Hindi ko mabilang kong ilang beses namin ginawa yun basta kinabukasan sobrang sakit ng katawan ko at hindi lang iyun ang masakit, naramdaman ko ring masakit ang masilang parte ng katawan ko. Hindi man lang ako tinigilan kagabi. Tanginang lalaking yun.Tumayo ako at doon ko lang napansing wala na pala akong katabi. Hit and run ba to? tinakbuhan ako, dapat ako yung tumakbo eh.Late na akong nagising at bigla kong naalalang may shoot pala ako ngayon. Sana pala tinawagan ko muna ang manager ko kagabi na hindi ako makapasok, for sure ma stress na naman iyun sa akin.Tatawag na sana ako pero nakita kong may text ang kuya ni Ven sa akin. Oh, alam na niya? ang bilis niya naman, sinabi agad ni Ven?Jayson: tangina mo talaga Layviel, bakit mo dinala ang kapatid ko sa bar pota ka pag nakikita kita papatayin talaga kita.Natawa ako sa sinabi niya. Me: kunwari ka lang, gusto mo lang ako makita.Ngumisi ako sa pang-aasar ko at hinanap na ang number ni Ven. Ayaw kong mamura ng manager ko kaya si Ve
Hindi ko na siya tiningnan kung anong ginawa niya. Nag cellphone lang ako habang inasar ko ulit si Jayson.Me: kiss lang katapat diyan.Pag ka send ko sa kanya may humablot agad sa cellphone ko kaya napatingin ako sa lalaking masama na ang tingin sa akin."Ano ba!?" inis kong sigaw sa kanya at sinamaan din siya ng tingin."Suotin mo yan," malamig niyang sabi at binigay ang kanyang malaking damit at boxer. Mas lalo soyang sinamaan ng tingin."Sabing ayaw kong magsuot ng malalaking damit!" inis kong sabi. Hindi niya ako pinansin at lumabas sa kwarto habang dala ang cellphone ko. Masama kong tiningnan ang likod niya at tiningnan ang binigay niya sa akin.Nakakainis!Wala akong magawa kundi kunin lang yun at dumeritso sa banyo.Hindi na rin ako nagabalang mag tabon ng katawan habang paika ika pa akong naglakad habang minura ang lalaki sa isipan. Pumikit ako ng kumirot ito ng kunti at napahinto sa paglakad. Tanginang buhay to!Kalandian mo Layviel!Nakarating ako sa cr at agad naligo at sin
"Wag kang mag mura," seryosong sabi niya. "Kumain kana diyan," dagdag niya."Tangina galit ako ngayon, wala na akong gana!" "Hayaan mo na ang kaibigan mo," sabi niya at nagpatuloy sa pagkain."Paano ko yun hahayaan? sasaktan lang yun ng mga potanginang lalaki," inis kong sabi."Sabing wag kang mag mura," galit na niyang sabi at sinamaan ako ng tingin. Masama ko rin siyang tiningnan."Ikaw talaga may kasalanan nito, hindi ako nakapasok dahil sayo!" inis kong sabi."Tsk. Ginawa mong bata yang kaibigan mo," walang pakialam niyang sabi."Hindi mo kasi siya kilala!" inis kong sabi."Kilala ko ma siya o hindi, kung nasa tamang edad na siya hayaan niyo na siya. Kaya na niya ang sarili niya."Tiningnan ko lang siya habang nagsalita. Iyun rin sinabi ni Ven sa akin pero ang ginawa ko lang naman ay prinotektahan lang siya. Ginawa ko ba talaga siyang bata?"Kaysa mahuli na ako," malamig kong sabi. "Hayaan mo na siya, kaya ka namumura sa kapatid niya dahil ikaw palagi ang kasama niya.""Kasi kai
