“Chef Zaira samahan mo na si Amara sa ospital tapos na din naman ang shift mo. Ipapaligpit ko na lang kay Anthon ang mga hugasin pang natitira. Sige na kuhain mo na gamit mo.” Pag uutos ng kanilang manager. Pagdating sa ospital ay agad na in-examine si Amara. Ialng minuto lang ang kaniyang tinagal sa loob ng emergency room. Nang lumabas ang doctor ay kinausap nito si Zaira na siyang sumama sa pagdala sa kaniya sa ospital. “Doc, anong problema sa kaibigan ko bakit siya hinimatay?!” Tanong nito sa Doctor. Sa Faroe Island 2 lengwahe lang ang ginagamit kung hindi Deutch ay English. Dahil ang islang ito ay nasasakupan ng Denmark. “Walang problema ang kaibigan mo pero kinakailangan niya ng pahinga, ah nasan na nga pala ang partner o asawa ng pasyente?” Tanong ng doctor na pinagtaka ni Zaira. Wala naman kasing nababanggit si Amara sa kaniya tungkol sa lovelife niya. Ang alam lang niya sa ka-boarmate ay nakipagsapalaran ito sa ibang bansa para sa sariling pang interes. Gusto niyang pat
JARRED POV2 MONTHS AGOSA BAHAY NILA TITO SANJOMatapos ang ilang beses na pag urong sulong na pagsasabi kay Tito Sanjo sa totoong ngyari. Ngayon ay nakahanap na rin ako ng tamang tiyempo para kausapin ito. Hinarap ko ng buong tapang si Tito Sanjo. Alam kong magagalit ito sa akin pero pilit kong nilakasan ang aking loob. Nabulag lang ako sa sinuhol sakin ni Founder pero hindi ko naman hinangad na mapahamak si Lance. Pinagsisisihan ko ang pagpayag na ginawa ko kay Founder. Habang naghihintay sa pagbaba nila Tito mula sa kanilang sala. Matiyaga kaming naghihintay nila Elissa at Tristan na ang sama ng tingin sakin dahil sa galit sila sa akin. Kahit ilang ulit akong humingi ng tawas sa kanila ay hindi nila ako pinapakinggan. "Sabi ng sorry okay?! lalo akong kinakabahan sa mga ganyang tingin niyo." sabi ko sa kanila dahil sa mapanakit nilang tingin ng tignan ko ang gawi ng mga pinsan kong ito.“Ikaw! Naku humanda ka talaga samin pag hindi nakita si Lance ng dahil sa pagiging materyalisti
“Magtigil ka! Kaaga aga ang ingay ingay mo! Ano bang pinagpupuputok ng butsi mo?!” Malakas na sigaw ni Founder.“Ilabas mo si Lance! Pag hindi ko nakita ang anak ko ngayon pagsisisihan mo ang lahat ng ito.” Sabi ni Tito Sanjo kay Founder. Itinutok ni Tito ang baril kay Founder na agad namang hinarangan ng kaniyang mga tauhan. Tinutukan din ng mga ito ng baril si Tito Sanjo. Nanginig ang aming mga katawan sa ngyayari.“Tito tara na please! Hahanapin na lang natin si Lance” pagmamakaawa namin kay Tito Sanjo. Nagdatingan na din sila Daddy at iba pang member ng family. Inaawat ng mga ito si Tito Sanjo sa kaniyang pagwawala.Sinenyasan ni Founder ang kaniyang mga tauhan na ibaba ang kanilang mga baril at pinaalis niya ang mga ito. Nagulat kaming lahat sa inakto ni Founder. “Halika Sanjo pumasok ka sa opisina ko!” Tumalikod na ito at sumunod naman si Tito Sanjo binaba na din niya ang kapit niyang baril ngunit dala niya iyon sa loob ng opisina ni Founder. Aawatin pa sana namin ito pero pini
AMARA PROLONGUE Halos 7 buwan din ako mula ng huminto saking trabaho. Magmula ng i declare ko sa aking company ang tungkol sa pagbubuntis ko ay binigyan na ako ng sckleave ng aking doctor. Buwang buwan ay kailangan ko lang magpa check up sa aking OB-GYNE at automatic ng magse-send ng aking sicknote ang aking Doctor na dumidiretso naman sa system ng insurance office at ng aming company. Nakakatanggap pa rin ako kada buwan ng full monthly salary na kino-compute nila sa aking basic hours payment. Nakita din sa aking Ultrasound na kambal ang aking pinagbubuntis , isang babae at isang lalaking sanggol. Magpasa hanggang ngayon ay kinakaya ko ang hindi gumamit ng social media. Ginawa kong abala ang aking sarili sa pag-aaral ng lengwahe dito sa Faroe upang mag-apply ako ng kanilang Permanent Residency since dito ko planong ipanganak ang aking mga anak. Hindi ko iiwan ang Pinas pero nagugustuhan ko na din ang buhay dito sa Faroe Island. Tinutukan ko na lang din ang pag-ma-market ko sa aking
AFTER 5 YEARS AMARA POV Sa bilis ng panahon at dahil nag enjoy na din ako sa aking buhay doon sa Faroe Island ay hindi ko namalayan na ngayong araw ay nagmarka ang ika limang taong pagtatago ko at pag detox sa aking sarili sa lahat ng social media platform. Kaya naman napagdesisyunan ko na finally na muli kong buksan ang aking cellphone sa unang pagkakataon. Madaming mapapait na ala-ala ang nangyari sa akin na ayaw ko ng balikan . Madami din akong naging pagsubok this past few days sa aking buhay dahil sa pagkakaruon ng sakit ni Anthony at Kayline dala na din ng kanilang kalikutan at pabago bagong panahon. Sila ang 5 taong gulang na mga anak ni namin ni Lance. Mabuti na lamang at laging nakaalalay sa amin si Zaira. Hindi na din kasi ako kumuha ng taga alaga na full time sa kambal dahil kakaunti lang din naman ang pasok ko. Kumuha lang ako ng partimer para tumingin sa kanila habang nasa trabaho ako. Mabuti na lang at nakakita ako ng isang pinoy na malapit lang sa bahay namin na nagin
AMARA POV Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng makababa ang eroplano na aming sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip ay pumayag na din akong magbalik bayan. Kasama ko si Zaira at ang kambal. Sa ancestral home kasama namin ng kambal manunuluyan si Zaira dahil wala siyang ibang mauuwian kaya naman napagdesisyunan naming sa akin siya titira sa mga panahong nandito kami sa Pinas. Kagaya ng aking kahilingan kay Zaira. Gagawin naming surprise sa aking pamilya ang aking pagbabalik sa bahay Makalipas ang 5 taong walang komunikasyon. Excited na ako sa magiging reaksyon nila Mommy Kate lalo na pag nakita nila sina Anthony at Kayline. "ITS NICE TO BE BACK" bulong ko sa aking sarili ng mapagtanto kong nasa Pinas na talaga ako. 'Mommy! i want ang ice cream. ang hot naman po pala dito?!" umaangal na sabi ni Kayline "oo nga Mommy bakit po sa Faroe hot din naman pero hindi po ako sticky dito Mommy ang lagkit po! Ahh Mommy!? maki
KATE POV Ano ba naman itong si Manang kanina pa tawag ng tawag para lang patikman ang bago niyang menu na ihahanda niya para sa gaganapin na charity event namin para sa orphanage. “Hay Manang bakit kailangan kumpleto pa kami?!” Pagmamaktol na sabi ni Madison. “Saglit lang po ako aah pupunta pa po ako ng BGC para sa photoshoot ko!” “Oo sandali lang ito. Wag kang mag-alala” nakangising sabi ni Manang kay Madison. Samantalang si Maverick ay busyng busy sa kaniyang cellphone. Ang weird ni Manang ngayong araw. Nagkakatinginan na lang kami ni James dahil hindi namin maintindihan kung gano ba ka espesyal ang hinain nitong si Manang. Ayaw naman naming questionin dahil halos mag 3 dekada ng nagtatrabaho sa amin si Manang. Parang nanay na nga namin siya. Dahil din sa may edad na siya ay matampuhin na. “Wait lang po kuhain ko lang po hinanda ko sa kusina!” Sabi ni Manang habang kami ay nakaupo na sa dining table at naghihintay. “TADAAANNN SURPRISE !!!!” Malakas na sigaw ni Manang “A
“Anak natutuwa kami at naisipan mo ng magpakita saming lahat ( pambingad na sabi ni Daddy biglang naging seryoso naman ang kaniyang mukha) Okay since bumalik ka na dito sa bahay. Gusto sana naming ipaalam sayo na magkakaruon ng Charity Ball ang ating kompanya. Auction ito at ang kikitain lahat ay mapupunta sa mga Charity na sinusoportahan ng ating pamilya. Gaganapin ito sa susunod na araw. Tamang tama ang dating mo pero syempre iyun ay kung sakaling dadalo ka. Hindi ka namin pipilitin anak kung hindi ka pa makaka-attend ay maiintindihan namin. Mayroon din kaming mahalagang i-aanunsyo ng iyong Mommy after ng event “ sabi ni Daddy sa akin. " pero anak bago ka magdesisyon gusto lang naming malaman mo na imbitado ang pamilya ni Lance sa event nating iyon. Magmula kasi ng mawala ka, kahit anong gawin kong pagputol sa ugnayan ng ating pamilya sa kung ano mang koneksyon meron tayo sa kanilang pamilya ay hindi tumitigil si Lance na suyuin kami at kuhain ang aming loob. Patawarin mo kami anak
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma