

Dahan-dahan at inaalalayan ng dalawang nurse at isang doktor sa paghiga si Liah. Umiiyak na ang kaibigan ko sa sakit.

Halos hindi na rin maipinta ang mukha ko. Para kasing nararamdaman ko rin 'yong sakit na nararamdaman niya.

She was immediately rushed to the labor room.

Kaming dalawa naman ng ex-fiancé ni Liah ay naghihintay sa labas ng labor room.

Tahimik kami pareho habang nakaupos sa puting bench at naghihintay.

Most of the time, makapal ang mukha ko at basta na lang kinakausap ang kahit na sino kahit na hindi ko kakilala.

Madaldal akong tao. Pero sa pagkakataong ngayon, nahihiya akong magsalita dahil katabi ko ang lalakeng 'to.

Parang biglang umurong ang dila ko.

I could see what he's doing from my peripheral vision. He's busy typing with his phone while his legs keep tapping the floor. Mukha siyang tensyunado.

Makalipas lang ang mahigit isang oras, lumabas na rin ang doctor na nagpaanak kay Liah.

Sabay kaming napatayo ng lalake at lumapit sa doctor.

"How is she?" he immediately asked. Napatingin naman ako sa kanya. Nag-aalala talaga siya para sa kaibigan ko.

Ngumiti sa amin ang doctor. "She's already fine. Ililipat na siya at ang baby niya sa mga kwarto nila."

"Is it a girl or a boy?" he asked again.

"A boy," sagot ng doctor pagkatapos ay nakangiti siyang umalis sa harap namin.

Bumalik naman ako sa pagkakaupo. I smiled. Masaya ako para sa kaibigan ko.

"Wanna eat something with me?" the man in front of me suddenly asked kaya napatingala ako sa kanya.

He's looking at me while smiling. That prettiest smile again.

I smiled back. "Sure," sagot ko pagkatapos ay tumayo.

Naunang naglakad sa akin ang lalake. Sumunod naman ako sa kanya. Hanggang sa nakapasok kami sa elevator. Tahimik lang kami pareho.

Nang makababa na kami, dumiritso kami sa cafeteria.

Hanggang sa nakabili na kami ng snacks. I noticed that he was still smiling. Masayang-masaya siya dahil kay Liah hindi tulad kanina.

Magkatapat kaming umupo.

"Sobrang saya mo ah," usal ko bago kumagat sa hamburger ko. He looked at me. Sobrang saya ng mga mapupungay niyang mga mata.

"Well, may dahilan kaya masaya ako," he happily replied.

"And, what exactly is that? Is it because Liah has a baby boy or is it because finally, Liah has already given birth?"

"Both, sobrang hirap kaya niyang alagaan habang nagbubuntis siya. Ang gulo niya kausap. Ang dami niya ring cravings. Hindi na nga ako magkandaugaga sa paghahanap sa mga weird na pagkaing 'yon. I am also happy because she got a baby boy. She always wanted one para gawing junior ng lalakeng mahal niya," he casually said.

I remembered the tragedy months ago.

Liah lost the man she loves. Pero nagawa niyang maging matatag para sa anak nila.

Naaalala ko pa 'yung mga araw na palagi akong nasa tabi niya habang walang tigil siya sa pag-iyak.

Maraming beses siyang nakakatulog habang umiiyak. Nakita ko kung paano siya nadurog at naubos dahil sa pagkawala ng lalakeng mahal niya. Sobra siyang nasaktan at naging miserable.

Sobrang hirap mawalan ng taong mahal mo.

Nagpapasalamat nga ako dahil nagawa niyang makaalis sa sitwasyon na 'yon kahit na hindi naging madali.

Kahit na nakikita ko na nadoon pa rin ang sakit sa mga mata niya, nagagawa niya pa ring magpakatatag.

After mamatay ni Kiel noon, sumunod naman ang lolo at tita ni Liah.

