AMARA PROLONGUE Halos 7 buwan din ako mula ng huminto saking trabaho. Magmula ng i declare ko sa aking company ang tungkol sa pagbubuntis ko ay binigyan na ako ng sckleave ng aking doctor. Buwang buwan ay kailangan ko lang magpa check up sa aking OB-GYNE at automatic ng magse-send ng aking sicknote ang aking Doctor na dumidiretso naman sa system ng insurance office at ng aming company. Nakakatanggap pa rin ako kada buwan ng full monthly salary na kino-compute nila sa aking basic hours payment. Nakita din sa aking Ultrasound na kambal ang aking pinagbubuntis , isang babae at isang lalaking sanggol. Magpasa hanggang ngayon ay kinakaya ko ang hindi gumamit ng social media. Ginawa kong abala ang aking sarili sa pag-aaral ng lengwahe dito sa Faroe upang mag-apply ako ng kanilang Permanent Residency since dito ko planong ipanganak ang aking mga anak. Hindi ko iiwan ang Pinas pero nagugustuhan ko na din ang buhay dito sa Faroe Island. Tinutukan ko na lang din ang pag-ma-market ko sa aking
AFTER 5 YEARS AMARA POV Sa bilis ng panahon at dahil nag enjoy na din ako sa aking buhay doon sa Faroe Island ay hindi ko namalayan na ngayong araw ay nagmarka ang ika limang taong pagtatago ko at pag detox sa aking sarili sa lahat ng social media platform. Kaya naman napagdesisyunan ko na finally na muli kong buksan ang aking cellphone sa unang pagkakataon. Madaming mapapait na ala-ala ang nangyari sa akin na ayaw ko ng balikan . Madami din akong naging pagsubok this past few days sa aking buhay dahil sa pagkakaruon ng sakit ni Anthony at Kayline dala na din ng kanilang kalikutan at pabago bagong panahon. Sila ang 5 taong gulang na mga anak ni namin ni Lance. Mabuti na lamang at laging nakaalalay sa amin si Zaira. Hindi na din kasi ako kumuha ng taga alaga na full time sa kambal dahil kakaunti lang din naman ang pasok ko. Kumuha lang ako ng partimer para tumingin sa kanila habang nasa trabaho ako. Mabuti na lang at nakakita ako ng isang pinoy na malapit lang sa bahay namin na nagin
AMARA POV Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin ng makababa ang eroplano na aming sinasakyan sa Ninoy Aquino International Airport. Matapos ang ilang libong beses na pag-iisip ay pumayag na din akong magbalik bayan. Kasama ko si Zaira at ang kambal. Sa ancestral home kasama namin ng kambal manunuluyan si Zaira dahil wala siyang ibang mauuwian kaya naman napagdesisyunan naming sa akin siya titira sa mga panahong nandito kami sa Pinas. Kagaya ng aking kahilingan kay Zaira. Gagawin naming surprise sa aking pamilya ang aking pagbabalik sa bahay Makalipas ang 5 taong walang komunikasyon. Excited na ako sa magiging reaksyon nila Mommy Kate lalo na pag nakita nila sina Anthony at Kayline. "ITS NICE TO BE BACK" bulong ko sa aking sarili ng mapagtanto kong nasa Pinas na talaga ako. 'Mommy! i want ang ice cream. ang hot naman po pala dito?!" umaangal na sabi ni Kayline "oo nga Mommy bakit po sa Faroe hot din naman pero hindi po ako sticky dito Mommy ang lagkit po! Ahh Mommy!? maki
KATE POV Ano ba naman itong si Manang kanina pa tawag ng tawag para lang patikman ang bago niyang menu na ihahanda niya para sa gaganapin na charity event namin para sa orphanage. “Hay Manang bakit kailangan kumpleto pa kami?!” Pagmamaktol na sabi ni Madison. “Saglit lang po ako aah pupunta pa po ako ng BGC para sa photoshoot ko!” “Oo sandali lang ito. Wag kang mag-alala” nakangising sabi ni Manang kay Madison. Samantalang si Maverick ay busyng busy sa kaniyang cellphone. Ang weird ni Manang ngayong araw. Nagkakatinginan na lang kami ni James dahil hindi namin maintindihan kung gano ba ka espesyal ang hinain nitong si Manang. Ayaw naman naming questionin dahil halos mag 3 dekada ng nagtatrabaho sa amin si Manang. Parang nanay na nga namin siya. Dahil din sa may edad na siya ay matampuhin na. “Wait lang po kuhain ko lang po hinanda ko sa kusina!” Sabi ni Manang habang kami ay nakaupo na sa dining table at naghihintay. “TADAAANNN SURPRISE !!!!” Malakas na sigaw ni Manang “A
“Anak natutuwa kami at naisipan mo ng magpakita saming lahat ( pambingad na sabi ni Daddy biglang naging seryoso naman ang kaniyang mukha) Okay since bumalik ka na dito sa bahay. Gusto sana naming ipaalam sayo na magkakaruon ng Charity Ball ang ating kompanya. Auction ito at ang kikitain lahat ay mapupunta sa mga Charity na sinusoportahan ng ating pamilya. Gaganapin ito sa susunod na araw. Tamang tama ang dating mo pero syempre iyun ay kung sakaling dadalo ka. Hindi ka namin pipilitin anak kung hindi ka pa makaka-attend ay maiintindihan namin. Mayroon din kaming mahalagang i-aanunsyo ng iyong Mommy after ng event “ sabi ni Daddy sa akin. " pero anak bago ka magdesisyon gusto lang naming malaman mo na imbitado ang pamilya ni Lance sa event nating iyon. Magmula kasi ng mawala ka, kahit anong gawin kong pagputol sa ugnayan ng ating pamilya sa kung ano mang koneksyon meron tayo sa kanilang pamilya ay hindi tumitigil si Lance na suyuin kami at kuhain ang aming loob. Patawarin mo kami anak
AT THE NIGHT OF THE PARTY “Its okay Mom kaya ko na pong mag isa. Mauna na kayo at nakakahiya sa mga guest na dadating na. Suaunod na din naman ako.” Nakangiting sabi ni Amara kay Kate “Kung sabagay , sige anak. Hay naku kinakabahan ako.” Sagot naman ni Kate sa anak “Don’t be Mom! Napakaganda mo kaya. You are the most beautiful girl on the event” paglalambing ni Amara sa ina “Haist ikaw talaga kaya miss na miss kita ng umalis ka. But you are the most prettiest. Oh sige na mauna na kami ng mga kapatid mo. Sumunod ka ah” sabi pa ni Kate dito. “Yes Mom! Susunuod na din po ako.” Sagot naman nito. Nauna na sila James sa event place kung san gaganapin ang Auction. Kasabay nila ang kanilang anak na kambal na sila Maverick at Madison. Bago pa umalis si Amara ay dumaan muna ito sa silid ng kaniyang mga anak. Nagpaalam siya sa mga ito at nangakong bibilhan ng toys sa kaniyang pagbabalik. Nang makita niyang okay na ang mga itong iwan ay naglakad na siya papalabas. Sumabay naman sa ka
AFTER THE PARTYAMARA POV Nagpalakpakan ang lahat ng guest na nakidalo sa event na iyon ng matapos ang ginawang auction. Muling binuksan ang lahat ng ilaw na nagbigay ng liwanag sa buong event hall. Kagaya ng nabanggit ni Daddy sa naging pag-uusap namin nila Mommy ay kinuha niya ang atensyon ng lahat ng taong dumalo sa pagpupulong na iyon. "LADIES AND GENTLE BEFORE WE END THIS EVENT. I WOULD LIKE TO ANNOUNCE SOMETHING!" nakangiting sabi ni Daddy ng tumayo siya sa unahan para magpasalamat sa mga bisitang nagsidalo. Natigilan naman ang lahat na sana sa pagkakataong iyon ay magsisipagtayuan na para magtungo sa inihandang thank you party ng aming pamilya para sa mga nakilahok sa Charity Event na ito. "AMARA come here sweetie (pag-aya ni James na sumama ito sa kaniya kasama siya sa itaas) lingid sa kaalaman ng lahat na ang aking anak na si Amara Santiago ang siyang nagtaguyod ng Charity na paglalagyan ng lahat ng napagbentahan ngayong gabi. At dahil din sa pagbabalik niya sa Pilipin
“What the hell on earth at may paglapit ka pang nalalaman sakin Cooper?! Wag kang gumawa ng eksena dito yung dragon mong asawa baka mamaya magwala pa dito nakakahiya lang.” Sabi ko dito ng masigurado kong si Cooper nga ito. “Ikaw naman bumati lang sayo. You look gorgeous now?!” Panlalandi nitong sabi sakin. Bago pa man nito matuloy ang kaniyang mga susunod pang gagawin ay biglang dumating si Lance. Binakudan ako nito kay Cooper. “Hi Bro! Parang narinig kong pinapaalis ka na ni Amara. Much better to mind your wife?! Baka iskandaluhin niya pa ang party na to?!” napangiti ako sa sinabi nito kay Cooper. Mas gumwapo ata si Lance sa malapitan. Ganun pa din ang kaniyang pangangatawan . Ang sarap sarap pa rin niya. Ang rupok ko naman sabi ko saking isipan. Hindi ko pwedeng basta na lang kalimutan ang kaniyang ginawa sakin. Umalis na din kagad si Cooper pag sabi nito bago pa siya humarap sakin ay binalik ko kagad sa paghimas saking paa ang aking ulo para hindi niya ako makitang nakatingin
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram