Share

Kabanata 176

Author: Moneto
"Pa!"

Nang magsalita si Neil, sinampal siya nang malakas ng master ng Hugo family na si Roy Hugo.

Sinakyan ni Fane ang kanyang electric scooter kasama si Selena. Maaga silang nakauwi.

"Dahil wala akong pasok bukas, iparegister natin si Kylie sa kindergarten!" Bumaba si Selena sa scooter at sinabi kay Fane.

"Sige, di din ako papasok bukas!" Nakangiting sumagot si Fane.

"Talaga? Dalawang araw ka pa lang nagtatrabaho. Sa ganyan kalaking sahod mo, maaga ka bang nag apply ng leave? Kung hindi, paano kung magalit ang Drake family?"

Narinig ni Selena ang kanyang sinabi at kumunot ang noo nang magpatuloy. "Higit pa riyan, ang taas ng sahod mo kada araw kaya malaki ang mawawala kung di ka papasok."

Huminto saglit si Fane bago sumagot, "Hindi siguro. Sinabi ko sa kanila na papasok lang ako kapag may oras ako. Kung tatanggalan nila ako ng isang araw na sahod dahil sa pagpapahinga, aalis na lang ako sa trabaho!"

Natulala si Selena. Tinignan niya nang masama si Fane ar sinabi, "
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 177

    "Ako… nakikipagkita sa ibang babae?" Nagulantang si Fane. Pinilit niyang ngumiti at sinabi, "Ina, baka isa lang itong hindi pagkakaunawaan. Ilang araw pa lang akong nakakauwi kaya paano ako makakahanap ng oras para kitain ang ibang babae? Higit pa rito, napakaganda na ni Selena para sa akin kaya paano ko magagawang makipagkita sa iba?" "Hindi pagkakaunawaan? Haha, paano ako nagkamali ng intindi? May mga larawan ako!" Humalukipkip si Xena at nandidiring nakatitig kay Fane. "Kung bilyonaryo ka sana, magmumukha kang may kaya kapag nakipagkita ka sa ibang babae. Kaso napakahirao mo na nga pero nagawa mo pa rin ito? Paano mo nahaharap si Ate pagkatapos nito?" "Larawan? Anong larawan?" Nagsalubong ang kilay ni Selena at nagtanong. "Ma, ipakita mo ito kay Ate. Kung hindi, baka di niya pa malaman ito. Di niya malalaman kung anong nakakadiring bagay ang ginawa ni Fane nang hindi niya alam!" Nang tingnan ni Ben nang masama si Fane, nagpatuloy siya, "Fane, napakag*go mo. Nagdusa nan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 178

    Matapos marinig ang sinabi ni Fiona, napagtanto ni Fane. Ito ay ang siraulong si Michael Wilson; umalis siya sa auction, nakipagkita kay Fiona, at ginawan ng kwento si Fane. Tinignan ni Selena nang maigi ang larawan nang nakasimangot. Medyo hindi ito natutuwang tignan. Atsaka kahit na hindi siya nakapagsuot ng kahit anong mamahaling relo, nakikilala niya pa rin ang ilang kilalang mga brand. Higit isang milyong dolyar ang relo ng babaeng ito; higit pa rito, mukhang mahal din ang hikaw niya. "Di ka ba talaga nagtatrabaho sa bahay ng Deake family ngayong araw?" Nakatitig nang diretso si Selena kay Fane. Hindi siya makapaniwala; kung talagang nagsinungaling si Fane sa kanya, mawawala ang lahat sa kanya. Pagkatapos ng gabing iyon noon, napagdesisyunan niya na buhayin ang bata kahit hirap na hirap siya dahil ayaw niyang sukuan ito. Para naman kay Fane, hindi siya naging malapit dito; di niya talaga lubusang kilala ang lalaking ito. Pinagsisihan niya talaga ang nangyari noong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 179

    Galit na sinabi ni Fiona, "Sinabi ni Young Master Wilson na ang babaeng ito ay maaaring may relasyon sa isang mega-billionaire ngunit takot na makilala ng sarili niyang lalaki. Siguro takot siya na malaman ng mga tao na mayroon siyang sugar baby kaya nagsuot siya ng maskara at tinakpan ang kanyang sarili nang ganoon." "Tama tama tama, kung di siya nakokonsensya, bakit siya magsusuot ng maskara? Halatang pareho kayong may tinatago!" Dagdag ni Xena. "Sino siya?" Tumitig si Selena nang diretso kay Fane. Atsaka ang babaeng ito ay mayaman at seksi kaya medyo nag-alala si Selena dito. "Kaibigan ko siya!" Ngumiti si Fane at sinabi, "Gusto niyang pumunta sa auction at nakiusap siya sa akin na samahan siya, kaya sumama ako." "Kaibigan, anong kaibigan?" Tanong ni Fiona, "Kailan ka pa nagkaroon ng ganito kayamang kaibigan? Kung napakarami ng kaibigan mong mayaman, di ka magiging isang live-in son-in-law ng Taylor family noong nakaraang limang taon para lang makakuha ng milyong dolya

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 180

    "Haha pagaling ka nang pagaling sa pagsisinungaling. Talagang parang totoo ito pakinggan at muntik na akong maniwala sa'yo!" Ngumisi na naman si Fiona. "Nakakadismaya ka Fane!" Umiling si Andrew at dismayadong tumingin kay Fane. "Napagtanto ko na mula noong umuwi ka galing sa militar, lagi kang ensaherada. Kung umasta ka akala mo kung sino ka matapos maging isang sundalo sa loob ng onting taon, at kaagad na sumang-ayon na maglabas ng tatlompung milyong dolyar para sa ikapitompung kaarawan ng old master. Lagi ka ding nakikipaglaban sa lahat, ngayong may trabaho ka na, lumalabas na peke pala ito. Hindi ka talaga nagtrabaho, naging isa kang sugar baby ng isang mayamang babae!" Huminto sandali si Andrew vago magpatuloy, "Hindi ko talaga inaasahang sasabihin mo na kaibigan mo ang Goddess of War para pagtakpan ang mga kalokohan mo. Haha bakit di mo sabihin na ang siyam na yun ay kaibigan mo?" Nailang si Fane. Buti na lang at di niya nabanggit na estudyante niya ang siyam na Gods of

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 181

    Tumingin si Fane kay Ben at walang bahalang sinabi, "Isa itong usaping prinsipyo." "Ang kapal ng mukha mo Fane Woods, talagang matapang ka. Ang lakas ng loob mong bugbugin ang anak ko, papatayin kita!" Puno ng galit, sumugod si Fiona. Biyenan niya ito kahit anong mangyari. Hindi siya nangahas na lumaban. Umiwas na lamang siya. "Ano, anong nangyayari? Fiona, anong problema?" Sa sandaling iyon, si Joan na lumabas para bumili ng grocery kasama ang kanyang mga kasambahay, si Kylie at si Jenny, ay nakauwi na. Nang makita si Fiona na hinahabol si Fane, kaagad siyang lumapit para payuhan sila. Hindi siya natamaan ni Fiona ngunit sa halip ay napagod ito. Hiningal siya nang hawakan niya ang kanyang baywang. "Pagkatapos ay sinabi niya, "Sisihin mo ang pinakamamahal kong anak. Sinaktan niya ang anak ko!" "Ma, mag-ingat ka sa sinasabi mo! Si Ben an nag-umpisa. Hindi siya sinaktan ni Fane, hinili lang siya nito dahil nawalan siya ng balanse." Sumagot pabalik si Selena. Pagkat

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 182

    Hindi pinaniwalaan ni Selena si Fane. Wala siyang magawa kundi bumuntong hininga. Subalit naniniwala siya na malalaman din ni Selena kaagad na hindi siya nagsisinungaling. "Dalian mo at umalis ka na. Mapapahamak mo kami kapag pumunta dito ang Hugo family para hanapin ka!" Huminga nang malalim si Andrew. Naawa siya kay Fane dahil hindi ito mukhang isang taong magyayabang. Subalit, hindi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. "Sige!" Huminga ulit nang malalim si Fane nang tignan niya uli si Andrew, "Ama, gumaan naman na siguro ang pakiramdam ng binto mo? Huwag kang mag-alala, kahit tanggapin man nila ako o hindi, pupunta ako dito tuwing umaga para gamutin ka. Tuluyan na sigurong gagaling ang binti mo sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw!" Nagalak si Andrew nang marinig niya ang sinabi ni Fane, "Talaga? Sana gumaling na ito. Talagang gumagaan na ang pakiramdam ng binti ko! Nararamdaman ko!" "Fane, huwag kang umasa na pasasalamatan ka namin sa paggamot sa binti ng Ama ko." "

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 183

    Nang makita si Neil na naglalakad patungo sa kanila kasama ang mga tauhan nito, hindi mapigilan ni Selena na mag-alala kay Fane. Galit na galit siya kay Fane sa pagpunta sa auction kasama ang ibang babae at sa pagsisinungaling sa kanya, sinasabing ang babaeng iyon ang Goddess of War. Sa kabila nito, may nararamdaman pa rin sila para sa isa't isa matapos ang oras na magkasama sila. Ngayong nasa panganib na si Fane, napagtanto niya na labis siyang nag-aalala kay Fane. Paano kung mamatay si Fane? Ibig-sabihin ba nito mawawalan ng tatay si Kylie? "Tara na ate. Pumasok na tayo sa bahay!" Lumapit din si Fane. Hinila nila si Selena papasok ng bahay. Kinarga ni Jenny si Kylie nang sundan niya sila papasok ng bahay. " "Master Hugo, si Fane ang responsable sa nangyari ngayong umaga. Walang kinalaman dito ang pamilya namin!" Kaagad na sinigawan ni Fiona si Roy at ang mga tauhan nito na nasa bakuran matapos umatras papasok ng bahay. Ikinatatakot niya na baka bugbugin o patayin siya n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 184

    "Ano? Namamalikmata ba ako? Lumuluhod si Young Master Hugo kay Fane?" Kinuskos ni Fiona ang mga mata niya at nagtaka kung namamalikmata ba siya. "Nagdala siya ng napakaraming tao pero hindi ito dahil sa gusto niyang labanan si Fane? Sinampal ni Fane ang kanyang anak, ibig-sabihin nito na minamaliit niya ang Hugo family! Nakakagulat bakit gusto ni Roy na lumuhod ang anak niya sa harapan ni Fane para humingi ng tawad?" Nagulat din si Xena. Anong nangyayari? Nababaliw na ba ang mga tao ng Hugo family?" "Ito…" Naguluhan din si Andrew. Medyo napahinto si Fane nang marinig ang mga salitang iyon. Pagkatapos, sinabi niya kay Neil, "Tumayo ka. Hindi mo pa nauubos ang pasensya ko. Kung hindi, pinatay na siguro kita!" Nahiya sila Fiona matapos makita siyang dominante. Talaga bang isa lang siyang ordinaryong beterano? Bakit di siya natatakot sa Hugo family? Tila ba pwede niyang itakda ang buhay at kamatayan ng isang tao. Tila ba isa siyang diktador! Habang tinititigan siya, nat

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status