"OH! Tikman mo. Higupin mo lang pag sinindihan ko na!" sabi ni Eduardo sa akin. Sinubukan ko din ito. Mas masarap sa pakiramdam ang tama nito. Sa mga sandaling ito ay nakalimot ako sa pait ng naging kapalaran ko. Para na akong lumulutang sa gaan ng aking pakiramdam. Lumabas na ito mula sa aking silid naiwan akong nakatulala sa isang sulok. Hinihithit ang natirang sigarilyo na kanyang iniwan. Dumating si Belen ng makalabas na ito. Nag-iwan lang siya ng pagkain sa akin at kinandado na niya ang aking silid. Dahil sa high na high ako. Wala akong pakielam sa mga ngyayari sa paligid ko. Kinabukasan nagulat ako ng makita ko ang sarili kong wala pa ring saplot. Bumaba na din ang tama sa aking katawan. Nagmamadali akogn magsuot ng damit at nagtungo sa pintuan. Lalabas sana ako ngunit naka-kandado na ito. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa sahig ngunit hindi na ito gumagana dahil sa lakas ng pagkakabato ni Eduardo. Hindi ko na malaman ang aking gagawin. Akala ko ay okay na kami ni Eduardo ng
AFTER 24 HOURS KATE POV Kasama ko ang kambal sa aming mahabang byahe. Napupuno ng poot ang aking puso. Hindi ko maatim na hindi lang sakin kayang gumawa ng kawalang hiyaan itong si Charlotte pati sa sarili niyang anak ay kaya niyang gawin ang ganitong klaseng kababuyan. Galit na galit ako sa aking kinauupuan nagtitimpi at nais ng madaliin ang paglapag ng aming sinasakyan. "Love mag relax ka baka mabinat ka. Wag kang mag-alala gagawin ko ang lahat para makuha natin ang kostodiya ni Amara. Hindi ko din kayang tignan ang bata na lumaki sa ganong klaseng lugar." sabi sa akin ni James. Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig upang huminahon. Galit na galit kasi ako kay Charlotte. Nanginginig ang kalamnan ko sa sobrang inis at galit. "Salamat Love, sige susubukang kong huminahon. May balita na ba sila kung sang lupalop nagpunta si Charlotte?" tanong ko naman kay James " wala pa Love, Hirap daw matunton ng mga imbestigator , sabi ni Detective mukhang may nagtatago ditong malaking
Kasama ko si James na nanood sa telebisyon sa loob ng Van kung saan naroroon ang control room. Matiyaga naming binabantayan ang bawat galaw na gagawin ng mga sangka-pulisan. Hindi lang kasi NBI ang gagawa ng operation kasama ng mga ito ang Drug Enforcement dahil malaking isda ang huhulihin ng mga ito ngayon. Hindi lang din droga ang pakay nila pati na ang human trafficking na nagaganap sa loob ng kasa. Naghihintay na lang ang mga taga NBI at PDEA sa go signal mula sa mga asset nilang nagpanggap bilang mga buyer. Matindi ang kalabog ng aking dibdib. Unang beses akong makakakita ng ganitong eksena na sa buong buong buhay ko ay hindi ko inisip na maari kong pagdaanan dahil sa pelikula ko lang ito napapanood. Natatakot man ay tinatatagan ko ang aking loob. Naramdaman ko ang pagpiga sa aking kamay ni James ng makita niyang grabe ang aking tensyon. Tinulungan ako ng aking asawa na huminahon. “Go! GO! GO” nagsimula ng pumasok ang mga alagad ng batas sa loob ng kasa. Nang matanggap na nila
"sige papasukin niyo" utos ni Kernel sa kaniyang mga tauhan. Lumapit si George sa amin. "AMARA! nag-alala si Tito sayo!" sabi ni George habang nakayakap siya sa bata. "George (bumubulong ako sa aking kapatid) nakita namin si Charlotte may mga armadong lalaki ang tumangay sa kaniya. Wag na sanang makarating kay Amara ang totoong ngyari. Hayaan muna nating malampasan niya ang matinding trauma dulot ng pangyayaring ito. Pag lumaki na siya saka natin ipaliwanag ang sitwasyon sa bata" sumang-ayon naman sa akin si Geoge. Sinakay na sa ambulansya si Amara, hindi ko naman siya iniwan hanggang makarating sa ospital samantalang si James at George ay nakasunod lang gamit ang mobile car ng mga pulis. Agad na nilapitan ng doktor ang bata upang suriin ito. Habang nasa loob ng Emergency Room si Amara ay maya't maya din ang dating ng mga sugatang tao ng NBI . Hindi ko iniwan si Amara at nakakapit lang siya sa aking kamay, takot na takot itong maiwan ulit at mapunta sa kamay ng masasamang taong iyo
JAMES POV THE INVESTIGATION Tahimik lang akong nanunuod sa eksena sa pagitan ni Kate at ni Amara. Awang-awa ako sa sitwasyon nito. Hindi ako makapaniwala sa kayang gawin ng kinikilalang kapatid ni Kate. Napakalayo ng ugali nito kumpara sa aking asawa. Malalaman mo talagang hindi sila tunay na magkadugo. Si Kate ay mapagmahal na asawa at ina sa aming mga anak. Marunong magpahalaga sa kahit na sinong malapit sa kaniyang puso. Tiwagan ko si Judge Hernandez para tanungin kung paano mapapabilis ang proseso ng pagkuha ng kustodiya kay Amara. Lumayo ako sa kanilang mag tita upang makausap ko ng maayos si Judge Hernandez. “Hello Judge! Si James ito. May gusto lang akong ihingi ng pabor sayo kung maari lang sana? “pambungad kong sabi “Syempre naman James, kahit ano sabihin mo lang sakin” sagot naman nito sa akin “Siguro ay nabalitaan na ninyo ang raid na ngyari sa Kasa sa Manila ngayong araw. Isa ang pamangkin ni Kate sa mga nakuha mula sa kasang iyon. Mag 6years pa lang ito, iniiwa
KATE POVMakalipas ang 24 oras ay binigyan na kami ng clearance ng doctor ni Amara na makauwi na sa bahay. Kasama ko si James na nag ayos sa silid na tutuluyan ng bata. SI George naman ang may karga kay Amara. Ibinaba na siya ni George sa kaniyang kama at hinayaan na muna naming magpahinga siya saka na namin siya kakausapin at isasama sa silid ng kambal. Ilang oras din na masarap ang tulog ni Amara, siguro ay naginhawaan na siya sa kaniyang paligid, ng magising ito ay dinala ko na siya sa silid ng kambal para makita niya.“Hello Amara! Ito si Baby Maverick at ito naman si Baby Madison, sila ang magiging best friend mo. Paglaki ni Maverick siya ang magiging tagapagligtas ninyo ni Madison” anas ko sa kaniya. Nakatingin lang si Amara, tikom ang kaniyang mga bibig. Kinapitan niya ang maliliit na kamay ni Madison at Maverick. Tila na-pipi itong hindi makapag salita. Kinukurot naman ang aking puso sa nagiging reaksyon ni Amara. Ilang araw ang nagdaan at parehas pa din ang naging reaksyon n
“Mmm Kate, James. Sa totoo lang matinding trauma ang inabot ng bata sa mga ngyari. (Pinakita niya sa amin ang drinawing ni Amara. Madilim ang mga karakter ang nakapaloob dun, kung iyong susuriin ay makikita mo ang mga taong nakikipagtalik at mga taong gumagamit) makikita naman natin na puno siya ng emosyon. Sa ganitong kondisyon ay talagang matatagalan” sabi ni Doktora“Dok ano ang dapat naming gawin na makakatulong sa kaniya upang mabilis niyang makalimutan lahat ng ngyari? “ tanong naman ni Kate“Ganito ang mga maaaring makatulong sa bata. Hindi masyadong maganda ang kondisyon ng bata dahil sa inaatake na siya ng matinding trauma. Kailangan kausapin niyo siya sa mga bagay na kinakatakutan niya. Hayaan niyo siyang mag kwento sa inyo ng mga karanasan niya. Makinig kayo sa mga sinasabi niya at tutukan niyo siya habang nagsasalita na wari ay handa kayong makinig sa kaniya sa kahit na anong sabihin niya. Kailangan niyo siyang bigyan ng encouragement at palagi ninyong sabihin sa kaniya na
CHARLOTTE POVISANG LINGGO ANG NAKARAAN ANG ARAW NA NA RAID ANG KASAGalit na galit ako kay Eduardo. Panay ang aking pagpupumiglas sa ginagawa niyang pagkakaldkad sa akin."sana ay hinayaan mo na lang akong mamatay kanina. Bakit sinama mo pa ko sa impyernong lugar mo?!" sigaw ko kay Eduardo. Tuloy siya sa pagkaladkad sakin sa isang lugar na tila abandunadong gusali.Isang malakas na sampal mulia ng aking inabot sa kaniya. "tumahimik ka! anong akala mo Makakatakas ka na lang ng ganon-ganon sakin. Napakadami ko ng nagastos sayo. Hindi maaring hindi ako makabawi sa nagastos ko sayo. HAHAHAHA!" malakas na tawa nitong akala mo ay dim*nyo."anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong sabiMahigpit niyang dinakot ang aking pisngi. Sobrang sakit nito dahil sa sobrang higpit ng kaniyang pagkaka-dakot sa aking pisngi. "makinig kang mabuti ito, hindi ko na to uulitin. hindi ka makakawala sa akin, pagsasawaan kita hangga't gusto ko pero bilang kabayaran sa lahat ng naibigay ko sayo noon ay ipapagam
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram