"sige papasukin niyo" utos ni Kernel sa kaniyang mga tauhan. Lumapit si George sa amin. "AMARA! nag-alala si Tito sayo!" sabi ni George habang nakayakap siya sa bata. "George (bumubulong ako sa aking kapatid) nakita namin si Charlotte may mga armadong lalaki ang tumangay sa kaniya. Wag na sanang makarating kay Amara ang totoong ngyari. Hayaan muna nating malampasan niya ang matinding trauma dulot ng pangyayaring ito. Pag lumaki na siya saka natin ipaliwanag ang sitwasyon sa bata" sumang-ayon naman sa akin si Geoge. Sinakay na sa ambulansya si Amara, hindi ko naman siya iniwan hanggang makarating sa ospital samantalang si James at George ay nakasunod lang gamit ang mobile car ng mga pulis. Agad na nilapitan ng doktor ang bata upang suriin ito. Habang nasa loob ng Emergency Room si Amara ay maya't maya din ang dating ng mga sugatang tao ng NBI . Hindi ko iniwan si Amara at nakakapit lang siya sa aking kamay, takot na takot itong maiwan ulit at mapunta sa kamay ng masasamang taong iyo
JAMES POV THE INVESTIGATION Tahimik lang akong nanunuod sa eksena sa pagitan ni Kate at ni Amara. Awang-awa ako sa sitwasyon nito. Hindi ako makapaniwala sa kayang gawin ng kinikilalang kapatid ni Kate. Napakalayo ng ugali nito kumpara sa aking asawa. Malalaman mo talagang hindi sila tunay na magkadugo. Si Kate ay mapagmahal na asawa at ina sa aming mga anak. Marunong magpahalaga sa kahit na sinong malapit sa kaniyang puso. Tiwagan ko si Judge Hernandez para tanungin kung paano mapapabilis ang proseso ng pagkuha ng kustodiya kay Amara. Lumayo ako sa kanilang mag tita upang makausap ko ng maayos si Judge Hernandez. “Hello Judge! Si James ito. May gusto lang akong ihingi ng pabor sayo kung maari lang sana? “pambungad kong sabi “Syempre naman James, kahit ano sabihin mo lang sakin” sagot naman nito sa akin “Siguro ay nabalitaan na ninyo ang raid na ngyari sa Kasa sa Manila ngayong araw. Isa ang pamangkin ni Kate sa mga nakuha mula sa kasang iyon. Mag 6years pa lang ito, iniiwa
KATE POVMakalipas ang 24 oras ay binigyan na kami ng clearance ng doctor ni Amara na makauwi na sa bahay. Kasama ko si James na nag ayos sa silid na tutuluyan ng bata. SI George naman ang may karga kay Amara. Ibinaba na siya ni George sa kaniyang kama at hinayaan na muna naming magpahinga siya saka na namin siya kakausapin at isasama sa silid ng kambal. Ilang oras din na masarap ang tulog ni Amara, siguro ay naginhawaan na siya sa kaniyang paligid, ng magising ito ay dinala ko na siya sa silid ng kambal para makita niya.“Hello Amara! Ito si Baby Maverick at ito naman si Baby Madison, sila ang magiging best friend mo. Paglaki ni Maverick siya ang magiging tagapagligtas ninyo ni Madison” anas ko sa kaniya. Nakatingin lang si Amara, tikom ang kaniyang mga bibig. Kinapitan niya ang maliliit na kamay ni Madison at Maverick. Tila na-pipi itong hindi makapag salita. Kinukurot naman ang aking puso sa nagiging reaksyon ni Amara. Ilang araw ang nagdaan at parehas pa din ang naging reaksyon n
“Mmm Kate, James. Sa totoo lang matinding trauma ang inabot ng bata sa mga ngyari. (Pinakita niya sa amin ang drinawing ni Amara. Madilim ang mga karakter ang nakapaloob dun, kung iyong susuriin ay makikita mo ang mga taong nakikipagtalik at mga taong gumagamit) makikita naman natin na puno siya ng emosyon. Sa ganitong kondisyon ay talagang matatagalan” sabi ni Doktora“Dok ano ang dapat naming gawin na makakatulong sa kaniya upang mabilis niyang makalimutan lahat ng ngyari? “ tanong naman ni Kate“Ganito ang mga maaaring makatulong sa bata. Hindi masyadong maganda ang kondisyon ng bata dahil sa inaatake na siya ng matinding trauma. Kailangan kausapin niyo siya sa mga bagay na kinakatakutan niya. Hayaan niyo siyang mag kwento sa inyo ng mga karanasan niya. Makinig kayo sa mga sinasabi niya at tutukan niyo siya habang nagsasalita na wari ay handa kayong makinig sa kaniya sa kahit na anong sabihin niya. Kailangan niyo siyang bigyan ng encouragement at palagi ninyong sabihin sa kaniya na
CHARLOTTE POVISANG LINGGO ANG NAKARAAN ANG ARAW NA NA RAID ANG KASAGalit na galit ako kay Eduardo. Panay ang aking pagpupumiglas sa ginagawa niyang pagkakaldkad sa akin."sana ay hinayaan mo na lang akong mamatay kanina. Bakit sinama mo pa ko sa impyernong lugar mo?!" sigaw ko kay Eduardo. Tuloy siya sa pagkaladkad sakin sa isang lugar na tila abandunadong gusali.Isang malakas na sampal mulia ng aking inabot sa kaniya. "tumahimik ka! anong akala mo Makakatakas ka na lang ng ganon-ganon sakin. Napakadami ko ng nagastos sayo. Hindi maaring hindi ako makabawi sa nagastos ko sayo. HAHAHAHA!" malakas na tawa nitong akala mo ay dim*nyo."anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong sabiMahigpit niyang dinakot ang aking pisngi. Sobrang sakit nito dahil sa sobrang higpit ng kaniyang pagkaka-dakot sa aking pisngi. "makinig kang mabuti ito, hindi ko na to uulitin. hindi ka makakawala sa akin, pagsasawaan kita hangga't gusto ko pero bilang kabayaran sa lahat ng naibigay ko sayo noon ay ipapagam
"sinabi ko naman sayo Amigo hindi ako mapapahiya sayo. Magaling yan, ikaw ng bahala sa kaniya babalikan ko na lang bukas. May pagka wild at matapang iyan, gusto niyang kinakarinyo brutal siya. Do what ever you want. hahaha Oh pano Amigo mauna na kami ikaw ng bahala sa babaeng yan." sabi pa ni Eduardo . Kinabahan ako sa mga sinabi nito sa matandang iyon. Tututol pa sana ako ng kapitan ako ng dalawang kalalakihan na may kalakihan ang katawan. Pilit akong nagpupumiglas pero wala din itong nagawa. Tumalikod na sa amin si Eduardo kahit pa panay ang aking pagsigaw na isama na niya ako pagbalik.“Maawa na kayo please! Pakawalan niyo na ako. Huhuhu” kahit anong sabihin ko ay hindi nakikinig sa akin ang mga ito. Winasak ng matandang iyon ang aking damit habang kapit kapit ako ng dalawang lalaki sa aking kamay at paa. “Hahahah! Jackpot (anas niya ng lumantad sa kaniya ang mapipintog kong sus*, nakita ko pang nag apiran ang dalawang lalaki na may kapit sakin) sige simulan niyo na” lalo na akong
KATE POV SA PILIPINAS Bago ang ikalimang kaarawan ng kambal ay napag isipan na din naming dumaan sa Muzon. Sabay sabay kaming nagtungo nila George sa lumang bahay ni Mama gusto kong ipakita kila Maverick ang buhay na mayroon ako dati pari na ang mga taong nakasama ko sa aking paglaki. "Baby dito lumaki si Mommy! ito ang room ko." inikot ko ang kambal sa loob ng aking silid. "Mommy bakit walang picture sila MommyLa Andrea? diba Mommy mo siya dapat may picture kayo." nagkatinginan kami ni James. Nagkasundo kaming hindi namin itatago sa kambal ang totoong ngyari sa aming buhay ngunit hindi ang pagkakakulong nila Mama Camila. Para habang lumalaki sila ay maintindihan nila ang sitwasyon namin at kung bakit hindi kami pumapayag na basta lang sila umalis ng bahay na hindi kami kasama o walang body guard man lang. Magpasa hanggang ngayon kasi ay hindi pa din nahuhuli si Charlotte at ang grupo niya hindi namin alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng mga ito. Lumuhod ako sa harapan
Naglakad na kami papunta sa bahay nila Mama , kapit ko si Maverick habang si Madison ay nagpakarga kay James. Nagulat ako ng sa pag ugoy ng aking kamay ay biglang kinapitan ito ni James. Napatingin ako sa kaniya at simple niya akong nginitian. "Thank You Love!" anas ko sa aking asawa "para saan naman?!" tanong niya sa akin "sa pagtatanggol sakin sa harapan ni Michael." sagot ko naman sa kaniya. Nakatingin lang samin ang kambal. Nakakatulog na si Madison sa pagkakakarga ni James sa kaniya. "Love, kahit sino pa yan! ex mo man o ibang tao. Kapag nalaman kong hinusgahan ka nila ay hindi ko hahayaang matapos ang sandali na hindi ko sila nawa-warningan. Kilala mo naman ako Love hindi ako mahilig makipag-away pero kung tungkol sayo na ang usapan at sa mga anak natin ay kaya kong gawin ang lahat. Hindi ako papayag na babastusin ka ng kahit na sino. Alam ko Love ang naging paghihirap mo bilang isang OFW sa Kuwait noon, saksi ako sa lahat ng pagsisikap mo para maging maganda ang buhay n
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram