"Oo nga pala, ililibre tayo ng asawa ni Rachel, di ba? Isa siyang factory manager, ang big boss. Bale wala sa kanya ang maliit na halagang gaya nito." Ang nakangiting sinabi ni Rosa.Dumilim ang ekspresyon ni Dylan. Totoo yun: sinabi niya na ililibre niya silang lahat para pagandahin ang reputasyon niya.Subalit, malaki ang nawalang pera sa kanya dahil sa nangyari kaninang umaga. Bukod pa dun, kaunti lang ang mga order na natanggap ng factory nila nitong mga nakaraang buwan. Baka hindi niya mabayaran ang bill kapag umabot sa ilang daang libo ang maiinom at kakainin nila. Higit pa dun, marami siyang kailangang bayaran sa ospital. "Wa-Walang problema!" Pinilit na lamang ngumiti ni Rachel. Nagyayabang siya nung sinabi niya yun. Hindi na siya pwedeng umatras, lalo na't nakataya dito ang reputasyon niya. "Kamusta na kayong lahat. Tagal nating hindi nagkita!" Masayang bumati si Trevor habang palapit siya sa kanila. "Tama ka Trevor. Matagal tayong hindi nagkita. Nagtipon kami dito
Lumingon si Selena kay Fane. Nginitian niya siya. "Ayaw mo bang marinig ang buong kwento? Isang taon lang ang naging relasyon namin noong nasa university pa kami." Tumango si Fane. "Hindi mo na kailangang magpaliwanag." Totoong hindi na niya kailangang magpaliwanag. Anu't anupaman, ang lahat ng nangyari bago niya nakilala si Selena ay walang kinalaman sa kanya. Dagdag pa dito, malinaw niyang naaalala ang nakita niya—may dugo sa kama—noong gabi ng kasal nila. Patunay ito na wala pang nakagalaw kay Selena. Hindi nagalit si Fane, at nagulat dito si Selena. Bukod pa dito, humakbang siya paharap at humarap sa babae na unang nagsimula ng gulo—si Britney. "Mahalaga pa ba kung paano kami nakarating dito, Miss?" tanong niya. "Masama bang sumakay sa taxi?" Huminto sandali si Fane bago siya nagpatuloy, idiniin niya ang bawat salita, "Isa pa, huwag mong maliitin ang mga sundalo. Makakapamuhay ba kayo ng payapa kung wala kami?" "Haha! Matagal ko nang naririnig na pangit ang pag-uugali
"Hayaan mo na. May mga tao talagang makapal masyado ang mukha, at wala na tayong magagawa dun! Kung sinasabi niya na may 911 siya at hindi niya yun minaneho papunta dito, anong magagawa natin? Hindi naman tayo pwedeng pumunta sa bahay nila para lang tingnan yun, di ba?"May nabuong plano sa isip ni Britney. Ngumisi siya ng masama at nagsalita. "Sige na. Paano kung ganito? Dahil class reunion 'to, bakit hindi na lang tayo mag-ambagan para sa magiging bill natin ngayon? Paghahatian natin ang bayad base sa kung ilan tayo. Hindi naman siguro problema yun para sa isang tao na may Porsche 911?"Walang tanga sa kanila para hindi nila mapansin kung anong binabalak ni Britney; alam nila na may masamang binabalak si Britney laban kay Selena. Halatang sumama ang loob niya nang makita niya ang ex ng boyfriend niya. Dinepensahan pa ni Matt si Selena kanina, at lalo lang nagalit ang isang taong makitid ang isip na gaya niya dahil dito. Hindi magiging mura ang bill dito kahit na paghatian pa nila
Nagulat ang lahat noong marinig nila yun, lalo na si Britney. Agad siyang napasimangot. "Magkaiba yun," sagot ni Britney, "at hindi obligasyon ni Dylan na ilibre kami ng dinner. Mabait lang talaga siya. Anyway, ikaw na rin ang nagsabi; ito ang unang beses na nakita mo kami. Magkaiba yung sitwasyon niyo! Ano na? Huwag mong sabihin na natatakot ka dahil gusto na namin na ilibre mo kami?"Iilang tao lang ang nakapagpigil sa pagtawa nila. Noong marinig ni Fane na maghahati-hati sila sa bayad, sinabi niya na gusto niyang ilibre sila. Bakit hindi siya agad nagsalita nung una pa lang kung gusto talaga niyang magyabang? Halatang gusto niyang magpanggap na mayaman, kahit na wala siyang intensyon na maglabas ng pera. Sa kasamaaang palad, pangit ang impresyon ng lahat sa kanila Selena at sa asawa niya, kaya hindi sila nagdalawang-isip na insultuhin sila. "Sige. Sagot ko ang pambayad. Tara na! Uminom tayo ng marami!" Ang sabi ni Fane pagkatapos niya itong pag-isipan. "Babalaan kita, mamah
Inudyukan sila ni Britney na uminom ng marami at tumingin sa boyfriend niya na si Matt. "Ikaw rin!" sabi ni Britney. "Kailangan mong uminom ng marami, narinig mo?" Nakaramdam ng inis si Matt ngunit may ngiti pa rin sa kanyang mukha. "Syempre naman, mahal ko! Susundin ko ang lahat ng ipag-uutos mo." sagot niya.Pagkalipas ng ilang sandali, lahat sila ay pumasok na sa lobby ng Lotus Bar and Lounge. Nasa unang palapag ang lobby, at buhay na buhay ang atmosphere dito. Kumuha ng isang private room sila Fane at pumasok sa loob. Nakahiwalay ang private room na ito sa labas sa pamamagitan ng tempered glass. Ang lahat ng nangyayari sa labas ng private room ay makikita mula sa loob, ngunit maari itong matakpan ng kurtina na nakakabit sa tempered glass. "Dear Sirs and Madams, kung gusto niyong gamitin ang private room, 50 thousand ang minimum consumption dito. Yung price na nasa menu ay pwede niyong gamiting basehan sa mga oorderin niyong pagkain at alak!" Lumapit ang isang magandang serve
"Wow! Nagkakamali ba kami ng dinig? Tinutukoy mo ba yung malaking private room ng Lotus Bar and Lounge?" Nagulat si Rachel. Nagduda siya kung tama ba ang narinig niya. Gustong pumunta ni Fane sa silid na may minimum consumption na isang milyong dolyar? Duda ang lahat sa mga sinabi ni Fane. 'Bakit gustong lumipat ni Fane sa malaking room kahit na wala naman siyang perang pambayad sa middle-sized na room?' tanong nila. "Di ba sabi niyo may piano dun? Gusto kong marinig na tumutugtog ng piano ang asawa ko. Kailangan nating lumipat dun." ang sagot ni Fane. "Napakamahal ng room na yun… Hindi pwede, hindi tayo lilipat dun! Tutugtog ako ng piano para sayo kapag libre ako. Magpakabait ka naman para sakin, okay?" tumingin si Selena kay Fane at nagpatuloy, "Gumastos na tayo ng 5 million para sa dalawang kotse ngayong araw! Tingin mo ba hindi mauubos yung laman ng pitaka mo? Huwag ka nang gumastos!" "Huh? Isang Porsche 911 sa halagang 5 million? Nagbibiro ka ba? Nakakita ka na ba ng Por
"Bwisit!" Napuno na si Matt.Tinamaan siya ng sobra sa sinabi ni Selena. Makikita sa ekspresyon ni Matt na talagang galit na galit siya. "Mahal namin ang isa't isa. Wala kang karapatan para husgahan at sirain ang relasyon namin! Ano ka pa pala, huh? Ang makasal sa isang sundalo siguro ang pinaka masamang nangyari sa buhay mo! Nakakahinayang talaga na nagpakasal sa isang mahirap ang isang napaka gandang babae na gaya mo."Napahalakhak ng malakas si Selena. "Yun ay dahil hindi ako gaya mo, at hindi ko gusto na huthutan ng pera ang ibang tao. Tsaka, hindi ko iniisip na may kulang pa sa asawa ko. Kanina lang, nakahanda siyang gumastos ng isang milyon para lang makita akong sumayaw! Anong masasabi mo dun? Pinapakita lang nun na mahal ako ng asawa ko ng higit pa sa kahit anong bagay at handa siyang gumastos para sakin kahit na isang daang libo lang ang nasa bank account niya!"Tumatawa si Selena habang nagsasalita siya. Sumandal siya kay Fane at nagmamalaking hinawakan ang kanyang kamay.
Muntik nang matawa ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Fane. Malaking kalokohan na sabihin niyang dapat magpasalamat ang Drake family na kumuha sila ng bodyguard sa halagang 20 million. Kung ganun, ibig sabihin lang nun na mga tanga ang mga miyembro ng pamilya nila."Hehe, nakakatawa naman 'to! Isang bodyguard sa halagang 20 million at nakinabang pa sila? Please, pwede silang kumuha ng ilang daang bodyguard gamit ng halaga na yun. Yung mahuhusay!" Tumawa ng malakas si Rachel. "Tama, iniisip mo ba na mga tanga ang Drake family? Kahit ang commander nila hindi sumasahod ng ganun kalaki, di ba?" dagdag ni Carl. Sinasabi ni Selena kanina na mas mahusay si Fane kaysa sa kanila. Hindi nila maintindihan kung paanong mas mahusay sa kanila, na kumikita ng higit sa 10 million kada taon, ang isang bodyguard. "Hindi na mahalaga kung naniniwala kayo sakin o hindi, pero ganun kalaki ang sinasahod ng asawa ko. Si Ms. Tanya mismo ang nagsabi nun, kaya imposibleng nagkamali siya!" Galit