Subalit, gumilid lang si Fane, at madali niyang naiwasan ang atake ng bodyguard. Pagkatapos nito, mabilis niyang sinipa ang dibdib ng lalaki. Blag! Sumuka ng dugo ang lalaki. Tumalsik pataas ang kanyang katawan bago ito sumalpok ng malakas sa lupa. Nakaramdam siya ng matinding sakit sa buong katawan niya, para bang mababali ang mga buto sa kanyang katawan. "Totoo, hindi ako ang nag-utos sa kanila!" Paano naman aaminin ni Neil na siya ang may pakana ng lahat? Kapag ginawa niya yun, hindi ba't parang inamin na rin niya na isa siyang masama at walang kwentang tao? Kapag kumalat ang balita na may inupahan siyang mga tao para nakawin ang luminous pearl pagkatapos niyang matalo sa auction, siguradong masisira ang reputasyon ng Hugo family. "So, wala kang lakas ng loob na aminin ang isang bagay na ginawa mo? Anong klaseng tao ka?" Muling sinampal ni Fane ang mukha ni Neil. Sa pagkakataong ito, mas nilakasan ni Fane ang sampal niya, kaya di nagtagal at namaga agad ang mukha ni
"Diyos ko! Grabe talaga yun!" Noong makauwi si Ivan nang gabing iyon, masaya niyang sinabi na, "Lolo, Dad, may narinig akong nakakagulat na balita kanina!" "Anong balita?" Ang tanong ni Old Master Taylor, na bihirang lumabas ng kanyang bahay. "Ang dinig ko may sundalo daw na paulit-ulit na sinampal si Young Master Neil hanggang mamaga ang mukha niya. Grabe talaga yung nangyari!" "Grabe talaga, kaya lang hindi sila sigurado kung sino yung sundalo na yun. Grabe, ang lakas ng loob niya! Isang second-class aristocratic family ang Hugo family kaya di ba parang binastos na din niya ang Hugo family sa pagsampal niya sa mukha ni Neil?" Habang nagsasalin ng red wine si Ivan, masaya siyang nagkwento. "Ngayon lang ako nakarinig ng ganun klaseng tao. Idol ko talaga siya!" "May lakas ng loob ang isang hamak na sundalo para sampalin ang mukha ni Neil at bastusin ang Hugo family?" Hindi kumbinsido si Theodore. "Mapagkakatiwalaan ba ang impormasyon mo?" Ang tanong ni Theodore. "Siguro,
Umiling si Ivan at sinabing, "Pagkatapos ng bidding, napunta sa mga kamay ng isang misteryosong babae yung luminous pearl. Hindi naman siya mukhang matanda, pero nagbid siya ng 500 million para dun kaya siya nanalo." "500 million?" Huminga ng malalim si Old Master Taylor nang marinig niya yun. Napakalaki ng halagang yun; kahit na nalaman pa ng Taylor family ang tungkol sa bidding nang mas maaga, baka pumunta lang sila dun para magsaya. Wala silang kakayahan na maglabas ng ganun kalaking halaga para lang sa isang luminous pearl. Pero syempre, mayroong pera ang Taylor family. Kailangan nga lang nila ang perang yun para sa mga proyekto nila. Kaya naman, hindi kasing laki ng capital ng ibang mga second o third-class aristocratic family ang capital nila. "Yung babae na nagbid ng 500 million, asawa ba siya ng pinuno ng isa sa mga first-class aristocratic family?" Nagulat si Theodore. "Malamang hindi, nakasuot siya ng face mask at shades, at mukhang napaka misteryoso niya. Ang sab
"Tigilan mo nga yang kaka-idol mo dyan!" Tiningnan ng masama ni Theodore ang kanyang anak at sinabing, "Para sa mga first at second-class aristocratic family, syempre normal lang na may kilala silang tao na ganun kalakas, di ba? Tingnan mo na lang si Dan Jameson na mula sa Clark family. Ang dinig ko kaya niyang magpabagsak ng ilang daang tao ng mag-isa!" "Dad, siguradong walang laban si Dan sa idol ko!" "Isipin mo Dad, misteryoso at makatarungan ang idol ko. May lakas siya ng loob na labanan ang masasamang tao!" "Pangalawa, nakasuot siya ng sandals habang nakikipaglaban at hindi man lang siya nasaktan. Habang si Dan naman, ang dinig ko matindi ang naging mga sugat niya noon. Kaya naman, naniniwala ako na yung lalaking lumaban sa Dragon God Clan ay siguradong mas malakas kesa kay Dan!"Habang iniisip ni Ivan ang tungkol dito, lalo niyang inidolo ang misteryosong lalaki. Hiling niya na makilala niya ang idolo niya. "Hayy, malas lang natin, kahit na may mga bodyguard tayo, hind
"Kuya, anong sinasabi mo? Anong misteryosong babae? Anong professional bodyguard? At bakit nandun si Fane?" Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng kuya niya, naguluhan si Tanya."Oh, ito kasi yung nangyari. Noong makarating ako sa auction, napansin ko…" Tumingin si Timothy sa mga kasama niya at nagsimula siyang magkuwento tungkol sa mga nangyari nitong hapon. "Sinampal ni Fane si Master Hugo? Nagbid ng 500 million yung babaeng yun para sa luminous pearl? Grabe, sana pala sumunod ako sayo kanina. Hindi dapat ako natulog. Sayang, di ko nakita yung nangyari!" Nainis si Tanya sa narinig niya. Habang naiisip niya ito, lalo siyang nanghihinayang na hindi siya sumama sa kapatid niya papunta sa auction kanina. "Sugar baby si Fane? Haha, nakakatawa na naisip yun ng mga tao. Maraming pera si Fane. Bukod pa dun, 20 million ang binabayad natin sa kanya kada buwan, na higit pa sa sapat para sa kanya. Kailangan pa ba talaga niyang maging sugar baby?" Tumawa si James Drake at sinabing,
Habang iniisip ito ni James, lalo lang siyang nasasabik. Pakiramdam niya na yung babaeng yun ang pinakamalakas at pinakanakakatakot sa buong Middle Province—Lana Zechs.Dahil pumunta si Fane sa auction kasama siya, pinapakita nito na malapit silang dalawa sa isa't isa. Kung ganun nga, ibig sabihin tama siya sa mga kutob niya. "Hindi ko pa nakita si Lana Zechs kaya hindi ko makukumpirma yun. Dad, hula ko lang yun!" Ang sabi ni Timothy habang pilit na ngumingiti. "Isesearch ko yan para mapakita ko sayo ang mga litrato ng mga God of War! Maraming litrato ang Nine Great Gods of War!" Hindi na nagpatuloy pa sa pagkain si James. Kinuha niya ang phone niya at naghanap siya ng mga litrato ng mga God of War. Pagkalipas ng ilang sandali, nakahanap siya ng isang full body shot ni Lana at inabot ito kay Timothy. "Tingnan mo 'to. Walang casual photo yung mga God of War at lagi silang naka army uniform. Tingnan mo, yung katawan niya, tingin mo ba siya yun?" Sinuri ni Timothy ang larawan a
May naisip si Timothy at sinabing, "Tama, tama, nung mga oras na yun, pati si Michael at ang Roy family, nagtatanong din kung sino siya. Bukod dun, hindi naman talaga kami nagtalo. Atleast, hindi ako nakipagtalo sa kanya!" Nakahinga ng maluwag si James nang marinig niya iyon. "Kung ganun, medyo mas okay yun. Tandaan mo, si Fane at ang babaeng yun, pati na rin ang sinumang malapit kay Fane, ay hindi niyo dapat galitin. Kung hindi, kapag nagalit siya satin, baka kailanganin nang lisanin ng Drake family ang Middle Province." "Sige, naiintindihan ko!" Nakahinga ng maluwag si Timothy. Nagpapasalamat siya na hindi niya ginulo sila Fane kanina. Kung hindi, baka natulad siya kay Neil Hugo. Sa mga sandaling iyon, nalaman na ni Master Hugo ang nangyari nung araw na yun. Nakipagpulong si Master Hugo kasama ang ilang importanteng miyembro ng Hugo family. Habang si Neil, nakayuko siya habang nakatayo siya sa harap ni Master Hugo at namamaga ang kanyang mukha."Ikaw bata ka, ang lakas ng
"Pa!" Nang magsalita si Neil, sinampal siya nang malakas ng master ng Hugo family na si Roy Hugo. … Sinakyan ni Fane ang kanyang electric scooter kasama si Selena. Maaga silang nakauwi. "Dahil wala akong pasok bukas, iparegister natin si Kylie sa kindergarten!" Bumaba si Selena sa scooter at sinabi kay Fane. "Sige, di din ako papasok bukas!" Nakangiting sumagot si Fane. "Talaga? Dalawang araw ka pa lang nagtatrabaho. Sa ganyan kalaking sahod mo, maaga ka bang nag apply ng leave? Kung hindi, paano kung magalit ang Drake family?" Narinig ni Selena ang kanyang sinabi at kumunot ang noo nang magpatuloy. "Higit pa riyan, ang taas ng sahod mo kada araw kaya malaki ang mawawala kung di ka papasok." Huminto saglit si Fane bago sumagot, "Hindi siguro. Sinabi ko sa kanila na papasok lang ako kapag may oras ako. Kung tatanggalan nila ako ng isang araw na sahod dahil sa pagpapahinga, aalis na lang ako sa trabaho!" Natulala si Selena. Tinignan niya nang masama si Fane ar sinabi, "