Mukhang nakalunok si Chandler ng dalawang bote ng lason pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.Nagmadaling tumakbo si Maynard papunta sa karwahe. "Anong gagawin natin? Tatlong mga halimaw na nasa late-stage ng innate level! Anong laban natin sa kanila? May oras pa ba tayong tumakas?"Kahit na mukhang nagalit ang mga torong ito, wala tayong ginawa para galitin sila. Sa tingin mo ba hahabulin nila tayo kung tatakbo tayo ngayon?!" Natataranta na sii Maynard sa puntong iyon.Sinulyapan ni Fane si Maynard bago niya sinabing, "Kung aatras man tayo ngayon, aatake agad ang mga toro. Huwag mong isipin na magpapakita sila ng awa sa atin."Kahit na hindi pa umaatake ang mga toro, malinaw na naramdaman ni Fane na ang mga toro ay nasa limitasyon na ng kanilang galit. Para silang itinapon sa gitna ng apoy."Kung ganoon, anong gagawin natin?!" Tarantang-taranta si Maynard, hindi na siya makapag-isip ng tama.Napabuntong-hininga si Fane habang kinukuha niya ang isang kulay-abo na espad
Kahit na ang Blazing One-Eyed Bull ay nasa late stage na ng innate level, para kay Fane, hindi nakakatakot ang mga ito. Sa kabilang banda, halos malaglag na ang mata nila Chandler at Maynard nang marinig nila ang mga salitang iyon, akala nila nagkamali sila ng dinig kay Fane. Paanong ganito siya katapang? Akala niya ba nasa acquired realm lang ang mga ito at gusto niyang lumaban sa dalawa nang mag-isa? Lalabanan niya ang dalawa kahit na nasa initial stage lang siya ng innate level? Hinawakan ni Maynard ang braso ni Fane. "Nababaliw ka na ba?!" Sa huli, hindi tumunganga ang mga ito kay Fane. Paghuko nito, naghanda itong sumugod, at pagkatapos ay sumugod ito nang napakabilis. Nagdilim ang mukha ni Chandler. Kahit na isa lamang siyang informal disciple ng Rosefinch Pavilion, malaki na ang karanasan niya sa pakikipaglaban. Alam niyang hindi makakaligtas ang mga tagapagsilbi sa paligid niya kapag sinugod ito ng Blazing One-eyed Bull. Sumugod siya na parang isang palaso. Nang ila
Ngunit huli na ang lahat. Kahit gaano pa kalakas ang Blazing One-Eyed Bull, nasa initial stage lamang ito ng innate realm. Ang gamit ni Fane ay isang ultimate god-level skill. Maging ang pinakamalakas na disipulo ng isang fourth-grade clan ay walang laban sa kanya, lalo na ang isang fiend na nasa late stage ng innate realm. Sumigaw si Fane nang saksakin niya ito, at ang dulo ng kanyang spada ay muling bumaon sa mata nito. Nasira ng espada ang mata nito, at kumalat ang dugo sa paligid. Kasunod nito ay narinig ang mga sigaw na namimilipit. Hindi ang pisikal na katawan ang inaatake ng Destroying the Void. Sa umpisa pa lang ay mas mahina naman talaga ang mga fiends kaysa sa mga tao. Kahit ang mga taong kapareho ng lebel ng mga hayop na ito ay hindi makakaligtas sa atake ni Fane. Hindi na makatayo nang maayos ang toro. Tulad ng isang toro na bumagsak sa sahig, bumagsak ito na parang nababaliw at gumulong sa sahig at sumigaw sa sakit. Laging mabilis si Fane sa pag-atake para walang m
Kahit na hindi malakas ang atake ng Blazing One-Eyed Bull, hindi pa siya malakas para makalamang. Kapag nagpatuloy sila sa paglalaban, madedehado siya. Kapag dumating ang dalawang toro, siguradong mamamatay siya. Habang lumalaban siya, lalong kinabahan si Chandler. Tumagaltak ang pawis sa kanyang noo, at namutla ang kanyang mukha. Maging ang kanyang paghinga ay nagugulo na rin! Nang lumala ang kanyang pagkabahala, isang liwanag ang biglang kumislap sa tabi niya. Ang narinig lamang ni Chandler ay ang tunog na parang may nataga, at napasigaw sa sakit ang Blazing One-Eyed Bull. Pagtingin niya dito, nakita niyang may nakasaksak nang espada sa mata nito. Nabasag ang mata nito na parang salamin! Kasunod nito, ang hayop na hindi matalo ni Chandler ay bumagsak sa sahig. Nangisay ito na para bang nagdudusa ito nang sobra. Gumulong ito sa sahig sa sobrang sakit. Sa sandaling ito, akala ni Chandler na ang taong umatake ay nasa spring-solidifying realm. Kung hindi, imposibleng mataga ang
Lumulubog na ang araw at nasikatan nito ang isang makitid na daan sa lambak. Umilaw ito nang mapula. Tiningnan ni Fane ang tanawin mula sa bintana. Kakaiba ang tanawin sa labas ng karwahe. Mayaman sa sangkap ang Middle Province, at ang tanawin dito ay mas maganda kaysa sa West Cercie State. Kung hindi dahil sa panganib ng mga fiend, baka nanatili pa nang ilang araw si Fane dito para sa tanawin. Natulungan sana siya nitong kumalma at iplano ang susunod niyang gagawin. "Fane…" mukhang nahihirapan si Chandler. Tumaas ang isang kilay ni Fane, hindi inaasahan ang biglang magalang na tono. Noong una, kaswal lang siyang kausapin ni Chandler. Muntik nang matawa si Fane sa magalang na tono nito. Ngunit wala siyang ginawa para pansinin ito. Maaaring gawin ni Chandler ang gusto niya. Isinara ni Fane ang kurtina at humarap kay Chandler. Huminga nang malalim si Chandler. Naguguluhan ang mga mata niya. "Talaga bang… nasa early stage ka ng innate realm?" Umiling si Fane, matapat na sinasabi
Tinikom ni Chandler ang kanyang labi. "Kapag itinuon mo ang pansin mo sa alchemy, mawawalan ka ng oras sa pagsasanay. Masyado kang mahusay. Kapag nasayang ang oras mo sa alchemy, sayang naman ang potensyal mo. Pagsisisihan mo ito sa huli." Sigurado si Chandler sa kanyang sinasabi, lalo na sa huling bahagi. Kahit na maraming makuhang spirit crystal si Fane, mawawalan ito ng saysay. Mas mahalaga ang pataasin ang kanyang lakas. Kapag mas lumakas na siya, natural na siyang mas makakakuha ng yaman. Higit pa rito, matagal na oras at pagtitiyaga ang kailangan sa pagpapataas ng kalidad ng mga pill! Sobrang tagal rin nito. Ang pagkakaroon ng matinding potensyal sa paglaban ay hindi nangangahulugang malaking potensyal sa alchemy. Tumaas ang kilay ni Fane. Natural na alam niya ang lahat ng ito. Kung hindi niya nakuha ang spirit-gathering crystal, hindi rin sana niya pipiliin ang ganito kahirap na daan. Ngunit gamit ang soul-gathering crystal, hindi na ito problema. Ang kailangan lang niya
Higit sa lahat, malaki ang ginastos ng Heavenly Pills para umangat sila. Ang alchemy ay isang bagay na kailangan ng maraming spiritual grass at medisina. Kapag naipon ang mga iyon, malaki ang presyo nito. Umubo nang mahina si Gilbert Hughes nang magsalin siya ng tsaa na nasa perpektong temperatura. "Mr. Simmons, pagod ka na siguro. Uminom ka muna ng tsaa para guminhawa ang lalamunan mo. Masyado kang abala ngayong araw. "Tulungan na kita sa maliliit na bagay. Ang buong shop na ito ay magiging sobrang linis." Tumaas ang kilay ni Mr. Simmons habang masayang tumatango, "Kilalang-kilala mo talaga ako Gilbert. Hindi ko ito basta maibibigay sa kahit kanino, pero lagi mong nagagawa nang tama ang mga bagay. Panatag akong ipaubaya ang mga bagay sa'yo." Nang sabihin niya ito, lumaki nang lumaki ang ngiti ni Mr. Simmons. Tumango si Gilbert at ngumiti nang maayos. Para bang nagpapasalamat siya sa mga salitang iyon. Ngunit hindi totoo kay Gilbert ang mga salitang iyon. Sa halip ay natatawa
Makalipas ang ilang sandali, tumango si Mr. Simmons at sumagot, "Dahil nagpunta ka rito para maging isang estudyante, dapat ihanda mo ang iyong isip."Ang pamangkin ko ang nakiusap sa akin, kaya natural na papayag ako dito. Gilbert, hanapan mo siya ng kwarto. Sa susunod, magiging senior ka na niya. Lagi mong tandaan na isama siya kahit saan ka magpunta." Sinubukan ni Gilbert ang kanyang makakaya na pigilan ang kanyang mukha na sumama. Ngumiti siya at sinabi, "Huwag kayong mag-alala, babantayan ko siya nang maigi."Kahit na ginawa niya ang kanyang makakaya para pigilan ang kanyang tono, naramdaman pa rin ni Fane na may kakaiba sa pananalita nito. Tinitigan niya si Gilbert. Mukhang palakaibigan si Gilbert, ngunit nakakaramdam si Fane ng lamig sa mainit na panlabas nito. Hindi talaga masaya si Gilbert sa pagdating ni Fane. Para bang natatakot si Gilbert na maagaw sa kanya ni Fane ang kanyang pwesto. Nagulat dito si Fane. Hindi man lang binigyan ni Gilbert si Fane ng pagkakataong m