"Wag kang mag-alala, Ma. Tiyak na mababawi ni Fane ang pera mo." Nahirapang ngumiti si Selena sabay sumagot, "Sige. Pupunta kami ni Fane sa class reunion mamaya. Inimbitahan ako ng ilan sa mga dati kong kaklase na uminom at kumanta sa bar! Ang tagal ko na silang hindi nakikita, kaya kailangan kong pumunta roon." Nagpahinga muna sandali sina Fane at Selena bago sila naligo, pagkatapos ay naghanda na sila na umalis sa tamang oras. "Huh? Ma, nasaan ang mga kotse?" Nagdilim ang ekspresyon ni Selena nang makita niya na walang laman ang kanilang bakuran. Nakarinig siya ng tunog ng makina ng kotse habang naliligo pero inakala niyang nanggaling iyon sa kalsada. Hindi niya inaasahan na gagamitin ang mga Porsche. "Oh. Ginamit nila Xena at ng kapatid mo ang mga kotse," simpleng sagot ni Fiona. Nanginig ang labi ni Selena. "Ma, hindi ba pwedeng isang kotse lang ang gamitin nila kung gusto talaga nilang magmaneho?" sabi niya kay Fiona. "Bakit nila ginamit pareho? Alam nila na may pupunt
"Isa siyang babae mula sa Taylor family at magaling sa business. Naalala ko noon na sa kanya ang may pinakamagandang resulta noong nag-aaral pa tayo. Baka mas maganda na ang buhay niya ngayon kesa sa'tin na mga ordinaryong white-collar workers!" malakas na sabi ng isang babae. Nakasuot siya ng puting damit at itim na pencil skirt. "Heh… sa tingin ko hindi mo inaasahan kung ano talagang nangyari kay Selena at kung ano nang ginagawa niya ngayon, Rosa!" Inayos ng isang nakasalaming lalaki ang salamin sa kanyang mukha. Mukha siyang matalino at maporma. "Limang taon ang nakakaraan, pagkatapos nating grumaduate," sabi niya kay Rosa, "kinasal si Selena!" "Ano? Kinasal siya?" Nabigla si Rosa nang marinig niya ito. Hindi pa huli para sa isang modernong babae na ikasal, lalo na sa mga malalakas at career-oriented na babaeng kagaya ni Selena. Higit pa roon, 27 taong gulang pa lang siya. Halos kaedad niya lang si Selena. Kung kinasal siya limang taon na ang nakakaraan, ibig sabihin, ang
"Di ba? Ibang-iba na si Selena ngayon. Napakahipokrito… Wala na nga siyang pera, pero nagpapanggap pa rin siya na may pera siya! At hindi niyo pa nakikilala ang asawa niya," Nagpatuloy sa paninira si Rachel. "Napakabastos niya. Wala siyang alam kundi makipag-away, at hindi rin siya nakapag-aral. Buong araw lang siyang nakikipagbasag-ulo. Hindi ko ma-imagine kung anong magiging future ni Selena kasama ang lalaking gaya niya!" Ginatungan ng nananahimik na si Dylan ang mga paninira ni Rachel, "Di ba? May violent tendencies ang mga taong gaya niya. Heh… Kapag nag-away sila ni Selena, baka magkaroon siya ng kaso ng pang-aabuso!" Natakot si Rachel nang marinig niya yun. "Nakakatakot… Ayaw ko sa mga bayolenteng lalaki. Anong klaseng lalaki ang nananakit sa isang babae?" "Hindi nga ba? Sa tingin ko hindi maayos ang buhay ni Selena ngayon!" "Pero kasalanan din yun ni Selena. Sa sobrang ganda niya, nakilala siya bilang Beauty Queen ng Middle Province. Ayos sana kung nagpakasal na lang si
"Oo nga pala, ililibre tayo ng asawa ni Rachel, di ba? Isa siyang factory manager, ang big boss. Bale wala sa kanya ang maliit na halagang gaya nito." Ang nakangiting sinabi ni Rosa.Dumilim ang ekspresyon ni Dylan. Totoo yun: sinabi niya na ililibre niya silang lahat para pagandahin ang reputasyon niya.Subalit, malaki ang nawalang pera sa kanya dahil sa nangyari kaninang umaga. Bukod pa dun, kaunti lang ang mga order na natanggap ng factory nila nitong mga nakaraang buwan. Baka hindi niya mabayaran ang bill kapag umabot sa ilang daang libo ang maiinom at kakainin nila. Higit pa dun, marami siyang kailangang bayaran sa ospital. "Wa-Walang problema!" Pinilit na lamang ngumiti ni Rachel. Nagyayabang siya nung sinabi niya yun. Hindi na siya pwedeng umatras, lalo na't nakataya dito ang reputasyon niya. "Kamusta na kayong lahat. Tagal nating hindi nagkita!" Masayang bumati si Trevor habang palapit siya sa kanila. "Tama ka Trevor. Matagal tayong hindi nagkita. Nagtipon kami dito
Lumingon si Selena kay Fane. Nginitian niya siya. "Ayaw mo bang marinig ang buong kwento? Isang taon lang ang naging relasyon namin noong nasa university pa kami." Tumango si Fane. "Hindi mo na kailangang magpaliwanag." Totoong hindi na niya kailangang magpaliwanag. Anu't anupaman, ang lahat ng nangyari bago niya nakilala si Selena ay walang kinalaman sa kanya. Dagdag pa dito, malinaw niyang naaalala ang nakita niya—may dugo sa kama—noong gabi ng kasal nila. Patunay ito na wala pang nakagalaw kay Selena. Hindi nagalit si Fane, at nagulat dito si Selena. Bukod pa dito, humakbang siya paharap at humarap sa babae na unang nagsimula ng gulo—si Britney. "Mahalaga pa ba kung paano kami nakarating dito, Miss?" tanong niya. "Masama bang sumakay sa taxi?" Huminto sandali si Fane bago siya nagpatuloy, idiniin niya ang bawat salita, "Isa pa, huwag mong maliitin ang mga sundalo. Makakapamuhay ba kayo ng payapa kung wala kami?" "Haha! Matagal ko nang naririnig na pangit ang pag-uugali
"Hayaan mo na. May mga tao talagang makapal masyado ang mukha, at wala na tayong magagawa dun! Kung sinasabi niya na may 911 siya at hindi niya yun minaneho papunta dito, anong magagawa natin? Hindi naman tayo pwedeng pumunta sa bahay nila para lang tingnan yun, di ba?"May nabuong plano sa isip ni Britney. Ngumisi siya ng masama at nagsalita. "Sige na. Paano kung ganito? Dahil class reunion 'to, bakit hindi na lang tayo mag-ambagan para sa magiging bill natin ngayon? Paghahatian natin ang bayad base sa kung ilan tayo. Hindi naman siguro problema yun para sa isang tao na may Porsche 911?"Walang tanga sa kanila para hindi nila mapansin kung anong binabalak ni Britney; alam nila na may masamang binabalak si Britney laban kay Selena. Halatang sumama ang loob niya nang makita niya ang ex ng boyfriend niya. Dinepensahan pa ni Matt si Selena kanina, at lalo lang nagalit ang isang taong makitid ang isip na gaya niya dahil dito. Hindi magiging mura ang bill dito kahit na paghatian pa nila
Nagulat ang lahat noong marinig nila yun, lalo na si Britney. Agad siyang napasimangot. "Magkaiba yun," sagot ni Britney, "at hindi obligasyon ni Dylan na ilibre kami ng dinner. Mabait lang talaga siya. Anyway, ikaw na rin ang nagsabi; ito ang unang beses na nakita mo kami. Magkaiba yung sitwasyon niyo! Ano na? Huwag mong sabihin na natatakot ka dahil gusto na namin na ilibre mo kami?"Iilang tao lang ang nakapagpigil sa pagtawa nila. Noong marinig ni Fane na maghahati-hati sila sa bayad, sinabi niya na gusto niyang ilibre sila. Bakit hindi siya agad nagsalita nung una pa lang kung gusto talaga niyang magyabang? Halatang gusto niyang magpanggap na mayaman, kahit na wala siyang intensyon na maglabas ng pera. Sa kasamaaang palad, pangit ang impresyon ng lahat sa kanila Selena at sa asawa niya, kaya hindi sila nagdalawang-isip na insultuhin sila. "Sige. Sagot ko ang pambayad. Tara na! Uminom tayo ng marami!" Ang sabi ni Fane pagkatapos niya itong pag-isipan. "Babalaan kita, mamah
Inudyukan sila ni Britney na uminom ng marami at tumingin sa boyfriend niya na si Matt. "Ikaw rin!" sabi ni Britney. "Kailangan mong uminom ng marami, narinig mo?" Nakaramdam ng inis si Matt ngunit may ngiti pa rin sa kanyang mukha. "Syempre naman, mahal ko! Susundin ko ang lahat ng ipag-uutos mo." sagot niya.Pagkalipas ng ilang sandali, lahat sila ay pumasok na sa lobby ng Lotus Bar and Lounge. Nasa unang palapag ang lobby, at buhay na buhay ang atmosphere dito. Kumuha ng isang private room sila Fane at pumasok sa loob. Nakahiwalay ang private room na ito sa labas sa pamamagitan ng tempered glass. Ang lahat ng nangyayari sa labas ng private room ay makikita mula sa loob, ngunit maari itong matakpan ng kurtina na nakakabit sa tempered glass. "Dear Sirs and Madams, kung gusto niyong gamitin ang private room, 50 thousand ang minimum consumption dito. Yung price na nasa menu ay pwede niyong gamiting basehan sa mga oorderin niyong pagkain at alak!" Lumapit ang isang magandang serve