Nag-uumapaw ang damdamin ko, at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Tumingin ako kay Ethan, na ngayon ay dahan-dahan nang lumuluhod sa harap ko, hawak ang isang maliit na kahon na may nakabukas na singsing. Ang gulo ng isip ko hindi ko inaasahang mangyayari ito. Sa paligid namin, tahimik na nagmamasid ang pamilya ko at mga kaibigan, bawat isa sa kanila ay nakangiti, at parang may lihim na kilig na pinipigilang sumabog. Nagulat din ako na nandun na din sila Lander at Kim na halos kakadating dating lang.
“Kayline,” ang mahinang sabi ni Ethan, ang mga mata niya ay nakatingin ng diretso sa akin, puno ng emosyon at pagmamahal. “Noong una kasal natin , alam kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Naging bulag, bingi at pipi ako noon dahil sa mga maling impormasyon na nakarating sakin. Kaya bago ang lahat gusto kong humingi ng tawad sayo. Akala ko okay na tayo ng mag live in tayo matapos ang reconcillation sa pagitan nating dalawa . Pero habang tBEFORE THE PROPOSAL 10 DAYS BEFORE “Baby, hindi ako kagad makakauwi ng bahay. May meeting kami sa labas nila Ricky para sa isang client” malambing kong sabi kay Kayline “Okay no problem, may aasikasuhin din ako mamayang gabi baka malate ako magkikita kami nila Lander.” Sagot naman niya sa akin “Sige susunduin na lang kita kapag maaga kaming natapos sa meeting namin. “ sabi kong muli sa kaniya “Its okay don’t worry about me, dadalhin ko din sasakyan ko.” Sagot naman niya sa akin. “Okay Love you!” “I love you too. See you later” sagot ko sa kaniya at ibinaba ko na ang tawag ko sa kaniya. Nang mga sandaling iyon ay nasa tapat na din ako ng bahay nila Kayline , mula pa lang sa pagpasok ko sa bahay nila ay ramdam ko agad ang bigat ng magiging topic namin ng kaniyang parents. Seryosong nakaupo ang kaniyang Mommy Amara at Daddy Lance, sa dinami dami na ng hinarap kong mga malalaking clients, problema at kaganapan sa buhay ko dito lang sa parents lang ni Kayline ako parang dinaga. Ka
Napatango ako, damang-dama ang bawat salita niya. “Opo, Tita Amara, Tito Lance. Nangangako ako. Hinding-hindi ko na sasaktan si Kayline. Ang tanging gusto ko ay ang alagaan siya at mahalin habang-buhay. At maliwanag din po na hindi kami titira sa bahay ni Mommy at kahit anong mangyari ay susuportahan ko siya” Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko ito. Hindi ko maaaring ipakita ang kahinaan ko sa sandaling ito—kailangan nilang makita kung gaano kaseryoso ang intensyon ko. Tumango na rin si Tito Lance. “Okay Sige, kung ganun Ethan. May basbas mo na kami. Pero tandaan mo, nag iisang babaeng anak namin si Kayline. Huwag mong kalimutan ang pinangako mo ngayon.” Halos mapatalon ako sa tuwa, ngunit pinigilan ko ang sarili kong maging sobrang emosyonal. Tumayo ako at inabot ang kamay ni Tito Lance, matatag na tinanggap ang pahintulot nila. “Salamat po. Maraming, maraming salamat. Hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay niyo sa akin." sagot ko sa kanila ng may
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Nang matapos ang kanilang bakbakan ay sabay na silang naligo. Nagbihis na din muna sila para mag- chill out. Naunang matapos magbihis si Haime, nauna na itong umupo sa sofa sa kanilang living area. Naka loose polo siya na kulay white at tinernunah niya iyon ng white pants na may malambot na tela. Napaka-presko ng hangin doon, pumapalagpag ang kanyang damit sa mahinahon na ihip ng hangin. Nagbalat na din siya ng prutas, hinanda niya iyon para paglabas ni Natalie ay makain na ang mga ito. Sumundo na din naman kaagad si Natalie na lumabas sa kanilang living area, Nag blower muna kasi ito ng kanyang buhok .Sabay silang ng chill out ni Haime, nakaupo silang magkadikit, nakahilig siya sa balikat ni Haime habang kapit niya ang plate of fruits na hinanda nito para sa kanila."hon ang sarap naman dito! napakaganda pa ng dagat."wika ni Natalie"Maldives is one of the best area para mag-honeymoon hon! kaya madaming pumupunta dito.""bakit hon nakapunta ka na ba dito dati?!" tanong nito sa asawa
THIRD PERSON POV Nabighani si Haime sa kagandahan ng kanyang asawa. Suot ni Natalie ang kanyang strapless green two-piece swim suit na Tinernuhan niya ng kanyang pearl necklace at floral green na beach hut!. Hot na hot itong tignan, bumagay ang kanyang suot sa kanyang slim size na katawan, makikita ang abs niya, at ang perfect size ng kanyang sus*. Dumagdag pa sa alindog niya ang kanyang wavy hair na kuly brown na may pagka-greyish sa dulo. Samantalang si Haime ay nakasuot ko lang ng swimming trunk na kulay neon orange. Topless siya kaya kita ang kanyang six pack abs. Moreno din si Haime at matangkad ito. 6'5 ang kanyang height at matipuno , matikas siyang tumayo kaya habulin siya ng mga babae. Kung ito ay makikita mo sa daan, hindi maaring hindi mo ito lingunin . Nang Lumusong na si Natalie sa tubig ng swimming pool, maganda ang temperatura nito. Warm ang tubig, sumunod naman sa kanya si Haime na tumalon at mabilis na lumangoy papunta sa kanyang asawa. Nagkatuwaan sila sa pool,
HONEYMOON SA MALDIVES NATALIE POV Mula sa airport ay may sumundo na sa aming mga representative mula sa hotel na aming tutuluyan. May banner na dala ang mga ito na nakasulat ang Mr. And Mrs. Rodriguez! Kaya’t lumapit na kami sa kanila at nagpakilala. “Hi Im Haime Rodriguez and this is my wife Natalie!” Pagpapakilala ni Haime sa lalaking may kapit ng banner. “Good morning , Mr. And Mrs. Rodriguez! Welcome to Maldives .Hope you had a good flight” masiglang pagbati niya sa amin. Mukhang nasa early thirties palang siya at malamang siya ang magiging driver namin. Tinulungan niya kaming mag-akyat ng aming mga luggage at isinakay na ito sa Van na kaniyang dala. Ng makarating kami sa aming destinasyon ay nanlaki ang mga mata ko! Sino bang hindi manlalaki ang mata sa ganito kagandang paraiso. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Para tong isang lugar na ipininta . Doon ko narealize na masyado ko na palang sinubsob ang sarili ko sa pagtatrabaho. Kaya ang dami ko ng namiss na pahanon pa
PEARL“Dam* Pearl Anong arte yung ginawa mo kanina?” malakas na sigaw sa akin ni Jeff. Mahigpit niya akong kinapitan sa braso habang halos pakaladkad na niya akong hinihila papasok ng bahay.“Aray ko! Nasasaktan ako Jeff! Ano na naman bang ginawa ko?!” Maang-maangang kong tanong.“oh come on Pearl! Akala mo hindi ko nakita ang pag-iwas mo ng tingin ng halikan ni Haime si Natalie?! Bakit hanggang ngayon gusto mo pa rin ba ang kapatid ko?!” Nanlilisik mata ni Jeff sa galit sa kanya.“Ano ba naman yang naiisip mo Jeff!? Kung ano-anong pumapasok na naman diyan sa utak mo. Hanggang ngayon ito pa rin ba ang paulit ulit nating magiging topic? Kala ko ba magbabago ka na? paulit-ulit na lang ba nating pagtataluhan to!? Ang tagal na ng issue na yan samin ni Haime. Tigilan mo na ko sa kakaselos mo." mariin kong pagtutol sa kaniya , pilit akong nagpupumiglas sa higpit ng pagkakahawak ni Jeff sa aking braso.Nanlilisik pa rin ang mata ni Jeff sa akin ."Sinong niloloko mo?! nakita mo lang ex mo pa
THIRD PERSON POV Nagpatuloy pa ang kasiyahang iyon . Matapos magsayaw ng mag-asawa ay binigay na ng host ang dance floor para sa mga bisita. May gimik din ang organizer ng mga wedding games. Lahat ay nakiki-pag-participate ultimo sila Kim ay palaging gustong kasali sila sa mga palaro. Tuwang tuwa ang mga bata. Ang lahat ng pamangkin ko sa pinsan ay masayang nakikigulo . Nakakatuwa din si Kim dahil kung hindi alam na ito ay anak ni Jerald ay siguradong mapapagkamalan mong si Natalie ang nanay ng mga ito. Kamukha kasi niya ang bata. Nagtapos na nga ang kasiyahan sa reception hall. Ay diretso ng hinatid ni Natalie ang mga parents nila sa kanilang kwarto. Samantalang hindi pa doon nagtatapos ang gabi para sa kanila. Sa isang room sa hotel na arkilado din nila ay nagpatuloy ang party. This time sila -sila na lang magkakaibigan. Sinama din ng mga ito ang kapatid ni Haime pati na rin ang Kuya ni Natalie. Nagpalit muna sila ng mga komportableng damit para makakilos sila ng maayos
Nakita kong nilapitan kaagad ni Annie ang babaeng kasama ng lalaking pumasok. Nakita ko ang malaking pag ngiti ng babaeng kasama nito kay Haime. Hinila din ito ni Julia at excited na tumabi sa kaniya. Nagtataka ang utak ko kung sino nga ba talaga ang tila mag couple na ito. Napatingin pa si Tito Joseph kay Tita Carmi. Pilit akong ngumingiti kahit na ang totoo ay nagtataka ang isip ko , nacu-curious ako kung sino ang mga ito. Kakaiba ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Hindi man nagsasalita si Tito pero tinuro ng kaniyang mata at kilay sa mga ito na animo'y inuutusan niya ang mga itong lumapit sa amin. Pinaghila muna niya ng upuan ang babaeng kasama bago siya lumapit sa amin. “Congratulations Bro!” nakangiti niyang bati sa amin kinamayan din siya ni Haime, at ako naman ay nagpasalamat din sa kaniya. “Thank you !" Ngumiti lang ito sa amin. Hindi din siya nagtagal sa pakikipagkamustahan sa amin at agad na din siyang bumalik sa kaniyang assigned seat. Bagama't may ideya na ako kung
NATALIE POV Pakiramdam ko ay parang paniginip ang lahat. Hindi ko mapigilian ang hindi mapaluha sa sobrang saya. Habang naglalakad ako papalapit sa harap ng altar ay nakikita ko ang aking buong angkan. Sila Tita Amara, Tito George , ang mga pinsan kong dekada na ng huli kong nakita ay masayang nakangiti sa akin. Malapit na ako sa harap kung san nahihintay sa akin si Haime kasama ang parents niya. Nang magtapat na ang aming mga mata ay kinapitan kaagad ni Haime ang aking mga kamay, ngumiti siya habang may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata, magalang kaming nagmano sa aming mga parents. Hindi pa man nagsisimula ay narinig ko ng nagbilin si Daddy kay Haime. " huwag mong paiiyakin ang unica ija ko . Buong angkan namin ang makakalaban mo!" pagbibiroa ni Daddy na may halong katotohanan. Malakas naman na tawanan ang maririnig sa loob ng simbahan dahil sa kapilyuhan ni Daddy. “I would never do that po tito, Natalie is my life!" naka-ngiting sagot ni Haime kay Daddy. Matapos ng kan
THIRD PERSON POVMabilis na lumipas ang araw. Dumating na ang petsa ng pinakahihintay nilang lahat. Iyon ang pag-iisang dibdib ni Natalie at Haime. Gaya ng napagkasunduan one week before ang kanilang wedding ay personal na sinundo ni Natalie ang kanyang pamilya sa US gamit ang private plane nila Jethro. Kasama niyang nagbyahe ang mga kaibigang nurse at doktor na aalalay sa parents niya at magmomonitor during the floght. Nag leave ang mga ito ng 2 weeks para sa event na yun. Sa bahay ni Natalie tumira ang kanyang parents at family ng kuya niya. Hindi din muna siya nag stay sa Condo ni Haime dahil gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang family habang nasa Pinas ito. Isang magarbong handaan ang gaganaping kasalan nila Natalie. Hindi naman kinuwestiyon iyon ni Natalie . Hinayaan niya ang kanyang mother in law ang mag-decide pag dating sa reception dahil excited ito sa kanilang kasal. Mataas din ang standard nito sa pagpili sa lahat ng kanilang kakailanganin , makikita dito na sopistik
SA BAHAY NG PARENTS NI HAIME HAIME POV Sinundo ko na si Natalie sa bahay nila . Maganda ang ayos niya at kitang kita na pinaghandaan niya talaga ang gabing ito. Ito kasi ang gabi na makikilala na din niya sa wakas ang family ko. Kinakabahan talaga ako. Bukod sa unang beses nilang magkikita kita ay maaring pag-usapan nila ang tungkol sa kasal namin. Hindi din naman nagtagal at nakarating na kami sa ancestral home namin. “Good evening Sir, Mam!” Magalang at nakangiting bati ng security guard sa amin.“Good Evening din kuya . Kamusta po?!” Tanong ko sa kaniya.“Okay naman sir. Medyo puyat lang po kasi kakapanganak lang ni Misis.” Tugon niya“Ganun ba kuya?! Sana nag leave muna kayo papayagan namn kayo ni Mommy.” Tanong ko sa kaniya.“Okay lang Sir. Sayang din po kasi ang sasahurin ko.” Sabi pa niya.“Naku kuya. Mas sayang ang moment na kasam mo ang family mo. Sige kakausapin ko si Mommy kahit 30 days leave ka with pay. Ako ng bahala. “ sabi ko sa kaniya“Naku sir salamat po, ang