"Fuh!" Tumayo si Fane at huminga nang malalim. Pagkatapos ay dumukot siya ng sigarilyo at dahan-dahang sinindihan ito at umihip. Subalit kaagad na kumunot ang noo niya nang maramdaman niya na kakaiba ang tingin sa kanya ng madla. "D-d-diba isa siyang sundalo na pumapatay ng kalaban? Diba isa siyang mandirigma? May alam ba siya sa panggagamot?" Sa wakas isa sa mga babae ang dahan-dahang nagtanong. "Paano siya magkakaroon ng kaalaman sa medisina? Ang pagpatay at pagliligtas ng buhay ay dalawang magkaibang bagay okay? Atsaka nawalan pa ng malay ang bata. Di pa naman siya patay ano?" Isang matandang lalaki ang nag-aalalang nagtanong. Nang marinig ang mga salitang iyon, halos himatayin na sa gulay ang nanay ni Jake. Kaagad niyang tinignan nang masama si Fane. "Ano bang problema mo? Ayos lang ang anak ko kanina. Bakit di ka siya gumagalaw ngayon? Pinatay mo ba siya? Di kaya alam mo na mayaman ang pamilya ko at tingin mo napakaliit ng 50 milyong dolyar?" "Di maaari?!" Maraming
Nang sabihin niya ang kanyang hinaing, aalis na si Fane kasama si Selena. "Di kayo pwedeng umalis!" Subalit hinarang ng babae ang kanyang daan. "Tingin ko nakokonsensya ka lang. Kung hindi, bakit sinusubukan mong umalis?" "Tama. Ayos lang ang lagay ng bata kanina at kailangan lang maghintay ng ambulansya pero sinubukan ng lalaking ito na manggamot? Sa tingin ko manloloko siya at gusto lang niyang magyabang pero nagkamali siya at nakapahamak siya!" May ilan ding nanlait kay Fane at sinabing, "Nagpapanggap lang yan na mabuti ang hangarin niya para makagawa ng masama!" Malamang walang maniniwala sa isang sundalong gumagawa ng trabaho ng isang doktor. Dumating nang tumatakbo ang dalawang empleyado ng zoo. Nang makita nila ang sitwasyon, kaagad silang sumigaw, "Ang galing, kapatid, inakyat mo yun mag-isa? Ang galing!" Nang sabihin niya iyon, tinignan niya ang batang lalaking nakahiga sa sahig. "Diba ayos lang siya kanina?" Nang marinig ito, kaagad na nagsimulang magreklamo a
"Ako…" Galit na galit ang babae pero hindi niya alam kung anong sasabihin. Tumingin sa kanya ang lahat ng mga tao na sinasabihan si Fane kanina, sabi nila ay sumosobra na siya para pagdudahan ang taong tumulong sa kanya. "Ma…" Sa sandaling ito, nagising na ang batang nawalan ng malay. Nagpalakpakang muli ang mga tao. "50 million? Ang galing mo, dear!" Umalis na sila bago ngumiti si Selena. "Hindi ka talaga natutukso sa ganoon karaming pera? Kung kinuha mo ang 50 million, masosolusyonan mo na ang isyu sa darating na birthday ni Lolo!" Ngumiti si Fane habang nakatingin sa kanyang asawa. "My dear, kukunin mo ba ang 50 million kung nanggaling ito sa taong niligtas mo noon?" tanong niya. "Syempre hindi. Hindi ako magliligtas ng iba nang dahil lang sa pera!" Tumaas ang isa niyang kilay nang marinig niya iyon. "Heh, my dear, mukhang gusto mo talaga akong maglabas ng 40 million para makuha ang pagtanggap ng magulang mo. Sa tingin ko mahal mo talaga ako at gusto mo kong makasama
Nakasuot ang babae ng itim na satin dress na bumagay sa kanyang maputing balat, at napakaganda ng kanyang itsura dahil dito. Hindi lang iyon, umaalon rin ang kanyang buhok na nagpakita ng sariwang kagandahan. Syempre, maganda rin ang katawan ng babae. Hindi niya taglay ang natural na pagiging elegante ni Selena, pero patas sila pagdating sa pisikal na aspeto. "Masyado ka namang mapagkumbaba. Napakaganda mo kaya!" Tumawa si Selena at magalang na nagsalita. "Tatawag ba kayo ng taxi dito? Mahihirapan kayo, lalo na peak period ngayon. Marami ring magtatawag ng taxi!" Tinignan ng babae sina Fane at Selena. "Oh, ang hirap naman nang walang kotse," komento niya. "Mukhang hindi ka kayang suportahan ng asawa mo!" Naiilang na ngumiti si Hugh sa mga salita ng babae. "Tama. Selena, mamayang gabi pala mayroong class reunion. Inimbitahan na rin namin yung ilan sa mga kaibigan natin noon. Pumunta ka na rin. Pwede mong isama pamilya mo!" "Oh, oo! Pumunta kayo. Ilang taon na rin siguro kayo
