I was smiling from ear to ear habang naglalakad papunta sa room ni Liah at nakatingin sa suot kong itim na bracelet na bigay ni Vish.
Sobrang saya ko na may halong kilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin kung may nagbigay sa 'yo ng couple bracelet? Kahit pa na sinabi niya na friendship bracelet lang 'to, kinikilig pa rin ako.
Hinatid lang ako kanina ni Vish sa ospital pagkatapos ay umalis na. Bukas na lang daw niya dadalawin si Liah.
"Ate," napatigil ako sa paglalakad nang biglang may batang tumawag sa akin.
Napalingon ako sa gilid ko.
Nakaupo sa isang wheelchair ang isang batang babae sa may pintuan ng kwarto. Sa tingin ko ay nasa labing dalawa o mahigit na ang edad niya.
Sobrang putla ng balat niya. Nangigitim ang labi at ilalim ng mga mata niya. Sobrang payat rin niya.
Nakasuot siya ng isang asul na pang-pasyenteng roba. Hawak ng isang kamay niya ang IV pole na nakakonekta sa pulsuhan niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Ano 'yon?"
"Pwede ba akong magpasama sa 'yo?" tanong niya. Walang sigla at parang paos ang boses niya.
"Saan?"
"Sa labas. Gusto ko po sanang magpahangin."
Luminga-linga ako sa paligid namin. Pagkatapos ay humarap ulit sa kanya. "Wala bang magagalit? Gabi na. Baka mapagalitan ka ng nurse o ng parents mo. Baka rin mapagbintangan akong kidnapper," nakangiting sabi ko.
Pilit na ngumiti siya sa akin. "Mamayang alas otso pa babalik si mama. 'Yung nurse ko naman, mamayang alas nuwebe pa siya babalik para tingnan ako. Magpapahangin lang po ako saglit. Kahit sampung minuto lang. Pagkatapos babalik agad tayo. Matagal na po kasi 'yong huling beses na nakalanghap ako ng sariwang hangin sa labas."
Tipid akong ngumiti sa kanya.
Naawa ako sa kanya. "Sige," nakita kong malapad siyang napangiti dahil sa sinabi ko.
Lumapit ako sa kanyang likuran pagkatapos ay humawak sa wheelchair.
Sinilip ko pa ang kwartong kinaroroonan niya. Puno iyon ng maraming machine at wires.
Mahina ko siyang tinulak. Isinarado ko muna ang pinto bago dahan-dahan siyang iginaya palabas. Tulak-tulak niya ang kanyang IV pole.
Dumiritso kami sa garden ng ospital. Malamig ang hangin. Maraming bituin ang nasa kalangitan.
Ipwinesto ko siya sa gilid ng nag-iisang bench.
Kaagad na tumingala ang bata sa kalangitan. Inipatong ko muna sa likuran ng bata ang suot kong jacket para hindi siya malamigan bago ako umupo sa bench.
Ngumiti siya sa akin.
"Ano ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Merry," simpleng sagot niya.
"Ilang buwan ka na dito sa ospital?"
"Isang buwan na lang, mag-iisang taon na po ako rito," malungkot niyang tugon.
"Ano ang sakit mo?"
"May tumor po ako sa utak. Nahihirapan ang mga doctor na pagalingin ako kaya nananatili ako sa lugar na 'to."
Bahagyang kumirot ang dibdib ko.
Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. "Ano ang nararamdaman mo?"
"Malungkot po, syempre. Ang hirap tumira rito. Nahihirapan nga po akong gumising araw-araw. Pero pinipilit ko kasi ayokong iwan sina mama at papa. Takot silang mawala ako at ganoon rin naman po ako. May mga araw na nakakalimot ako. Nakakalimutan ko kung sino ako. Nakakalimutan ko kung sino sina mama at papa. Pero palagi silang nandiyan para ipaalala sa'kin kung sino ako at kung sino sila sa buhay ko."
Gusto ko sanang umiyak ngayon pero pinilit kong huwag gawin.
Maswerte siya. May nakukuha siyang suporta mula sa mga magulang niya.
"Ilang taon ka na?"
"Twelve, brthday ko na nga po sa unang araw ng susunod na buwan," saad ni Merry sabay na pilit na ngumiti. Ang bata niya pa para pagdaanan lahat ng 'to. Malungkot ang mga mata niya. "'Yon ang magiging unang birthday ko dito sa ospital."
Inabot ko ang malamig na palad ni Merry. "Alam ko 'yang nararamdaman mo. Ang hirap magkaroon ng ganyang sakit. Pero maswerte ka pa rin. Nandiyan ang pamilya mo, nakikipaglaban kasama mo. Kaya 'wag kang susuko ah?" tumango si Merry. "Huwag kang susuko. Hangga't hindi ka sinusukuan ng mga taong nakapaligid sa'yo, 'wag ka ring susuko. Marami ka pang pagdadaanan. Pero darating ang isang araw, lahat ng 'yon magiging worth it. Bata ka pa. Piliin mo palaging lumaban."
Ngumiti siya sa akin. "Opo, palagi akong lalaban para kay mama at papa," pinagsiklop niya ang mga kamay namin. "Ate, parang masaya ka kausap. Pwede ko bang makuha ang number mo."
Ngumiti ako sa kanya. "May phone ka?"
May kinuha naman si Merry sa bulsa ng kanyang roba. Isang cellphone. Inabot niya 'yon sa'kin.
Tinanggap ko naman sabay na ni-save ang numero ng cellphone ko.
Inabot ko ulit sa kanya ang cellphone. Tiningnan naman niya ang nilagay kong pangalan sa number.
Nakangiting nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Fatima po ang pangalan mo?"
Tumango ako. "Hmm..."
"Ang gandang pangalan."
"Maganda rin naman 'yung sa 'yo, Merry."
"Manatili po muna tayo ng mga ilang minuto bago bumalik sa taas. Ang sarap ng hangin dito," Merry requested.
"Sige, pero kapag nag-seven thirty na, ipapasok na kita."
Malapad na ngumiti sa'kin si Merry. "Ikaw pala, ate, ilang taon ka na?"
"Thirty na 'ko," sagot ko.
"Ano po ang work mo?"
"Cabin crew, isa akong flight attendant."
"Kasama mo rin ba 'yong mga magulang mo?"
Napatitig ako kay Merry. Ilang segundo lang ay pinilit kong ngumiti.
"Hindi ko na sila nakasama for fifteen years na," malungkot kong tugon.
"Bakit? Nasaan na po sila?"
"Nasa italy na sila. Kasama ang kapatid ko."
"Bakit fifteen years? Ang tagal naman po. Bakit kasama nila ang kapatid mo at ikaw hindi?"
Hinaplos-haplos ko ang mabutong palad niya. "Sabihin na lang natin na ayaw sa 'kin ng mga magulang namin," sinusubukan kong 'wag maging emotional.
"May gano'n ba, ate? Mga magulang na ayaw sa anak nila? 'Di ba ang mga magulang, gusto ang mga anak nila? Kaya nga sila nag-anak, 'di ba?"
"Iba sila, hindi sila handa nang mabuo ako. They weren't happy to have me. Nang dahil sa 'kin, naging magulo ang mga buhay nila."
"Eh, 'di ba mayroon naman pong abortion? Kapag hindi gusto ng mga magulang na magkaanak, pinapaabort nila 'yong baby. Bakit hindi ginawa ng parents mo 'yon kung hindi sila handa?" prangka at inosenteng tanong ng bata. Ang dami niyang alam.
"Hindi ko rin alam," tumingala ako sa mabituing kalangitan. "Siguro nga, kung mas pinili nila akong ipa-abort noon, hindi ko mararanasan ang mga ganitong paghihirap," nagbaba ako ng tingin kay Merry. "Pero masaya rin naman ako na mas pinili nila akong buhayin. Nagagawa ko ang mga gusto kong gawin. Nagiging masaya at malaya ako. Ang sarap kaya sa pakiramdam ng ganoon. Kaya ikaw, magpagaling ka. Para maranasan mong maging malaya mula sa sakit na 'yan at maging masaya. Marami ka pang pwedeng gawin. Marami pang masayang alaala ang bubuuin mo kasama ang mga taong mahal mo."
"Pinapangako ko po 'yan sa 'yo, ate. Magpapagaling ako para sa parents ko," she even raised her right hand, swearing.
Malapad akong napangiti sa ginawa niya.
"Masaya po ba ang trabaho mo?" biglang tanong niya.
"Syempre, ang matupad ko lang ang pangarap kong maging flight attendant, masaya na 'ko. Marami ka ring makakasalamuhang mga tao. Nakakapunta ka sa iba't-ibang naggagandahang mga bansa. Nakakapagtravel ka ng libre. Masaya talaga," I happily explained. "Eh, ikaw? Ano ang pangarap mong propesyon kapag malaki ka na?"
Malapad na ngumiti si Merry. Ang sincere ng ngiti niya kahit halos wala na siyang mga ngipin. "Gusto ko pong maging doctor para magamot ko ang mga batang kagaya ko na may sakit. Gusto ko silang matulungan. Gusto ko silang pagalingin."
"Ngayon pa lang, sigurado na akong magagawa mo 'yan. Ang tapang mong bata. Walang duda, malayo ang mararating mo balang araw."
Bigla akong niyakap ni Merry. Hindi siya nagsalita. Basta niyakap na lang niya ako.
Niyakap ko na rin siya pabalik.
***
Hinatid ko na si Merry sa kwarto niya. Wala pa roon ang mama niya kaya nga medyo na-guilty akong iwan siyang mag-isa sa kwarto niya.
Pero sabi naman niya ayos lang. Sanay naman na daw siya. Kaya umalis na lang ako at dumiritso na sa kwarto ni Liah.
Nadatnan kong mahimbing na natutulog si Liah.
Nabaling ang atensyon ko sa maraming iba't-ibang kulay ng bulaklak na nakahilera sa isang long couch. Mayroon ring mga nakabalot roon na parang regalo.
Lumapit ako roon.
Biglang bumukas ang pinto kaya napabaling ako roon.
Pumasok ang isang nurse. Ngumiti at bahagya itong yumuko nang makita ako. "Good evening, ma'am."
"Good evening din. Uhm....kanino galing ang mga 'to?" tinuro ko ang mga bulaklak at mga regalo.
Tiningnan naman ang mga 'yon ng nurse. "Ah, 'yan po ba. Nang ilipat po namin ang pasyente rito kanina, sunod-sunod na pong dumating ang mga 'yan. Galing daw po sa mga kaibigan at kapamilya ng pasyente."
"Ang bilis naman. Ang dami kaagad nila," mahinang saad ko.
"Oo nga po, ma'am. Isang oras pong sunod-sunod na dumating ang mga 'yan."
Napatingin ulit ako sa mga bulaklak at regalo.
"Eche-check ko po muna ang pasyente," aning nurse. Ngumiti naman ako sabay tango.
Lumapit ako sa mga 'yon at inisa-isang binasa ang mga cards na nasa bawat bulaklak at regalo.
Lahat ng 'yon puro "congratulations" ang nakasulat. Karamihan sa kanila ay mula sa mga katrabaho namin at heads ng airline. Ang iba sa kanila ay galing sa mga kaanak ni Liah.
Sana all na lang.
Ang dami talagang nagmamahal kay Liah. Ang bait ba naman kasi ng babaeng 'to.
Humarap ako sa nurse. Chinecheck nito ang heartbeat ni Liah.
"Nasaan na pala 'yong baby niya?" tanong ko sa nurse.
"Nasa nursing room po, ma'am. Kapag nagising na po ang pasyente, pwede na po niyang makita ang baby niya. Gusto mo po ba siyang makita?"
Tumango ako. "Oo sana."
"Sige po," tinapos muna ng nurse ang pagsusulat. "Sumunod po kayo sa'kin," nauna naman siyang lumabas.
Sumunod ako sa kanya.
Hinatid lang ako ng nurse sa labas ng nursery room at tinuro kung nasaan ang baby ni Liah pagkatapos ay umalis na siya.
Tiningnan ko ang baby ng kaibigan ko mula sa salamin. Hindi ako pwedeng pumasok sa loob.
Sobrang liit niya. Ang cute ng mga paa at kamay niyang naglulumikot. Hindi pa siya natutulog. May nurse na tumitingin at nagbabantay sa maraming babies na nasa loob.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan siya.
Ang swerte naman ngayon ni Liah. May anak at anghel na siyang palaging makakasama. Minalas man siya sa magulang, swerte naman siya sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Pareho kaming minalas sa pamilya. Pero iba si Liah. Iba ang tadhana niya mula sa 'kin.
Napakavocal kong tao. Sasabihin ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Wala akong pake kung mao-offend ka man o hindi.
Pero isang bagay lang talaga ang ayaw kong sabihin. 'Yon ay 'yong mga personal and silent battles ko.
Ayoko 'yong sabihin sa iba. Ayokong isipin nila na mahina ako kaya hangga't maari, pinipili kong magmukhang matapang sa harap ng mga tao.
Naiisip nila na wala akong matinding pinagdadaanan dahil sa mga pinapakita ko.
Kaya ang ending, mag-isa akong lumalaban. Ang hirap makipaglaban ng mag-isa pero kinakaya ko.
Napahawak ako sa malapit na pader nang biglang kumirot ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng mariin.
Sobrang sakit. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.
Pinilit kong maglakad palayo. Nakakita ako ng malapit na girls bathroom. Kaagad akong pumasok sa loob at dumiritso sa isa sa mga cubicle.
Umupo ako sa nakasaradong toilet bowl at napasabunot sa sarili kong buhok.
Umiikot na ang paningin ko.
Pinilit kong kunin sa bag ko ang gamot ko sabay na basta na lang iyong pinasok sa bibig ko.
Hinihila-hila ko lang ang buhok ko para bawasan ang sakit. Nanatili ako sa loob ng banyo hanggang sa umepekto na ang ininom kong gamot.
Lumipas ang mahigit kalahating oras. Tagaktak na ang pawis sa nuo ko.
Unti-unti ng nawawala ang sakit ng ulo ko at gumagaan na ang pakiramdam ko.
Kumuha ako ng tissue para pahiran ang pawis sa noo at leeg ko.
Makalipas lang ang ilang minuto ay tuluyan na ring umayos ang pakiramdam ko.
Malakas akong bumuntong hininga bago tumayo at lumabas sa cubicle.
Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang sarili ko. Buhaghag ang buhok ko at namumutla ang balat ko.
Binuhay ko ang gripo at naghilamos ng mukha.
Kinuha ko ang suklay sa bag ko saka sinuklay ang buhaghag kong buhok.
Biglang nagring ang phone ko kaya kaagad ko 'yong kinuha sa bag ko.
Evrous calling....
I answered his call. "Hey," bungad ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" he asked.
"Okay lang. Bakit ka napatawag?"
"Lumabas na 'yong test result mo mula sa lab. And, you need to come here first thing in the morning tomorrow para malaman mo. You need to know this as soon as possible."
"Can't you just say it over the phone?"
"No, kailangan mong personal na malaman 'to".
Mahina akong bumuntong hininga.
"Hindi ako pwede bukas. May trabaho ako. Hindi ako pwedeng umabsent."
"Hindi ba pwedeng unahin mo muna 'to?"
"Hihingi ako ng leave sa linggo. Sa linggo na lang ako pupunta diyan. Sige na. Pupuntahan ko pa ang kaibigan ko," hindi ko na hinintay na magsalita pa ang nasa kabilang linya at basta na lang pinatay ang tawag.
Pakiramdam ko alam ko na ang sasabihin ni Evrous. Ihahanda ko muna ang sarili ko.
Pakiramdam ko isa na naman 'yong masamang balita.
***
Liah was crying because of happiness as she gently held her son.
Too much adoration is visible in her teary eyes.
She then gently kissed his little forehead and widely smiled.
Biglang pumasok ang isang nurse habang bitbit ang isang clipboard na mayroong papeles. Lumapit ito kay Liah.
"Good morning, ma'am. Kukunin ko lang po ang pangalan ng baby mo. May naisip na po ba kayong pangalan para sa kanya?" the nurse asked.
Tiningnan ako ni Liah. I smiled at her and nodded.
Bumaling ulit ang kaibigan ko sa nurse. "Elton Kiel Mercado. He'll be carrying my surname since his father is deceased and we never get married."
"Noted, ma'am," aning nurse sabay na isinulat ang pangalang sinabi ni Liah. "Pwede na po kayong e-discharge mamayang hapon. Nabayaran na rin po ang bills."
"Maraming salamat," ani Liah. Pagkatapos ay lumabas na ang nurse.
Lumapit ako kay Liah. Hinawakan ko ang sobrang liit at lambot na paa ng baby niya.
"Ang pogi niya. Mana sa 'kin."
"Oo nga," she added. I was slightly shocked dahil nag-agree siya. First time 'to.
"Dapat lang. Hindi pwedeng sa 'yo. Baka biglang lumaki ang batang 'to na marupok at walang character development."
Mabilis na tinampal ni Liah ang kamay ko. "Gaga ka talaga."
Biglang bumukas ang pinto at pumasok roon ang isang lalakeng nakabusiness suit, si Vish.
May dala itong bouquet ng mga pulang bulaklak. Nakangiti itong pumasok sa loob.
Inilapag nito ang dalang bulaklak sa couch kasama ang iba pang mga bulaklak at lumapit kay Liah. Nakipagbeso muna ito sa kaibigan ko bago ito nagbaba ng tingin sa baby.
"Hi there, little one. Welcome to the world," He gently greeted the baby pagkatapos ay hinimas-himas ang ulo nito gamit ang hintuturo. "It's so nice to see him."
Liah and Vish were just smiling from ear to ear to the baby.
"Sa bahay ko na lang kayo tumuloy ngayon para maalagaan kayo ng maayos. Wala kayong ibang makakasama sa condo mo. Pinalinisan ko na rin 'yong kwarto mo para gawing kwarto niyo ng baby mo," Vish told to Liah.
My eyes landed on Vish's wrist.
I smiled when I saw the bracelet he bought yesterday.
This man is really something else.
Dumako ang tingin ni Vish sa mga nakahilerang bulaklak at regalo. "Ang daming greetings huh,"
"Oo nga eh. How did they know though?"
"I told Luther. At ang chismosong 'yon, pinagkalat agad na nanganak ka na at tatay na 'ko."
Tumawa ang dalawa. "They really thought you're the father."
"That's what I told them. Hindi ko rin naman hahayaang lumaki nang walang daddy ang isang 'to," mahina pang kinurot ni Vish ang maliit na kamay ng baby.
He will be the luckiest baby because of him.
My phone suddenly rang. Napatingin silang dalawa sa 'kin.
I smiled. "Excuse me," kaagad akong lumabas ng kwarto.
Isang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko iyon.
"Hi! Good morning, Miss Robles. This is Dr. Zamora's secretary. Dr. Evrous Muller told us to call you to settle an appointment with Dr. Zamora," bungad ng nasa kabilang linya.
I was confused. "Uhm...who is Dr. Zamora exactly?"
"He's a psychiatrist, ma'am. When do you want to settle an appointment with him?"
That makes sense now.
"Uhm....honestly, I'm not yet ready. Can I just call you when I'm already willing to visit him?"
"Yeah, sure, ma'am. Feel free to call us. This is our official hotline number."
"Thank you," I then ended the call.
I saved the number because honestly, matagal ko ng balak bumisita sa isang psychiatrist. Hindi ko lang talaga magawa dahil hindi pa ako handang ipaalam sa kung sino ang mga nangyari sa 'kin.
Babalik na sana ako sa loob nang mapatigil ako sa paglalakad dahil nasa likuran ko lang si Vish.
Prente siyang nakatayo at nakapamulsa. "Kanina ka pa diyan?"
Umiling si Vish. "Nope, who was that?"
I looked at my phone at nagkibit-balikat. "Just an unknown number," I replied.
"Gusto na nga pala ni Dahliah na umuwi na," saad ng binata.
"Nagmamadali 'ata siya."
"Yeah right. Gusto mo bang sumama sa 'min?"
Nag-isip muna ako saglit. "Bakit hindi?"
He smiled. "Okay, let's get inside."
Pagkatapos ay sabay kaming pumasok sa loob.
***
Tumigil ang kotse ni Vish sa tapat ng isang two-storey mansion. "We're here," anunsyo ng binata.
Lumabas ito ng kotse at inalalayan si Liah na karga-karga ang baby niya.
Lumabas na rin ako ng sasakyan at dinala ang ilang mga gamit ni Liah. Nasa trunk naman ng sasakyan ang mga bulaklak at regalo na binigay kay Liah.
Naunang pumasok ang dalawa sa loob. Sumunod naman ako.
Nakita ko ang dalawang katulong na lumapit sa kotse at binuksan ang trunk para kunin ang laman niyon.
Dumiritso si Vish at si Liah sa hagdanan pataas. Nagpaiwan naman ako sa sala at nilapag sa mahabang couch ang bag na may mga gamit ni Liah.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
The ambiance of the place screams luxury. From the golden and huge chandelier, to every furniture your eyes will land.
Businessman siya after all kaya mga mamahaling gamit talaga ang mayroon siya.
Dumiritso naman ang dalawang katulong na may dala ng mga bulaklak at regalo ni Liah sa ikalawang palapag ng mansyon.
Lumapit ako sa maliit na salaming mesa sa gitna ng sala. May mga pictures roon. Lahat ng picture nandoon si Vish.
Pero umagaw sa atensyon ko ang isang litrato. Kinuha ko iyon sabay na tiningnan.
It was him and Liah. It's their wedding picture.
Nakatitig lang ako sa masaya nilang litrato. Mukha silang in love na in love sa isa't-isa.
I saw Vish na humahakbang pababa sa hagdan from my peripheral vision. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
He saw me holding the frame.
"You really kept you and Liah's wedding picture?!" I said.
"For proof. May mga visitors ako minsan. Para naman hindi nila isipin na for show lang ang kasal namin," he explained. Umupo siya sa couch.
I remembered that incident during their wedding. "I felt sorry for Kiel. He do really loved Liah. They both love each other. Naexpress lang 'yon ni Kiel sa maling paraan," nilapag ko ang picture at umupo sa couch sa tapat ni Vish.
"Yeah, I guess it was his first time falling in love kaya hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pinalabas rin ng both parents namin na obsessed ang lalakeng 'yon kay Dahliah kaya nanggulo siya sa kasal namin. I also felt sorry for him."
"Bakit naman nila pinalabas na obsessed si Kiel kay Liah? His act was actually an act for love."
"May history si Kiel ng obsession. He was obsessed with Liah's sister before. Kaya ginamit na lang nila ang dahilan na 'yon."
My mouth formed an "o".
"Nagmahal lang naman 'yong tao, pinalabas pa nilang masama. Though, medyo masama naman talaga ang ginawa niya. Pero sana naman gumawa na lang sila ng ibang idadahilan," I said.
"Well, tapos naman na 'yon. He's gone and Dahliah is starting to heal. Let's just be happy for both of them."
"'Di ba hindi naman natuloy ang kasal niyo?! Hindi man lang kayo nakapirma ng marriage contract dahil sa nangyari. Bakit pa kayo nagpapanggap na mag-asawa?"
Nagdikuatro ng upo ang kausap ko. "Ang alam kasi ng lahat, pumirma kami ng kontrata a week after naming ikasal. Kaming dalawa lang ni Dahliah ang nakakaalam na hindi naman talaga kami pumirma. Sinabi na lang rin namin sa lahat na pumirma kami para hindi na kami lalong pag-usapan pa after nang nangyaring gulo."
I nodded.
Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko at tumayo.
"Siya nga pala, mauuna na ako. May pasok pa ako sa trabaho ngayon. Bibisita na lang ako kapag nagkafree time ulit ako mula sa trabaho."
Biglang tumayo si Vish. "Ihahatid na kita sa labas."
Nauna na akong naglakad palabas at sumunod naman si Vish.
Hinatid niya ako hanggang sa labas ng village at hanggang sa nakasakay na ako ng taxi.
Kumaway ako sa kanya. Kumaway naman siya pabalik bago tuluyang umandar ang taxi.
Nagpahatid ako sa condo ko.
***
I was currently on my way to work. Wala pa ako sa airline. Tumigil ang taxi na sinasakyan ko kanina sa tapat ng isang cafe.
Mahigit kalahating oras pa bago ang flight ko ngayon. Kakain muna ako.
Kailangan kong mag-advance ng pagkain para sa dinner dahil baka hindi na naman ako makakain o makaupo man lang mamaya habang nasa flight.
Alas dos na ng hapon.
Dark blue slacks at isang black t-shirts ang suot ko. Nakasuot rin ako ng four-inch heels. T-shirt lang ang papalitan ko mamaya bago magsimula sa trabaho.
Umorder ako ng limang pancake at isang malamig na milkshake.
Nakapwesto ako sa dulo, malayo sa entrance door ng cafe.
Habang kumakain, napatingin ako sa pinto nang biglang nagring ang bell roon, senyales na may bagong pumasok.
Napatigil ako sa pagnguya nang makilala kung sino ang pumasok. Nakakatatlong pancake pa lang ako pero nawalan na kaagad ako ng ganang kumain.
Bahagya rin akong kinabahan.
Sumimsim ako sa milkshake ko sabay na sinundan ng tingin ang babaeng kapapasok lang.
Napakasosyal niyang tingnan. Mukha siyang donya. Balot na balot ang katawan niya ng mga branded na mga damit. Nakasuot pa siya ng itim na gloves, nakasummer hat at nakashades. Pulang-pula rin ang labi niya.
Dumiritso ang babaeng iyon sa counter at kinausap ang cashier.
Mabilis akong tumayo at dumiritso sa banyo. Iniwas ko pa ang mukha ko mula sa babae nang madaanan ko ang pwesto niya.
Dumiritso ako sa isa sa mga cubicle at umupo sa nakasaradong toilet bowl.
Nanatili ako sa pwesto ko nang ilang minuto.
Sa tingin ko naman oorder lang ang babaeng 'yon for take out. Hindi naman siguro siya mananatili sa cafe.
Nang sa tingin ko ay sampung minuto na ang lumipas, lumabas na ako ng cubicle. Pero kaagad rin akong napatigil sa paghakbang nang makita kong prenteng nakatayo malapit sa sink ang babaeng pumasok kanina.
Hinubad nito ang shades nang makita ako. Lalo naman akong kinabahan. Akala ko pa naman nalusutan ko na siya.
"Bakit ka nagtatago diyan? Duwag kang harapin ako? Bakit? Dahil wala kang mukhang maiharap sa akin matapos ang mga kababoyang ginawa mo?" nakataas ang isang kilay niya habang sunod-sunod na nagtanong. Unti-unti rin siyang humakbang palapit sa'kin hanggang sa nasa harapan ko na siya.
Hindi naman ako kumilos. Nanatili lang ako sa pwesto ko.
Taas nuo ko siyang hinarap kahit na gusto ko ng tumakbo palayo mula sa kanya. Parang gusto ko na ring umiyak sa sobrang kaba.
Sa tuwing nakikita ko ang mukha niya, naaalala ko ang mga sandaling hinayaan niya akong maging miserable.
Marami siyang nakita. Marami siyang alam. Pero mas pinipili niyang magmukha akong masama sa harapan ng mga tao at sa harapan niya para lang pagtakpan ang kabaliwan ng taong 'yon
"Ayoko ng gulo," lakas loob kong sambit.
Mabilis na tumama sa pisngi ko ang malakas niyang sampal. "Ang kapal talaga ng mukha mong malandi ka. Ayaw mo ng gulo, huh?!" humarap ako sa kanya. "Matapos ang ginawa mo, ayaw mo ng gulo?! Malandi ka!" mabilis niyang hinawakan ang buhok ko at hinila-hila. "Malandi ka! Nakakadiri kang babae ka!"
Napahawak na ako sa mga braso ng babae sabay na pilit iyong nilalayo sa buhok ko. Pero malakas siya.
Napasigaw na ako sa sakit. "Tita! Tama na!" sigaw ko sa kanya. Dumidiin ang mga kuko niya sa balat ko.
"Sinira mo ang buhay namin ni Arturo. Sinira mo kami dahil malandi kang higad ka!!" galit na galit ang boses ni tita.
Hangga't maaari, ayokong saktan siya pabalik. Pero hindi ko siya pwedeng hayaan na ganituhin ako.
Ibinaon ko ang matatas kong kuko sa balat niya pagkatapos ay sinagutan siya. Sa tuwing dumidiin ang pagkakahawak niya sa buhok, dumidiin rin ang pagkakabaon ng kuko sa balat niya.
Pakiramdam ko nga marami na siyang sugat ngayon sa magkabila niyang kamay.
Ang lalakas ng mga sigaw niya.
Narinig ko ang pag-awat ng dalawang babae na kakapasok lang sa banyo kay tita. Naririnig ko ang pagsigaw nila ng "tama na" sa kanya. Pilit nilang nilalayo sa 'kin si tita.
Pero ayaw niya akong bitawan. Lalo pa niyang nilakasan ang paghila sa buhok. Pakiramdam ko nga makakalbo na ako sa ginagawa niya.
Nakita ko ang pagpasok ng isang guwardiya at malakas niyang inilayo mula sa akin si tita. Kaagad rin akong hinila palayo ng dalawang babae mula kay tita.
Umaamba pang sisipain ako ni tita pero hindi na niya ako maabot. At malakas na siyang hinila ng guwardiya palabas ng banyo.
"Ayos ka lang?" tanong ng isang babaeng humila sa akin. Tumango lang ako sa kanya.
"Salamat," usal ko at inayos ang pagkakabuhaghag ng buhok ko.
Pinahiran ko ang luhang mabilis na kumawala sa pisngi ko at lumapit sa salamin para tingnan ang sarili ko.
Bigla akong naging miserable tingnan. Inabot sa akin ng isang babae na kasama ko sa banyo ang isang suklay. Pilit naman akong ngumiti sa kanya sabay na tinanggap iyon.
