AMARA POV Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng makababa ang eroplano na aming sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip ay pumayag na din akong magbalik bayan. Kasama ko si Zaira at ang kambal. Sa ancestral home kasama namin ng kambal manunuluyan si Zaira dahil wala siyang ibang mauuwian kaya naman napagdesisyunan naming sa akin siya titira sa mga panahong nandito kami sa Pinas. Kagaya ng aking kahilingan kay Zaira. Gagawin naming surprise sa aking pamilya ang aking pagbabalik sa bahay Makalipas ang 5 taong walang komunikasyon. Excited na ako sa magiging reaksyon nila Mommy Kate lalo na pag nakita nila sina Anthony at Kayline. "ITS NICE TO BE BACK" bulong ko sa aking sarili ng mapagtanto kong nasa Pinas na talaga ako. 'Mommy! i want ang ice cream. ang hot naman po pala dito?!" umaangal na sabi ni Kayline "oo nga Mommy bakit po sa Faroe hot din naman pero hindi po ako sticky dito Mommy ang lagkit po! Ahh Mommy!? maki
KATE POV Ano ba naman itong si Manang kanina pa tawag ng tawag para lang patikman ang bago niyang menu na ihahanda niya para sa gaganapin na charity event namin para sa orphanage. “Hay Manang bakit kailangan kumpleto pa kami?!” Pagmamaktol na sabi ni Madison. “Saglit lang po ako aah pupunta pa po ako ng BGC para sa photoshoot ko!” “Oo sandali lang ito. Wag kang mag-alala” nakangising sabi ni Manang kay Madison. Samantalang si Maverick ay busyng busy sa kaniyang cellphone. Ang weird ni Manang ngayong araw. Nagkakatinginan na lang kami ni James dahil hindi namin maintindihan kung gano ba ka espesyal ang hinain nitong si Manang. Ayaw naman naming questionin dahil halos mag 3 dekada ng nagtatrabaho sa amin si Manang. Parang nanay na nga namin siya. Dahil din sa may edad na siya ay matampuhin na. “Wait lang po kuhain ko lang po hinanda ko sa kusina!” Sabi ni Manang habang kami ay nakaupo na sa dining table at naghihintay. “TADAAANNN SURPRISE !!!!” Malakas na sigaw ni Manang “A
“Anak natutuwa kami at naisipan mo ng magpakita saming lahat ( pambingad na sabi ni Daddy biglang naging seryoso naman ang kaniyang mukha) Okay since bumalik ka na dito sa bahay. Gusto sana naming ipaalam sayo na magkakaruon ng Charity Ball ang ating kompanya. Auction ito at ang kikitain lahat ay mapupunta sa mga Charity na sinusoportahan ng ating pamilya. Gaganapin ito sa susunod na araw. Tamang tama ang dating mo pero syempre iyun ay kung sakaling dadalo ka. Hindi ka namin pipilitin anak kung hindi ka pa makaka-attend ay maiintindihan namin. Mayroon din kaming mahalagang i-aanunsyo ng iyong Mommy after ng event “ sabi ni Daddy sa akin. " pero anak bago ka magdesisyon gusto lang naming malaman mo na imbitado ang pamilya ni Lance sa event nating iyon. Magmula kasi ng mawala ka, kahit anong gawin kong pagputol sa ugnayan ng ating pamilya sa kung ano mang koneksyon meron tayo sa kanilang pamilya ay hindi tumitigil si Lance na suyuin kami at kuhain ang aming loob. Patawarin mo kami anak
AT THE NIGHT OF THE PARTY “Its okay Mom kaya ko na pong mag isa. Mauna na kayo at nakakahiya sa mga guest na dadating na. Suaunod na din naman ako.” Nakangiting sabi ni Amara kay Kate “Kung sabagay , sige anak. Hay naku kinakabahan ako.” Sagot naman ni Kate sa anak “Don’t be Mom! Napakaganda mo kaya. You are the most beautiful girl on the event” paglalambing ni Amara sa ina “Haist ikaw talaga kaya miss na miss kita ng umalis ka. But you are the most prettiest. Oh sige na mauna na kami ng mga kapatid mo. Sumunod ka ah” sabi pa ni Kate dito. “Yes Mom! Susunuod na din po ako.” Sagot naman nito. Nauna na sila James sa event place kung san gaganapin ang Auction. Kasabay nila ang kanilang anak na kambal na sila Maverick at Madison. Bago pa umalis si Amara ay dumaan muna ito sa silid ng kaniyang mga anak. Nagpaalam siya sa mga ito at nangakong bibilhan ng toys sa kaniyang pagbabalik. Nang makita niyang okay na ang mga itong iwan ay naglakad na siya papalabas. Sumabay naman sa ka
AFTER THE PARTYAMARA POV Nagpalakpakan ang lahat ng guest na nakidalo sa event na iyon ng matapos ang ginawang auction. Muling binuksan ang lahat ng ilaw na nagbigay ng liwanag sa buong event hall. Kagaya ng nabanggit ni Daddy sa naging pag-uusap namin nila Mommy ay kinuha niya ang atensyon ng lahat ng taong dumalo sa pagpupulong na iyon. "LADIES AND GENTLE BEFORE WE END THIS EVENT. I WOULD LIKE TO ANNOUNCE SOMETHING!" nakangiting sabi ni Daddy ng tumayo siya sa unahan para magpasalamat sa mga bisitang nagsidalo. Natigilan naman ang lahat na sana sa pagkakataong iyon ay magsisipagtayuan na para magtungo sa inihandang thank you party ng aming pamilya para sa mga nakilahok sa Charity Event na ito. "AMARA come here sweetie (pag-aya ni James na sumama ito sa kaniya kasama siya sa itaas) lingid sa kaalaman ng lahat na ang aking anak na si Amara Santiago ang siyang nagtaguyod ng Charity na paglalagyan ng lahat ng napagbentahan ngayong gabi. At dahil din sa pagbabalik niya sa Pilipin
“What the hell on earth at may paglapit ka pang nalalaman sakin Cooper?! Wag kang gumawa ng eksena dito yung dragon mong asawa baka mamaya magwala pa dito nakakahiya lang.” Sabi ko dito ng masigurado kong si Cooper nga ito. “Ikaw naman bumati lang sayo. You look gorgeous now?!” Panlalandi nitong sabi sakin. Bago pa man nito matuloy ang kaniyang mga susunod pang gagawin ay biglang dumating si Lance. Binakudan ako nito kay Cooper. “Hi Bro! Parang narinig kong pinapaalis ka na ni Amara. Much better to mind your wife?! Baka iskandaluhin niya pa ang party na to?!” napangiti ako sa sinabi nito kay Cooper. Mas gumwapo ata si Lance sa malapitan. Ganun pa din ang kaniyang pangangatawan . Ang sarap sarap pa rin niya. Ang rupok ko naman sabi ko saking isipan. Hindi ko pwedeng basta na lang kalimutan ang kaniyang ginawa sakin. Umalis na din kagad si Cooper pag sabi nito bago pa siya humarap sakin ay binalik ko kagad sa paghimas saking paa ang aking ulo para hindi niya ako makitang nakatingin
Tumayo ako at tumalikod sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay tinungga ko na ang bote ng alak na kaniyang hinanda para sa amin. Hindi ako makapagsalita. Nananalaytay ang galit, inis at pagkapoot ko sa aking sarili dahil ganun ko lang kabilis natanggap saking puso ang kaniyang paliwanag . Parang ganun kadali nawala lahat ng galit na nararamdaman ko. Hindi ko magawang magalit sa kaniya. Hindi ko magawang mainis. Parang sa isang pitik ay nakalimutan kong lahat ng ginawa niya. Nang makaramdam na ako ng pagkahilo at dahil na din sa inis ko sa aking sarili ay hinamon ko si Lance. Sinuggaban ko siya ng mapangahas na halik. Halik na gigil na gigil sa galit. Gusto kong ilabas lahat ng sama ng loob ko at gusto kong patunayan sa sarili ko na hindi na ako makakaramdam ng kahit na anong pagmamahal kay Lance kundi lib*g na lang. Gusto kong patunayan na kaya kong makipag one night stand kahit kanino. Sabu-sabunot ko ang kaniyang ulo habang mariin ang ginagawa kong paghalik kay Lance. Tipo ng halik na
Kinaumagahan ay nasisilaw ako sa pagtama ng liwanag sa aking mukha na nagmumula sa siwang ng kurtina sa kwartong iyon. Natapat pa ito sa mata kong halos hindi ko maidilat. Bahagya kong sinaplo ang aking ulo. Nagitla ako ng maramdaman kong biglang may yumakap sa aking tagiliran. Nang lingunin ko ito ay nagulat ako ng makita ko ang maamong mukha ni Lance na tulog na tulog. “SH*T AMARA ANONG KATANGAHAN NA NAMAN ANG GINAWA MO KAGABI!” nabulalas ko sa aking sarili ng pilit kong inalala ang aking mga pinaggagagawa kagabi. Napahampas pa ako sa aking noo. Dahan dahan ko namang inalis ang kaniyang kamay sa pagkakayakap sa akin. Maingat kkng dinampot ang aking mga gamit sa sahig at mabilis akong nag ayos at umalis sa lugar na iyon. Pinara ko kaagad ang taxi’ng nagdaan sa kanilang village. Nang makasakay ako ay napapangiti ako’t napapakagat sa aking daliri. Nang tignan ko ang aking cellphone ay ang dami na palang message sakin ni Zaira dahil sa pag aalala nito sa hindi ko pag uwi kagabi. Agad ko
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma