FAROE ISLAND AFTER 2 MONTHS Mabilis na lumipas ang isang buwan magmula ng dumating sa Faroe Island si Amara. Nakapag adjust na din ito sa buhay niya doon. Nagsimula siya bilang isang waitress sa isang restaurant kung saan nagta-trabaho din noon si Karen. Kagaya ng pakiusap niya sa kaibigan ipinatago ni Amara ang totoong identity niya sa lahat ng taong nakakasalamuha niya. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito ang totoong estado niya sa buhay dahil baka mailang ang mga ito sa kaniya o dili kaya ay takot siyang gamitin lang siya ng mga ito sa pansariling interes . Isang araw habang nasa duty, nagtanong ang kanilang Manager kung sino ang nais na mag extend ng oras ng trabaho. Dahil sa summer season naman at per oras ang bayaran ay nag volunteer siya na mag overtime siya kahit pa 10hours na ang kaniyang regular duty. Hindi niya nilo-look forward ang kaniyang sahod pero ayaw niyang mag stay sa kaniyang bahay para hindi niya maalala ang lahat ng masasakit na ala-alang nangyari sa kaniya. “
“Chef Zaira samahan mo na si Amara sa ospital tapos na din naman ang shift mo. Ipapaligpit ko na lang kay Anthon ang mga hugasin pang natitira. Sige na kuhain mo na gamit mo.” Pag uutos ng kanilang manager. Pagdating sa ospital ay agad na in-examine si Amara. Ialng minuto lang ang kaniyang tinagal sa loob ng emergency room. Nang lumabas ang doctor ay kinausap nito si Zaira na siyang sumama sa pagdala sa kaniya sa ospital. “Doc, anong problema sa kaibigan ko bakit siya hinimatay?!” Tanong nito sa Doctor. Sa Faroe Island 2 lengwahe lang ang ginagamit kung hindi Deutch ay English. Dahil ang islang ito ay nasasakupan ng Denmark. “Walang problema ang kaibigan mo pero kinakailangan niya ng pahinga, ah nasan na nga pala ang partner o asawa ng pasyente?” Tanong ng doctor na pinagtaka ni Zaira. Wala naman kasing nababanggit si Amara sa kaniya tungkol sa lovelife niya. Ang alam lang niya sa ka-boarmate ay nakipagsapalaran ito sa ibang bansa para sa sariling pang interes. Gusto niyang pat
JARRED POV2 MONTHS AGOSA BAHAY NILA TITO SANJOMatapos ang ilang beses na pag urong sulong na pagsasabi kay Tito Sanjo sa totoong ngyari. Ngayon ay nakahanap na rin ako ng tamang tiyempo para kausapin ito. Hinarap ko ng buong tapang si Tito Sanjo. Alam kong magagalit ito sa akin pero pilit kong nilakasan ang aking loob. Nabulag lang ako sa sinuhol sakin ni Founder pero hindi ko naman hinangad na mapahamak si Lance. Pinagsisisihan ko ang pagpayag na ginawa ko kay Founder. Habang naghihintay sa pagbaba nila Tito mula sa kanilang sala. Matiyaga kaming naghihintay nila Elissa at Tristan na ang sama ng tingin sakin dahil sa galit sila sa akin. Kahit ilang ulit akong humingi ng tawas sa kanila ay hindi nila ako pinapakinggan. "Sabi ng sorry okay?! lalo akong kinakabahan sa mga ganyang tingin niyo." sabi ko sa kanila dahil sa mapanakit nilang tingin ng tignan ko ang gawi ng mga pinsan kong ito.“Ikaw! Naku humanda ka talaga samin pag hindi nakita si Lance ng dahil sa pagiging materyalisti