Napatingin ako sa mga kuko ko. Ang iba sa kanila ay may nakadikit na dugo. Hinugasan ko naman muna ang kamay ko bago nagsuklay.
WARNING: MATURE CONTENT!Matapos ang insidente, pinilit ko pa ring pumasok sa trabaho. Pumasok ako kanina nang hindi napapansin na may maliit na sugat ako sa pisngi at dumudugo iyon.Nilagyan ko lang iyon ng maliit na band aid at tinakpan ng concealer.Nasa New York na ako ngayon. Kalahating oras na ang lumipas simula nang lumapag ang eroplano namin. Limang na oras pa bago ang susunod naming flight.Alas dos na ngayon ng madaling araw rito. Sa isang pinakamalapit na hotel mula sa airline kami nakacheck in para magpahinga muna bago ang susunod na flight.Nasa pinakamataas na parte ng hotel ang kwarto namin. Anim kaming babae sa iisang kwarto.Nagchichikahan ang lima kong mga kasamahan sa loob habang nasa balkonahe ako at nakatingin sa maliwanag na siyudad.Nakatukod ang mga siko ko sa railings. Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon.Naging kasalanan ko pa talaga ang lahat. Ako na nga ang biktima, ako pa rin ang mali.Gusto ko na lang matahimik. Gusto ko ng mag move on. Gusto ko ng mak
WARNING: MATURE CONTENT!I can clearly hear Vish's loud snoring behind me. He is very well asleep after we had s*x. Both of us are nakedly laying on his long couch. Walang kahit na kumot ang tumatakip sa mga hubad na katawan namin.Medyo nilalamig na rin ako. I didn't sleep after we both laid our body on the soft couch hanggang sa nakatulog na lang si Vish. Buti pa nga siya nagawang makatulog.Sinamantala ko ang pagkakataon habang tulog pa ang binata. Dahan-dahan akong tumayo. Nilingon ko muna si Vish. Ang himbing talaga ng tulog niya.Hinanap at pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat kong damit sa sahig at kaagad na isinuot ang mga 'yon.Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. Six a.m na. Kailangan ko ng bumalik sa hotel namin. May flight pa ako ngayon.Unti-unti na ring lumalabas ang araw. Tiningnan ko sa huling beses si Vish bago walang ingay na bumaba mula sa tower.Nang makababa na ako ng building, kaagad akong pumara ng taxi at nagpahatid sa hotel namin.Nang makapasok ako sa hote
WARNING: MATURE CONTENT!Kasalukuyan kami ngayong sabay na naglalakad ni Vish sa loob ng building ng kompanya niya.Pagkatapos naming kumain kanina, nag-aya si Vish na magstay muna ako sa opisina niya. Pumayag naman ako dahil wala akong gagawin sa condo. Wala rin naman akong pasok sa trabaho.May mangilan-ngilang mga trabahante ang nasa loob at may kanya-kanyang ginagawa. Ang iba sa kanila ay napapatingin sa aming dalawa ng binata kapag nadadaanan namin. Siguro dahil nagtataka sila kung bakit magkasama kami.Ang dami ba namang malisyoso't malisyosa sa panahon ngayon."I'll cook for you sometime. Para naman matikman mo kung gaano ako kasarap magluto," masayang saad ng binata.Napangiti naman ako sa kanya. "Really? Gagawin mo para sa 'kin?"Tumango siya. "Uh-huh. You're going to fall in love with me once you tasted them," sinabayan pa niya ng pagtawa.He's probably just kidding. Love? Malabong umabot kami sa ganoong phase ng relasyon. Everything is just pure s*x. Pure pleasure and nothi
EVROUS' P.O.V "Fatima! Stop it!" sigaw ko sa kanya habang pilit na inaagaw sa kamay niya ang hawak niyang tinidor na hindi ko alam kung saan niya nakuha.Nagwawala siya. Wala na siya sa sarili niya. Hindi na siya ang si Fatima na kilala ko.Wala siyang ibang ginawa kundi sumigaw at magpumiglas mula sa pagkakahawak ng lalakeng nurse sa kanya.Hawak ko naman ang isang pulsuhan niya para pigilan siyang masaktan ang sarili niya."Fatima!"Nang magising siya kanina, tahimik lang siya. Pero no'ng after kong ipainom sa kanya ang gamot niya, bigla na lang siyang nagwala.Mabilis kong hinablot sa kamay niya ang tinidor. Sigurado akong nasugatan ang kamay niya dahil sa ginawa ko pero kailangan ko 'yong gawin.Pagkatapos ay kaagad kong tinurok ang isang injection sa balikat niya.Ilang segundo lang ay unti-unti na siyang kumalma. Unti-unti na siyang nanghihina hanggang sa tuluyan ng bumigay ang katawan niya.Maingat muna siyang inilapag ng nurse sa hospital bed saka ako lumapit sa kanya. Dilat
WARNING: MATURE CONTENT! We were kissing intensely. Naglalaban ang mga labi namin.Biglang ipinasok ni Vish ang kanyang dila sa loob ng bibig at inikot-ikot iyon na tila may ginagalugad.Napaungol siya nang bigla kong kagatin iyon saka naglaban ang mga dila namin.Tinakpan niya ng makapal na kumot ang kalahati ng katawan namin bago dahan-dahang naglumikot ang mga daliri niya sa loob ng damit ko.Hinawi niya ang itaas na bahagi ng damit ko dahilan para malaya niyang namamasahe ang maumbok kong dibdib. Nanindig naman ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa biglang pagtama ng malamig na hangin sa parteng iyon ng katawan ko.Hinawakan ko ang kumot at tinakpan niyon ang dibdib ko.Kaagad naman 'yong napansin ni Vish kaya itinaas niya pa lalo ang kumot. Tanging mga ulo na lang namin ang hindi natatakpan.Isa-isang hinubad ng binata ang mga saplot ko sa katawan.Ramdam kong hindi kakayanin ng katawan ko ang gagawin namin pero hindi ako nagrereklamo dahil gusto ko rin 'tong gawin.Okay na si
Alas nwebe ng gabi lumapag ang eroplanong sinasakyan ko.Ilang oras rin akong nakatulog habang nasa byahe. Pero hanggang sa panaginip ko, naroon si Ciano.Nag-aalala ako para sa kanya.Noong sabihin ng kapatid niya na maaaring hindi na siya tumagal ng isang araw, magkahalong awa at lungkot ang naramdaman ko.Alam ko ang nararamdaman ni Chris at ni Ciano. Parang mas nalungkot pa nga ako kaysa sa kanila.Kaagad kong itinext si Chris at sinabing nasa airport na 'ko at nagpapasundo sa kanya.Ni-send pa niya sa 'kin ang picture niya para raw mabilis ko siyang makita. Hindi rin kasi niya alam kung ano ang itsura ko.At makalipas lang ang sampung minuto, kaagad kong namukaan ang isang pamilyar na mukha 'di kalayuan mula sa kinauupuan ko.Isang lalaking nakasuot ng itim na makapal na jacket, jogger at bonnet. Ang bata niya tingnan. Mukhang wala pa siya sa trenta. Inilibot-libot niya ang kanyang paningin na parang may hinahanap.Halata ring pagod na pagod at stress ang itsura niya.Pinagkumpar
