Kaagad na tumawag sina Fane at Selena ng taxi at umalis kasama ni Kylie. Ngunit, parang may pumasok sa isipan ni Fane sa sandaling napadaan sila sa daan na napipilahan ng mga 4S Audi retail outlet. "Sir, baba mo kami dito," sabi niya sa driver. "Dito?" Nabigla si Selena, nagdududa ang kanyang tingin. Doon lamang pinaliwanag ni Fane ang lahat nang makababa sila ng taxi. "Honey, sa tingin ko kailangan na nating bumili ng kotse. Mukhang mga tipong mayayaman yung mga kaklase ko na pupunta sa party mamaya. Nagyayabang rin yung babae kanina. Baka pagchismisan ka nila kapag hindi ka nagmaneho ng kotse papunta roon!" pagpupumilit niya. "Ayos lang ako roon pero hindi kita hahayaang mahirapan!" "Pero may pera ka pa ba? Bakit di na lang tayo maghintay ng sahod?" Kumunot ang noo ni Selena. "Hindi ako natatakot na mahirapan. Kapag minata nila ako, eh di gawin nila. Ayos lang ang lahat basta masaya ako. Hayaan mo kong mabuhay nang ayon sa gusto ko; wala rin naman akong pakialam sa buhay
"Oo nga. Pumunta tayo sa Porsche store sa kabilang banda." Tumango si Fane at dinala si Selena sa labas. "Porsche?" Sa wakas ay sumagot rin ang dalawang saleswoman pagkatapos lumabas ng tatlo. Nagkatinginan sila, pinag-iisipan nila kung mali ang pagkakarinig nila sa sinabi ni Fane. Akala ng dalawa ay pupunta sa isang store na nagtitinda ng mas murang kotse ang pamilya pagkatapos nilang marinig ang presyo ng mga BMW. Hindi nila naisip na sa halip ay pupunta pala sila sa Porsche. "Joyce, sa tingin mo ba nawalan tayo ng potential customer? Paano kung may pera talaga siya?" Kumunot ang noo ng saleswoman na nagmomop ng lapag. May panghihinayang sa kanyang mukha. "Imposible!" Kaagad na sagot ni Joyce. "Hindi na masama ang suot ng babae, pero yung damit ng lalaki, mabibili mo lang 'yun sa kung saan-saan," sabi niya. "Sa tingin mo, gaano kayaman ang ganoong klaseng lalaki? Baka sinabi niya lang yun para hindi siya mapahiya!" Pagkatapos niyang magsalita ay nagpunta siya sa may entranc
Matiyagang pinupunasan ng saleswoman ang lapag. Tumulo ang pawis sa kanyang noo dahil sa mainit na panahon. Tinaas niya ang kanyang ulo nang makakita siya ng mag-asawa sa may entrance. May karga pa ngang kaaya-ayang batang babae ang lalaki sa kanyang mga braso. Kaagad niyang isinantabi ang mop at lumapit, may ngiti sa kanyang mukha habang ginawa niya ito. "Andito po ba kayo para tumingin ng mga kotse namin? Pasok po kayo. Gusto niyo ba ng inumin? Meron kaming lemonade, kape, tubig… kahit anong gusto niyo." Tinadtad sila ng tanong ng saleswoman at hindi nawala ang ngiti niya kahit isang sandali. Saglit na nabigla si Selena bago niya tinignan ang bagong mop na lapag. "Hindi ka ba nag-aalala na baka madumihan namin ang lapag na kakalinis mo lang?" "Wag niyo nang alalahanin yun! Customer namin kayo, at ikaw ang hari dito. Umapak lang kayo sa lapag!" Pagkatapos itong sabihin ng saleswoman ay tumingin siya kay Kylie. "Napaka-cute namang bata," sabi niya habang nakangiti. "Ang ganda
"O---Opo! Meron kami!" Sa sobrang tuwa ni Dana ay nanginig ang kanyang boses nang siya ay nagsalita. Napakamahal ng model na iyon; maganda na kung makita nila ito ng isang beses sa isang buwan. Kahit na marami-rami ring tao ang bumibili ng Porsche, hindi pa rin sila regular na nakakapagbenta ng isang model na nagkakahalagang dalawang milyon. Higit pa roon, humiling si Fane ng dalawa ng isang model. "Na… nagkamali ba ako ng dinig?" Napanganga ang isa pang saleswoman. Tinignan niya ang credit card sa gulat. "Hindi, teka," sabi niya. "Anong card 'to? Bakit hindi pa ako nakakakita ng ganito?" Malaki ang ngiti ni Fane. "Isa 'yang specially made card. Mga nasa lima lang 'yan sa buong mundo. Mas kakaiba kung nakita mo na 'yan dati! Ako lang yata sa Cathysia ang mayroon niyan." Biglang nagpakita ng pekeng ngiti ang saleswoman nang marinig niya iyon. "Nagsisinungaling ka. Lima lang sa buong mundo? Hindi ko alam kung kaya naming gamitin ang card na 'yan nang napakaraming pera ang
