CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
THIRD PERSON POV Nagpatuloy pa ang kasiyahang iyon . Matapos magsayaw ng mag-asawa ay binigay na ng host ang dance floor para sa mga bisita. May gimik din ang organizer ng mga wedding games. Lahat ay nakiki-pag-participate ultimo sila Kim ay palaging gustong kasali sila sa mga palaro. Tuwang tuwa ang mga bata. Ang lahat ng pamangkin ko sa pinsan ay masayang nakikigulo . Nakakatuwa din si Kim dahil kung hindi alam na ito ay anak ni Jerald ay siguradong mapapagkamalan mong si Natalie ang nanay ng mga ito. Kamukha kasi niya ang bata. Nagtapos na nga ang kasiyahan sa reception hall. Ay diretso ng hinatid ni Natalie ang mga parents nila sa kanilang kwarto. Samantalang hindi pa doon nagtatapos ang gabi para sa kanila. Sa isang room sa hotel na arkilado din nila ay nagpatuloy ang party. This time sila -sila na lang magkakaibigan. Sinama din ng mga ito ang kapatid ni Haime pati na rin ang Kuya ni Natalie. Nagpalit muna sila ng mga komportableng damit para makakilos sila ng maayos
Nakita kong nilapitan kaagad ni Annie ang babaeng kasama ng lalaking pumasok. Nakita ko ang malaking pag ngiti ng babaeng kasama nito kay Haime. Hinila din ito ni Julia at excited na tumabi sa kaniya. Nagtataka ang utak ko kung sino nga ba talaga ang tila mag couple na ito. Napatingin pa si Tito Joseph kay Tita Carmi. Pilit akong ngumingiti kahit na ang totoo ay nagtataka ang isip ko , nacu-curious ako kung sino ang mga ito. Kakaiba ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Hindi man nagsasalita si Tito pero tinuro ng kaniyang mata at kilay sa mga ito na animo'y inuutusan niya ang mga itong lumapit sa amin. Pinaghila muna niya ng upuan ang babaeng kasama bago siya lumapit sa amin. “Congratulations Bro!” nakangiti niyang bati sa amin kinamayan din siya ni Haime, at ako naman ay nagpasalamat din sa kaniya. “Thank you !" Ngumiti lang ito sa amin. Hindi din siya nagtagal sa pakikipagkamustahan sa amin at agad na din siyang bumalik sa kaniyang assigned seat. Bagama't may ideya na ako kung
NATALIE POV Pakiramdam ko ay parang paniginip ang lahat. Hindi ko mapigilian ang hindi mapaluha sa sobrang saya. Habang naglalakad ako papalapit sa harap ng altar ay nakikita ko ang aking buong angkan. Sila Tita Amara, Tito George , ang mga pinsan kong dekada na ng huli kong nakita ay masayang nakangiti sa akin. Malapit na ako sa harap kung san nahihintay sa akin si Haime kasama ang parents niya. Nang magtapat na ang aming mga mata ay kinapitan kaagad ni Haime ang aking mga kamay, ngumiti siya habang may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata, magalang kaming nagmano sa aming mga parents. Hindi pa man nagsisimula ay narinig ko ng nagbilin si Daddy kay Haime. " huwag mong paiiyakin ang unica ija ko . Buong angkan namin ang makakalaban mo!" pagbibiroa ni Daddy na may halong katotohanan. Malakas naman na tawanan ang maririnig sa loob ng simbahan dahil sa kapilyuhan ni Daddy. “I would never do that po tito, Natalie is my life!" naka-ngiting sagot ni Haime kay Daddy. Matapos ng kan
THIRD PERSON POVMabilis na lumipas ang araw. Dumating na ang petsa ng pinakahihintay nilang lahat. Iyon ang pag-iisang dibdib ni Natalie at Haime. Gaya ng napagkasunduan one week before ang kanilang wedding ay personal na sinundo ni Natalie ang kanyang pamilya sa US gamit ang private plane nila Jethro. Kasama niyang nagbyahe ang mga kaibigang nurse at doktor na aalalay sa parents niya at magmomonitor during the floght. Nag leave ang mga ito ng 2 weeks para sa event na yun. Sa bahay ni Natalie tumira ang kanyang parents at family ng kuya niya. Hindi din muna siya nag stay sa Condo ni Haime dahil gusto niyang pagsilbihan ang kaniyang family habang nasa Pinas ito. Isang magarbong handaan ang gaganaping kasalan nila Natalie. Hindi naman kinuwestiyon iyon ni Natalie . Hinayaan niya ang kanyang mother in law ang mag-decide pag dating sa reception dahil excited ito sa kanilang kasal. Mataas din ang standard nito sa pagpili sa lahat ng kanilang kakailanganin , makikita dito na sopistik
SA BAHAY NG PARENTS NI HAIME HAIME POV Sinundo ko na si Natalie sa bahay nila . Maganda ang ayos niya at kitang kita na pinaghandaan niya talaga ang gabing ito. Ito kasi ang gabi na makikilala na din niya sa wakas ang family ko. Kinakabahan talaga ako. Bukod sa unang beses nilang magkikita kita ay maaring pag-usapan nila ang tungkol sa kasal namin. Hindi din naman nagtagal at nakarating na kami sa ancestral home namin. “Good evening Sir, Mam!” Magalang at nakangiting bati ng security guard sa amin.“Good Evening din kuya . Kamusta po?!” Tanong ko sa kaniya.“Okay naman sir. Medyo puyat lang po kasi kakapanganak lang ni Misis.” Tugon niya“Ganun ba kuya?! Sana nag leave muna kayo papayagan namn kayo ni Mommy.” Tanong ko sa kaniya.“Okay lang Sir. Sayang din po kasi ang sasahurin ko.” Sabi pa niya.“Naku kuya. Mas sayang ang moment na kasam mo ang family mo. Sige kakausapin ko si Mommy kahit 30 days leave ka with pay. Ako ng bahala. “ sabi ko sa kaniya“Naku sir salamat po, ang
PRESENT TIME Mahigpit akong niyakap ni Mommy. Umiiyak siya sa tuwa sa mga sandaling ito. n “Anak anong gusto mong kainin?!” excited niyang sabi. panay ang paghalik niya sa akin ” Manang! “ sigaw pa niya sa aming kasambahay ” Pakisabi kay Pen na iluto lahat ng paborito ni Haime!. Andito ang Sir Haime niyo!” Pagmamalaki nito sa mga kasamahan sa bahay. Nagmamadaling lumabas din si Manang mula sa station niya at masayang bumati sa akin Ngumiti naman at masayang binati siya ng matandang mayordoma nila “Sir welcome back po!” “Salamat Manang! “Nakangiti kong tugon sa kaniya. “Mommy may gusto lang sana akong sabihin sayo kaya ako pumunta dito.”nakayakap ako sa bewang ni Mommy habang naglalakad kami papuntang sala. Tahimi ang paligid ng mansyon hindi gaya ng huling apak ko dito na nagkakagulo ang lahat. “Aba anak mukhang seryoso yan! Hindi ka naman pupunta dito kung hindi yan importante. Ilang beses na kitang pinapabalik dito pero ayaw mo!” nagtatakang tugon ni Mommy. “Mommmmy!”tila
SA MANSYON NG MGA RODRIGUEZ Nananakbo pababa ng hagdan si Carmi, ang Mommy ni Haime. Member na din ng Senior Citizen society itong si Carmi, ngunit malayo sa kanyang edad ang kanyang itsura at pagkilos. Aktibo kasi ito sa pag-attend ng zumba class at cardio vascular exercise kasama ng kanyang mga Amiga. Halos mahulog na ito sa hagdan sa pagmamadali, makalipas kasi ng higit sa 5 taon ay ngayon na lang ulit umuwi si Haime sa kanilang family house. Ang huling beses na ito’y umuwi sa mansyon ay bago pa man sila maghiwalay ng kanyang live-in partner na si Pearl. HAIME POV THROWBACK NG RELASYON NI HAIME AT PEARL Buong akala ko ay masaya si Pearl sa aming pagsasama. Ngunit may isang eskandalo ang gumulo sa buhay naming mag partner pati na rin sa aming pamilya pamilya. Maraming balita na siyang naririnig tungkol sa pagkakaroon ng kalaguyo nitong si Pearl, palagi diumanong nakikita itong may kasamang lalaki na lumalabas ngunit hindi ko iyon pinansin, maayos naman kasi ang pakikitungo sa
THIRD POV "Besssyyyyy Congrats! wooooooohhhh!'" hiyaw ni Maika sa kaibigan, sinuot ng mga ito ang sash na kanina ay gamit nila, nilagyan pa nila ng korona si Natalie bilang reyna ng araw na iyon. "naiiyak ako bessy! finally ikakasal ka na!, nakakainggit naman si Natalie baby." pang-aasar ng mga kaibigan niya. Tumingin si Mark sa kaniyang borfriend na si Ryan at sumandal pa ito sa dibdib ng kanyang partner habang hawak ang alak. Hinalikan naman ni Ryan si Mark sa kanyang ulo. Hindi ito sumagot sa sinabing iyon ng kanyang partner. "sus! sussss! ikaw talaga Mark. susunod ka na. Oh ito na ang korona!" humalakhak silang lahat sa pangungulit ni Colton. Napatungga na lang si Jasmin. "aarte ka pa. Ako nga hindi man lang mailabas ni Brett , paminsan-minsan na lang kami magkitang dalawa." pag-iinarte din nito. "eh kung sabunutan ko kaya kayo. ano to paligsahan ng araw ng ikakasal. Basta sis kami happy for you. Kelan na ba ang plano nio?" pagpapakalma ni Maika sa mga kaibigang nag-iinarte
IN THE PHILIPPINES Prolongue May aftermath pa para kay Natalie ang ngyari sa US. Pero wala siyang choice dahil back to reality na naman siya. Maaga siyang gumising dahil kailangan niyang maghanda para pumasok sa kanyang office. Sa bahay niya muna siya nagpahatid pagkagaling nila sa Airport para makapagpahinga din si Haime ng maayos. Alam niyang pagod din ito dahil sa mahabang byahe. Hindi na rin niya inabala sa pagtulog itong si Manang dahil may jet log pa ang matanda. Humihilik pa ito sa kanyang pagkakatulog ng silipin niya. Sya na muna ang nag-asikasong magluto ng kanyang pagkain, simple omelet, toast bread and coffee lang ang kinain niya for breakfast. Pagpasok niya sa opisina ay masayang bumati sa kanya ang lahat ng nakakasalubong niyang empleyado sa lobby. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Nagtataka naman siya sa mga kakaibang ngiti na binibigay ng kanyang mga staff sa kaniya. Hinahanap naman ng mata niya ang mga tao sa cubicle sa floor bago makapasok sa opisina niya. Wala kas