"Diyos ko, mali ba ko ng pagkakarinig? Mula 200 million tapos naging 300 million, hindi ba pambihira 'yon?" "Hindi naman siguro siya nagkakamali, di ba? Kahit na nagdagdag siya ng isandaang milyon nang walang pag-aalinlangan, isandaang milyon pa rin yun. Kahit na first-class aristocratic family pa ang gumawa nito, pag-iisipan pa rin nila ang paggastos nang ganoon karaming pera!" "Oo, mukhang sapat na ang 210 million bucks para manalo sa bid. Hindi ba maganda na nakatipid siya ng 90 million?" Maraming mga mayayamang merchant at second-class aristocratic family ang talagang nagulat sa nangyari. Syempre, ang Roy family, ang Four Major Families, at si Timothy na hindi pa nakakapagbigay ng offer ay nabigla rin sa mga pangyayari. Ang hindi nila inaasahan ay ang taong nagbigay ng bid ay walang iba kundi si Fane. "Fane, sigurado ka ba sa 300 million bucks? Natanong mo ba yung katabi mo? Hindi ka naman siguro magsasabi ng kung ano-anong numero, hindi ba? Kapag nagbigay ka ng bid at
Nanginig ang gilid ng mga labi ni Timothy. Noong una, inakala niya na mananalo na siya sa bid na 320 million bucks. Ngunit, hindi niya inaasahan...Nang umakyat ang presyo sa 400 million, hindi na importante kung si Robert si Grayson, si Sharon, o kung sino pa man, lahat sila ay kaagad na umupo at hindi na gumawa pa ng isa pang bid dahil napakalaki na ng presyo nito. Kahit na gusto man nila ito ay napahinto silang lahat. "500 million!" Ngunit sa uulitin, kalmadong ngumiti si Fane pagkatayo niya at nagsabing, "Sabi ng kaibigan ko rito, 500 million!" Kahit ang matandang lalaki sa stage ay sobrang nasabik. Binabayaran sila ng komisyon at ang presyong kagaya nito ay isang bagay na hindi niya inaasahan. Sa oras na ito, kahit si Timothy ay hindi ba nagtaas ng presyo habang mag-isa siyang nakaupo, malungkot na nakasimangot. "500 million, going once! Kung wala nang magdadagdag, ang perlas na ito ay mapupunta sa kamay ng magandang babaeng ito!" "500 million, going twice!" Malaki
Nagliwanag ang mga mata ni Neil nang marinig niya iyon. Ngumisi siya habang nagsabing, "Tuso ka rin, no? Nagkautak ka rin sa wakas! 500 million ang halaga ng perlas na iyon kaya kapag naagaw natin iyon, malaki ang kikitain natin!" "Heheh, tama ka!" Tumawa ang bodyguard habang pareho silang lumabas. Nang nasa labas na sila, nakakita sila ng ilang lalaki na nakatayo sa gilid ng plaza. Isa sa mga lalaki ay hindi maayos manamit at mukhang magulo. Ang ilan sa kanila ay walang manggas, ang mga nakalabas na muscles sa kanilang braso ay nakakatakot tignan. "Sabi ng utusan ni Young Master Neil, ang main target natin ay isang binata. Sabi niya ay kahit na mukha siyang napakabata sa panlabas, napakalakas niya sa katotohanan. Kung hindi, hindi tayo magdadala ng ganito karaming tao rito!" "Huwag kang magpadalos-dalos mamaya. Baka lumabas na sila." "Huwag kang mag-alala, marami tayo at ang target natin ay isang lalaki lang. Baka maihi pa siya sa takot sa dami ng taong hahabol sa kanya. H
Pribadong nakikipag-usap si Michael kay Ken sa malapit at hindi nagtagal ay napansin nila ang grupo ng mga tao. "Oo, bigla silang nilapitan pagkatapos nilang lumabas. Base sa mga nangyayari, may nag-hire sa kanila. Patay, humanda sina Fane at ang babaeng 'yon at magkakagulo dito!" Tumango si Michael habang sinabi ang kanyang mga hinuha. "Heheh, baka yung luminous pearl ang habol nila!" Tumawa si Ken at tinignan si Robert sa malapit at nagsalita, "Hindi kaya kagagawan ni Robert 'to? Napakaagresibo niya kanina sa auction." "Maliban sa kanya, posible rin na si Timothy ang may gawa nito. Pakiramdam ko si Timothy ay isang taong hindi nagpapatalo!' Tinignan ni Michael si Timothy mula sa gilid. Sa sandaling iyon, hindi mahalaga kung sino man ang may gawa nito dahil ang lahat ay interesado na makita kung anong mangyayari pagkatapos nilang napansin ang pangyayari sa malapit. Hindi sila aalis sa ngayon. "Hey girl, pwede na ang itsura mo at talagang kakaiba ang katawan mo!" Mala
"Grabe! Isang 6th dan black belt taekwondo master yung kalbong yun!" "Oo nga! Grabe talaga!" Agad na nagsalita ang dalawang mayamang negosyante na nakasaksi sa nangyari. Blag! Sa kasamaang palad, nagulantang ang lahat nang makita nilang lahat na binitawan ni Lana ang kamay ng lalaki at agad na ikinuyom ang kanyang kamao. Sa isang iglap, sinuntok ni Lana ang hita ng lalaki. Tumalsik ang kalbo dahil sa lakas ng suntok ni Lana at bumagsak siya sa lupa dalawang metro mula sa kinatatayuan nila Lana. Muling napasigaw sa sakit ang kalbo noong bumagsak siya sa lupa. "Mukhang wala naman pa lang kwenta ang isang 6th dan black belt!" Nagsalita si Lana, dismayado siya sa kanyang kalaban. "Ganito kalakas ang babaeng yun?" Muli silang nagulat noong makita nila ang nangyari. "T*ngina, pagtulungan natin sila!" Nanggalaiti ang kalbo at noong patayo na siya, napansin niya na nabalatan ang mga palad niya. Pakiramdam niya ay napahiya siya nang husto dahil pinapanood sila ng mga may
Natawa si Lana at sinabing, "Hindi ako naniniwala na napadaan lang kayo. Kalalabas lang namin, tapos nagkataon lang na napadaan kayo? Bukod pa dun, kung talagang napadaan lang kayo, bakit ang dami-dami niyo?" "May balak talaga kaming hamunin ng away nung una, kaya marami kaming kasama. Kaya lang nung dumaan kami dito, napansin namin yung malaking dibdib mo at yung matambok mong pwet. Hindi ko napigilan yung sarili ko na guluhin kayo. Tama di ba?" Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaking kalbo. Nakahinga ng maluwag si Neil at ang kanyang bodyguard nang marinig nila ang palusot ng lalaking kalbo. Buti na lang magaling mag-isip ng palusot yung lalaking yun at hindi sila ikinanta sa kanila. “Ah!”Subalit, sa mga sumunod na sandali, biglang tinapakan ni Lana ang kamay ng lalaking kalbo. Nakakatakot at malalim ang boses ni Lana. "Hindi ba binigyan na kita ng pagkakataon na sabihin ang totoo? Hindi ako naniniwala na nagkataon lang na napadaan kayo dito! Heheh, buti na lang dumating kay
"Talagang hindi ko inasahan 'to. Si Young Master Neil ang nag-utos sa kanila!" Sa isang tabi, sumimangot si Ken at sinabing, "Bakit ginawa yun ni Neil?" "Ang alam ko wala namang galit si Neil kay Fane at hindi rin naman niya nililigawan si Selena, di ba?" "Sa nakikita ko, malamang yung luminous pearl ang habol niya! Ayaw niyang gumastos ng malaki para dun kaya may inutusan siya na nakawin yun para sa kanya! Hindi ko inasahan na ganun kalakas yung babaeng yun!" Nagsimulang maghinala si Michael. Hindi sila mga tanga at malinaw na si Neil ang may pakana ng lahat ng ito noong itinuro siya ng lalaking kalbo imbis na ang ibang tao. "Hindi malinaw kung bakit naisip ni Neil na gawin yun kahit na hindi niya pa alam ang pagkatao ng babaeng yun!" Sa kabilang banda, natawa lamang si Grayson. Abot langit ang paghanga ni Sharon kay Fane. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili kaya lumapit siya kasama ang ilang tao at tinanong niya si Fane, "Hi pogi, ikaw si Fane, di ba? Pwede ba
Subalit, gumilid lang si Fane, at madali niyang naiwasan ang atake ng bodyguard. Pagkatapos nito, mabilis niyang sinipa ang dibdib ng lalaki. Blag! Sumuka ng dugo ang lalaki. Tumalsik pataas ang kanyang katawan bago ito sumalpok ng malakas sa lupa. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa buong katawan niya, para bang mababali ang mga buto sa kanyang katawan. "Totoo, hindi ako ang nag-utos sa kanila!" Paano naman aaminin ni Neil na siya ang may pakana ng lahat? Kapag ginawa niya yun, hindi ba't parang inamin na rin niya na isa siyang masama at walang kwentang tao? Kapag kumalat ang balita na may inupahan siyang mga tao para nakawin ang luminous pearl pagkatapos niyang matalo sa auction, siguradong masisira ang reputasyon ng Hugo family. "So, wala kang lakas ng loob na aminin ang isang bagay na ginawa mo? Anong klaseng tao ka?" Muling sinampal ni Fane ang mukha ni Neil. Sa pagkakataong ito, mas nilakasan ni Fane ang sampal niya, kaya di nagtagal at namaga agad ang mukha ni