Tumingin ulit ako sa cellphone ko at pumunta sa number niya para itext ito.Me: kung ano man ang maging desisyon mo ngayon, supportahan kita. Wag ka lang gumawa ng desisyon na alam mong makakasakit sayo. I trust you.Pagkatapos kong ma send iyun nakita ko si Zep lumabas galing sa kusina. Nakatingin agad siya sa akin kaya tumayo ako para mag paalam na sa kanya."Uuwi na ako," simpleng sabi ko. Tumaas ang kilay niya at tiningnan ang buong condo niya."Ayaw mo ba dito?" takang tanong niya. Nag taas ako ng kilay sa kanya at nilibot din ang tingin sa loob ng condo niya."Hindi ko naman condo to," wala sa sariling sagot ko at tumalikod na para aakyat na sa taas para kunin ang naiwang gamit. Tiniis ko ang sakit habang naglalakad ako."Gusto mo ibigay ko na sayo?" inosenteng sabi niya. Natigilan ako sa paghakbang at napabaling sa kanya."Anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Mali ata ang narinig ko sa kanya."Ibigay ko sayo para dito ka na." Talagang inulit niya pa, ibang klaseng l
Hinabol niya ako hanggang sa umabot kami sa sala. Hinawakan niya ang kamay ko kaya agad akong napatingin doon. Binitawan niya naman yun agad kaya tumingin ako sa mukha niyang nalilitong tumingin sa akin."What's wrong?" takang tanong niya. Nagtaka rin akong tumingin sa kanya."Iuwi mo na ako," seryosong sabi ko."Okay, but can you tell me why you don't want to come back here?" tanong niya. Tumaas ang kilay ko sa tanong niya."Can you tell me too why I should come back here?" mataray kong tanong. Ngumuso siya sa akin parang nag pa cute kaya umirap ako sa kanya at naglakad na palabas."Kung hindi mo ako ihatid, maglalakad nalang ako," inis kong sabi sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ako na iinis sa kanya. Siguro dahil sa social status niya, halatang mayaman at kapang mayaman ang lalaki ibig sabihin mahal siya ng magulang niya.Yun talaga ang inisip ko kaya nga iniwasan ko ang mga mayayamang nilalang. Gusto ko yung ka pantay ko lang pero itong lalaking to kung ipagpatuloy ko ang kah
Hindi ako nagsalita sa sinabi niya kaya tahimik siyang bumalik sa driver seat at pinaandar agad ang kanyang sasakyan. Tahimik lang kami sa loob habang nag drive siya. Seryoso lang ang mukha niyang tumingin sa daan. Hindi niya talaga nagustuhan ang sinabi ko pero hinayaan ko na iyun.Nakarating kami sa condo ko kahit hindi ko sinabi sa kanya ang address ko. Hindi na ako nagulat dahil nakuha nga niya ang number ko, paniguradong pati ang address ko nakuha niya rin. Parang may kakayahan naman siyang magbayad para labg ipahanap itong address ko.Huminto ang sasakyan niya kaya lalabas na sana ako pero naka lock pa rin ito kaya taas kilay akong tumingin sa kanya."Buksan mo."Bumaling siya sa akin at tumingin sa damit niyang suot ko, napatingin din ako doon. Seryoso talaga siyang isusuli ko to? May kinuha siya sa likod ng sasakyan at binigay sa akin ang malaki niyang jacket."Suotin mo yan," seryosong sabi niya. Hinawakan ko ito at tiningnan."Nah, baka hindi ko na maisuli yan," sabi ko at
Pagkarating ko sa condo ko, naligo agad ako at pagkatapos agad humiga sa kama. Sa unang pagkakataon kong mag-isa ngayon lang ako nakaramdam ng pagod.Hinanap ko ang number ni Ven para itext siya.Me: tumawag ka sa akin pag naka uwi kana.Pumikit ako para umidlip ng ilang sandali, inaantok ako at masakit ang buong katawan ko. Hindi ko alam na ganito pala pakiramdam pagkatapos gawin yun. Nakatulog naman agad ako. Nagising lang ako nang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha kahit inaantok pa, baka si Ven na ito."[Lay,]" boses ni Ven."Naka-uwi ka na?" inaantok kong tanong sa kanya. Siguro mamaya na ako pupunta."[Nagising ba kita?]""Hmm.. mabuti na rin yun, hindi pa ako kumain.""[Pupunta ako diyan ngayon, magdala ako ng pagkain,]" sabi niya. Ngumiti naman ako sa sinabi niya. "Okay, thanks Ven.""[Hintayin mo ako diyan, bye.]"Pinatay niya agad ang tawag. Habang naghihintay sa kanya humiga ulit ako at pumikit pero hindi na nakabalik sa tulog. Ngayong bumalik ako sa katin
