Lumulubog na ang araw at nasikatan nito ang isang makitid na daan sa lambak. Umilaw ito nang mapula. Tiningnan ni Fane ang tanawin mula sa bintana. Kakaiba ang tanawin sa labas ng karwahe. Mayaman sa sangkap ang Middle Province, at ang tanawin dito ay mas maganda kaysa sa West Cercie State. Kung hindi dahil sa panganib ng mga fiend, baka nanatili pa nang ilang araw si Fane dito para sa tanawin. Natulungan sana siya nitong kumalma at iplano ang susunod niyang gagawin. "Fane…" mukhang nahihirapan si Chandler. Tumaas ang isang kilay ni Fane, hindi inaasahan ang biglang magalang na tono. Noong una, kaswal lang siyang kausapin ni Chandler. Muntik nang matawa si Fane sa magalang na tono nito. Ngunit wala siyang ginawa para pansinin ito. Maaaring gawin ni Chandler ang gusto niya. Isinara ni Fane ang kurtina at humarap kay Chandler. Huminga nang malalim si Chandler. Naguguluhan ang mga mata niya. "Talaga bang… nasa early stage ka ng innate realm?" Umiling si Fane, matapat na sinasabi
Tinikom ni Chandler ang kanyang labi. "Kapag itinuon mo ang pansin mo sa alchemy, mawawalan ka ng oras sa pagsasanay. Masyado kang mahusay. Kapag nasayang ang oras mo sa alchemy, sayang naman ang potensyal mo. Pagsisisihan mo ito sa huli." Sigurado si Chandler sa kanyang sinasabi, lalo na sa huling bahagi. Kahit na maraming makuhang spirit crystal si Fane, mawawalan ito ng saysay. Mas mahalaga ang pataasin ang kanyang lakas. Kapag mas lumakas na siya, natural na siyang mas makakakuha ng yaman. Higit pa rito, matagal na oras at pagtitiyaga ang kailangan sa pagpapataas ng kalidad ng mga pill! Sobrang tagal rin nito. Ang pagkakaroon ng matinding potensyal sa paglaban ay hindi nangangahulugang malaking potensyal sa alchemy. Tumaas ang kilay ni Fane. Natural na alam niya ang lahat ng ito. Kung hindi niya nakuha ang spirit-gathering crystal, hindi rin sana niya pipiliin ang ganito kahirap na daan. Ngunit gamit ang soul-gathering crystal, hindi na ito problema. Ang kailangan lang niya
Higit sa lahat, malaki ang ginastos ng Heavenly Pills para umangat sila. Ang alchemy ay isang bagay na kailangan ng maraming spiritual grass at medisina. Kapag naipon ang mga iyon, malaki ang presyo nito. Umubo nang mahina si Gilbert Hughes nang magsalin siya ng tsaa na nasa perpektong temperatura. "Mr. Simmons, pagod ka na siguro. Uminom ka muna ng tsaa para guminhawa ang lalamunan mo. Masyado kang abala ngayong araw. "Tulungan na kita sa maliliit na bagay. Ang buong shop na ito ay magiging sobrang linis." Tumaas ang kilay ni Mr. Simmons habang masayang tumatango, "Kilalang-kilala mo talaga ako Gilbert. Hindi ko ito basta maibibigay sa kahit kanino, pero lagi mong nagagawa nang tama ang mga bagay. Panatag akong ipaubaya ang mga bagay sa'yo." Nang sabihin niya ito, lumaki nang lumaki ang ngiti ni Mr. Simmons. Tumango si Gilbert at ngumiti nang maayos. Para bang nagpapasalamat siya sa mga salitang iyon. Ngunit hindi totoo kay Gilbert ang mga salitang iyon. Sa halip ay natatawa
Makalipas ang ilang sandali, tumango si Mr. Simmons at sumagot, "Dahil nagpunta ka rito para maging isang estudyante, dapat ihanda mo ang iyong isip."Ang pamangkin ko ang nakiusap sa akin, kaya natural na papayag ako dito. Gilbert, hanapan mo siya ng kwarto. Sa susunod, magiging senior ka na niya. Lagi mong tandaan na isama siya kahit saan ka magpunta." Sinubukan ni Gilbert ang kanyang makakaya na pigilan ang kanyang mukha na sumama. Ngumiti siya at sinabi, "Huwag kayong mag-alala, babantayan ko siya nang maigi."Kahit na ginawa niya ang kanyang makakaya para pigilan ang kanyang tono, naramdaman pa rin ni Fane na may kakaiba sa pananalita nito. Tinitigan niya si Gilbert. Mukhang palakaibigan si Gilbert, ngunit nakakaramdam si Fane ng lamig sa mainit na panlabas nito. Hindi talaga masaya si Gilbert sa pagdating ni Fane. Para bang natatakot si Gilbert na maagaw sa kanya ni Fane ang kanyang pwesto. Nagulat dito si Fane. Hindi man lang binigyan ni Gilbert si Fane ng pagkakataong m
