Naglakad lamang palapit si Fane noong pumayag si Selena. "Ito ay…"Nagkatinginan ang mga lalaking empleyado na kasama nila. "Wow, gusto mo talagang sumugod hah?" Nagdiriwang si Sonia dahil sa nangyayari. "Ms. Taylor, sigurado ka bang magiging ayos lang ang mahal mong asawa? Hindi lang isa o dalawang tao ang kalaban niya." Nananalangin si Sonia na mabugbog at mapatay ng gang si Fane. Hindi siya nirespeto ng bwisit na yun; pinagmukha pa nga siyang masama ni Fane sa harap ng lahat. "May tiwala ako sa kanya!" Ngumiti si Selena. Noong binugbog ni Fane ang mga tauhan ni Neil kaninang tanghali, tumaas ang kompyansa niya sa kanya. "Anong problema mo, bata? Nagpapaka bayani ka ba hah?" Lumapit ang dalawang lalaki kay Fane noong makita nilang palapit siya sa kanila. "Sabi ng babae na nandito lang siya para samahang uminom ang mga customer, at hindi para makipagsiping sa kanila. Hindi niyo ba narinig yung sinabi niya?" ang sagot ni Fane. "Pakawalan niyo siya. Kung hindi, ipapaintin
Nakahinga ng maluwag ang mga empleyado ng procurement department nang makita nilang madaling napabagsak ni Fane ang tatlong miyembro ng gang. Hindi maitatanggi na may kakayahan si Fane upang maging bodyguard ng Drake Family. Sumugod ang pulutong ng mga kalalakihan mula sa VIP room pagkatapos silang tawagin ng isa sa kanila. "Diyos ko! Ang dami nila!" Nagulat si Sonia at ang iba pa sa nangyari. Napaatras sila, sa takot na madamay sila sa oras na magsimula ang gulo. "Salamat, Sir! Maraming maraming salamat!" Agad na nagtago sa likod ni Fane ang babae pagkatapos siyang bitawan ng mga lalaki. "Pero marami sila," nag-alala siya sa mga mangyayari. "Sir, a-anong gagawin mo?" Nginitian lamang siya ni Fane. "Diyan ka lang sa likod ko. Huwag mo kong alalahanin; ako si Fane Woods. Kahit na nandito pa ang hari ng lahat ng mga diyos, hindi niya susubukang kalabanin!" Sinipa ni Fane ang lalaking may tato sa sikmura. Tumalsik ang lalaki at sumalpok sa ibang lalaki na pasugod kay Fane. "
Lumapit si Selena kay Mr. Meyer at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon. "Tama siya, Mr. Meyer! Nanggugulo ang mga taong yan. Dapat may gawin kayo!" Lumapit ang ilang procurement staff upang patunayan ang mga sinabi ni Selena. "Mr. Meyer, nandito lang ako para uminom kasama ng mga customer. Noong naghahanap kayo ng mga trabahador, sabi niyo na part-time job lang yun na may bayad na three hundred kada araw! Hindi ko ibebenta ang sarili ko!" Humagulgol ng parang isang namamatay na banshee ang babae. Napaiyak siya sa tindi ng sakit na kanyang naranasan. "P-pero pinilit nila akong—" Hindi nila inasahan ang ginawa ni Mr. Meyer; umalingawngaw ang isang malakas na sampal bago pa man niya matapos ang mga sinasabi niya. "Hindi ka talaga nag-iisip!" "Anong ibig mong sabihin, Mr. Meyer?" Ang pagalit na tanong ni Selena. Tumawa si Mr. Meyer. "Anong problema niyo? Problema 'to ng kumpanya namin!" Ang sagot ni Mr. Meyer. "Tsaka, di ba dapat alam mo na ang mangyayari kapag magtrabaho ka
"G-gusto ko sana… pero hindi ba makapangyarihan yung taong nasa likod nila? Anong gagawin natin kapag…" Kinagat ni Selena ang mapupula niyang labi at bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Hehe. Honey, permiso mo lang ang hinihintay ko. Kapag sinubukan nila akong saktan, parang kinalaban na din nila ang mga Drake, di ba?" Natawa si Fane at bumulong sa tenga ni Selena. Agad na kumislap ang mga mata ni Selena sa mga sinabi ni Fane. Tama siya! Isa na siyang elite bodyguard ng Drake family. Bukod pa dun, mataas ang tingin ni Ms. Tanya kay Fane. Kapag may nangyaring masama sa kanila, magiging ayos lang ang lahat kung tutulungan sila ng Drake family. Wala silang dapat ikatakot!"Nakakatuwa naman kayong tingnan." Kinutya sila ni Mr. Meyer nang makita niyang nagbubulungan ang dalawa. "Naghahamon ka ng gulo, huh? May koneksyon kami sa Clark family. Alam niyo na; ang Clark family, yung pangalawang pinaka maimpluwensyang pamilya sa lungsod. Pinagsisisihan mo na ba ang katangahan m
Pagtingin ni Dan sa direksyong itinuro ni Mr. Meyer, kumibot ng husto ang mukha niya na para bang naiistroke siya. Sa mga oras na ito, napagtanto ni Dan na inagrabyado ng brother-in-law niya ang isang taong hindi niya dapat banggain!Nitong nakaraang mga araw, nakahinga siya ng maluwag noong malaman niya na sinama ni Young Master Clark ang kakilala niyang marshal upang tapusin si Fane, ngunit umuwi pa ring luhaan si Young Master Clark. Sinabi niya na walang nagawa si Marshal Dennis Howard, sa kabila ng mga sinabi ni Marshal Dennis na papatayin niya si Fane. Pumasok sila sa loob ng bahay nila Fane at nagdiskusyon. Bandang huli, kinumbinsi ni Marshal Dennis si Young Master Clark na huwag niyang papakialaman si Fane; mapapahamak ang buong Clark family kapag ginalit nila si Fane. Muling natulala si Dan sa nalaman niya. Alam niyang malakas si Fane, ngunit hindi niya inasahan na kahit si Marshal Dennis ay hindi mangangahas na hawakan kahit na ang isang hibla ng buhok ni Fane. Malaki a
“A—Ah!”Umalingawngaw ang isang malakas na sigaw; ito ay isang sigaw na lubos na nakpangingilabot. Napapikit na lamang ang karamihan sa mga tao sa paligid dahil sa sobrang takot. "Honey, tara na!" Kinuha ni Fane ang malaking bag at ipinatong ito sa balikat niya. Tumingin siya sa babae at sinabing, "Gusto mo pa bang magtagal dito? Umuwi ka na!" Natulala ang babae sa kanyang nasaksihan, at nahimasmasan lamang siya noong tinawag siya ni Fane. Agad siyang sumunod sa kanila Fane paalis ng KTV. "Huwag ka nang magtatrabaho ulit sa ganitong klaseng lugar!" Pinagsabihan siya ni Selena. "Bakit mo ba naisipang magtrabaho sa ganitong klaseng lugar? Ano bang ginagawa mo?" kumunot ang noo ni Selena habang tinatanong niya ang babae. Tumingin ang babae kay Fane at Selena, at lumuhod siya sa harap nila. "Maraming salamat sa pagliligtas niyo sakin! A-ako si Jessica Fair, at nagtatrabaho ako sa Labor and Social Security Bureau. Kaso napilitan akong maghanap ng iba pang trabaho para maipagamot
Hindi alam ni Selena kung anong sasabihin niya. Parang walang halaga ang pera para kay Fane; para bang rolyo lang ng toilet paper ang pera para sa kanya. Masyado siyang mabait sa babaeng yun. "Kung ganun, magkano ba dapat binigay ko sa kanya? Gusto mo ba bawiin ko yung pera?" Pagkatapos niyang mag-isip-isip, nagbago ang isipan ni Fane. "Kalimutan mo na yun. Wala namang rason para bawiin ko pa yung binigay ko!" Nanahimik lamang si Selena at ngumiti lamang kay Fane. "Hayaan mo na. Kumikita ka naman ng 20 million kada buwan e! Magiging mayaman na tayo sa loob lang ng dalawang buwan na pagtatrabaho mo para sa Drake family, at magiging mga zillionaire tayo pagkalipas ng isa o dalawang taon." "Honey, hindi naman na tayo kapos sa pera ngayon…" "Sige magyabang ka pa, lalo na ngayon na paubos na ang pera mo." ipinitik ni Selena ang kanyang dila. "Kailangan mong matutunan kung paano mo gagamitin ng tama ang pera mo, naintindihan mo? Kung hindi ko lang kailangang turuan ng leksyon si So
Sa tapat ng KTV, naglakad ang lalaking may dragon na tato, na si Ned, kasama ang mga tauhan niya. "P*ta. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti!" Nanggigil nang husto si Ned, punong puno siya ng galit. Patuloy na nagbaga ang galit na kanyang nararamdaman. "B-Boss, baka dapat kalimutan na lang natin yun," ang sabi ng isa sa mga tauhan ni Ned pagkatapos nitong mag-isip-isip. "Hindi mo ba narinig yung sinabi ni Dan? Kahit si Young Master Clark ay takot na kalabanin yung lalaking yun!" “Si Dan ang pinaka malakas na fighter ng Clark Family, alam mo ba yun?" ang pagpapatuloy ng tauhan niya. "Pero tingnan mo ang nangyari. Yumuko siya at nanginig sa takot noong makaharap niya si Fane Woods. Pinutol pa nga niya ang isang kamay ng brother-in-law niya dahil lang inutusan siya ng lalaking yun!" Nag-alinlangan si Ned noong marinig niya ang sinabi ng tauhan niya. Subalit, agad siyang ngumiti at nagsalita. "Hmph. Ano namang dapat nating ikatako