"Haha pagaling ka nang pagaling sa pagsisinungaling. Talagang parang totoo ito pakinggan at muntik na akong maniwala sa'yo!" Ngumisi na naman si Fiona. "Nakakadismaya ka Fane!" Umiling si Andrew at dismayadong tumingin kay Fane. "Napagtanto ko na mula noong umuwi ka galing sa militar, lagi kang ensaherada. Kung umasta ka akala mo kung sino ka matapos maging isang sundalo sa loob ng onting taon, at kaagad na sumang-ayon na maglabas ng tatlompung milyong dolyar para sa ikapitompung kaarawan ng old master. Lagi ka ding nakikipaglaban sa lahat, ngayong may trabaho ka na, lumalabas na peke pala ito. Hindi ka talaga nagtrabaho, naging isa kang sugar baby ng isang mayamang babae!" Huminto sandali si Andrew vago magpatuloy, "Hindi ko talaga inaasahang sasabihin mo na kaibigan mo ang Goddess of War para pagtakpan ang mga kalokohan mo. Haha bakit di mo sabihin na ang siyam na yun ay kaibigan mo?" Nailang si Fane. Buti na lang at di niya nabanggit na estudyante niya ang siyam na Gods of
Tumingin si Fane kay Ben at walang bahalang sinabi, "Isa itong usaping prinsipyo." "Ang kapal ng mukha mo Fane Woods, talagang matapang ka. Ang lakas ng loob mong bugbugin ang anak ko, papatayin kita!" Puno ng galit, sumugod si Fiona. Biyenan niya ito kahit anong mangyari. Hindi siya nangahas na lumaban. Umiwas na lamang siya. "Ano, anong nangyayari? Fiona, anong problema?" Sa sandaling iyon, si Joan na lumabas para bumili ng grocery kasama ang kanyang mga kasambahay, si Kylie at si Jenny, ay nakauwi na. Nang makita si Fiona na hinahabol si Fane, kaagad siyang lumapit para payuhan sila. Hindi siya natamaan ni Fiona ngunit sa halip ay napagod ito. Hiningal siya nang hawakan niya ang kanyang baywang. "Pagkatapos ay sinabi niya, "Sisihin mo ang pinakamamahal kong anak. Sinaktan niya ang anak ko!" "Ma, mag-ingat ka sa sinasabi mo! Si Ben an nag-umpisa. Hindi siya sinaktan ni Fane, hinili lang siya nito dahil nawalan siya ng balanse." Sumagot pabalik si Selena. Pagkat
Hindi pinaniwalaan ni Selena si Fane. Wala siyang magawa kundi bumuntong hininga. Subalit naniniwala siya na malalaman din ni Selena kaagad na hindi siya nagsisinungaling. "Dalian mo at umalis ka na. Mapapahamak mo kami kapag pumunta dito ang Hugo family para hanapin ka!" Huminga nang malalim si Andrew. Naawa siya kay Fane dahil hindi ito mukhang isang taong magyayabang. Subalit, hindi kapani-paniwala ang mga sinabi niya. "Sige!" Huminga ulit nang malalim si Fane nang tignan niya uli si Andrew, "Ama, gumaan naman na siguro ang pakiramdam ng binto mo? Huwag kang mag-alala, kahit tanggapin man nila ako o hindi, pupunta ako dito tuwing umaga para gamutin ka. Tuluyan na sigurong gagaling ang binti mo sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw!" Nagalak si Andrew nang marinig niya ang sinabi ni Fane, "Talaga? Sana gumaling na ito. Talagang gumagaan na ang pakiramdam ng binti ko! Nararamdaman ko!" "Fane, huwag kang umasa na pasasalamatan ka namin sa paggamot sa binti ng Ama ko." "
Nang makita si Neil na naglalakad patungo sa kanila kasama ang mga tauhan nito, hindi mapigilan ni Selena na mag-alala kay Fane. Galit na galit siya kay Fane sa pagpunta sa auction kasama ang ibang babae at sa pagsisinungaling sa kanya, sinasabing ang babaeng iyon ang Goddess of War. Sa kabila nito, may nararamdaman pa rin sila para sa isa't isa matapos ang oras na magkasama sila. Ngayong nasa panganib na si Fane, napagtanto niya na labis siyang nag-aalala kay Fane. Paano kung mamatay si Fane? Ibig-sabihin ba nito mawawalan ng tatay si Kylie? "Tara na ate. Pumasok na tayo sa bahay!" Lumapit din si Fane. Hinila nila si Selena papasok ng bahay. Kinarga ni Jenny si Kylie nang sundan niya sila papasok ng bahay. " "Master Hugo, si Fane ang responsable sa nangyari ngayong umaga. Walang kinalaman dito ang pamilya namin!" Kaagad na sinigawan ni Fiona si Roy at ang mga tauhan nito na nasa bakuran matapos umatras papasok ng bahay. Ikinatatakot niya na baka bugbugin o patayin siya n
"Ano? Namamalikmata ba ako? Lumuluhod si Young Master Hugo kay Fane?" Kinuskos ni Fiona ang mga mata niya at nagtaka kung namamalikmata ba siya. "Nagdala siya ng napakaraming tao pero hindi ito dahil sa gusto niyang labanan si Fane? Sinampal ni Fane ang kanyang anak, ibig-sabihin nito na minamaliit niya ang Hugo family! Nakakagulat bakit gusto ni Roy na lumuhod ang anak niya sa harapan ni Fane para humingi ng tawad?" Nagulat din si Xena. Anong nangyayari? Nababaliw na ba ang mga tao ng Hugo family?" "Ito…" Naguluhan din si Andrew. Medyo napahinto si Fane nang marinig ang mga salitang iyon. Pagkatapos, sinabi niya kay Neil, "Tumayo ka. Hindi mo pa nauubos ang pasensya ko. Kung hindi, pinatay na siguro kita!" Nahiya sila Fiona matapos makita siyang dominante. Talaga bang isa lang siyang ordinaryong beterano? Bakit di siya natatakot sa Hugo family? Tila ba pwede niyang itakda ang buhay at kamatayan ng isang tao. Tila ba isa siyang diktador! Habang tinititigan siya, nat
"Heto ang tatlong milyong dolyar para sa'yo. Kahit na hindi ito malaki, tanggapin mo ito bilang pagtanaw namin ng utang na loob! Pasensya na at nabigla kita!" Napakatapat ni Roy, wala man lang halong pagpapanggap. Walang pakeng ngumiti si Fane matapis pakinggan ang mga sinabi niya. Tinignan niya saglit ang mga maleta sa sahig, "Talagang ang onti kg tatlong milyon!" Nagdilim ang mukha ni Roy. Hindi niya inasahan na iisipin ni Fane na napakakaunti nito. Di pa rin ba masaya si Fane sa nangyari? Nasa malaking panganib sila kung ganon. Subalit, binago ni Fane ang usapan, "Pero dahil pumunta ka dito nang taplos-puso, nagdala ka pa ng mga top executive ng pamilya mo at ang anak mo para humingi ng paumanhin, tatanggapin ko ang utang na loob mo. Kalimutan mo na ang pera, di ko ito gusto. Sapat na ang pagiging tapat mo!" "Hindi!" Nakatayo si Fiona sa tapat ng pinto. Nagliliyab ang kanyang mga mata nang titigan niya ang pera. Gulat na gulat siya nang marinig niyang tinanggihan ni Fa
Slap!Sa kasamaang palad, malakas na sinampal ni Roy ang mukha ni Neil, "Sino ang sinisigawan mo? 'Di mo ba nakikita na nagbibiro lang si Fane?" "Dad, siya ay…" Nagalit si Neil. Gusto niyang pagpunit-punitin si Fear. Tinitigan siya ni Roy nang masama. Pagkatapos, tumalikod siya at hinawakan ang kanyang kamay pagkasabing, "Brother Fane, nakakatawa talaga mga biro mo. Ako na ang mauuna, at pasensya na sa pang-iistorbo!" "Sa uulitin!" Kalmadong sabi ni Fane. Di nagtagal, umalis na ang mga tao mula sa Hugo family. Nagalit at nainsulto si Neil sa daan nila pabalik. Nang makarating na sila sa bakuran ng villa, hindi na napigilan ni Neil ang kanyang sarili, "Dad, bakit ka nanahimik habang trinato akong ganun? Isa tayong second-class aristocratic family, paano mo hinayaang pagtripan tayo ng isang sundalo? 'Di ko 'to matatanggap!" Doon lamang lumingon si Roy at tinignan ang kanyang anak. Bumuntong hininga siya nang may emosyon. "Hah, hindi 'yon dahil sa mahina ako, ginagawa k
Malamig pa rin ang mukha ni Selena habang tinitigan niya nang masama ang kanyang ina, "Ma, di ba ang bilis naman magbago ng isip mo? Kahit na patitirahin mo siya dito, hindi siya pwedeng matulog sa kwarto kasama ako. Galit pa rin ako! Three million lang 'yan. Hindi ko pagkakatiwalaan ang sinungaling na 'to nang dahil lang sa pera." Masakit ang mga sinabi ni Selena kay Fane kanina. Imposible na magbago ang ugali niya nang biglaan. Masyado itong nakakahiya para sa kanya. "Saan mo pala siya gustong patulugin kung di kayo magkasama matulog? 'Wag mo pala siya patulugin sa kama mo, maglatag ka sa lapag!" Nakampante si Fiona hawak ang tatlong milyon, "Wag kang mag-alala, 20 days na lang at birthday na ng lolo mo. Kung hindi niya tayo mabibigyan ng forty million, papalayasin natin siya. Malalaman rin natin kung nagsisinungaling siya o hindi!" "Forty million? Di ba ang usapan thirty million lang?" Nagulat ang katulong na si Jenny. "Bakit biglang tumaas ng ten million?" "Tumaas na an