Hindi napigilan ni Chandler ang mapailing nang marinig niya ang lahat ng iyon. Talagang hindi madali ang landas ng isang alchemist. Mas mahirap ito ng ilang beses kaysa sa martial arts, at nangangailangan ito ng mas mahusay na talento."Ganun ba talaga kahirap i-condense ang pill aura?" Ibinaba ni Chandler ang tasa ng tsaa sa kanyang kamay at seryosong nagtanong.Kahit na mayroon siyang kaunting kaalaman sa alchemy, hindi pa niya sinubukang unawain ang Way of the Pill noon. Hindi niya alam kung gaano kahirap intindihin ang Way of the Pill at i-condense ang pill aura. Si Mr. Simmons ay may maraming taon ng karanasan sa Heavenly Pills, kaya natural na may awtoridad siya sa bagay na iyon."Siyempre mahirap! Bibigyan kita ng isang halimbawa na mauunawaan mo. Para maunawaan ng isang fifth-grade alchemist ang Way of the Pill at i-condense ang pill aura ay parang pagtuturo sa isang mandirigma na nasa innate realm ng isang upper earth rank skill. Hindi ba mahirap 'yun?!"Sa halimbawa ni
Tinabi ni Fane ang basahan at sumagot siya, "Nararamdaman niya siguro na madadaig ko siya. Kung hindi, imposibleng magalit siya sa'kin ng ganun. Para bang iniisip niya na nanakawin ko ang mga gamit niya kapag naging kapwa niya ako estudyante."Wala akong alam tungkol sa ibang bagay, ngunit kahit na ang mga mag-aaral ay tila nagsusumikap sa pag-aaral ng alchemy upang maging isang sixth-grade alchemist, yung totoo ay mas mukha silang mga utusan."Madalas silang pinipilit na gunawa ng mga Heavenly Pills. Kailangan nilang harapin ang mga customer at linisin ang tindahan. Kailangan nilang tukuyin ang edad ng mga materyales. Kapag natapos lamang nilang gawin ang lahat ng mga gawaing ito ay maaari nilang ipagpatuloy ang kanilang pagsasanay."Napakahirap ng buhay nila. Siguradong maraming mag-aagawan sa anumang magandang bagay at pagkakataon. Isa akong bagong estudyante at baka nakikipag-agawan ako sa kanya para sa parehong mga bagay. Natural na hindi siya matutuwa sa akin."Nang marinig n
"Dahil doon, gagawin nila ang kanilang makakaya upang matiyak na makakakuha ka ng pinakamaliit na mahahalagang bagay hangga't maaari upang mabawasan ang mga pagkalugi. Maghihirap ka."Maraming sinabing magagandang bagay si Chandler dahil nanghihinayang siya na sinasayang ni Fane ang talento niya ng ganun-ganun lang. Isa pang dahilan ay dahil gusto niyang suklian si Fane sa pagliligtas sa kanyang buhay.Kung hindi siya umabante kay Fane, tiyak na namatay siya laban sa tatlong Blazing One-Eyed Bulls.Ramdam ni Fane ang magandang intensyon sa mga sinabi ni Chandler at tumango ito sa kanila. May mga bagay na hindi mauunawaan ni Chandler. Kung tutuusin, napakaraming sikreto ni Fane, walang paraan para ipaliwanag ang lahat.Ayaw din niyang ibunyag ang lahat ng sikreto niya kay Chandler kaya napilitan siyang humanap ng dahilan na hindi masyadong katawa-tawa."Kapag nakapagtakda na ako ng layunin para sa aking sarili, hindi ko na ito mababago nang madali. Dagdag pa dito, malaki ang tiwala
Bakit napakasama ng pakikitungo ni Gilbert sa kanya? Nilagay pa niya si Fane sa ganun klaseng kwarto. Habang iniisip niya iyon, tumingin siya kay Chandler.Siya ay malinaw na inirerekomenda ni Chandler. Ang tiyuhin ni Chandler ay si Mr. Simmons. Hindi ba nag-aalala si Gilbert na ibunyag ni Fane ang lahat kay Mr. Simmons?Sinusuway niya si Mr Simmons sa pamamagitan ng paggawa nito. Hindi ba siya nag-aalala na may gagawin si Mr. Simmons tungkol dito? Hindi ito mawari ni Fane.Nagpasya si Fane na itabi na lang ang mga iniisip. Humigop siya ng kanyang inumin at sinabing, "Salamat sa lahat ng iyong paggabay. Kapag nakabalik ka na sa iyong clan, maaari mo akong hanapin anumang oras kung mayroon kang anumang problema."Isang maliit na ngiti ang pinakawalan ni Chandler. Alam niyang si Fane ay isang taong tutupad sa kanyang mga pangako.Tumango siya at sumagot, "Oo."Ilang sandali pa ay nagpatuloy sa pag-uusap ang dalawa bago nagdahilan si Chandler. Pagkatapos ng lahat, si Chandler ay hin
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin