Share

Kabanata 2171

Author: Moneto
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Ang kwarto ni Fane ay nasa kanlurang bahagi ng side hall. Dati itong silid imbakan para sa ibang mga gamit, pero ang lahat ay nilinis na at ang espasyo ay maayos na.

Pagkatapos umalis ng runner disciple, binigyan ni Fane sila Noel at Brook ng tsaa, na nagpaalam na sa kanya pagkatapos magpalipas ng kalahating araw ng pakikipag-usap sa kanya.

At doon, si Fane na lang ang naiwan sa may kanlurang sde hall matapos ihatid sila Brook at Noel paalis. Walang nagawa si Fane kung hindi ang bumuntong hininga habang mag-isang nakatayo sa walang taong side hall. Naisip niya na hahanapin siya ni Elder Godfrey pagkarating niya. Hindi inaasahan, hindi siya pinansin nito.

Matapos umupo sa may side hall ng isang oras, nainip na siya at hindi na mapigilan ang kanyang isipan. Saka niya binuksan ang pintuan ng side hall at lumabas ng west side hall. Kakatapak pa lang ni Fane sa kulay berdeng daang bato nung nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng damit na pang formal elder na nakaupo sa may gazebo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2172

    Gayunpaman, walang mawawala sa Eleventh Elder at si Fane lang ang magdurusa. Pinagtaasan ng boses ni Fane ang elder, kahit na hindi kasing lakas, ngunit ang sagot niya ay magalang habang nagsasalita, “Talagang nakakahanga ka sa pagkakalkula ng mga bagay na ito, Elder Godfrey. Kung ikukumpara sayo, ang mga plano ko ay hindi mahalaga.”Natural na naunawaan ni Elder Godfrey ang nakatagong sarkasmo ni Fane. binaba niya ang hawak niyang tasa at tiningnan si Fane. “Hindi mo kailangan na magalit ng husto. Tinadhana tayo, at nagpapasalamat ako sayo sa pagligtas mo sa akin sa Mount Beasts. May utang na loob ako sayo, at natural lang na papansinin kita kapag nasa panganib ka. Totoo na padalos-dalos ako nung bigla kong inanunsyo ito kanina, ngunit hindi kita iiwan kahit na hindi mo nagawang talunin ang alinman sa tatlong disipulo na iyon.”Masarap man sa tenga ang sinabi ng elder, ngunit hindi isang batang musmos si Fane. Tumawa siya at marahan na sinabi, “Dapat mong maunawaan na haharapin k

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2173

    Subalit, hindi inaasahan ni Fane na ang mga taong nag-frame up kay Elder Godfrey ay ang First at Second Elder. Silang dalawa ay hindi magkasundo kahapon, at nagulat si Fane sa katotohanan na pansamantala silang nagsanib pwersa para i-frame up si Elder Godfrey.Huminga ng malalim si Elder Godfrey. “Nakahanap na ako ng paraan para malusutan ko ito, at nakaisip na rin ako ng paraan para malusutan mo ito. May ilang mga bagay na hindi maiiwasan kahit na gusto mo itong iwasan. Dahil sa pareho lang rin naman ang kalalabasan, mas mabuti na mamuhay na lang ng masaya kaysa mabuhay ng puno ng pagsisisi.” Tumango si Fane dahil sang-ayon siya sa sinabi ni Elder Godfrey. Tumawa si Elder Godfrey, umiling, at taimtim na sinabi, “Huwag na natin pag-usapan ang mga bagay na ito. May mahalaga akong sasabihin sayo ngayon.”“Ang pwesto para makapasok sa Secret Place for Resources, tama?” Sinabi ni Fane ng hindi hinihintay na magpatuloy sa pagsasalita si Elder Godfrey.Nagtaas ng kilay si Elder Godfrey

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2174

    ’Bakit naman ginawa iyon ng Thousand Leaves Pavilion? Ano naman kaya ang paghihirap na kinaharap nila para mapilitan silang makipagtulungan sa Corpse Pavilion? Umaasa ba sila na pangungunahan ng Corpse Pavilion ang bagay na ito? Hindi mga hangal ang Corpse Pavilion, at mapapansin din nila ang isyu kapag inimbestigahan rin nila ang bagay naa ito. Kapag nalaman nila ang isyu, ang Corpse Pavilion ay hindi na makikipagkoopersayon ng maayos sa Thousand Leaves Pavilion,” sabi ni Fane ng medyo sabik. Tumango si Elder Godfrey. “Nakarating ka na sa pinakamahalagang punto. Sa katunayan, hindi ko maunawaan ang mga dahilan sa mga katanungan na ito sa ngayon. Ang tanging alam ko lang ay ang balita ay pinakalat ng Thousand Leaves Pavilion mismo, ngunit hindi ako sigurado kung bakit nila ginawa iyon.”Huminto sandali si elder Godfrey bago muling nagpatuloy, “Tingnan mo, kahit ikaw ay naisip na rin ang mga katanungan na ito. Naniniwala ako na ang mga matatandang iyon ay naisip na tin ang tungkol sa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2175

    Ang mga kanto ng bibig ni Elder Godfrey ay bahagyang kumibot haabang tinutuktok ang lamesa gamit ng kanyang daliri. “Anong iniisip mo? Para saan naman ang kakaiba mong ekspresyon?”Bumalik ang kamalayan ni Fane nung narinig niya ang sinabi ni Elder Godfrey. Naubo siya ng mahina at hinawakan ang kanyang ilong para itago ang medyo nahihiya niyang ekspresyon. “Wala lang. Nagtataka lang ako kung bakit may ganitong bagay na iniwan ng isang ancient master sa West Cercei State.”Nagtaas ng kilay si Elder Godfrey. “Hindi lang ikaw ang namomoblema dito dahil ang lahat na nakakaalam tungkol sa bagay na ito ay pinagtatakhan din ito. Marahil may malaking bagay na nangyari sa West Cercei State matagal na panahon na ang nakakaraan at naging dahilan para iwan ng ancient master ang kanyang pamana dito.”Tumango si Fane at nagtanong ng may bahid ng pagkabigla sa kanyang boses, “Dahil sa isa itong pamanang lugar, bakit ang tawag dito ay ang Secret Place for Resources? Ang mga nakakataas ba ng Thousan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2176

    ”May limitasyon sa realm para sa mga gustong pumasok sa Secret Place for Resources. Ang mga may fighting prowess na mas mataas pa sa final stage ng innate level ay haharangin sa labas ng lihim na lugar. Tanging mga martial artists lang na nasa final stage ng innate level o mababa pa ang pwedeng pumasok sa loob ng Secret Place for Resources. Higit pa doon, ang mga gustong pumasok sa loob ng lihim na lugar ay kailangan mayroong entry token. Walang pwedeng pumasok sa lihim na lugar ng walang entry token, at iyon kaya bakit may limitasyon sa kota. Ipinaglaban kita ng pwesto para sayo, at sana naman ay hindi mo itong sayangin.”Natuwa si Fane dahil dito, at isang masiglang tingin ang lumitaw sa kanyang mga mata nung narinig niya ang paglalarawan ni Elder Godfrey. Kung merong limitasyon sa kanilang fighting prowess, hindi siya malalagay sa malaking panganib pagkatapos niyang pumasok sa loob ng lihim na lugar. Ang tanging mga problema na lang na pwede niyang harapin ay baka mula sa lihim na

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2177

    "Kung ang entry tokens na'to ay ibinigay sa Corpse Pavilion ng Thousand Leaves Pavilion, ibig sabihin ba nito ay nagkasundo na ang dalawang pavilions?" Tumango si Elder Godfrey, at may kakaibang ekspresyon sa mukha niya. Para bang nanlulumo siya at walang masabi kasabay nito. "Tama ang naisip mo. Ang Thousand Leaves Pavilion ang nagbigay ng entry token sa Corpse Pavilion. Ang nakakatawang parte ay hindi lang binigyan ng 50 spots ang Corpse Pavilion… ang dalawang third-grade pavilions sa silangan sa ilalim ng kontrol ng Corpse Pavilion ay meron ring 20 spots kagaya natin. Ibig sabihin nito ay ang mga pavilion mula hilaga at silangan ay may parehong bilang ng spots." Hindi mabasa ang ekspresyon ni Fane pagkatapos niya itong marinig. Halatang hindi niya maintindihan kung anong iniisip ng Thousand Leaves Pavilion base sa kinikilos nila. Hindi ba nila alam na ang paggawa nila nito ay isang papuri sa mga kalaban at pangmamaliit sa sarili nila? Pantay-pantay ang pagbabahagi nila ng resour

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2178

    Tumaas ang kilay ni Fane at pakiramdam niya para siyang sinusuri. Ang 20 napiling tao ay malalakas, at hindi sila mga chosen disciple, kaya pwede silang gamitin para sa eksperimentong ito. Ang natitirang pitong chosen disciple ay maaaring pumasok sa Secret Place for Resources kalaunan. Ngunit ang mga taong ito ay maaaring makapasok sa lihim na lugar pagkaalis nila dito.Sa sandaling ito, biglang naalala ni Fane si Griffin, na lumapit kay Fane dahil sa quota. Gusto niyang sumuko si Fane sa pagpasok sa Secret Place for Resources at ibigay ang pwesto niya sa nakababatang kapatid nito.Biglang nagtanong si Fane, “Nasa seventh place ba ang kapatid ni Griffin sa mga formal disciple?”Natawa si Elder Godfrey at tumango. “Matalas ka ah. Ang kapatid ni Griffin, si Howard Olsen, ay nasa seventh place sa mga formal disciple. Kung wala ka, magkakaroon ng pitong quota para sa mga formal disciple na makakapasok sa Secret Place for Resources. Pero dahil ikaw ang naging last disciple ko, ipaglalaba

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2179

    Natawa si Fane habang dahan-dahang tumitingala. “Anong nakakatakot sa isang taong ang alam lang ay ipagyabang ang kanyang lakas at lumaban nang hindi nag-iisip?”Tumango si Elder Godfrey sa komento ni Fane tungkol kay Griffin; walang-duda na tama ito. “Kung ganoon, bakit mukhang nababahala ka? May bumabagabag ba sa’yo?”Hindi nilihim ni Fane ang nasa isip niya at tumango. “Ang inaalala ko ay ang Second Elder dahil kay Griffin. Ang sinabi ng Second Elder sa round platform ay tumatak sa akin, at tingin ko magiging mahirap na asikasuhin ito. Hindi ko ito sinabi dahil may balak akong bigyan ka ng problema. Tingin ko lang na hindi makabubuti na galitin ang dalawang panig nang sabay. Ayos lang ang First Elder, pero mahirap ang Second Elder.”Napatango si Elder Godfrey sa taos-pusong sagot ni Fane. Alam niya sa loob niya ang sinabi ni Fane. Lumapit siya at tumingin kay Fane bago tapikin si Fane sa balikat. “Alam kong mabuti ang intensyon mo sa sinabi mo. Sa totoo, nakapaghanda na ako at ta

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status