Pribadong nakikipag-usap si Michael kay Ken sa malapit at hindi nagtagal ay napansin nila ang grupo ng mga tao. "Oo, bigla silang nilapitan pagkatapos nilang lumabas. Base sa mga nangyayari, may nag-hire sa kanila. Patay, humanda sina Fane at ang babaeng 'yon at magkakagulo dito!" Tumango si Michael habang sinabi ang kanyang mga hinuha. "Heheh, baka yung luminous pearl ang habol nila!" Tumawa si Ken at tinignan si Robert sa malapit at nagsalita, "Hindi kaya kagagawan ni Robert 'to? Napakaagresibo niya kanina sa auction." "Maliban sa kanya, posible rin na si Timothy ang may gawa nito. Pakiramdam ko si Timothy ay isang taong hindi nagpapatalo!' Tinignan ni Michael si Timothy mula sa gilid. Sa sandaling iyon, hindi mahalaga kung sino man ang may gawa nito dahil ang lahat ay interesado na makita kung anong mangyayari pagkatapos nilang napansin ang pangyayari sa malapit. Hindi sila aalis sa ngayon. "Hey girl, pwede na ang itsura mo at talagang kakaiba ang katawan mo!" Mala
"Grabe! Isang 6th dan black belt taekwondo master yung kalbong yun!" "Oo nga! Grabe talaga!" Agad na nagsalita ang dalawang mayamang negosyante na nakasaksi sa nangyari. Blag! Sa kasamaang palad, nagulantang ang lahat nang makita nilang lahat na binitawan ni Lana ang kamay ng lalaki at agad na ikinuyom ang kanyang kamao. Sa isang iglap, sinuntok ni Lana ang hita ng lalaki. Tumalsik ang kalbo dahil sa lakas ng suntok ni Lana at bumagsak siya sa lupa dalawang metro mula sa kinatatayuan nila Lana. Muling napasigaw sa sakit ang kalbo noong bumagsak siya sa lupa. "Mukhang wala naman pa lang kwenta ang isang 6th dan black belt!" Nagsalita si Lana, dismayado siya sa kanyang kalaban. "Ganito kalakas ang babaeng yun?" Muli silang nagulat noong makita nila ang nangyari. "T*ngina, pagtulungan natin sila!" Nanggalaiti ang kalbo at noong patayo na siya, napansin niya na nabalatan ang mga palad niya. Pakiramdam niya ay napahiya siya nang husto dahil pinapanood sila ng mga may
Natawa si Lana at sinabing, "Hindi ako naniniwala na napadaan lang kayo. Kalalabas lang namin, tapos nagkataon lang na napadaan kayo? Bukod pa dun, kung talagang napadaan lang kayo, bakit ang dami-dami niyo?" "May balak talaga kaming hamunin ng away nung una, kaya marami kaming kasama. Kaya lang nung dumaan kami dito, napansin namin yung malaking dibdib mo at yung matambok mong pwet. Hindi ko napigilan yung sarili ko na guluhin kayo. Tama di ba?" Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaking kalbo. Nakahinga ng maluwag si Neil at ang kanyang bodyguard nang marinig nila ang palusot ng lalaking kalbo. Buti na lang magaling mag-isip ng palusot yung lalaking yun at hindi sila ikinanta sa kanila. “Ah!”Subalit, sa mga sumunod na sandali, biglang tinapakan ni Lana ang kamay ng lalaking kalbo. Nakakatakot at malalim ang boses ni Lana. "Hindi ba binigyan na kita ng pagkakataon na sabihin ang totoo? Hindi ako naniniwala na nagkataon lang na napadaan kayo dito! Heheh, buti na lang dumating kay
"Talagang hindi ko inasahan 'to. Si Young Master Neil ang nag-utos sa kanila!" Sa isang tabi, sumimangot si Ken at sinabing, "Bakit ginawa yun ni Neil?" "Ang alam ko wala namang galit si Neil kay Fane at hindi rin naman niya nililigawan si Selena, di ba?" "Sa nakikita ko, malamang yung luminous pearl ang habol niya! Ayaw niyang gumastos ng malaki para dun kaya may inutusan siya na nakawin yun para sa kanya! Hindi ko inasahan na ganun kalakas yung babaeng yun!" Nagsimulang maghinala si Michael. Hindi sila mga tanga at malinaw na si Neil ang may pakana ng lahat ng ito noong itinuro siya ng lalaking kalbo imbis na ang ibang tao. "Hindi malinaw kung bakit naisip ni Neil na gawin yun kahit na hindi niya pa alam ang pagkatao ng babaeng yun!" Sa kabilang banda, natawa lamang si Grayson. Abot langit ang paghanga ni Sharon kay Fane. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili kaya lumapit siya kasama ang ilang tao at tinanong niya si Fane, "Hi pogi, ikaw si Fane, di ba? Pwede ba
Subalit, gumilid lang si Fane, at madali niyang naiwasan ang atake ng bodyguard. Pagkatapos nito, mabilis niyang sinipa ang dibdib ng lalaki. Blag! Sumuka ng dugo ang lalaki. Tumalsik pataas ang kanyang katawan bago ito sumalpok ng malakas sa lupa. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa buong katawan niya, para bang mababali ang mga buto sa kanyang katawan. "Totoo, hindi ako ang nag-utos sa kanila!" Paano naman aaminin ni Neil na siya ang may pakana ng lahat? Kapag ginawa niya yun, hindi ba't parang inamin na rin niya na isa siyang masama at walang kwentang tao? Kapag kumalat ang balita na may inupahan siyang mga tao para nakawin ang luminous pearl pagkatapos niyang matalo sa auction, siguradong masisira ang reputasyon ng Hugo family. "So, wala kang lakas ng loob na aminin ang isang bagay na ginawa mo? Anong klaseng tao ka?" Muling sinampal ni Fane ang mukha ni Neil. Sa pagkakataong ito, mas nilakasan ni Fane ang sampal niya, kaya di nagtagal at namaga agad ang mukha ni
"Diyos ko! Grabe talaga yun!" Noong makauwi si Ivan nang gabing iyon, masaya niyang sinabi na, "Lolo, Dad, may narinig akong nakakagulat na balita kanina!" "Anong balita?" Ang tanong ni Old Master Taylor, na bihirang lumabas ng kanyang bahay. "Ang dinig ko may sundalo daw na paulit-ulit na sinampal si Young Master Neil hanggang mamaga ang mukha niya. Grabe talaga yung nangyari!" "Grabe talaga, kaya lang hindi sila sigurado kung sino yung sundalo na yun. Grabe, ang lakas ng loob niya! Isang second-class aristocratic family ang Hugo family kaya di ba parang binastos na din niya ang Hugo family sa pagsampal niya sa mukha ni Neil?" Habang nagsasalin ng red wine si Ivan, masaya siyang nagkwento. "Ngayon lang ako nakarinig ng ganun klaseng tao. Idol ko talaga siya!" "May lakas ng loob ang isang hamak na sundalo para sampalin ang mukha ni Neil at bastusin ang Hugo family?" Hindi kumbinsido si Theodore. "Mapagkakatiwalaan ba ang impormasyon mo?" Ang tanong ni Theodore. "Siguro,
Umiling si Ivan at sinabing, "Pagkatapos ng bidding, napunta sa mga kamay ng isang misteryosong babae yung luminous pearl. Hindi naman siya mukhang matanda, pero nagbid siya ng 500 million para dun kaya siya nanalo." "500 million?" Huminga ng malalim si Old Master Taylor nang marinig niya yun. Napakalaki ng halagang yun; kahit na nalaman pa ng Taylor family ang tungkol sa bidding nang mas maaga, baka pumunta lang sila dun para magsaya. Wala silang kakayahan na maglabas ng ganun kalaking halaga para lang sa isang luminous pearl. Pero syempre, mayroong pera ang Taylor family. Kailangan nga lang nila ang perang yun para sa mga proyekto nila. Kaya naman, hindi kasing laki ng capital ng ibang mga second o third-class aristocratic family ang capital nila. "Yung babae na nagbid ng 500 million, asawa ba siya ng pinuno ng isa sa mga first-class aristocratic family?" Nagulat si Theodore. "Malamang hindi, nakasuot siya ng face mask at shades, at mukhang napaka misteryoso niya. Ang sab
"Tigilan mo nga yang kaka-idol mo dyan!" Tiningnan ng masama ni Theodore ang kanyang anak at sinabing, "Para sa mga first at second-class aristocratic family, syempre normal lang na may kilala silang tao na ganun kalakas, di ba? Tingnan mo na lang si Dan Jameson na mula sa Clark family. Ang dinig ko kaya niyang magpabagsak ng ilang daang tao ng mag-isa!" "Dad, siguradong walang laban si Dan sa idol ko!" "Isipin mo Dad, misteryoso at makatarungan ang idol ko. May lakas siya ng loob na labanan ang masasamang tao!" "Pangalawa, nakasuot siya ng sandals habang nakikipaglaban at hindi man lang siya nasaktan. Habang si Dan naman, ang dinig ko matindi ang naging mga sugat niya noon. Kaya naman, naniniwala ako na yung lalaking lumaban sa Dragon God Clan ay siguradong mas malakas kesa kay Dan!"Habang iniisip ni Ivan ang tungkol dito, lalo niyang inidolo ang misteryosong lalaki. Hiling niya na makilala niya ang idolo niya. "Hayy, malas lang natin, kahit na may mga bodyguard tayo, hind