Delmond POV
Maaga akong umalis ng bahay upang pumunta nang mall. Mag-go -grocery ako nang mga kailangan namin ni Khiendra sa bahay at mabilhan ko na rin ng gamot nito.
Malaki ang pasasalamat ko kay Ziendrick, dahil sa kan'ya nadugtungan ang buhay ng kapatid ko. Nailigtas ito sa kamatayan.
Kalahati ng pera na ibinayad nito sa akin ay inilagay ko muna sa bangko at ang sobra sa natirang kalahati ng pera sa pinambayad ko sa hospital at gastos sa pagpapagamot kay Khiendra ay ito ngayon ang ginagamit ko sa mga kailangan namin sa araw-araw.
Umalis na ako sa club na pinagtatrabahohan ko dahil iyon ang kagustuhan ni Ziendrick. Kumuha na rin ako ng isang hindi kalakihang pwesto sa isang building na gagawin kong restaurant upang sa gano'n ay may mapagkukunan na rin kami nang gastusin namin sa araw-araw. Ang 500 thousand na nasa bangko ay ilalaan ko para sa pag-aaral ni Khiendra bilang isang doctor.
Papalabas na ako nang grocery store nang may mabangga ako.
"I'm sorry! Okay ka lang ba, Iho?" tanong nang nakabangga ko.
"Opo! Okay lang po ako. Sorry din po hindi ko po kayo nakita," sabi ko saka tiningnan ito.
Laking gulat ko nang makilala ang nakabanggaan ko.
"Tita Sandra!" Bulalas ko.
Napakunot ang noo nito. Na para bang nagtataka kung bakit ko siya kilala.
"Yes! Iho, kilala ba kita?" tanong nito na sinisipat ang aking mukha.
"Parang kilala nga kita, pero parang imposible kasi babae iyon," sabi nito at umiling-iling.
Kinabahan ako kasi baka makilala ako nito.
"Ah! Ganon po ba? Pasensya na po. Sige aalis na po ako!" sabi ko at papaalis na nang tawagin ako nitong muli.
"Iho! Sandali," tawag nito.
Napatigil ako sa paglalakad.
"Parang ikaw talaga iyon eh. Magkamukhang-magkamukha kayo ng nobya ng anak ko na si Ziendrick," sabi nito.
"Imposible naman po siguro na ako iyon kasi lalaki po ako at hindi ko po kilala ang anak n'yo!" sabi ko na abot-abot ang kaba.
"Pero kilala mo ako?" tanong nito.
"Ah! Eh! Kasi sino po naman ang hindi makakilala sa inyo Tita este Ma'am Sandra, kayo ang may-ari ng halos lahat na negosyo sa Pilipinas at may-ari ng isang sikat na kompanya ng mga damit at sapatos. Kaya po kilala ko kayo," pagsisinungaling ko.
Kailangan kong magsinungaling upang maitago ang katauhan ko.
"Gano'n ba! Oh sige! Iho, pasensya na makakaalis ka na," sabi nito.
Hindi pa ako nakaalis nang makita kong paparating si Ziendrick.
"Mommy, tara na," narinig kong sabi nito nang makalapit kay Tita Sandra.
Agad akong tumalikod at nagtago sa maraming mga tao. Hindi maaaring makita ako ni Ziendrick at baka makilala ako nito.
Nakita ko na nag-uusap sina Tita Sandra at Ziendrick nagpalinga-linga si Tita Sandra na para bang may hinahanap ito.
Nang hindi nito makita ang hinahanap ay umalis na ang mga ito.
"Huh! Kinabahan ako do'n ah! Akala ko mahuhuli na ako," sambit ko habang papaalis na rin sa mall na iyon.
Dumaan muna ako sa building kung saan kasalukuyang ginagawa at inaayos ang pwesto na gagawin kong restaurant.
"Good morning, Sir Delmond napadaan ho kayo," bati sa akin ni Mang Berting, ang gumagawa sa pwesto kasama nito ang dalawa pang karpentero.
"Good morning, Mang Berting. Ano may kulang pa ba sa mga gagamitin para sa paggawa n'yo?" tanong ko.
"Wala naman Sir Delmond, malapit na rin itong matapos mga tatlong araw na lang at tapos na ito," sabi nito.
"Mabuti naman po para makapagsimula na akong makapagtinda," sabi ko.
"Kung okay lang sa'yo Sir Delmond pwede bang kunin mo si Misis para rito sa restaurant mo kahit tagahugas lang ng pingggan. Saka marunong din iyong magluto at masasarap pa," sabi ni Mang Berting.
"Sige ba Mang Berting kailangan ko nga nang kasama at katulong para rito. Hindi kasi pwede ang kapatid ko kakaopera n'ya lang kasi," sabi ko.
"Hayaan mo Sir Delmond sabihan ko si Misis para makatulong na rin siya sa pagsisimula mo," sabi nito.
"Sige Mang Berting, uuwi muna ako babalik na lang ako mamaya," paalam ko.
"Ingat ka, Sir Delmond," sagot nito.
Gamit ang motorsiklo na binili ko ay nagmaneho ako pauwi.
Pagdating ko ng bahay ay agad kong ipinarada ang motorsiklo sa silong nang gilid ng bahay.
Dumiretso ako patungong kusina at inayos ang mga pinamili ko.
"Kuya, nakarating ka na pala. Wow ang dami-dami mong pinamili ah," Narinig kong sabi ni Khiendra mula sa aking likuran.
"Oh! Bakit ka bumangon baka mabinat ka niyan," nag-aalalang sabi ko.
"Ano ka ba kuya, magaling na ako," sabi nito.
"Kahit na, mag-iisang buwan ka pa lang nang nakalabas ng ospital," sabi ko.
"Oo nga po kuya malapit na sa isang buwan exact number is 25 days na akong nakalabas at bukas kukunin na itong venda sa ulo ko. Kaya magaling na ako," Nakangiting sabi nito.
"Oo na magaling ka na nga talaga kasi bumalik na ang kakulitan mo," sabi ko na nakangiti na rin.
"Salamat ulit Kuya, ha!" sabi nito na tumutulong na rin sa pag-aayos nang mga pinamili ko.
"Salamat naman! Saan?" tanong ko.
"Salamat kasi gagawin mo ang lahat para sa akin. Napakaswerte ko at ikaw ang naging Kuya ko. Handa kang magsacrifice para sa akin," seryosong sabi nito.
"Ano ka ba syempre gagawin ko ang lahat para sa nag-iisang kapatid ko. At kahit na sino mang kuya ay gagawin ang lahat para sa kan'yang bunsong kapatid. Saka maraming ulit ka nang nagpapasalamat sa akin. Pwede bang ako naman ang magpasalamat sa'yo," seryoso kong sabi.
"Bakit ka naman magpapasalamat sa akin Kuya?" Nakangusong tanong nito.
"Nagpapasalamat ako sa'yo kasi hindi ka sumuko lumaban ka sa sakit mo. Salamat at hindi mo ako iniwan," sabi ko.
"Sos, wala iyon Kuya. Ayaw ko kasing iwan ka kasi alam ko na malulungkot ka kapag iniwan kitang mag-isa. Ikaw kasi bakit hindi ka na mag-asawa, Kuya. Nasa tamang edad ka na para magpakasal," sabi nito.
"Ayaw kong magpakasal kasi natatakot akong iwan ka baka kapag nagpakasal ako at marami na ang manliligaw sa'yo hindi kita mababantayan sa kanila baka lokohin ka lang ng mga lalaking manloloko riyan. Ayaw kong makita ka na umiiyak at baka masapak ko pa ang mangloloko sa'yo," Naka-puot na sabi ko.
"Opo! Kuya magpapakabait po ako para maging proud ka sa akin," sabi nito.
"Pangako mo 'yan. Saka magtatapos ka nang pag-aaral mo," sabi ko.
"Opo! Promise magtatapos ako ng pag-aaral ko" sagot nito.
"Pero sa susunod na Sem kana mag-aral muli huwag mong pilitin ang sarili mo ngayon. Ipahinga mo muna ang utak mo," Sabi ko na nakangiti sa kan'ya.
Nais ko kasing iparamdam sa kan'ya na mas mahalaga ang kan'yang kalusugan kaysa pangarap nitong mag-aral.
"Oo nga pala Kuya, ano ba trabaho mo nakita kong ang dami mong pera? Nakabili ka nang motorsiklo, nabayaran mo ang ospital bill ko, tapos nabibili mo ang lahat ng maintenace na mga gamot ko, nabibili mo na rin ang mga kailangan natin dito sa loob ng bahay. Aba! Kuya 'wag na 'wag kang magkakamali na pumasok sa illegal na gawain ayaw ko na mawalan ng Kuya nang maaga!" Napakamaywang na sabi nito sa akin.
Natatawa na lang ako sa inakto nito daig pa ang isang nanay sa pagtatalak nito.
Ito ang isang katangian na na-miss ko sa kan'ya. Bata pa lang siya pero matured na mag-isip. Kahit na tinatrato ko siyang parang bata ay pilit nitong sinasabi na kaya na niya.
"Aba... Bumabalik na ang fighting spirit mo bunso ah!" Nakangiti kong sabi.
"Naman! Kuya, sasamahan pa kita hanggang sa pagtanda mo eh," sabi nito.
Masayang-masaya na ako at ligtas na ang aking kapatid sa kamatayan. Nagpapasalamat ako sa Diyos at may tao siyang ginamit para makatulong sa pagpapagamot ni Khiendra.
Pero nag-aalala ako na darating ang panahon at malalaman nito ang ginawa ko. At hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag ito sa kan'ya ang lahat.
"Bakit po, Kuya?" tanong nito sa akin.
"Anong bakit?" takang balik kong tanong.
"Bakit po kayo nakatitig sa akin? Nag-iba na ba ang mukha ko. Tabingi na ba ang ulo ko? Nagkapalit na ba ang position ng mata at ilong ko?" Nagdadramang sabi nito na hinahaplos pa ang kan'yang mukha.
"Anong pinaggagawa mo!" sabi ko na nakatawa.
"Oh my beautiful ang lovely face please don't leave me. I don't want to be an ugly anymore please comeback!" sabi nito na halos nangingiwi na ang mukha sa kakahaplos nito.
"Hahaha! Ang corny mo bunso. Pero bagay na bagay ka maging artista iyon nga lang ang role mo maging isang puno!" sabi ko habang malakas na tumatawa.
"Sige! Tawanan mo ako. Okay lang darating ang araw na gaganda rin ako!" sabi nito na nakataas ang isang kilay.
"Huwag kang mag-alala bunso for me ikaw lang ang pinakamaganda sa lahat nang babae sa buong mundo," sabi ko.
"Opo alam ko kasi ang susunod na sasabihin mo is, syempre gwapo ang kuya saan pa nga ba magmamana magkamukha tayo eh. Oh 'di ba 'yan ang sasabihin mo," Masayang sabi nito.
"Korak! Tumpak! Exactly! Trulalo!" malambot na sabi ko.
Nakita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mukha ni Khiendra dahil sa mga sinabi ko at nang tuno nang pagkakasabi ko.
"Oh! Bakit nanlalaki iyang mga mata mo?" tanong ko habang pigil ang tawa ko.
"Kuya! Bakla po kayo?" Gulat nitong tanong.
"Bakit bunso kapag bakla ho ba ako magagalit ka sa akin?" seryosong tanong ko.
"Seryoso! Kuya? Ah! Eh! Kapag bakla po kayo, syempre magagalit ako," sabi nito na tumingin sa kisame nang bubong namin na gawa pa rin sa pawod.
Hindi ko pa ito napapaayos kasi inuuna ko munang ipagawa ang restaurant at ipangkakapital ko pa ang natitirang pera mula sa binayad ni Ziendrick sa akin.
Nalungkot ako sa narinig ko. Hindi ko kaya na magalit sa akin ang pinakamamahal at nag-iisa kong kapatid kapag nalaman nito ang ginawa ko.
"Oy! Kuya, naririnig mo ba ang sinabi ko bakit ka nakatingala lang d'yan sa bubong natin. Anong tinitingnan mo sa itaas?" tanong nito.
"Ah wala lang bunso, iniisip ko lang kasi na kailan ko kaya mapapaayos itong bubong natin. Medyo luma ang mga ito saka rurupok na nila!" sabi ko sa pag-iiba nang usapan.
Dahil hindi ko masasagot ang tanong nito kanina kung bakla ba ako dahil ang totoo lang hindi ko alam ang pagkatao ko.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Humahanga ako sa mga magagandang babae ngunit hindi ko pa nakikita ang nagpapatibok ng puso ko mula pa man noong magbinata ako. Pero mas humahanga ako sa mga gwapo at matitikas na mga kalalakihan.
Ziendrick POV "Wow! pogi ng anak ko ah. Saan ang punta 'bat bihis na bihis ka? May date kayo ni Khiendra?" manghang tanong ni Mommy sa akin nang dumaan ako sa kan'yang harapan. Aalis ako papuntang office. I'm trying to wear a fit round nick black t-shirt saka tenernohan ko nang strecth pants na kulay black din at white a black rubber shoes with black sunglasses. Porma na katulad nang isang tunay na lalaki na may liligawan o nagpapapogi. "Sinubukan ko lang na isuot ito Mommy kasi sayang kung mabubulok lang itong ibinigay mo para sa akin," sabi ko. "Sabi ko na nga eh. Bagay na bagay sa'yo ang mga 'yan. Noon ko pa sinabi sa'yo na isuot mo 'yan. Ang pogi mong tingnan anak sa suot mo. Ano kaya kung ikaw na lang ang gawin nating model sa mga produkto natin sa kompanya lalo na sa men's wear!" seryosong sabi ni Mommy. "What? No way! Mom, ayoko!" tanggi ko. Naiisip ko kasi na kapag ako ang nagmodel ng mga product namin lalo na sa
Ziendrick POV"Sir Ziendrick, are you okay? You look tense!" sabi sa akin ni Cloe, ang General Manager ng Production and Promotion ng kompanya."Papaano ba naman hindi ako matetense eh papasuotin mo ba naman ako nang ganito!" sabi ko sabay taas ng boxer short na e-mo-model ko."Sir, pre photo shot pa lang po ito. Titingnan at pag-aaralan pa po natin kung saan ang mas nakakabagay na isuot n'yo sa fashion show!" pagpapaliwanag nito.May gaganapin kasing isang fashion show ang isang malaking network para sa clothing line. At naghahanap sila nang mga magaganda at may kalidad na mga clothing supply para sa kanilang mga talent at isa sa napili ang aming kompanya para rito."Ah! Basta kahit ano pa 'yan ayaw kong magsuot nang ganyan. Mas gusto ko pa ang mga ganito," sabi ko sabay kuha sa hanger nang isang color blue na long gown."Sir, please sumunod na lang po kayo. Baka mawalan ako ng trabaho kapag hindi nag-success ang pagsali natin sa fashion sh
Delmond POV "Kuya!" Malakas na sigaw na aking narinig mula sa silid ni Khiendra. Dali-dali akong bumangon mula sa aking higaan saka lumabas ng silid ko at patakbong tinungo ang silid ng aking kapatid. "Khiendra, anong nangyayari sa'yo? Bakit ka sumisigaw?" Kinakabahan kong tanong nang makita itong nakahawak sa kan'yang ulo at namimilipit sa sakit. "Kuya, ang sakit-sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. Ahh...! Ang sakit talaga, Kuya!" Naiiyak na ito sa sobrang sakit. Nilapitan ko ito at parang batang kinanlong sa mga bisig ko. "Dadalhin na kita sa hospital!" sabi ko. "No! Kuya, wala tayong pera," sagot nito. "Sige na pumayag ka na, Khiendra. Magpadala ka na sa hospital," sabi ko na naiiyak na rin dahil sa nakikita kong nahihirapan ito. "Kuya, I'm sorry! Kung napapaiyak kita. Sorry, kung umiiyak ka dahil sa akin. Alam kong nahihirapan at napapagod ka nang alagaan ako. Patawad kung hindi ko na matutupad ang prom
Delmond POV Lumaking matalino at masayahing bata si Khiendra. Laging positibo sa buhay. Nagbago lang siya nang malaman n'yang may brain tumor siya. Ang mga ngiting iyon ang nais kong maibalik sa kan'yang sarili. "Kuya, gusto ko pang matulog muli inaantok pa ako," aniya. "Sige! Bunso, matulog ka na babantayan kita," sabi ko habang pigil ang mga luhang pumatak. Nang makatulog na ito ay wala akong sinayang na oras at naghanap nang trabahong maaaring mapasukan ko. Sa aking paghahanap ay napunta ako sa isang club na naghahanap nang isang female entertainer. Kahit na mag-cross dresser ako gagawin ko para sa aking kapatid. Gamit ang perang naiwan sa aking bulsa ay bumili ako ng isang lumang wig at damit pambabae sa ukay-ukay at ginamit ko ang mga lumang make-up ni Khiendra ay binalikan ko ang club at sinubukan kong mag-apply. Kinakabahan akong naghihintay nang susunod na tatawaging pangalan para sa orientat

Delmond POV Maaga akong umalis ng bahay upang pumunta nang mall. Mag-go -grocery ako nang mga kailangan namin ni Khiendra sa bahay at mabilhan ko na rin ng gamot nito. Malaki ang pasasalamat ko kay Ziendrick, dahil sa kan'ya nadugtungan ang buhay ng kapatid ko. Nailigtas ito sa kamatayan. Kalahati ng pera na ibinayad nito sa akin ay inilagay ko muna sa bangko at ang sobra sa natirang kalahati ng pera sa pinambayad ko sa hospital at gastos sa pagpapagamot kay Khiendra ay ito ngayon ang ginagamit ko sa mga kailangan namin sa araw-araw. Umalis na ako sa club na pinagtatrabahohan ko dahil iyon ang kagustuhan ni Ziendrick. Kumuha na rin ako ng isang hindi kalakihang pwesto sa isang building na gagawin kong restaurant upang sa gano'n ay may mapagkukunan na rin kami nang gastusin namin sa araw-araw. Ang 500 thousand na nasa bangko ay ilalaan ko para sa pag-aaral ni Khiendra bilang isang doctor. Papalabas na ako nang grocery store nang may mabangga ak