“Magtigil ka! Kaaga aga ang ingay ingay mo! Ano bang pinagpupuputok ng butsi mo?!” Malakas na sigaw ni Founder.“Ilabas mo si Lance! Pag hindi ko nakita ang anak ko ngayon pagsisisihan mo ang lahat ng ito.” Sabi ni Tito Sanjo kay Founder. Itinutok ni Tito ang baril kay Founder na agad namang hinarangan ng kaniyang mga tauhan. Tinutukan din ng mga ito ng baril si Tito Sanjo. Nanginig ang aming mga katawan sa ngyayari.“Tito tara na please! Hahanapin na lang natin si Lance” pagmamakaawa namin kay Tito Sanjo. Nagdatingan na din sila Daddy at iba pang member ng family. Inaawat ng mga ito si Tito Sanjo sa kaniyang pagwawala.Sinenyasan ni Founder ang kaniyang mga tauhan na ibaba ang kanilang mga baril at pinaalis niya ang mga ito. Nagulat kaming lahat sa inakto ni Founder. “Halika Sanjo pumasok ka sa opisina ko!” Tumalikod na ito at sumunod naman si Tito Sanjo binaba na din niya ang kapit niyang baril ngunit dala niya iyon sa loob ng opisina ni Founder. Aawatin pa sana namin ito pero pini
AMARA PROLONGUE Halos 7 buwan din ako mula ng huminto saking trabaho. Magmula ng i declare ko sa aking company ang tungkol sa pagbubuntis ko ay binigyan na ako ng sckleave ng aking doctor. Buwang buwan ay kailangan ko lang magpa check up sa aking OB-GYNE at automatic ng magse-send ng aking sicknote ang aking Doctor na dumidiretso naman sa system ng insurance office at ng aming company. Nakakatanggap pa rin ako kada buwan ng full monthly salary na kino-compute nila sa aking basic hours payment. Nakita din sa aking Ultrasound na kambal ang aking pinagbubuntis , isang babae at isang lalaking sanggol. Magpasa hanggang ngayon ay kinakaya ko ang hindi gumamit ng social media. Ginawa kong abala ang aking sarili sa pag-aaral ng lengwahe dito sa Faroe upang mag-apply ako ng kanilang Permanent Residency since dito ko planong ipanganak ang aking mga anak. Hindi ko iiwan ang Pinas pero nagugustuhan ko na din ang buhay dito sa Faroe Island. Tinutukan ko na lang din ang pag-ma-market ko sa aking
AFTER 5 YEARS AMARA POV Sa bilis ng panahon at dahil nag enjoy na din ako sa aking buhay doon sa Faroe Island ay hindi ko namalayan na ngayong araw ay nagmarka ang ika limang taong pagtatago ko at pag detox sa aking sarili sa lahat ng social media platform. Kaya naman napagdesisyunan ko na finally na muli kong buksan ang aking cellphone sa unang pagkakataon. Madaming mapapait na ala-ala ang nangyari sa akin na ayaw ko ng balikan . Madami din akong naging pagsubok this past few days sa aking buhay dahil sa pagkakaruon ng sakit ni Anthony at Kayline dala na din ng kanilang kalikutan at pabago bagong panahon. Sila ang 5 taong gulang na mga anak ni namin ni Lance. Mabuti na lamang at laging nakaalalay sa amin si Zaira. Hindi na din kasi ako kumuha ng taga alaga na full time sa kambal dahil kakaunti lang din naman ang pasok ko. Kumuha lang ako ng partimer para tumingin sa kanila habang nasa trabaho ako. Mabuti na lang at nakakita ako ng isang pinoy na malapit lang sa bahay namin na nagin
AMARA POV Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng makababa ang eroplano na aming sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip ay pumayag na din akong magbalik bayan. Kasama ko si Zaira at ang kambal. Sa ancestral home kasama namin ng kambal manunuluyan si Zaira dahil wala siyang ibang mauuwian kaya naman napagdesisyunan naming sa akin siya titira sa mga panahong nandito kami sa Pinas. Kagaya ng aking kahilingan kay Zaira. Gagawin naming surprise sa aking pamilya ang aking pagbabalik sa bahay Makalipas ang 5 taong walang komunikasyon. Excited na ako sa magiging reaksyon nila Mommy Kate lalo na pag nakita nila sina Anthony at Kayline. "ITS NICE TO BE BACK" bulong ko sa aking sarili ng mapagtanto kong nasa Pinas na talaga ako. 'Mommy! i want ang ice cream. ang hot naman po pala dito?!" umaangal na sabi ni Kayline "oo nga Mommy bakit po sa Faroe hot din naman pero hindi po ako sticky dito Mommy ang lagkit po! Ahh Mommy!? maki
