Share

Kabanata 320

Author: Roxxy Nakpil
last update Last Updated: 2024-11-17 20:15:44

Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!”

Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa?

“At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito.

Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 321

    Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma

    Last Updated : 2024-11-17
  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 322

    ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,

    Last Updated : 2024-11-18
  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 323

    Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit

    Last Updated : 2024-11-18
  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 324

    ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng

    Last Updated : 2024-11-23
  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 325

    KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a

    Last Updated : 2024-11-23
  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 326

    Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang

    Last Updated : 2024-11-23
  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 327

    Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n

    Last Updated : 2024-11-23
  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 328

    Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula

    Last Updated : 2024-11-24

Latest chapter

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 404

    IN THE PHILIPPINES Prolongue May aftermath pa para kay Natalie ang ngyari sa US. Pero wala siyang choice dahil back to reality na naman siya. Maaga siyang gumising dahil kailangan niyang maghanda para pumasok sa kanyang office. Sa bahay niya muna siya nagpahatid pagkagaling nila sa Airport para makapagpahinga din si Haime ng maayos. Alam niyang pagod din ito dahil sa mahabang byahe. Hindi na rin niya inabala sa pagtulog itong si Manang dahil may jet log pa ang matanda. Humihilik pa ito sa kanyang pagkakatulog ng silipin niya. Sya na muna ang nag-asikasong magluto ng kanyang pagkain, simple omelet, toast bread and coffee lang ang kinain niya for breakfast. Pagpasok niya sa opisina ay masayang bumati sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niyang empleyado sa lobby. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Nagtataka naman siya sa mga kakaibang ngiti na binibigay ng kanyang mga staff sa kaniya. Hinahanap naman ng mata niya ang mga tao sa cubicle sa floor bago makapasok sa opisina niya. Wala kas

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 403

    Haime Huling araw na namin sa States, tumawag na si ako kay Jerald para ipaalala dito ang kanyang plano, pinaalam ko dito na lahat ay naka set na. Sinabihan ko din si Mang Samuel at Aling Cathy na sumama sa aming despedida dinner, “Mag ayos po kayo Mang Samuel. White po ang motif natin” sabi ko sa kanila “Sige po sir.” Ganoon din si Manang na pinaghandaan ng matanda, lahat sila ay pinagdamit ko ng puti. Clueless naman si Natalie sa kung anong magaganap ngayong araw, Alam naman talaga niyang mag dinner kami sa Yate para sa last day get together namin kasama ang kaniyang pamilya. Pagdating namin sa Yate, naaliw si Natalie sa itsura ni Kim, nakasuot ito ng puting dress at may koronang bulaklak sa kanilang ulo. “Wow naman ang princess namins sobrang ganda.” Pagbati niya kay Kim. “Because i look like you tita ganda.” Magiliw niyang tugon. Naabutan naming nagkukwentuhan ang kanyang pamilya, Nauna ang mga itong dumating kaysa samin. Isa-isa na din kaming nagsipag akyatan sa Yate.

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 402

    HAIME POV Kinabukasan , as usual naunang nagising na naman sa akin si Natalie. Alam kong excited din siya kaya agad na din akong bumangon at naligo. Sinundo namin ang pamilya ni Natalie sa address na binigay ni Jerald. Hindi naman ito kalayuan sa bahay na namin at alam ko iyon, ginamit namin ang malaking Van na tinatawag nilang artista van sa Pilipinas. “Good morning Haime, good morning Anak.” Masayang bati ng Mommy niya sa amin. “Good Morning din Tita. Ready na po kayo?!” Nakangiti kong tugon. Lumapit din si Natalie sa parents niya at humalik. “Oo iho , hindi na nga kami nakatulog nitong si Ethan sa pagka excited.” Sagot sakin ni Tita Kayline Bumaba naman ako katapat ni Kim at binati ang batang kanina pa nakatingin sakin. “Who’s excited to go Universal Studios?” Pilyo kong tanong “Me…..” sumisigaw habang tumatalong sagot ni Kim. “Okay kaya naman. Lets go na.” Tugon ko sa kaniya. Tinulungan ko na nga din sila Jerald mag ayos ng kanilang mga dalang gamit. Dahil ka

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 401

    NATALIE POVHindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong gabi. Kaya ng makarating kami sa kwarto ay pinupog ko ng mainit na halik si Haime. Walang hanggan ang pasasalamat ko kay Haime. Hindi ko na siya inusisa pa kung paano niya nahanap ang parents ko. Ang importante lang sakin ay pinahahalagahan ni Haime ang bawat sinasabi ko. "ikaw!, masyado kang clever hon, bakasyon pala ahh...." malandi kong sabi kay Haime habang nakalingkis ang aking mga braso sa kaniyang leeg. “Pero again, I appreciate everything hon. You made this trip really extra special” nakangiti kong sabi.“Kaya naman Mister Haime Rodriguez, come with me…” malandi kong hinila papuntang banyo si Haime. “Hon…. Wag mo kong sisimulan, i swear you cannot stop me!” Malambing pero may pagbabanta niyang sabi.“Then don’t stop” sagot ko sa kaniya.Pagdating namain sa loob ng banyo ay tinitigan ko siya ng may kaharutan sa kaniyang mga mata. Pilya kong kinagat ang aking mga labi habang dahan dahan kong hinuhubad ang mga

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 400

    HAIME POV "thank you Hon!" bulong ni Natalie sa akin. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa kong ito para sa kaniya. Aminado naman kasi talaga siyang matagal na niya itong pangarap na mangyari pero dahil sa ego at dahil na din sa pagka busy niya sa negosyo ay laging naiisantabi ito. Masaya siyang nakasabay ulit niya sa isang hapag ang kaniyang mga magulang at kuya. Bonus pa na kasama nito ang asawa at anak nito."Hon is it okay na tumabi ako kila Mommy?!" tanong niya sa akin "it's okay ano ka ba. I-enjoy mo ang moment Hon, masaya ako na nagustuhan mo ang hinanda ko para sayo." tugon ko sa kaniya. Parang bata itong yumapos sa kaniyang Mommy at Daddy, samantalang ako ay umupo sa tabi ng kaniyang Kuya. Mabilis din kaming nagkasundo ng kapatid niya, dahil isa rin itong businessminded person, naiisipan na din pala nitong mag retire sa ospital para mag for good na sa Pinas pero madami pa siyang dapat isa-alang-alang kaya hindi pa siya sumusuong. Panay pagpapasalamat ni Natalie sa akin k

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 399

    NATALIE POVSa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Haime. Agad kong ibinaba ang aking cellphone, at ngumiti ako sa kaniya. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ko. Naupo si Haime sa tabi ko.“Ang tagal mo naman Hon, okay ka lang ba?!” Tanong ko sa kaniya.“Im good Hon, medyo may pila lang kasi sa CR.” Sagot naman niya sa akin. “May order na ba kayo?” Tanong niya sa akin“Wala pa , hinihintay ka pa namin” tugon ko sa kaniyaNakatalikod ako sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya hindi ko nakikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat ako ng mula sa kanyang likuran ay may batang masayang tumatawa. Bahagya nitong kinapitan ang aking buhok dahilan para humarap ako.Paghalingon ko para tignan kung sino ang batang ito ay bumuhos na ang mga luha sa aking mga mata. Nagulat siya ng makita ko si Mommy, Daddy at Kuya Jerald, hindi naman pamilyar sa akin ang kasama ni kuya na babae. Pero sa tingin ko ay asawa niya ito at ang bata na kahawig ko

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 398

    KAYLINE POV Mixed emotion ang nararamdaman ko. Halos dekada na din kasi ng huling kong makita ang aking anak na babae. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho magmula ng hindi na bumalik samin si Natalie. Nagalit ako sa kaniya dahil mas pinili niya ang lalaking yun kaysa samin. Matinding kirot ang dinulot noon sa puso namin ng Daddy niya na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid. Habang ako ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa aking alala ang pangyayari sa aming bahay isang araw bago kami tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala kaming lahat mag-impake pati itong si Manang ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang mga alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Jerald sa kanilang Manang dahil ito na halos siya ang kasama ng mga bata habang lumalaki sila. Dahil sa abala kami sa negosyo noon. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang kaya ito nagmamaktol ngunit may ib

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 397

    Napansin kong ang babae ay ang Mommy ni Natalie at ang lalaki naman ay ang Daddy niya na may umaalalay na. Kasabay ng mga itong naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, at mukhang alam nila ang dress code sa lugar na ito. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos. Mukhang ito ang adopted brother na sinasabi ni Natalie sa akin. Nakangiti ko silang sinalubong. Magalang kong pinakilala ang sarili ko sa kanila. Sa totoo lang kilala ko ang ang mga taong harap ko ngayong gabi, dahil na din sa tulong ng imbestigador na kinuha ko .Palagi akong nagpapa send ng mga picture sa kanila para maging updated ako sa ngyayari. Imbestigador ang palagi kong kausap sa email at ito din ang laging tinatawagan ko sa tuwing nagtatago ako kay Natalie upang makipag ugnayan ay maplano ng maayos ang araw na ito. IMbestigador din

  • OFW Wife of a Billionaire   Kabanata 396

    SA BAHAY NI HAIME Nauna akong bumaba , nakahanda na ako . Habang naghihintay ako sa dalawang kasama ko ay naging abala ako sa aking telepono.Para akong magnanakaw na nakikipag usap, maya't maya ang aking pagsilip kung pababa na sila Natalie. Si Mang Samuel naman ay hinahanda na ang sasakyan na aming gagamitin. Bago nga tuluyang makababa sila Natalie ay natapos na din ako sa aking kausap. Mabuti na lang at naibaba ko kagad ang aking telepono . “You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala kong sabi ng makita ko si Natalie. Ayun na lang ang nasabi ko ng alalayan ko siya habang pababa ng hagdan. “Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa akin . Nakita ko nag kilig sa mga mata niya sa tuwing binabati ko siya. “Kidding aside hon! Napakaganda mo! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit” “Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Manang din pala. Don't worry hon, tinawag na siya ni Cathy sa kwarto niya. Nakabihis na din ata siya. ” Nauna ng sumasakay sa sa

DMCA.com Protection Status