AT EDUARDO’s MANSION ELISSA POV Isang pagpupulong ang agad na ipinatawag ni Tito Sanjo matapos ang pagkakagulong ngyari sa simbahan dahil sa ngyaring pagkawala ni Lance sa araw mismo ng kaniyang kasal. Lahat kami ay dumiretso sa mansyon pagkagaling sa simbahan.Galit na galit ito at hindi siya naniniwalang nawawala si Lance ng walang dahilan. Lahat kami ay saksi sa matinding pagmamahal ni Lance para kay Amara. Hindi siya natakot mawalan ng mana kahit anong pagpigil ang gawin sa kaniya ni Founder .Hindi siya nagdalawang isip na sagutin ito at iwan ang lahat lahat alang-alang kay Amara. Pero dahil nga sa paborito siya ni Founder hindi niya tinotoo ang kaniyang sinabing pagtatakwil dito. Nakita namin kung paano nito pinaglaban kay Founder ang kaniyang kasal kaya kahit kami ay nagtataka kung bakit hindi ito sumipot sa kanyang kasal lalo na at ng araw na yun ay nakasama pa namin ito sa kaniyang bahay. Alam naming nakahanda na ito , sana pala ay pinilit na lang namin itong sumabay samin
JARRED POV ILANG ORAS MATAPOS MAG DISAPPEAR NI LANCE Hindi ko inaasahan na ganuon pala kabigat ang ginawang ito ni Founder. Ngayon ay nakukunsensya ako sa ginawa ko para sa buhay ng aking pinsan. Hindi ko alam na ganuon pala ang plano ni Founder. Nagulat na lang din ako ng magkagulo na sa simbahan. Hindi ko din alam kung saan niya dinala si Lance. Bago ang araw ng kasal ni Lance ay sinuhulan ako ni Founder para itago ang kaniyang ireregalo kay Amara ng sa gayon ay mapilitan itong bumalik sa kaniyang bahay mag isa. Hindi naman sinabi sakin ni Founder ang susunod nilang gagawin basta gawin ko lang ang task na iyon at bibigyan niya na ako ng pinapangarap kong sports car. Naiinggit din ako kay Lance dahil lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Bakit pag kami bawal kumontra sa sinasabi ni Founder pero bakit si Lance na sumuway na sa kaniyang kagustuhan ay binigyan niya pa rin ng napaka gandang regalo. Binigay niya kay Lance ang pinapangarap naming magpipinsan na resort property sa Si
LANCE POV 24 HOURS BEFORE SA ORAS NG KASAL BAGO MAGPUNTA NG SIMBAHAN SI LANCE Ito na ata ang pinaka masayang araw sa aking buhay. Sa wakas sa hinaba haba ng panahon ngayon ay makakasama ko na rin araw araw ang taong mahal ko . Habang nakatingin ako sa aking sarili sa salamin ay napapaisip ako. Anong maganda ba ang nagawa ko sa aking buhay at ibinigay niya si Amara sa akin. Isang babaeng pinuno ng kahulugan ang magulo kong buhay nuon. Magmula ng makilala ko si Amara ay sigurado na akong wala akong ibang makasama sa aking buhay kung hindi siya lang. “Hoooo!” Malakas na pagbuga ko ng hininga para mabawasan ang kaba na nararamdaman ko. Nagulat naman ako sa biglang pagpasok sa aking silid ni Jarred. Dumiretso ito sa CR kung san ako nakatingin sa aking sarili. “You look great bro congratulations” aniya nito sakin. Tinapik pa niya ang aking balikat at nagsabay na kaming lumabas. Dumaan din sa bahay sila Elissa kasama si Tristan . Sila ang mga pinsan kong kasabayan ko sa paglaki. L
Ilang oras ang nakalipas at nagising na lang ako na nakakulong na ako sa isang silid. Maayos ang silid na iyon pero hindi ko alam kung saan iyon nakalagay. Saplo saplo ko ang aking ulo. Sumakit ito siguro dala ng tapang ng gamot na pinaamoy sa akin. Inalala ko ang lahat ng ngyari. Galit na galit ako ng maisip kong trinaydor ako ni Founder. Pinagkatiwalaan ko ito akala ko ay maayos na ang lahat sa pagitan naming dalawa. Nagmamadali akong tumayo sa kama kung saan nila ako dinala. Lumapit ako sa pintuan. Humihiyaw ako ng malakas na malakas.“Buksan niyo ang pinto! Naririnig niyo ba ko buksan niyo ito sabi.” Pinaghahahampas ko ang pintuan. Ng wala akong marinig na response mula sa labas ay naghanap ako ng kahit na anong bagay na matigas para ipampukpok sa pintuan. Nakita ko ang upuan sa gilid ng closet ng silid na iyon. Ihinampas ko iyon sa pintuan ng silid na yun sa aking pagka-sorpresa ay hindi ito nasira. Sobrang tibay nito. Pinagsususntok ko ito hanggang sa umawas ang dugo sa aking ka
FAROE ISLAND AFTER 2 MONTHS Mabilis na lumipas ang isang buwan magmula ng dumating sa Faroe Island si Amara. Nakapag adjust na din ito sa buhay niya doon. Nagsimula siya bilang isang waitress sa isang restaurant kung saan nagta-trabaho din noon si Karen. Kagaya ng pakiusap niya sa kaibigan ipinatago ni Amara ang totoong identity niya sa lahat ng taong nakakasalamuha niya. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito ang totoong estado niya sa buhay dahil baka mailang ang mga ito sa kaniya o dili kaya ay takot siyang gamitin lang siya ng mga ito sa pansariling interes . Isang araw habang nasa duty, nagtanong ang kanilang Manager kung sino ang nais na mag extend ng oras ng trabaho. Dahil sa summer season naman at per oras ang bayaran ay nag volunteer siya na mag overtime siya kahit pa 10hours na ang kaniyang regular duty. Hindi niya nilo-look forward ang kaniyang sahod pero ayaw niyang mag stay sa kaniyang bahay para hindi niya maalala ang lahat ng masasakit na ala-alang nangyari sa kaniya. “
“Chef Zaira samahan mo na si Amara sa ospital tapos na din naman ang shift mo. Ipapaligpit ko na lang kay Anthon ang mga hugasin pang natitira. Sige na kuhain mo na gamit mo.” Pag uutos ng kanilang manager. Pagdating sa ospital ay agad na in-examine si Amara. Ialng minuto lang ang kaniyang tinagal sa loob ng emergency room. Nang lumabas ang doctor ay kinausap nito si Zaira na siyang sumama sa pagdala sa kaniya sa ospital. “Doc, anong problema sa kaibigan ko bakit siya hinimatay?!” Tanong nito sa Doctor. Sa Faroe Island 2 lengwahe lang ang ginagamit kung hindi Deutch ay English. Dahil ang islang ito ay nasasakupan ng Denmark. “Walang problema ang kaibigan mo pero kinakailangan niya ng pahinga, ah nasan na nga pala ang partner o asawa ng pasyente?” Tanong ng doctor na pinagtaka ni Zaira. Wala naman kasing nababanggit si Amara sa kaniya tungkol sa lovelife niya. Ang alam lang niya sa ka-boarmate ay nakipagsapalaran ito sa ibang bansa para sa sariling pang interes. Gusto niyang pat
JARRED POV2 MONTHS AGOSA BAHAY NILA TITO SANJOMatapos ang ilang beses na pag urong sulong na pagsasabi kay Tito Sanjo sa totoong ngyari. Ngayon ay nakahanap na rin ako ng tamang tiyempo para kausapin ito. Hinarap ko ng buong tapang si Tito Sanjo. Alam kong magagalit ito sa akin pero pilit kong nilakasan ang aking loob. Nabulag lang ako sa sinuhol sakin ni Founder pero hindi ko naman hinangad na mapahamak si Lance. Pinagsisisihan ko ang pagpayag na ginawa ko kay Founder. Habang naghihintay sa pagbaba nila Tito mula sa kanilang sala. Matiyaga kaming naghihintay nila Elissa at Tristan na ang sama ng tingin sakin dahil sa galit sila sa akin. Kahit ilang ulit akong humingi ng tawas sa kanila ay hindi nila ako pinapakinggan. "Sabi ng sorry okay?! lalo akong kinakabahan sa mga ganyang tingin niyo." sabi ko sa kanila dahil sa mapanakit nilang tingin ng tignan ko ang gawi ng mga pinsan kong ito.“Ikaw! Naku humanda ka talaga samin pag hindi nakita si Lance ng dahil sa pagiging materyalisti
“Magtigil ka! Kaaga aga ang ingay ingay mo! Ano bang pinagpupuputok ng butsi mo?!” Malakas na sigaw ni Founder.“Ilabas mo si Lance! Pag hindi ko nakita ang anak ko ngayon pagsisisihan mo ang lahat ng ito.” Sabi ni Tito Sanjo kay Founder. Itinutok ni Tito ang baril kay Founder na agad namang hinarangan ng kaniyang mga tauhan. Tinutukan din ng mga ito ng baril si Tito Sanjo. Nanginig ang aming mga katawan sa ngyayari.“Tito tara na please! Hahanapin na lang natin si Lance” pagmamakaawa namin kay Tito Sanjo. Nagdatingan na din sila Daddy at iba pang member ng family. Inaawat ng mga ito si Tito Sanjo sa kaniyang pagwawala.Sinenyasan ni Founder ang kaniyang mga tauhan na ibaba ang kanilang mga baril at pinaalis niya ang mga ito. Nagulat kaming lahat sa inakto ni Founder. “Halika Sanjo pumasok ka sa opisina ko!” Tumalikod na ito at sumunod naman si Tito Sanjo binaba na din niya ang kapit niyang baril ngunit dala niya iyon sa loob ng opisina ni Founder. Aawatin pa sana namin ito pero pini
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.