WARNING: MATURE CONTENT!Habang naglalakad, malalim akong nag-iisip.Ang totoo niyan, nate-temp akong gawin ang gusto ni Ev.Kasi kung tutuusin, wala naman talagang mawawala sa 'kin kapag sinubukan ko.'Yung kahihiyan sa katawan ko, matagal na 'yung nawala dahil dati, araw-araw naman ako napapahiya sa mga tao.Hindi na bago sa 'kin ang mapahiya lalo na kapag si mama ang gumagawa niyon.Pero ayoko na lang ding subukan. Wala ngang mawawala sa 'kin, wala rin akong mapapala.Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa isang lumang village.Nagtataka pa akong tiningnan ng driver dahil doon ko gustong magpahatid.Iniisip siguro niya na ang creepy ko dahil bakit naman ako magpapahatid sa isang village na nagmistula ng gubat dahil wala ng nakatira sa loob ng mahigit isang dekada. Tapos alas nuwebe pa talaga ng gabi.Pero hindi na nagsalita pa si manong at pinaarangkada na lang ang taxi.Gusto ko lang bisitahin ang lugar na 'yon. Ang gaganda ng mga memories ko sa lugar na 'yon.Gusto ko lang makita ul
Hindi lang sa kusina namin ginawa ang bagay na 'yon. Umabot pa kami sa sala hanggang sa kwarto.Nakahiga na kami ngayon sa kama. Nakatalikod ako sa kanya habang magkadikit ang mga hubo't hubad na mga katawan namin.Magkasiklop ang mga kamay namin. At ilang minuto na ang nakakalipas na tahimik kami pareho."I'm getting comfortable with these," I said in a low tone, starting a conversation with him."With what?" his voice is so soft and gentle."With these, with our setup. And, I am getting comfortable around you," I frankly said."As you should," mayabang na tugon niya."This actually makes me feel odd. I am not used to these and I don't want to get used to it. I'm gonna protect my heart at all cost," mahina pa akong tumawa."It's not that I'm gonna break it," he also laughed."Kahit na. Mas maganda kapag advance para safe. I don't wanna get hurt. I'm too tired of enduring pains. It's not easy, you know.""Who hurt you? Why are you acting like you've been hurt before?""No one," I lied
Vish's P.O.VI had the feeling that it was really her. My heart tells that it was her. She is back. I paid someone to investigate. The first time I saw her, I already knew that it was her.After many days of waiting for the result, the investigator that I paid finally called to meet me.I am casually sitting inside this mini cafe where there isn't much people around.I was hurt when she didn't recognize me the first time we met after all these years. My heart ache so much after she asked who I was.And my doubts disappeared when I kissed her. Her lips tasted the same as before. It didn't even change a bit. Her lips still taste sweet. It's making me crazy and vulnerable. I wanted to have her in my arms so bad. I wanted her so much that I am paying someone just to do an investigation to make things clear.When I saw that bastard who was her former doctor, I already knew that it was indeed her.One thing that kept me out from believing that it was her was her grave. I saw her dead body g
I am standing in front of one big house. This is his house. I've been here.Hindi na ngayon dito nakatira si Liah. They moved out after the divorce. Vish provided them a one expensive condo para doon na sila tumira ng anak niya.It has been a week. A week had passed bago ko naisipang lumipad pabalik ng Pilipinas para lang makita siya. Baka sakaling may pag-asa pa kaming dalawa.O kahit closure lang sana para sa anak namin. I wanted him to personally meet our daughter. Apat na taon ng buhay ni Xyrie ang lumipas nang hindi nakikilala ang tunay niyang daddy. I want to make it up to her. Gusto ko siyang bigyan ng kumpletong pamilya.I wanted her to feel all the love I could possibly gave her, the kind of love that I never experienced not until Vish entered my life.My heart's beat went fast as I slowly moved the small gate to get inside. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto.I stood there for a moment. Nag-aalangan ako kung kakatok ba ako o hindi. Hanggang sa kusa na lang na gumala
I fell asleep again after I laid my body on the bed when we got back from the place where Ev said me and my daughter lived.Ito 'yung bahay na pinanggalingan ko kagabi. Kaya naman pala may mga pictures ako dito dahil dito ako nakatira.When I woke up, mahimbing na natutulog sa braso ko ang bata kanina.Suddenly, in a snap, bigla na lang bumalik sa isip ko ang lahat ng mga nangyari. I realize that this is Xyrie sleeping on my arm. I remembered everything.Naging klaro na lahat ngayon sa isip ko. Nasagot na ang karamihan sa mga katanungan na nasa isipan ko sa mga nakalipas na taon.I smiled as I gently stroke my daughter's hair. I kissed her forehead. Rinig ko ang mahihina niyang hilik.Ev said she was crying because she didn't see me last night. She must've been frightened because I wasn't there with her.Napansin ko si Ev na kakagising lang rin. Nakaupo siya sa mahabang couch habang kusot-kusot ang kanyang mga mata.Bumaling siya sa amin. Napansin niyang gising na ako. He got up and s
Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na ng ulo ko at parang nag-gi-glitch and utak ko.Malakas ko siyang tinulak. Narinig ko pa ang malakas na pagtama niya sa isang bahay dahilan para lumikha ng ingay.Mabilis kong binuksan ang pinto saka tumakbo palabas. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinakinggan o nilingon man lang.I took the exit kung saan walang mga tao. I was glad nang wala akong nakitang ibang tao roon kaya deritso akong nakalabas.I looked left and right, finding which direction I should take just to escape from this place.Gusto ko na lang makalayo. Gusto ko na lang maglaho para maproseso ko ang lahat ng mga nangyayari.My mind wanted to be alone.I was glad nang may dumaang taxi. Dali-dali akong sumakay roon saka nagpahatid sa condo ko.Wala na akong pakealam sa mga susunod na mangyayari. Ang gusto ko lang ngayon ay hindi ako makita ng mga tao sa ganitong sitwasyon.How am I supposed to face those people with this state of mine?Makalipas ang
Someone dragged me inside a mini room or a bodega. Judging by his scent and strength, I could tell that he is a man.He shut close the door and pinned me on the nearest cold wall. Iniharang niya ang malaki niyang katawan sa akin. Mataas siya sa akin ng ilang pulgada.“Shhh…” He hushed me. Malapit ang mukha niya sa akin. For some reason, he sounded familiar.Sinubukan kong magpumiglas. I pushed his chest pero marahas niyang hinablot ang mga palad ko and pinned them on the wall, up to my head.He also pinned his body on me na lalong nagpapahirap sa akin na gumalaw.Takot na takot na ‘ko. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko dahil sa lakas ng tibok niyon. Ramdam ko rin ang panlalambot ng mga tuhod ko.Lumipas ang mahigit limang minutong pagpupumiglas ko pero walang nangyayari at hindi man lang siya natitinag. Tahimik lang rin siya habang ginagapos ako, parang naghihintay lang siya na tumigil na ako sa ginagawa ko.Hanggang sa ako na nga ang napagod dahilan para tumigil na ako. Narar
I looked at myself in the mirror. I am wearing a beige maxi dress na abot hanggang talampakan ang taas. My hair is dyed into a light brown and it was semi curled.Kasalukuyan akong nasa loob ng fitting room, inaayusan ang sarili ko. My lips were pink. Makapal ang makeup sa mukha ko para masigurong hindi maging obvious ang mga pimples at eyebags ko.After putting my makeup, I proceeded on wearing my jewelries. They were all made of silver. Suot ko rin ‘yung necklace na binili ko noong magkasama kami ni mama sa pagsashopping.Tonight is the night that we had been waiting for. Thousand of guests have already arrived and they are all wearing elegant and highclassed outfits. 70 percent of our expected guests came at patuloy pa na nagsisidatingan ang iba. After ten minutes, magsisimula na ang party.Medyo nanlalamig ang mga palad ko dahil sa kaba. Masyadong maraming tao. Natatakot akong magkamali. Kanina pa rin ako pinagpapawisan at buti na lang long lasting at waterproof ang makeup na suot
Nakabalik na kami sa Canada. Pumapasok na ulit si Xyrie sa school niya. Ako naman ay inaayos ang problema patungkol sa upcoming event.While working something on my laptop, maya’t maya akong napapatingin kay Ev. He is also busy doing something. He took a one week leave from the hospital he’s working dahil nga sa upcoming event.I couldn’t stop thinking everything that had happened on our stay in the Philippines. Especially ‘yung paghaharap namin ng lalakeng nakasuntukan ni Ev.I couldn’t stop thinking about him. Not because I have some personal reason to do so. It was because of what he said that made me question Ev’s kindness towards me and Xyrie.I have the feeling that Ev is hiding something to me. I kept on talking a quick look at his face.If what that man said was true, this would be the first time Ev lied something to me. Pero hindi ako makaisip ng tama o eksaktong dahilan para magsinungaling siya sa ‘kin.Umiling iling na lang ako saka pilit na inaalis sa isip ko ang problema
Hanggang sa makabalik na ako sa hotel room namin, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga pangyayari.Nadatnan kong natutulog sa long couch si Aya kaya ginising ko siya para pabalikin na sa kwarto niya.Pagkatapos ay tinungo ko naman ang kwarto namin ni Xyrie. Mahimbing pa rin na natutulog ang anak ko.Hinubad ko ang coat ko saka tumabi ng higa sa kanya. Magkaharap kami sa isa't-isa.Marahan kong hinaplos-haplos ang buhok ng anak ko. Pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha.As I was watching her, I realized she resembles someone. But, I cannot point out who. He looks like someone I saw from before.I just kissed her forehead and proceeded to close my eyes.At makalipas lang ang ilang segundo ay agad na akong dinalaw ng antok.***“We’re here,” anunsiyo ng binata nang makapasok kami sa loob. “Welcome to my office.”“Sigurado ka bang ayos lang na nasa opisina mo ako habang nagtatrabaho ka? Baka makaistorbo lang ako?” Medyo madilim rin ang paligid ng opisina siya. ‘Yung working table lan
We are supposed to stay here for another day pero tumawag sa akin kanina si papa at pinapabalik na kami sa Canada. Nagkaroon raw ng problema para sa food catering para sa magaganap ng event.I booked them a month ago. And I am shortly glad na they announced their backing off days before the actual event. May oras pa ako para maghanap ng ipapalit.Our flight will be tomorrow at noon. Xyrie's currently in bed. It's already seven p.m. Maagang nakatulog ang anak ko. She was tired these past few days.Dinaig pa niya ako na nagtatrabaho ng mahigit sampung oras sa isang araw.Kanina ko pa hinihintay si Ev para sabihin sa kanya na kailangan na naming bumalik ng Canada.I've been calling him the whole afternoon pero nakapatay ang phone niya. Medyo kinakabahan na ako kasi hindi naman siya ganito. Usually siya pa nga ang mas nauunang tumawag sa 'kin.Sumandal ako sa pintuan ng kwarto namin, naghihintay na dumating si Ev. Ilang minuto na akong patingin-tingin sa pintuan ng kwarto niya na katabi l