Share

Chapter 72 😲Likas na Panganib😲

Chapter 72

Lumipas ang mga araw at ako'y nagdesisyon na pinalikas si Magda kasama ang kambal patungo sa Italy. Alam kong hindi sila ligtas dito, lalo't marami ang nag-aabang na pabagsakin ako. Nais kong ilayo sila sa gulo, dahil ang laban na ito ay hindi na lamang tungkol sa akin, kundi sa kapangyarihang aking pinanghahawakan bilang Mafia boss.

Ang bawat galaw ko ay tinitimbang, bawat desisyon ay may bigat. Responsibilidad ko ang kaligtasan ng lahat ng mga tauhan ko, ngunit alam kong may ilan na nagtatangkang sirain ang tiwala sa akin. Hindi sila titigil hangga’t hindi ako bumabagsak.

Papalapit na ang panganib. Ang hangin ay mabigat, nagbabadya ng unos na nagkukubli sa kadiliman. Ang oras ng pagharap ay malapit na, at hindi ko sila hahayaang magtagumpay. Ang sinumang pagtatangkang pabagsakin ako ay magiging kanilang huling pagkakamali.

"Boss Dark, alam na namin kung sinu-sino silang nagtutulungan upang mapabagsak ka!" sambit ng pinsan kong si Cora, isa sa mga tauhan ko na may kasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status