Nagpakamatay ang lolo niya. Binaril ang sarili sa parehong araw kung kailan pinatay si Kiel.

Habang nasa kalagitnaan ng pagdadalamhati noon si Liah, ako at ang lalakeng kaharap ko ang nag-aalaga sa kanya.

Pero kahit kailan, hindi kami pormal na nagkakilala.

Salitan lang naman kami kasi noon sa pagbabantay kay Liah. Hindi kami nakakapagpang-abot sa condo ng kaibigan ko.

Kapag nakaalis na ako, saka naman siya darating and likewise.

"Medyo hindi ako sang-ayon na she'll be naming her son after her late lover. Baka lalo lang siyang masaktan lalo na ngayong hindi pa siya tuluyang nakakamove on sa pagkawala niya. Ilang buwan pa lang rin ang nakakalipas after nang pangyayaring 'yon," I said bago sumimsim sa iced tea ko.

"I'm pretty sure her son will reduce the pain she's currently feeling and probably, he will help her heal,'' puno ng kumpyansyang saad nito.

Sumang-ayon na lang rin ako sa kanya.

"Anyways," pinagpagan ng lalake ang kanyang palad sabay na inilahad sa akin iyon, "I'm Vish."

Nakangiting tinanggap ko ang palad niya. "Fatima," we then shaked hands.

"Fatima? Pretty name. But, I thought your name was Jane?"

I smiled. "It's Fatima Jane actually. They mostly call me Jane. You can call me whatever you want though."

He chuckled and smirked. "Hmm....so, can I call you mine?" he then winked.

I was caught off guard. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko.

Seconds later, I burst into laughter. "That was smooth. You're funny."

Tumawa na rin si Vish.

After a minute, I stretched my hands in front of him. "Parang gusto kong maglakwatsa ngayon," saad ko.

He's looking at me. I smiled at him.

"Sama ka? Thirty minutes lang tayo sa labas. 'Yon kung wala ka ng ibang gagawin."

Tiningnan muna ni Vish ang oras sa kanyang wrist watch. Pagkatapos ay nag-angat ng tingin sa akin at ngumiti. "Sure, mamayang seven p.m pa ako babalik sa opisina ko. 6:15 p.m pa lang naman."

Lumawak ang ngiti sa labi ko pagkatapos ay nauna ng tumayo. "Tara."

Magkasabay kaming naglakad palabas ng ospital.

"Saan tayo?" he suddenly asked.

Humarap ako sa kanya and I looked at him from head to toe.

"Malapit lang and divisoria rito. Gusto ko lang sanang bumili ng mga souvenirs na ireregalo ko sa baby ni Liah. Pero mukhang hindi ka 'ata pwedi ro'n dahil diyan sa suot mo," I pointed his suit.

Vish confusedly looked at himself pagkatapos ay tumingin sa 'kin. "Is there something wrong with my clothes? May dress code ba sa divisoria?"

I slightly laughed at what he said. "Tara na nga. Pero 'wag mo kong sisisihin kapag pinagtinginan ka ng mga tao ro'n," nakangiting sabi ko sabay na naunang naglakad.

Sumunod naman sa akin si Vish. "I'm used to that thing," mayabang na saad nito.

"Sampung minutong lakaran 'to. Baka magreklamo ka."

"That's fine. I've been sitting all day. I'll consider this as an exercise," he replied.

Tahimik kami pareho habang naglalakad. Madilim na ang paligid. Hanggang sa nakarating na nga kami sa divisoria.

Kaagad na sumalubong sa amin ang marami at maingay na mga tao. Medyo nahirapan pa kaming makapasok sa loob dahil siksikan ang mga tao.

Nakasunod lang sa akin si Vish.

Huminto kami sa tapat ng isang stall na nagtitinda ng iba't ibang klase at disenyo ng mga souvenirs.

Kinuha ko ang isang maliit at cute na porseras na mayroong maliit na jar sa gitna. Saktong-sakto iyon sa kamay ng isang maliit na sanggol. Gawa iyon sa matabang brown and red beads. Kumuha ako ng dalawa niyon.

Si Vish naman ay tumitingin-tingin sa ilang mga keychains na souvenirs.

Umagaw ng atensyon ko ang isang itim na porseras na gawa sa pilak. Dalawa iyong nakalagay sa isang plastic cover.

Kinuha ko iyon at pinakatitigan.

Ang isang porseras ay mayroong maliit na lock sa gitna. Ang isa naman ay mayroong susi sa gitna.

"Couple bracelet 'yan, hija," biglang pagsasalita ng matandang manong na nagbabantay kaya napatingin ako sa kanya. "Bagay sa iyo at sa kasama mo."

Napatingin naman ako sa katabi ko. Nakatingin rin siya sa hawak ko.

Napatingin naman ulit ako sa manong sabay na awkward na tumawa.

"Maganda 'to, manong. Pero hindi naman po kami couple," saad ko sabay tawa.

"Ayy! Hindi ba?" tumawa naman si manong kahit wala ng mga ngipin. "Bagay kasi kayong dalawa," dagdag pa niya.

Ibinaba ko na lang ang porseras sabay na inabot kay manong ang dalawang bracelet na pangbatang kinuha ko.

"Itong dalawa lang po," tinanggap naman kaagad 'yon ni manong.

"This looks pretty good though," biglang pagsasalita ni Vish sabay na kinuha ang couple bracelets na hawak ko kanina. Tiningnan muna nito ng ilang segundo ang bracelets bago inabot kay manong. "Kukunin rin namin 'to."

Nakangiti namang tinanggap iyon ni manong.

Sino naman kaya ang pagbibigyan niya?!

Kumuha na lang rin ako ng dalawang keychains at dalawang mini jars na mayroong umiilaw sa loob para gawing dekorasyon sa kwarto ko.

Si Vish na ang nag-offer na magbayad.

Medyo nabigla pa ako dahil five thousand pala ang presyo ng couple bracelet na 'yon. Hindi ko naman makitaan ng espesyal ang bagay na 'yon.

Kaagad rin kaming umalis sa divisoria. Halos hindi na magkandaugaga ang mga tao roon sa sobrang dami.

"Gusto mong kumain ng street foods?" pag-aya ko kay Vish kahit na sa tingin ko ay hindi mahilig ang mga kagaya niya sa mga ganoong pagkain.

Pero walang pag-aalinlangang tumango ang binata. "Sure," he replied.

Napangiti naman ako. "Ano'ng gusto mo? Ako na ang bibili. Baka mausukan pa 'yang suot mo at mangamoy ka."

"The one that they called ibaw? I am not actually sure," hindi siguradong saad ng binata. "And, an egg covered with that orange thingy," he added.

Bahagya naman akong natawa sa kanya. "It's kwek-kwek and isaw," natatawang saad ko. "Ako na ang bibili, dito ka lang."

Iniwan kong nakatayo si Vish.

Ilang minuto lang ay bumalik na ako sa pwesto niya habang bitbit ang dalawang kwek-kwek at sampung isaw.

"Here," inabot ko sa kanya ang street food. Kanya naman iyong tinanggap.

Tahimik kaming kumakain habang nakatingin sa mga taong dumadaan.

Napapasulyap ako kay Vish. Walang arte niyang kinakain ang isaw at kwek-kwek.

Sabay kaming tapos na kumain. Binigay ko pa kay Vish ang panyo ko para gawing pamunas sa kamay niya.

Habang pinapagpagan ang kamay ko, biglang inabot sa'kin ni Vish ang isa sa couple bracelet na binili niya kanina. "Here, for you."

Nagtatakang napatitig naman ako roon at sa binata.

Bracelet na may lock ang binibigay niya sa'kin. "Seryoso ka?" natatawang tanong ko. "Bakit sa 'kin mo 'yan binibigay?"

Tipid siyang ngumiti sa 'kin. "Ayaw mo ba?"

"Eh, couple bracelet 'yan eh."

"Pwede rin namang friendship bracelet 'to. Come on, take it. Remembrance mo na lang din sa akin," saad ni Vish.

Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko pa 'yon pero mas pinili kong tanggapin na lang.

Tiningnan ko muna ang bracelet bago nag-angat ng tingin sa binata at ngumiti. "Salamat," usal ko.

Tinitingnan ko lang si Vish habang sinusuot niya ang bracelet na may susi. Isinuot ko na rin 'yung akin.

Related chapters

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 2

    I was smiling from ear to ear habang naglalakad papunta sa room ni Liah at nakatingin sa suot kong itim na bracelet na bigay ni Vish.Sobrang saya ko na may halong kilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung may nagbigay sa 'yo ng couple bracelet? Kahit pa na sinabi niya na friendship bracelet lang 'to, kinikilig pa rin ako.Hinatid lang ako kanina ni Vish sa ospital pagkatapos ay umalis na. Bukas na lang daw niya dadalawin si Liah."Ate," napatigil ako sa paglalakad nang biglang may batang tumawag sa akin.Napalingon ako sa gilid ko.Nakaupo sa isang wheelchair ang isang batang babae sa may pintuan ng kwarto. Sa tingin ko ay nasa labing dalawa o mahigit na ang edad niya.Sobrang putla ng balat niya. Nangigitim ang labi at ilalim ng mga mata niya. Sobrang payat rin niya.Nakasuot siya ng isang asul na pang-pasyenteng roba. Hawak ng isang kamay niya ang IV pole na nakakonekta sa pulsuhan niya.Ngumiti ako sa kanya. "Ano 'yon?""Pwede ba akong magpasama sa 'yo?" tanong niya. Wala

    Last Updated : 2022-10-25
  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 3

    WARNING: MATURE CONTENT!Matapos ang insidente, pinilit ko pa ring pumasok sa trabaho. Pumasok ako kanina nang hindi napapansin na may maliit na sugat ako sa pisngi at dumudugo iyon.Nilagyan ko lang iyon ng maliit na band aid at tinakpan ng concealer.Nasa New York na ako ngayon. Kalahating oras na ang lumipas simula nang lumapag ang eroplano namin. Limang na oras pa bago ang susunod naming flight.Alas dos na ngayon ng madaling araw rito. Sa isang pinakamalapit na hotel mula sa airline kami nakacheck in para magpahinga muna bago ang susunod na flight.Nasa pinakamataas na parte ng hotel ang kwarto namin. Anim kaming babae sa iisang kwarto.Nagchichikahan ang lima kong mga kasamahan sa loob habang nasa balkonahe ako at nakatingin sa maliwanag na siyudad.Nakatukod ang mga siko ko sa railings. Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon.Naging kasalanan ko pa talaga ang lahat. Ako na nga ang biktima, ako pa rin ang mali.Gusto ko na lang matahimik. Gusto ko ng mag move on. Gusto ko ng mak

    Last Updated : 2022-11-16
  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 4

    WARNING: MATURE CONTENT!I can clearly hear Vish's loud snoring behind me. He is very well asleep after we had s*x. Both of us are nakedly laying on his long couch. Walang kahit na kumot ang tumatakip sa mga hubad na katawan namin.Medyo nilalamig na rin ako. I didn't sleep after we both laid our body on the soft couch hanggang sa nakatulog na lang si Vish. Buti pa nga siya nagawang makatulog.Sinamantala ko ang pagkakataon habang tulog pa ang binata. Dahan-dahan akong tumayo. Nilingon ko muna si Vish. Ang himbing talaga ng tulog niya.Hinanap at pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat kong damit sa sahig at kaagad na isinuot ang mga 'yon.Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Six a.m na. Kailangan ko ng bumalik sa hotel namin. May flight pa ako ngayon.Unti-unti na ring lumalabas ang araw. Tiningnan ko sa huling beses si Vish bago walang ingay na bumaba mula sa tower.Nang makababa na ako ng building, kaagad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa hotel namin.Nang makapasok ako sa hote

    Last Updated : 2022-11-16
  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 5

    WARNING: MATURE CONTENT!Kasalukuyan kami ngayong sabay na naglalakad ni Vish sa loob ng building ng kompanya niya.Pagkatapos naming kumain kanina, nag-aya si Vish na magstay muna ako sa opisina niya. Pumayag naman ako dahil wala akong gagawin sa condo. Wala rin naman akong pasok sa trabaho.May mangilan-ngilang mga trabahante ang nasa loob at may kanya-kanyang ginagawa. Ang iba sa kanila ay napapatingin sa aming dalawa ng binata kapag nadadaanan namin. Siguro dahil nagtataka sila kung bakit magkasama kami.Ang dami ba namang malisyoso't malisyosa sa panahon ngayon."I'll cook for you sometime. Para naman matikman mo kung gaano ako kasarap magluto," masayang saad ng binata.Napangiti naman ako sa kanya. "Really? Gagawin mo para sa 'kin?"Tumango siya. "Uh-huh. You're going to fall in love with me once you tasted them," sinabayan pa niya ng pagtawa.He's probably just kidding. Love? Malabong umabot kami sa ganoong phase ng relasyon. Everything is just pure s*x. Pure pleasure and nothi

    Last Updated : 2022-11-16
  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 6

    EVROUS' P.O.V "Fatima! Stop it!" sigaw ko sa kanya habang pilit na inaagaw sa kamay niya ang hawak niyang tinidor na hindi ko alam kung saan niya nakuha.Nagwawala siya. Wala na siya sa sarili niya. Hindi na siya ang si Fatima na kilala ko.Wala siyang ibang ginawa kundi sumigaw at magpumiglas mula sa pagkakahawak ng lalakeng nurse sa kanya.Hawak ko naman ang isang pulsuhan niya para pigilan siyang masaktan ang sarili niya."Fatima!"Nang magising siya kanina, tahimik lang siya. Pero no'ng after kong ipainom sa kanya ang gamot niya, bigla na lang siyang nagwala.Mabilis kong hinablot sa kamay niya ang tinidor. Sigurado akong nasugatan ang kamay niya dahil sa ginawa ko pero kailangan ko 'yong gawin.Pagkatapos ay kaagad kong tinurok ang isang injection sa balikat niya.Ilang segundo lang ay unti-unti na siyang kumalma. Unti-unti na siyang nanghihina hanggang sa tuluyan ng bumigay ang katawan niya.Maingat muna siyang inilapag ng nurse sa hospital bed saka ako lumapit sa kanya. Dilat

    Last Updated : 2022-11-16
  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 7

    WARNING: MATURE CONTENT! We were kissing intensely. Naglalaban ang mga labi namin.Biglang ipinasok ni Vish ang kanyang dila sa loob ng bibig at inikot-ikot iyon na tila may ginagalugad.Napaungol siya nang bigla kong kagatin iyon saka naglaban ang mga dila namin.Tinakpan niya ng makapal na kumot ang kalahati ng katawan namin bago dahan-dahang naglumikot ang mga daliri niya sa loob ng damit ko.Hinawi niya ang itaas na bahagi ng damit ko dahilan para malaya niyang namamasahe ang maumbok kong dibdib. Nanindig naman ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa biglang pagtama ng malamig na hangin sa parteng iyon ng katawan ko.Hinawakan ko ang kumot at tinakpan niyon ang dibdib ko.Kaagad naman 'yong napansin ni Vish kaya itinaas niya pa lalo ang kumot. Tanging mga ulo na lang namin ang hindi natatakpan.Isa-isang hinubad ng binata ang mga saplot ko sa katawan.Ramdam kong hindi kakayanin ng katawan ko ang gagawin namin pero hindi ako nagrereklamo dahil gusto ko rin 'tong gawin.Okay na si

    Last Updated : 2022-11-16
  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 8

    Alas nwebe ng gabi lumapag ang eroplanong sinasakyan ko.Ilang oras rin akong nakatulog habang nasa byahe. Pero hanggang sa panaginip ko, naroon si Ciano.Nag-aalala ako para sa kanya.Noong sabihin ng kapatid niya na maaaring hindi na siya tumagal ng isang araw, magkahalong awa at lungkot ang naramdaman ko.Alam ko ang nararamdaman ni Chris at ni Ciano. Parang mas nalungkot pa nga ako kaysa sa kanila.Kaagad kong itinext si Chris at sinabing nasa airport na 'ko at nagpapasundo sa kanya.Ni-send pa niya sa 'kin ang picture niya para raw mabilis ko siyang makita. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang itsura ko.At makalipas lang ang sampung minuto, kaagad kong namukaan ang isang pamilyar na mukha 'di kalayuan mula sa kinauupuan ko.Isang lalaking nakasuot ng itim na makapal na jacket, jogger at bonnet. Ang bata niya tingnan. Mukhang wala pa siya sa trenta. Inilibot-libot niya ang kanyang paningin na parang may hinahanap.Halata ring pagod na pagod at stress ang itsura niya.Pinagkumpar

    Last Updated : 2022-11-16
  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 9

    WARNING: MATURE CONTENT!Habang naglalakad, malalim akong nag-iisip.Ang totoo niyan, nate-temp akong gawin ang gusto ni Ev.Kasi kung tutuusin, wala naman talagang mawawala sa 'kin kapag sinubukan ko.'Yung kahihiyan sa katawan ko, matagal na 'yung nawala dahil dati, araw-araw naman ako napapahiya sa mga tao.Hindi na bago sa 'kin ang mapahiya lalo na kapag si mama ang gumagawa niyon.Pero ayoko na lang ding subukan. Wala ngang mawawala sa 'kin, wala rin akong mapapala.Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang lumang village.Nagtataka pa akong tiningnan ng driver dahil doon ko gustong magpahatid.Iniisip siguro niya na ang creepy ko dahil bakit naman ako magpapahatid sa isang village na nagmistula ng gubat dahil wala ng nakatira sa loob ng mahigit isang dekada. Tapos alas nuwebe pa talaga ng gabi.Pero hindi na nagsalita pa si manong at pinaarangkada na lang ang taxi.Gusto ko lang bisitahin ang lugar na 'yon. Ang gaganda ng mga memories ko sa lugar na 'yon.Gusto ko lang makita ul

    Last Updated : 2022-11-16

Latest chapter

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 48

    Vish's P.O.VI had the feeling that it was really her. My heart tells that it was her. She is back. I paid someone to investigate. The first time I saw her, I already knew that it was her.After many days of waiting for the result, the investigator that I paid finally called to meet me.I am casually sitting inside this mini cafe where there isn't much people around.I was hurt when she didn't recognize me the first time we met after all these years. My heart ache so much after she asked who I was.And my doubts disappeared when I kissed her. Her lips tasted the same as before. It didn't even change a bit. Her lips still taste sweet. It's making me crazy and vulnerable. I wanted to have her in my arms so bad. I wanted her so much that I am paying someone just to do an investigation to make things clear.When I saw that bastard who was her former doctor, I already knew that it was indeed her.One thing that kept me out from believing that it was her was her grave. I saw her dead body g

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 47

    I am standing in front of one big house. This is his house. I've been here.Hindi na ngayon dito nakatira si Liah. They moved out after the divorce. Vish provided them a one expensive condo para doon na sila tumira ng anak niya.It has been a week. A week had passed bago ko naisipang lumipad pabalik ng Pilipinas para lang makita siya. Baka sakaling may pag-asa pa kaming dalawa.O kahit closure lang sana para sa anak namin. I wanted him to personally meet our daughter. Apat na taon ng buhay ni Xyrie ang lumipas nang hindi nakikilala ang tunay niyang daddy. I want to make it up to her. Gusto ko siyang bigyan ng kumpletong pamilya.I wanted her to feel all the love I could possibly gave her, the kind of love that I never experienced not until Vish entered my life.My heart's beat went fast as I slowly moved the small gate to get inside. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto.I stood there for a moment. Nag-aalangan ako kung kakatok ba ako o hindi. Hanggang sa kusa na lang na gumala

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 46

    I fell asleep again after I laid my body on the bed when we got back from the place where Ev said me and my daughter lived.Ito 'yung bahay na pinanggalingan ko kagabi. Kaya naman pala may mga pictures ako dito dahil dito ako nakatira.When I woke up, mahimbing na natutulog sa braso ko ang bata kanina.Suddenly, in a snap, bigla na lang bumalik sa isip ko ang lahat ng mga nangyari. I realize that this is Xyrie sleeping on my arm. I remembered everything.Naging klaro na lahat ngayon sa isip ko. Nasagot na ang karamihan sa mga katanungan na nasa isipan ko sa mga nakalipas na taon.I smiled as I gently stroke my daughter's hair. I kissed her forehead. Rinig ko ang mahihina niyang hilik.Ev said she was crying because she didn't see me last night. She must've been frightened because I wasn't there with her.Napansin ko si Ev na kakagising lang rin. Nakaupo siya sa mahabang couch habang kusot-kusot ang kanyang mga mata.Bumaling siya sa amin. Napansin niyang gising na ako. He got up and s

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 45

    Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na ng ulo ko at parang nag-gi-glitch and utak ko.Malakas ko siyang tinulak. Narinig ko pa ang malakas na pagtama niya sa isang bahay dahilan para lumikha ng ingay.Mabilis kong binuksan ang pinto saka tumakbo palabas. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinakinggan o nilingon man lang.I took the exit kung saan walang mga tao. I was glad nang wala akong nakitang ibang tao roon kaya deritso akong nakalabas.I looked left and right, finding which direction I should take just to escape from this place.Gusto ko na lang makalayo. Gusto ko na lang maglaho para maproseso ko ang lahat ng mga nangyayari.My mind wanted to be alone.I was glad nang may dumaang taxi. Dali-dali akong sumakay roon saka nagpahatid sa condo ko.Wala na akong pakealam sa mga susunod na mangyayari. Ang gusto ko lang ngayon ay hindi ako makita ng mga tao sa ganitong sitwasyon.How am I supposed to face those people with this state of mine?Makalipas ang

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 44

    Someone dragged me inside a mini room or a bodega. Judging by his scent and strength, I could tell that he is a man.He shut close the door and pinned me on the nearest cold wall. Iniharang niya ang malaki niyang katawan sa akin. Mataas siya sa akin ng ilang pulgada.“Shhh…” He hushed me. Malapit ang mukha niya sa akin. For some reason, he sounded familiar.Sinubukan kong magpumiglas. I pushed his chest pero marahas niyang hinablot ang mga palad ko and pinned them on the wall, up to my head.He also pinned his body on me na lalong nagpapahirap sa akin na gumalaw.Takot na takot na ‘ko. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa lakas ng tibok niyon. Ramdam ko rin ang panlalambot ng mga tuhod ko.Lumipas ang mahigit limang minutong pagpupumiglas ko pero walang nangyayari at hindi man lang siya natitinag. Tahimik lang rin siya habang ginagapos ako, parang naghihintay lang siya na tumigil na ako sa ginagawa ko.Hanggang sa ako na nga ang napagod dahilan para tumigil na ako. Narar

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 43

    I looked at myself in the mirror. I am wearing a beige maxi dress na abot hanggang talampakan ang taas. My hair is dyed into a light brown and it was semi curled.Kasalukuyan akong nasa loob ng fitting room, inaayusan ang sarili ko. My lips were pink. Makapal ang makeup sa mukha ko para masigurong hindi maging obvious ang mga pimples at eyebags ko.After putting my makeup, I proceeded on wearing my jewelries. They were all made of silver. Suot ko rin ‘yung necklace na binili ko noong magkasama kami ni mama sa pagsashopping.Tonight is the night that we had been waiting for. Thousand of guests have already arrived and they are all wearing elegant and highclassed outfits. 70 percent of our expected guests came at patuloy pa na nagsisidatingan ang iba. After ten minutes, magsisimula na ang party.Medyo nanlalamig ang mga palad ko dahil sa kaba. Masyadong maraming tao. Natatakot akong magkamali. Kanina pa rin ako pinagpapawisan at buti na lang long lasting at waterproof ang makeup na suot

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 42

    Nakabalik na kami sa Canada. Pumapasok na ulit si Xyrie sa school niya. Ako naman ay inaayos ang problema patungkol sa upcoming event.While working something on my laptop, maya’t maya akong napapatingin kay Ev. He is also busy doing something. He took a one week leave from the hospital he’s working dahil nga sa upcoming event.I couldn’t stop thinking everything that had happened on our stay in the Philippines. Especially ‘yung paghaharap namin ng lalakeng nakasuntukan ni Ev.I couldn’t stop thinking about him. Not because I have some personal reason to do so. It was because of what he said that made me question Ev’s kindness towards me and Xyrie.I have the feeling that Ev is hiding something to me. I kept on talking a quick look at his face.If what that man said was true, this would be the first time Ev lied something to me. Pero hindi ako makaisip ng tama o eksaktong dahilan para magsinungaling siya sa ‘kin.Umiling iling na lang ako saka pilit na inaalis sa isip ko ang problema

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 41

    Hanggang sa makabalik na ako sa hotel room namin, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga pangyayari.Nadatnan kong natutulog sa long couch si Aya kaya ginising ko siya para pabalikin na sa kwarto niya.Pagkatapos ay tinungo ko naman ang kwarto namin ni Xyrie. Mahimbing pa rin na natutulog ang anak ko.Hinubad ko ang coat ko saka tumabi ng higa sa kanya. Magkaharap kami sa isa't-isa.Marahan kong hinaplos-haplos ang buhok ng anak ko. Pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.As I was watching her, I realized she resembles someone. But, I cannot point out who. He looks like someone I saw from before.I just kissed her forehead and proceeded to close my eyes.At makalipas lang ang ilang segundo ay agad na akong dinalaw ng antok.***“We’re here,” anunsiyo ng binata nang makapasok kami sa loob. “Welcome to my office.”“Sigurado ka bang ayos lang na nasa opisina mo ako habang nagtatrabaho ka? Baka makaistorbo lang ako?” Medyo madilim rin ang paligid ng opisina siya. ‘Yung working table lan

  • OUR KINKY LITTLE SECRETS   CHAPTER 40

    We are supposed to stay here for another day pero tumawag sa akin kanina si papa at pinapabalik na kami sa Canada. Nagkaroon raw ng problema para sa food catering para sa magaganap ng event.I booked them a month ago. And I am shortly glad na they announced their backing off days before the actual event. May oras pa ako para maghanap ng ipapalit.Our flight will be tomorrow at noon. Xyrie's currently in bed. It's already seven p.m. Maagang nakatulog ang anak ko. She was tired these past few days.Dinaig pa niya ako na nagtatrabaho ng mahigit sampung oras sa isang araw.Kanina ko pa hinihintay si Ev para sabihin sa kanya na kailangan na naming bumalik ng Canada.I've been calling him the whole afternoon pero nakapatay ang phone niya. Medyo kinakabahan na ako kasi hindi naman siya ganito. Usually siya pa nga ang mas nauunang tumawag sa 'kin.Sumandal ako sa pintuan ng kwarto namin, naghihintay na dumating si Ev. Ilang minuto na akong patingin-tingin sa pintuan ng kwarto niya na katabi l

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status