Kaagad na tumawag sina Fane at Selena ng taxi at umalis kasama ni Kylie. Ngunit, parang may pumasok sa isipan ni Fane sa sandaling napadaan sila sa daan na napipilahan ng mga 4S Audi retail outlet. "Sir, baba mo kami dito," sabi niya sa driver. "Dito?" Nabigla si Selena, nagdududa ang kanyang tingin. Doon lamang pinaliwanag ni Fane ang lahat nang makababa sila ng taxi. "Honey, sa tingin ko kailangan na nating bumili ng kotse. Mukhang mga tipong mayayaman yung mga kaklase ko na pupunta sa party mamaya. Nagyayabang rin yung babae kanina. Baka pagchismisan ka nila kapag hindi ka nagmaneho ng kotse papunta roon!" pagpupumilit niya. "Ayos lang ako roon pero hindi kita hahayaang mahirapan!" "Pero may pera ka pa ba? Bakit di na lang tayo maghintay ng sahod?" Kumunot ang noo ni Selena. "Hindi ako natatakot na mahirapan. Kapag minata nila ako, eh di gawin nila. Ayos lang ang lahat basta masaya ako. Hayaan mo kong mabuhay nang ayon sa gusto ko; wala rin naman akong pakialam sa buhay
"Oo nga. Pumunta tayo sa Porsche store sa kabilang banda." Tumango si Fane at dinala si Selena sa labas. "Porsche?" Sa wakas ay sumagot rin ang dalawang saleswoman pagkatapos lumabas ng tatlo. Nagkatinginan sila, pinag-iisipan nila kung mali ang pagkakarinig nila sa sinabi ni Fane. Akala ng dalawa ay pupunta sa isang store na nagtitinda ng mas murang kotse ang pamilya pagkatapos nilang marinig ang presyo ng mga BMW. Hindi nila naisip na sa halip ay pupunta pala sila sa Porsche. "Joyce, sa tingin mo ba nawalan tayo ng potential customer? Paano kung may pera talaga siya?" Kumunot ang noo ng saleswoman na nagmomop ng lapag. May panghihinayang sa kanyang mukha. "Imposible!" Kaagad na sagot ni Joyce. "Hindi na masama ang suot ng babae, pero yung damit ng lalaki, mabibili mo lang 'yun sa kung saan-saan," sabi niya. "Sa tingin mo, gaano kayaman ang ganoong klaseng lalaki? Baka sinabi niya lang yun para hindi siya mapahiya!" Pagkatapos niyang magsalita ay nagpunta siya sa may entranc
Matiyagang pinupunasan ng saleswoman ang lapag. Tumulo ang pawis sa kanyang noo dahil sa mainit na panahon. Tinaas niya ang kanyang ulo nang makakita siya ng mag-asawa sa may entrance. May karga pa ngang kaaya-ayang batang babae ang lalaki sa kanyang mga braso. Kaagad niyang isinantabi ang mop at lumapit, may ngiti sa kanyang mukha habang ginawa niya ito. "Andito po ba kayo para tumingin ng mga kotse namin? Pasok po kayo. Gusto niyo ba ng inumin? Meron kaming lemonade, kape, tubig… kahit anong gusto niyo." Tinadtad sila ng tanong ng saleswoman at hindi nawala ang ngiti niya kahit isang sandali. Saglit na nabigla si Selena bago niya tinignan ang bagong mop na lapag. "Hindi ka ba nag-aalala na baka madumihan namin ang lapag na kakalinis mo lang?" "Wag niyo nang alalahanin yun! Customer namin kayo, at ikaw ang hari dito. Umapak lang kayo sa lapag!" Pagkatapos itong sabihin ng saleswoman ay tumingin siya kay Kylie. "Napaka-cute namang bata," sabi niya habang nakangiti. "Ang ganda
"O---Opo! Meron kami!" Sa sobrang tuwa ni Dana ay nanginig ang kanyang boses nang siya ay nagsalita. Napakamahal ng model na iyon; maganda na kung makita nila ito ng isang beses sa isang buwan. Kahit na marami-rami ring tao ang bumibili ng Porsche, hindi pa rin sila regular na nakakapagbenta ng isang model na nagkakahalagang dalawang milyon. Higit pa roon, humiling si Fane ng dalawa ng isang model. "Na… nagkamali ba ako ng dinig?" Napanganga ang isa pang saleswoman. Tinignan niya ang credit card sa gulat. "Hindi, teka," sabi niya. "Anong card 'to? Bakit hindi pa ako nakakakita ng ganito?" Malaki ang ngiti ni Fane. "Isa 'yang specially made card. Mga nasa lima lang 'yan sa buong mundo. Mas kakaiba kung nakita mo na 'yan dati! Ako lang yata sa Cathysia ang mayroon niyan." Biglang nagpakita ng pekeng ngiti ang saleswoman nang marinig niya iyon. "Nagsisinungaling ka. Lima lang sa buong mundo? Hindi ko alam kung kaya naming gamitin ang card na 'yan nang napakaraming pera ang