CHAPTER 55Hindi mapakali si Ringgo nang makita niyang nag-uusap ang lima. Ngunit bakit ba siya ninenerbiyos? Bakit kailangan niyang kabahan e, lumabas namang aksidente ang nangyaring iyon kay Sofia noon? Lalo siyang hindi mapakali nang nakita niyang palapit sa kotse niya sina Diane at ang parang magkamukhang lalaki at babae. Yung babae ang bagong ka-date ni Gerald. Kailangan niyang kumalma. Kumuha siya ng kanyang gamot. Sinaid na rin niya ang laman ng bote ng mineral water. Kailangan niyang makontrol ang kanyang pakiramdam."Bahala na! Kailangan kong kumilos na parang walang nangyari noon. Hindi nakakatulong ang ginagawa mong ganito Ringgo. Panindigan mong wala kang kasalanan sa nangyari kay Sofia dahil iyon naman talaga ang lumabas sa imbestigasyon noon," bulong niya sa sarili bago siya bumaba at hinarap ang dalawang tuluyan nang nasa tabi ng kanyang kotse."Ringgo, gusto ka raw makilala ng best friend ko at ng kambal niya." Nakangiting bungad ni Diane."Ahh, sure. I'm Ringgo." Inil
CHAPTER FIFTY-SIX "Gerald, bumalik na naman pala dito si Ringgo?" Bumunot nang malalim na hininga si Sofia. "Oh my God! Sabihin mo sa aking hindi totoo ang iniisip ko. Sabihin mong nagkakamali ako sa hinala ko.""Anong hinala mo?""Si Diane ba?" humawak si Sofia sa braso ni Gerald. "Siya ba ang sinusubukan mong mahalin Gerald? Dahil nalaman iyon ni Ringgo kaya ngayon siya yung.... Gerald please! Nakikiusap ako, save Diane from him. Napakabata pa ni Diane to go through all these at alam kong malayo ang mararating ng batang 'yan. Hindi ko gusto yung kutob ko ngayon." Halata ang takot sa mukha ni Sofia."Then please tell me the truth tungkol sa kung ano talagang nangyari sa'yo. Pagkatapos kasi natin noong mag-usap at ipinaglaban mo pa rin si Ringgo sa akin, nagdesisyon akong kalimutan na lang kita. Nagdesisyon akong buuin ang buhay ko at abutin ang lahat ng pangarap kong hindi na kita kasama. Pero Sofia, alam na alam mo kung saan mo ako pupuntahan. Bukas ang lahat ng contacts ko sa'yo p
CHAPTER FIFTY-SEVEN "Good idea." tinitigan ni Ringgo si Diane. Naisip niyang maganda rin naman si Diane ngunit magkaiba nga lang sila ng dating ni Britney."Subukan ko munang ibato ang bola sa'yo at tignan natin kung paano mo titirahin para mapunta sa kabila. Okey?"Tumango si Diane kasabay ng kanyang pilit na ngiti.Naglakad na si Ringgo palayo hawak ang isang bola.Natigilan si Diane nang makitang masayang nagpagulong-gulong ang dalawa sa damuhan hindi kalayuan sa court. Kaya pala ni Gerald maging masaya ng gano'n ngunit bakit naipagkait sa kanyang maranasan din nila iyon noon. Bakit sa kanya hindi pwede. Alam naman niya ang kasagutan pero bakit hindi siya nito kayang mahalin? Gusto niyang panindigan ang naging desisyon niya. Kay Ringgo na siya at mananatiling kay Ringgo ang kanyang atensiyon. Ayaw niyang masaktan pa sa patuloy na pag-reject sa kanya ni Gerald. Isa pa, dapat masaya siya para sa kaibigan niyang walang ibang ginawa kundi ang tumulong sa kanya. Kahit gaano kahirap, ka
CHAPTER FIFTY-EIGHT"O sige na. Tama na 'yan. Ilaro na lang natin!" nakangiting wika ni Britney. Isinuot na niya ang tinanggal niya kaninang sumbrero niya at kinuha ang raketang iniwan niya sa bench."Game!" Masayang sagot ni Diane. Pilit niyang pinasaya ang kanyang mukha.Nangangapa pa nang una si Diane. Ngunit pagkatapos ng ilang serve ay mabilis din siyang natuto at pumapantay sa laro ng tatlo. Naging madali kina Britney at Gerald ang makapauntos nang una at pinagtatawanan sina Ringgo at Diane. Dahil sa kulang pa ang tiwala ni Ringgo kay Diane ay kahit imposibleng makuha niya ang bola ay inaagaw niya kaya madalas nag-aagawan sila ng bola at nagkakabanggaan.Dahil gusto din ni Diane na patunayan ang sarili na kaya na niyang maglaro, na simple lang naman iyon dahil natutunan din naman niya ang ilang mga basics nito sa kanilang PE noon ay nakipagsabayan siya kay Ringgo. Sa kanya papunta ang bola ngunit nakita niyang palapit si Ringgo para kunin iyon. Hindi na niya pinagbigyan pa. Tini
CHAPTER FIFTY-NINE Kitang-kita ni Diane ang mabilis na paglabas ni Gerald sa corridor papunta sa shower room. Natigilan ito sa paglalakad nang makita siya nitong nakaupo sa bench. Ibig sabihin, sina Britney at Ringgo ang nasa loob na nagsa-shower. Yumuko siya bago siya makita kanina ni Gerald.Ngunit hindi siya nakatagal. Nang lumingon siya kay Gerald ay bigla naman itong yumuko at tumingin sa nakahilerang mga halaman sa gilid ng sementadong daanan ng mga tao papunta sa mga ilang courts ng tennis. Napakaganda talaga ng hubog ng katawan ni Gerald. Lahat maaring mapapalingon sa tamang umbok ng dibdib nito, impis na tiyan na binagayan ng di nagrarambulang mga abs. Ngunit si Gerald ay isang pangarap na lang talaga niya. Pangarap na kailangan na niyang isantabi dahil kay Ringgo at Britney. Huminga siya nang malalim. Yumuko at pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at leeg. Wala siyang balak lapitan pa si Gerald at kausapin. Hinding-hindi na siya maghahabol. Hinihintay na lang niyang kusa
CHAPTER SIXTY "Sabayan na lang kitang magshower. Gusto mo?" may pagkapilyo ang ngiti ni Ringgo."Huwag na, sandali lang naman ako." Tinanggal niya ang kamay ni Ringgo na nakapulupot sa kanya. Pagpasok ni Diane sa isang cubicle ay sumunod si Ringgo. Iniharang nito ang katawan kaya hindi maisara ni Diane ang pintuan."Bakit ka ba umiiwas? Kanina pa kita napapansin ah!" Nakapamaywang ang isa niyang kamay at ang isang kamay naman ay nakahawak sa pintuan."Umiiwas ba ako? Di ba puwedeng magshower lang muna bago ako pahalik sa'yo? Nakakahiya namang halikan mo ako ng amoy pawis pa.""E, di sabay na nga lang tayong magshower. Di ba exciting yun?" Kumindat pa si Ringgo."Please, Ringgo. Huwag naman dito?" Nakikiusap ang kanyang mukha.Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Ringgo. Nakita niya ang paninigas ng kamao nito. Matalim ang kanyang mga mata."Sige kiss na lang kita." Pambawi ni Diane. Siya na ang humawak sa pisngi ni Ringgo at mabilis niyang hinalikan ang labi nito saka siya ngum
CHAPTER SIXTY ONEGinamit ni Ringgo ang dalawang kamay para sakalin ang kawawang at sumisinghap na sa hanging dalaga. Nakahawak si Diane sa isang kamay ni Ringgo at pilit tinatanggal iyon sa pagkakasakal habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa dibdib nito. Nakikiusap ang desperadong kamay ni Diane na itigil na ang pagsakal sa kanya ngunit habang tumatagal ay lalong diniinan ni Ringgo ang mga daliri sa leeg niya.Nauubusan na si Diane ng hangin. Pulang-pula na ang kanyang mukha. Inilalaban na niya ang kanyang buhay. Ang nakikiusap niyang haplos sa dibdib ni Ringgo kanina ay naging suntok na. Ngunit walang pagluwang siyang naramdaman. Malalagutan na siya ng hininga! Natatakot. Nanginginig. "Ano ha! Maarte ka pa ring basura ka! Sex lang gaga di mo kayang ibigay e boyfriend mo ako! O talagang hindi mo ako mahal at mahal mo si Gerald! Siya ang mahal mo hindi ba? Gaga ka! Gagamitin mo pa ako malandi ka! E, kung patayin kaya kita ha!" singhal ng Ringgo na noon ay nagmumukhang demonyo at
CHAPTER SIXTY-TWOLunes ng umaga nilapitan niya si Britney. Si Sackey ang nagdala sa kanya sa kapatid nito pagkatapos ng kanilang klase. Halatang malalim ang iniisip ni Britney. Ganoon din si Sackey, parang aburido habang hawak niya ang kanyang cellphone. Kanina pa niya napapansin na may ka-text ito kahit kasalukuyan ng kanilang klase, bagay na hindi naman nito ginagawa noon.“Uyy usap muna kayo ha? May hahanapin lang ako sa library na book,” si Sackey habang nakatingin siya sa cellphone niya.“Sige tol.”Tumabi siya kay Britney. Malayo ang kanyang tingin."Anlalim ng iniisip ah? Anong problema tol?" tinapik niya ang balikat ni Britney.Humugot ng malalim na hininga si Sackey saka siya tinignan sa mata."Sis, anong gagawin mo kung ang karelasyon mo ay ramdam mong may iba siyang gusto?"Kinabahan siya sa narinig niyang iyon? Nakakahalata na ba ang kaibigan niya?"Bakit mo naman natanong?""Sagutin mo na lang ang tanong ko." Umiling si Britney. "Ngayon lang ako napasok sa ganitong mga s
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-
“Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang
Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga
Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan
Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl
Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n
Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...