"What's that!?" agd niyang sigaw at napatayo pa talaga habang tinuro ang nasa leeg ko."Ang oa mo," komento ko. Nakalimutan kong lagyan ng foundation para hindi niya makita. Hinayaan ko nalang, nakita na niya wala na akong magagawa."Saan mo yan nakuha?" nakakunot niyang tanong at umupo ulit sa sofa. Ngumiti ako at kumindat lang sa kanya."Hindi ka ba talaga magsasalita?" inis na niyang tanong sa akin kaya humahalakhak ako."Kumain pa ako," natatawang sabi ko. Inirapan niya lang ako at sumandal sa sofa habang nagka cross ang kamay niya sa kanyang dibdib. Tumaas ang kilay ko sa kanyang ginawa."May pa irap irap kana sa akin," sabi ko habang ngumunguya. Siya naman ngayon ang hindi nagsalita kaya natawa nalang ako at tinapos na ang pagkain. Parang hindi lang ako ang madaming sasabihin, parang siya rin. Hindi ko makakalimutang pumunta ang gagong Ivan na iyun sa studio dahil kay Ven. Balak targetin ang kaibigan ko.Natapos ako sa pagkain habang siya nanuod lang sa akin. Uminom ako ng tubi
"Aalis tayong lahat dito kung aalis si Miguel," seryosong sabi ni lolo. Napangisi ako. Favorite nga ni lolo si Miguel, habang favorite din akong kampihan ni Miguel. Ano kayo diyan?"Lolo!" inis na sigaw ng pinsan ko at tumayo habang masamang tumingin sa akin."Lolo, kung hindi siya aalis, ako nalang aalis!" pananakot niya kay lolo. Kung natakot nga si lolo sa kanya, parang wala lang naman kay lolo."Kung iyun ang gusto mo," seryosong sabi ni lolo. Gusto kong matawa sa reaction ng mga tita ko."Papa!" sigaw ni tita ang mama nang pinsan ko nananakot kay lolo."Fine!" inis na sigaw ng pinsan ko at mag padabog na lumabas sa mansyon."Aalis kaming lahat dito papa!" galit na ring sabi ni tita at lumabas agad para sundan ang anak.Lumabas nga silang lahat, kami nalang ang natira ng parents ko at ang kapatid ko.Ganun sila ka ayaw sa akin kaya nagsi-alisan lahat, kala mo talaga suyuin pa sila ni lolo. Edi umalis sila, alam kong takot lang silang mawalan ng mana."Bakit nandito pa kayo?" ser
"Dito ka lang Miguel, parang miss na miss ka na nila. Hindi ka ata nagpakita ng ilang buwan. Bakit kaya?" nakangiting tanong ko at tiningnan si mommy. "Kapal ng mukha mo," sabi ng isang pinsan ko na inis na inis din sa akin. Actually magkakampi silang lahat, habang ako si Miguel lang ang kumampi sa akin. Wala silang magagawa dahil si Miguel lang naman ang paborito ng lolo namin, kaya ganyan nalang iyan sila kay Miguel."Buti Miguel, dinala mo ang ate mo ngayon dito. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong umalis siya," singit ng lolo namin kaya tumahimik ang lahat.Lumapit ako kay lolo habang nakangiti, pero pinigilan nila ako."Wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang tita ko."Easy, hindi ko sasaktan si lolo. Magmano lang naman ako sa kanya, okay lang ba lolo?" tanong ko kay lolo na ngayon nakangiti sa akin at tumango. Kinindatan ko muna ang tita ko bago nagpatuloy."Kumusta ka lolo?" bulong kong tanong at nagmano sa kanya. Akala ng lahat ayaw talaga ni lolo sa akin, ganun
"Wala na akong pakialam kung iyun ang tingin ng ibang tao sa akin, iyun ang paraan ko para hindi ako masaktan ng ibang tao," dagdag kong sabi.Ilang sandali pa tahimik na kaming dalawa."Pasok na tayo," uli ko sa sinabi ko kanina. Ngayon tumango na siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ngumuso sa akin. He's still a baby for me."Wag ka lang magsalita mamaya, hayaan mo lahat ang sasabihin nila ako na bahala doon," nakangiting paalala ko. "Hindi ko iyan hahayaan ate, kung dati wala akong magawa dahil bata pa ako ngayon may magagawa na ako, ayaw kong pagsisihan iyun sa huli," sabi niya kaya umirap lang ako sa kanya at na una ng lumabas na.Parang hindi ko na siya mapigilan sa gusto niya. Pero sa totoo lang kinabahan ako.Habang naglakad kami papasok biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isng text kaya tiningnan ko muna ito.Zephyrus: kumusta ka na? I hope okay ka lang baka bibilhin ko yang lugar niyo at ipangalan sayo para maging okay na sila sayo.Napailing ako sa kanyang
Kanina nag-ayos lang ako ng mga gamit ko ngayon papunta na kami sa mansyon. Kinabahan ako ng sobra, hindi pa ako pinakain ng kapatid ko dahil doon nalang daw para sabay kaming apat. Wowers, tingnan natin kung makakain nga talaga ako doon."Kainis yung pinsan mo Miguel, anong pinupunta niya doon sa kwarto ko, hindi kami close."Kanina pa ako nag rant sa babaeng yun, may boyfriend ata siya ngayon at takot na namang magkagusto sa akin. Nagpatunay lang na mas maganda talaga ako sa babaeng iyun, pati siya takot na kaya niya ako pinuntahan.Wag lang niyang ipakita ako sa boyfriend niya baka ma de ja vu siya bigla."Pinsan mo rin iyun ate," sabi niya. Umirap ako sa kawalan at tiningnan lang ang daan papunta sa amin. Sobrang dami talagang nagbago, halatang hindi naka-uwi ng ilang taon. Baka maliligaw pa ako dito kung ako lang mag-isa. Hindi talaga pamilyar sa akin itong mga nakatayo na nadaanan namin ngayon."Sinong nandun?" tanong ko ng ma-isip iyun. Baka nandun din ang mga tita at tito kong
Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako at tiningnan ang oras, wow umaga na ang haba tulog ko. Akala ko talaga masisira ang buong bakasyon ko kapag uuwi ako dito sa amin.Pero paano kami pupunta sa bahay ngayon? balak ko naman kamustahin si mommy.Hindi ko muna iyun inisip at inayos ko muna ang mga damit ko. Habang nag-ayos ako, may nag doorbell naman kaya agad akong tumayo para pag buksan ang kapatid ko, wala naman akong ibang bisita dito kundi siya lang.Nang binuksan ko nagulat ako ng hindi kapatid ko ang nakita ko kundi ang pinsan kong may galit sa mundo, I mean sa akin lang pala."Anong ginawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya agad. "Hindi mo ba papasukin ang pinsan mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. Ayaw magpapatalo sa katarayan ko."Wala akong pinsan," simpleng sabi ko at isirado ko na sana ang pinto pero hindi natuloy ng magsalita ulit siya bago ko mairasa ito."Oo nga pala, tinakwil ka na pala sa pamilya namin, my bad."Nang-asar ba siya? hindi kasi ako na-asar.
Eh? marites spotted.Tiningnan ako ni Miguel kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya at umiling sa babae."Don't worry ate kung gusto mo siya, gora," sabi ko. Nakitanoong namula siya sa sinabi ko kaya tumaas ang kilay ko. Wow, famous ba tong kapatid ko sa mga babae? hindi ko alam.Pero hindi na rin ako nagtaka, nasa lahi talaga namin ang magaganda ang gwapo."Ngayon ko po kaso nakitang may sinama si sir na babae, kaya inisip kong girlfriend ka niya, sorry po sa pagtatanong," nahihiyang sabi miya habang namula pa ang mukha niya."Kung gusto mo akong ligawan, ligawan mo muna kapatid ko," sabi ni Miguel at tinuro ako. Mas lalong nahiya si ate kaya natawa ako at napailing."Wag kang bakla, kung gusto mo si ate ikaw ang manligaw!" pang-aasar ko sa kapatid ko. Sumimangot naman siya at iniwan na ako doon ng makuha na ang card na hinintay namin para sa kwarto ko."Bye," nakangiting paalam ko at tumalikod na rin. Sa ganung scenario, mas lalo kong namiss ang samahan namin magkapatid da
Tinuro ako ng ibang tao ng makilala nila ako at kumaway yung iba."Layviel!" tawag ng ali na hindi ko matandaan ang pangalan nang makita niya ako habang lalagpasan na sana ako.Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa paligid para hanapin ang kapatid ko. Itong mga tao dito, sure akong pinagusapan nila ako dati, pero bakit ngayon nag-iba na ang ngiti nila sa akin."Miguel, iyan ba ang ate mo na tinakwil ng mama mo dati?" rinig kong sabi ng kung sino kaya napalingon ako kung na saan galing ang boses na iyun.Akala ko may-iba, hindi pala. Hindi ko na narinig ang sagot ng kapatid ko, nakita ko na rin siyang papalapit sa akin."Na saan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya pero wala siya sa mood, dumeritso lang siya sa sasakyan ko kaya pinatunog ko naman ito agad para makapasok siya.Pumasok ako sa front seat at tala siyang tiningnan."Anong nangyari sayo? paano ang sasakyan mo?" tanong ko nang makitang may balak siyang mag drive sa sasakyan ko."Ipakuha ko nalang sa driver," malamig niyan
Bumugtong hininga ako nang naging pamilyar na sa akin ang lugar. Sobrang dami ng pinagbago pero hindi pa rin mawala ang mga ala-ala ko sa bawat sulok dito noong panahong tinakwil ako ni mommy.Mapait akong ngumiti at dahan dahang dumaan doon. Maraming tumingin sa sasakyan ko, alam kong hindi nila nakilala kung sino ang nasa loob. Mas mabuti na rin iyun.Nakita ko pang may groupo ng matanda na nagbulong bulongan habang nakatingin sa sasakyan ko. Sa lugar na ito, sila mommy ang mayaman sa lahat ng tao dito. Kaya nga tinakwil ako ni mommy kaysa siya ang itakwil sa pamilya niyang mayaman.Si daddy? may kaya rin naman sila pero hindi kagaya ng kay mommy. Pero wala rin naman akong pake kung sino ang mas mayaman dito o sinong mas mayaman sa kanila ni daddy, wala naman akong natanggap noong naghihirap ako. Kahit kay daddy, wala.Nagpasalamat lang ako noong bata ako dahil binuhay nila ako. Actually, close kami no mommy dati bago nangyari lahat. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya o kahit
Buti nalang pinaalis sila ng mga bodyguards, kung hindi may paglamayan mamaya.Iniinis nila ako.Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko kaya yung iba na mismo ang umalis sa dadaanan ko. Takot palang mamatay pero nasa harapan nakaharang.Nang makalabas na ako mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko habang tiningnan ang side mirror para matingnan kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman siguro kaya nagpatuloy lang ako sa pag drive.Medyo malayo ang sa amin dito kaya alam kong matatagalan ako pero si Miguel panay tawag na sa akin."[Ate na saan ka na?]" tanong niya sa akin habang nag drive pa ako."Nasa daan pa Miguel, masyado kang excited," simpleng sabi ko."[Nag drive ka na ngayon?]" tanong niya."Yes.""[Btw ate, saan ka uuwi? sabi mo kasi na wag ko munang sabihin kay mommy,]" tanong niya sa akin."May hotel naman diyan malapit lang," simpleng sagot ko."[Pupunta ako doon ate ngayon, ako na mag booked para sayo,]" alok niya."May pera ka ba?" biro kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy lang