Sa nagdaang limang taon ay sama-samang naghirap ang kanilang pamilya. Sa panahong iyon, madalas naiisip ni Selena kung gaano sana kasaya na magkaroon ng magandang buhay o magmaneho ng magandang kotse. Sa kasamaang palad, wala siyang masyadong magagawa noon. Tiniis niya lang ang lahat at nagpatuloy na mabuhay. Natural lang na napuno siya ng tuwa ngayon na makakapagmaneho na siya ng isang mamahaling kotse na nagkakahalagang humigit dalawang milyon. "Huh? Si---Si Selena 'yun!" Nagmadali si Fiona palabas ng bahay. Napansin niya na sina Fane at Selena ang lumabas mula sa mga kotseng iyon, at kaagad siyang sumigaw sa bahay, "Andrew, halika dito! Tignan mo! Ang anak natin. Oh, grabe, napakagandang kotse. Ang mahal siguro nito." "Selena, anong...anong nangyayari?" Lumapit si Ben sa kanya. "Ang mahal siguro nito, at mukha ring bago. Diyos ko, 'wag mong sabihing sa'yo 'to?" tanong niya. "Ano…" Sinilip ni Selena ang asawa niya mula sa gilid habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi ni
"Tama! Ganun na nga!" Naiilang na ngumiti si Selena. Kung nalaman ng kanyang ina na ginamit ni Fane and kanyang pera para makabili ng dalawang kotse na nagkakahalagang limang milyon, malamang ay sasabihan niya si Fane na dumukot sa kanyang wallet sa kanyang harapan. Mabuti na lang at mabilis mag-isip si Fane. Pinasa niya lang ang responsibilidad kay Tanya. "Ang yaman talaga ng Drake family. Pinagamit niya kayo ng company cars at yung mamahalin pang model!" "Magkano ang ginastos niya para bilhin ang mga 'to?" Nasasabik na tanong ni Ben kay Fane. "Hindi naman gaanong kalaki, mga nasa 2.7 million bawat isa!" Ngumiti si Fane. "2.7 million bawat isa… Tama nga ang nasa isip ko. Ang kotseng kagaya nito ay nagkakahalagang higit sa dalawang milyon, at talaga ngang 2.7 million ito bawat isa. Diyos ko, ang galing. Ito ang kotse na dapat minamaneho ng lalaki!" Sobrang nasasabik si Ben na napatalon siya. Nanginginig ang kanyang katawan sa tuwa. "Eh di ibig sabihin limang milyon ang
"Wag kang mag-alala, Ma. Tiyak na mababawi ni Fane ang pera mo." Nahirapang ngumiti si Selena sabay sumagot, "Sige. Pupunta kami ni Fane sa class reunion mamaya. Inimbitahan ako ng ilan sa mga dati kong kaklase na uminom at kumanta sa bar! Ang tagal ko na silang hindi nakikita, kaya kailangan kong pumunta roon." Nagpahinga muna sandali sina Fane at Selena bago sila naligo, pagkatapos ay naghanda na sila na umalis sa tamang oras. "Huh? Ma, nasaan ang mga kotse?" Nagdilim ang ekspresyon ni Selena nang makita niya na walang laman ang kanilang bakuran. Nakarinig siya ng tunog ng makina ng kotse habang naliligo pero inakala niyang nanggaling iyon sa kalsada. Hindi niya inaasahan na gagamitin ang mga Porsche. "Oh. Ginamit nila Xena at ng kapatid mo ang mga kotse," simpleng sagot ni Fiona. Nanginig ang labi ni Selena. "Ma, hindi ba pwedeng isang kotse lang ang gamitin nila kung gusto talaga nilang magmaneho?" sabi niya kay Fiona. "Bakit nila ginamit pareho? Alam nila na may pupunt
"Isa siyang babae mula sa Taylor family at magaling sa business. Naalala ko noon na sa kanya ang may pinakamagandang resulta noong nag-aaral pa tayo. Baka mas maganda na ang buhay niya ngayon kesa sa'tin na mga ordinaryong white-collar workers!" malakas na sabi ng isang babae. Nakasuot siya ng puting damit at itim na pencil skirt. "Heh… sa tingin ko hindi mo inaasahan kung ano talagang nangyari kay Selena at kung ano nang ginagawa niya ngayon, Rosa!" Inayos ng isang nakasalaming lalaki ang salamin sa kanyang mukha. Mukha siyang matalino at maporma. "Limang taon ang nakakaraan, pagkatapos nating grumaduate," sabi niya kay Rosa, "kinasal si Selena!" "Ano? Kinasal siya?" Nabigla si Rosa nang marinig niya ito. Hindi pa huli para sa isang modernong babae na ikasal, lalo na sa mga malalakas at career-oriented na babaeng kagaya ni Selena. Higit pa roon, 27 taong gulang pa lang siya. Halos kaedad niya lang si Selena. Kung kinasal siya limang taon na ang nakakaraan, ibig sabihin, ang