KATE POV Ano ba naman itong si Manang kanina pa tawag ng tawag para lang patikman ang bago niyang menu na ihahanda niya para sa gaganapin na charity event namin para sa orphanage. “Hay Manang bakit kailangan kumpleto pa kami?!” Pagmamaktol na sabi ni Madison. “Saglit lang po ako aah pupunta pa po ako ng BGC para sa photoshoot ko!” “Oo sandali lang ito. Wag kang mag-alala” nakangising sabi ni Manang kay Madison. Samantalang si Maverick ay busyng busy sa kaniyang cellphone. Ang weird ni Manang ngayong araw. Nagkakatinginan na lang kami ni James dahil hindi namin maintindihan kung gano ba ka espesyal ang hinain nitong si Manang. Ayaw naman naming questionin dahil halos mag 3 dekada ng nagtatrabaho sa amin si Manang. Parang nanay na nga namin siya. Dahil din sa may edad na siya ay matampuhin na. “Wait lang po kuhain ko lang po hinanda ko sa kusina!” Sabi ni Manang habang kami ay nakaupo na sa dining table at naghihintay. “TADAAANNN SURPRISE !!!!” Malakas na sigaw ni Manang “A
HAIME POV Kinabukasan , as usual naunang nagising na naman sa akin si Natalie. Alam kong excited din siya kaya agad na din akong bumangon at naligo. Sinundo namin ang pamilya ni Natalie sa address na binigay ni Jerald. Hindi naman ito kalayuan sa bahay na namin at alam ko iyon, ginamit namin ang malaking Van na tinatawag nilang artista van sa Pilipinas. “Good morning Haime, good morning Anak.” Masayang bati ng Mommy niya sa amin. “Good Morning din Tita. Ready na po kayo?!” Nakangiti kong tugon. Lumapit din si Natalie sa parents niya at humalik. “Oo iho , hindi na nga kami nakatulog nitong si Ethan sa pagka excited.” Sagot sakin ni Tita Kayline Bumaba naman ako katapat ni Kim at binati ang batang kanina pa nakatingin sakin. “Who’s excited to go Universal Studios?” Pilyo kong tanong “Me…..” sumisigaw habang tumatalong sagot ni Kim. “Okay kaya naman. Lets go na.” Tugon ko sa kaniya. Tinulungan ko na nga din sila Jerald mag ayos ng kanilang mga dalang gamit. Dahil ka
NATALIE POVHindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayong gabi. Kaya ng makarating kami sa kwarto ay pinupog ko ng mainit na halik si Haime. Walang hanggan ang pasasalamat ko kay Haime. Hindi ko na siya inusisa pa kung paano niya nahanap ang parents ko. Ang importante lang sakin ay pinahahalagahan ni Haime ang bawat sinasabi ko. "ikaw!, masyado kang clever hon, bakasyon pala ahh...." malandi kong sabi kay Haime habang nakalingkis ang aking mga braso sa kaniyang leeg. “Pero again, I appreciate everything hon. You made this trip really extra special” nakangiti kong sabi.“Kaya naman Mister Haime Rodriguez, come with me…” malandi kong hinila papuntang banyo si Haime. “Hon…. Wag mo kong sisimulan, i swear you cannot stop me!” Malambing pero may pagbabanta niyang sabi.“Then don’t stop” sagot ko sa kaniya.Pagdating namain sa loob ng banyo ay tinitigan ko siya ng may kaharutan sa kaniyang mga mata. Pilya kong kinagat ang aking mga labi habang dahan dahan kong hinuhubad ang mga
HAIME POV "thank you Hon!" bulong ni Natalie sa akin. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa kong ito para sa kaniya. Aminado naman kasi talaga siyang matagal na niya itong pangarap na mangyari pero dahil sa ego at dahil na din sa pagka busy niya sa negosyo ay laging naiisantabi ito. Masaya siyang nakasabay ulit niya sa isang hapag ang kaniyang mga magulang at kuya. Bonus pa na kasama nito ang asawa at anak nito."Hon is it okay na tumabi ako kila Mommy?!" tanong niya sa akin "it's okay ano ka ba. I-enjoy mo ang moment Hon, masaya ako na nagustuhan mo ang hinanda ko para sayo." tugon ko sa kaniya. Parang bata itong yumapos sa kaniyang Mommy at Daddy, samantalang ako ay umupo sa tabi ng kaniyang Kuya. Mabilis din kaming nagkasundo ng kapatid niya, dahil isa rin itong businessminded person, naiisipan na din pala nitong mag retire sa ospital para mag for good na sa Pinas pero madami pa siyang dapat isa-alang-alang kaya hindi pa siya sumusuong. Panay pagpapasalamat ni Natalie sa akin k
NATALIE POVSa loob ng VIP Lounge. Nakangiting pumasok si Haime. Agad kong ibinaba ang aking cellphone, at ngumiti ako sa kaniya. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko dahil sa pang aasar ng mga kaibigan ko. Naupo si Haime sa tabi ko.“Ang tagal mo naman Hon, okay ka lang ba?!” Tanong ko sa kaniya.“Im good Hon, medyo may pila lang kasi sa CR.” Sagot naman niya sa akin. “May order na ba kayo?” Tanong niya sa akin“Wala pa , hinihintay ka pa namin” tugon ko sa kaniyaNakatalikod ako sa pintuan ng VIP LOUNGE kaya hindi ko nakikita kung sino ang pumapasok. Bumukas ulit ang pinto at nagulat ako ng mula sa kanyang likuran ay may batang masayang tumatawa. Bahagya nitong kinapitan ang aking buhok dahilan para humarap ako.Paghalingon ko para tignan kung sino ang batang ito ay bumuhos na ang mga luha sa aking mga mata. Nagulat siya ng makita ko si Mommy, Daddy at Kuya Jerald, hindi naman pamilyar sa akin ang kasama ni kuya na babae. Pero sa tingin ko ay asawa niya ito at ang bata na kahawig ko
KAYLINE POV Mixed emotion ang nararamdaman ko. Halos dekada na din kasi ng huling kong makita ang aking anak na babae. Sinubsob ko ang sarili ko sa pagtatrabaho magmula ng hindi na bumalik samin si Natalie. Nagalit ako sa kaniya dahil mas pinili niya ang lalaking yun kaysa samin. Matinding kirot ang dinulot noon sa puso namin ng Daddy niya na walang ibang inisip kundi ibigay ang maganda at marangyang pamumuhay sa kanilang magkapatid. Habang ako ay naglalakad sa pasilyo ay nag-flashback naman sa aking alala ang pangyayari sa aming bahay isang araw bago kami tuluyang mag migrate sa Amerika. Abala kaming lahat mag-impake pati itong si Manang ay abala din sa pag-iimpake ng mga gamit ng kanyang mga alaga, Malapit talaga itong si Natalie at Jerald sa kanilang Manang dahil ito na halos siya ang kasama ng mga bata habang lumalaki sila. Dahil sa abala kami sa negosyo noon. Ang buong akala namin nung una ay dahil sa hindi na namin maisasama si Manang kaya ito nagmamaktol ngunit may ib
Napansin kong ang babae ay ang Mommy ni Natalie at ang lalaki naman ay ang Daddy niya na may umaalalay na. Kasabay ng mga itong naglalakad ang isang mag-anak na kung titignan ay nasa mid-age pa. Mukhang mga professional ang mga ito sa tindig, at klase ng kanilang pananamit. Magaganda ang mga kasuotan nito, at mukhang alam nila ang dress code sa lugar na ito. Makikita namang sophisticated at may pinag-aralan ang mga ito dahil sa kanilang kilos. Mukhang ito ang adopted brother na sinasabi ni Natalie sa akin. Nakangiti ko silang sinalubong. Magalang kong pinakilala ang sarili ko sa kanila. Sa totoo lang kilala ko ang ang mga taong harap ko ngayong gabi, dahil na din sa tulong ng imbestigador na kinuha ko .Palagi akong nagpapa send ng mga picture sa kanila para maging updated ako sa ngyayari. Imbestigador ang palagi kong kausap sa email at ito din ang laging tinatawagan ko sa tuwing nagtatago ako kay Natalie upang makipag ugnayan ay maplano ng maayos ang araw na ito. IMbestigador din
SA BAHAY NI HAIME Nauna akong bumaba , nakahanda na ako . Habang naghihintay ako sa dalawang kasama ko ay naging abala ako sa aking telepono.Para akong magnanakaw na nakikipag usap, maya't maya ang aking pagsilip kung pababa na sila Natalie. Si Mang Samuel naman ay hinahanda na ang sasakyan na aming gagamitin. Bago nga tuluyang makababa sila Natalie ay natapos na din ako sa aking kausap. Mabuti na lang at naibaba ko kagad ang aking telepono . “You stole my heart! My God Natalie. You look so stunning!” Natulala kong sabi ng makita ko si Natalie. Ayun na lang ang nasabi ko ng alalayan ko siya habang pababa ng hagdan. “Tse! Bola.” Nahihiyang pagtutol ni Natalie sa akin . Nakita ko nag kilig sa mga mata niya sa tuwing binabati ko siya. “Kidding aside hon! Napakaganda mo! Bagay na bagay sayo ang napili mong damit” “Mmm thank you kung ganun. Teka hon si Manang din pala. Don't worry hon, tinawag na siya ni Cathy sa kwarto niya. Nakabihis na din ata siya. ” Nauna ng sumasakay sa sa
Nang matapos na kaming magkainan ay hindi naman nakatiis itong si Manang , tinulungan niya si Cathy mag-intindi sa kusina, hindi na din namin siya piniit dahil sanay talaga ang matandang kumilos Bumalik na kami sa silid namin pero bago kami magbalik sa silid ay sinabihan na namin si Manang na magpahinga na din at bukas ay mag-iikot na kami sa Beverly Hills mall. Mabilis kaming nakatulog ng gabing yun. Kinaumagahan ay nauna na namang nagising si Manang kaysa samin at nagulat na lang kaming lahat na nakahanda na ang almusal para sa lahat. Hindi talaga maiaalis sa matanda ang kumilos dahil nakasanayan na niya ito. Pagkakain namin ay gumayak na kamin para bumyahe patungo sa mall. As usual si Mang Samuel ang nag drive para sa amin. Ayaw kong malaman ni Natalie na may sarili akong lisensya dito sa Amerika, dahil panigurado akong makakahalata na siya sa totoong estado ko. Nakakatuwa na sa yaman ni Natalie at kilala din ang kaniyang pamilya sa industriya ay hindi niya niluluhuan ang s
Habang naglalabas kami ng mga gamit namin mula sa maleta ay walang tigil sa pag ku kwento si Natalie. “Hon ang swerte natin at hindi na tayo masyadong na interrogate sa immig no?! May napapanuod kasi ako minsan kapag first timer pahihirapan daw. Buti na lang hindi na tinanong si Manang” sabi niya sa akin. Ngumiti ako ng pilyo sa kaniya. “Siyemrpe Hon, pogi ang kasama mo kaya kinindatan ko na lang yung taga immig. oh diba effective pinalampas kagad tayo.” Pabiro kong Sagot sa kaniya “Oh really?! Gusto mo bumalik na ko ng pinas?!” Seryoso niyang sabi “Hahaha i’m just kidding Hon. Siyempre sayo lang ako titingin. Siguro nagluwag na sila ngayon dahil kailangan nila ng turismo after ng pandemic. Alam mo na diba bumagsak naman lahat ng mga ekonomiya.” Sagot ko sa kaniya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Sa totoo lang hindi nakakapagtaka na mabilis ang naging transaction namin sa immigration. Dahil Pabalik-balik na ako sa Amerika, at kilala na ako ng mga taga-imm