Beranda / LGBTQ+ / Nothing but to lie / Chapter 1.1 Pagpapanggap

Share

Nothing but to lie
Nothing but to lie
Penulis: aacv02

Chapter 1.1 Pagpapanggap

Penulis: aacv02
last update Terakhir Diperbarui: 2021-09-08 12:52:52

Delmond POV

"Kuya!" Malakas na sigaw na aking narinig mula sa silid ni Khiendra.

Dali-dali akong bumangon mula sa aking higaan saka lumabas ng silid ko at patakbong tinungo ang silid ng aking kapatid.

"Khiendra, anong nangyayari sa'yo? Bakit ka sumisigaw?" Kinakabahan kong tanong nang makita itong nakahawak sa kan'yang ulo at namimilipit sa sakit.

"Kuya, ang sakit-sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. Ahh...! Ang sakit talaga, Kuya!" Naiiyak na ito sa sobrang sakit.

Nilapitan ko ito at parang batang kinanlong sa mga bisig ko. 

"Dadalhin na kita sa hospital!" sabi ko.

"No! Kuya, wala tayong pera," sagot nito.

"Sige na pumayag ka na, Khiendra. Magpadala ka na sa hospital," sabi ko na naiiyak na rin dahil sa nakikita kong nahihirapan ito.

"Kuya, I'm sorry! Kung napapaiyak kita. Sorry, kung umiiyak ka dahil sa akin. Alam kong nahihirapan at napapagod ka nang alagaan ako. Patawad kung hindi ko na matutupad ang promise ko na ako ang mag-aalaga sa'yo kapag tumanda ka na!" sabi nito na iniinda pa rin ang sakit ng kan'yang ulo.

Matutupad mo pa rin ang pangako mong 'yan kung pumayag ka nang dalhin kita sa hospital," sabi ko.

"Huwag na po! Kuya, hindi na ako gagaling. Hihintayin ko na lang ang araw at oras ko upang magpahinga!" Nakangiting sabi nito.

"Huwag ka namang ganyan! Bunso, parang hindi na ikaw ang Khiendra,  na nakilala ko. Nasaan na ang fighting spirit mo?" malungkot na sabi ko habang pinupunasan ko ang kan'yang mga luha sa mata gamit ang palad ko.

"Lumalaban ako, Kuya! Pilit akong lumalaban, dahil ayoko na iwanan kang mag-isa. Pero kahit anong pilit kong lumaban ay sumusuko na ang aking katawan. Napapagod na ako, Kuya!" nanghihinang sabi nito at unti-unting ipinipikit ang kan'yang mga mata.

"Gusto ko nang magpahinga Kuya, sobrang sakit na ang aking nararamdaman hindi ko na kaya. Ahh...! Tandaan mo Kuya, mahal na mahal kita!" sabi nito na hawak-hawak pa rin ang kan'yang ulo at umiiyak sa sakit.

Nakikita ko na lumalandas ang kan'yang mga luha mula sa mga mata pababa sa kan'yang mga pisngi, ngunit hindi ko na naririnig ang pagtangis nito.

"No! Khiendra, 'wag kang pumikit please. Gumising ka, gising! 'Wag mo akong iwan!" Umiiyak na sabi ko habang niyoyogyog ito.

"No! No! Khiendra, No!" Palahaw ko habang buhat-buhat siya at patakbong lumabas ng bahay-kubo namin.

Mahal na mahal ko ang aking kapatid at ayaw kong mawala ito. Siya ang aking inspirasyon upang magsumikap sa buhay. Lahat na trabaho ay kaya kong gawin makakita lang ng pera para mabili ko ang kan'yang mga gamot ngunit kapos pa rin ito.

Kaya paputol-putol ang pag-inom nito nang kan'yang medication maintenance.

Nasa kalsada ako ngunit wala akong makitang sasakyan na maaari kong masakyan papuntang hospital.

"Bunso, kapit ka lang. Kumapit ka dadalhin ka ni Kuya sa hospital kahit wala akong pera. Nipamasahi papuntang hospital wala. 'Wag kang mag-alala magkakapera rin ako pambayad sa hospital, basta kumapit ka lang!" Pumapatak ang aking mga luha na sabi ko habang nakatingin sa kan'yang mukha na parang wala nang buhay.

Takot na takot akong mawala ang nag-iisa kong kapatid sa akin.

I'm Delmond Montejos, 27 years old. Kaming dalawa na lamang ng kapatid ko ang magkasamang namumuhay sa mundong ito. Ang aming ina ay namatay nang isinilang nito si Khiendra. Nasa walong taong gulang ako noon.

Mula nang isinilang si Khiendra ay ako na ang naatasang mag-alaga sa kan'ya dahil ang aming ama ay nagtatrabaho bilang isang construction worker.

Salat kami sa yaman. Isang kahig, isang tuka, na kung minsan pa ay wala. Iyon bang sinasabi nila na mas mahirap pa sa daga, kaya hindi ako nakapagtapos nang pag-aaral. Hanggang 2nd year high school lang ako.

Nang mamatay ang aming ama ay mas lalo pa kaming naghirap dahil sa mga utang na naiwan nito. At nadagdagan pa ito nang mawala siya. Kaya nabaon kami sa utang. Kahit pa kung anu-ano na lang ang pinapasok ko na trabaho ay hindi pa rin sapat ang kinikita ko. Wala akong permanenting trabaho.

Taga-igib ng tubig, kargador sa palengke, basurero, barker, tagatinda ng kinde sa bangkita, magbubuko, tagatinda ng fishball at kwek-kwek, construction worker, at ano pa na trabaho na alam kong matitino ay pinasok ko na ngunit wala pa rin.

Mabuti't matalino si Khiendra at nakakapag-aral ito nang libre dahil sa scholarship nitong natatanggap.

Wala akong ibang hangad kundi maabot nito ang kan'yang pangarap na maging isang doktor. At ito ay pangarap ko rin para sa kan'ya.

Ngunit nasa unang taon pa lang siya ng kolihiyo nang ma-diagnose siyang may brain tumor tatlong buwan ang nakaraan at nangangailangan ito nang agarang operasyon dahil kung hindi ay baka maaga siyang papanaw sa mundong ito.

Dahil sa kahirapan ay si Khiendra na mismo ang nagpumilit na lumabas ng hospital dahil tumataas ang aming bayarin at wala akong pambayad dahil lubog na lubog na kami sa utang.

Masakit man sa aking kolooban ay napilitan akong ilabas siya sa hospital at iuwi sa bahay. Pero sa kabila nang kan'yang sakit ay hindi siya tumigil sa pag-aaral. Mataas ang kan'yang determinasyon na makapagtapos.

Nagtrabaho ako nang kahit na anu-ano upang makaipon nang kan'yang pang-operasyon ngunit wala akong naipon na pera.

Takot na takot ako habang buhat-buhat ko pa rin si Khiendra na nag-aabang ng sasakyan sa gitna ng kalsada.

"Tulong! Maawa po kayo tulungan n'yo kapatid ko dalhin natin siya sa hospital!" Sigaw ko sa nag-iisang kotse na paparating.

Agad namang tumigil ang sasakyan.

"Iho, anong nangyari sa kan'ya?" nag-aalalang tanong sa akin ng babae na sakay ng kotse.

"Nahimatay po. May sakit po siya. Maawa po kayo dalhin natin siya sa hospital, tulungan n'yo po kapatid ko!" Pagmamakaawa ko sa dalawang sakay ng kotse. Isang lalaking nasa driver set at isang babae na nakaupo katabi ng lalaking driver.

Sa tingin ko ay mag-asawa silang dalawa.

"Dali sumakay ka na!" sabi naman ng lalaki.

Sumakay naman ako at dinala namin si Khiendra sa hospital.

Hilam sa luha ang aking mga mata dahil sa pag-iyak na nagsalita.

"Maraming-maraming salamat po sa inyong pagtulong sa amin Ma'am, Sir, tatanawin ko itong malaking utang na loob sa inyo," sabi ko nang makababa na ako ng kotse.

Hindi na ako nakapagpaalam pa nang maayos sa mga tumulong sa amin dahil agad na itinakbo si Khiendra nang mga medical staff sa Emercy Room at sinundan ko naman ang mga ito.

"Kailangan nang maoperahan kaagad ang iyong kapatid dahil nanganganib na ang kan'yang buhay kapag pinatagal mo pa ito. Mabuti at nakaabot pa siya rito sa hospital, kung nahuli ka pa nang dating nang limang minuto baka wala na siya. Mayroon na lamang s'yang natitirang isang buwan para mabuhay!" U-me-echo-echo pa ito sa aking pandinig ang mga salitang sinabi ng doktor sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari at nararanasan ni Khiendra.

"Operasyon! Isang buwan para mabuhay!" Mga salitang paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan.

"Anong gagawin ko? Saan ako kukuha ng pera para pangpa-opera sa kapatid ko? Saan?" tanong ko sa aking isipan.

Wala akong nakitang ibang paraan para kumita ng pera sa mabilis na at madaling paraan kundi sa sugalan.

Naisip ko kasi na maraming pera roon sa sugalan kasi nakita ko ang mga sugarol noon sa sugalan nang magtinda ako ng fish ball at kwek-kwek doon. Kaya nisipan ko na pumunta ng sugalan.

Nang makarating ako ng sugalan ay nakita ko ang mga sugarol na nakalatag lang ang kanilang mga pera sa mesa at walang pakundangang winawaldas ang pera.

Bakit napaka-unfair ng mundo. Kung sino pa ang nagsusumikap na kumita ng pera sa matinong paraan  ay s'ya pa ring nahihirapan. Samantalang ang mga itong sugarol na ito ay winawaldas lang ang pera. 

Naghintay ako nang pagkakataon upang maisakatuparan ko ang aking balak, ang makakuha kahit kaunti lamang sa mga perang iyon.

Unti-unti akong lumapit sa mesa kung saan ay maraming pera. Nasa harapan na ako ng mesa nang biglang nawalan ng ilaw ang sugalan.

Dali-dali kong kinuha ang mga pera sa mesa at isinuksok ang mga ito sa aking bulsa.

"Ano ba 'yan! Bakit nawalan ng ilaw buenas na sana ako eh!" Maktol na sigaw ng bangkador.

Papatalikod na ako nang magkailaw muli.

"Ang mga pera nasaan? Nawawala ang mga pera!" Malakas na sigaw ng mga taong nandoon sa sugalan.

"Hoy! 'Yong pera!" Malakas na sigaw nang isa sa kanila.

Nakita ako ng mga sugarol, kaya mabilis akong tumakbo.

Tumakbo ako nang tumakbo, habang hinahabol nila ako.

Nakarating ako ng mga iskineta at nakapagtago sa isang madilim na lugar.

"Nasaan na! Nakita n'yo ba?" tanong ng isa sa kanila na humahabol sa akin.

Naririnig ko ang usapan nila dahil sa likuran lang nila ako.

Nanginginig ang buo kong katawan sa takot na baka makita at mahuli nila ako.

"Hindi eh, mabilis na nakapagtago. Malapusa sa bilis!" sabi naman ng isa.

"Tara na! May araw din 'yan sa atin!" Galit na sabi ng kanilang leader saka sinipa ang drum na lata malapit sa pinagtataguan ko.

Halos mapasigaw ako sa gulat nang marinig ko ang kalabog nito. Nakasiksik kasi ang aking ulo sa isa ring drum na goma kaya nakatalikod din ako sa kanila at hindi ko sila nakikita naririnig ko lang ang kanilang mga boses.

Ngayon ko lang napansin na sa isang tambakan pala ako ng mga lumang drum at lumang mga gamit nakapagtago.

Pinalipas ko pa ang ilang minutos at nang makomperma ko na wala na ang mga humahabol sa akin ay lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at diretsong pumunta ng hospital.

Masayang-masaya na ako dahil sa wakas mapaoperahan ko na ang aking kapatid gamit ang perang kinuha ko sa mga sugarol.

"Ma'am ito na po ang perang pambayad ko para sa operasyon ng kapatid ko." Nanginginig pa ang aking mga kamay na sabi ko habang iniabot ang pera sa cashier nang financial and accounting department office ng hospital.

Natatakot ako sa ginawa ko dahil sa tanang buhay ko ay hindi ko pa nagawang magnakaw kahit kanino man.

Binilang ito ng kahera at nagsalita.

"Sir, kulang pa po ito. Kailangang makaabot nang 80% ang mabayaran ninyong presyo upang masimulan na ang panggagamot sa kapatid n'yo at hindi pa sapat ang halagang ito para roon," sabi nito.

Nanlumo ako sa aking narinig dahil buong akala ko sasapat na ang halagang nakuha ko. Hindi pa pala. Saan na naman ako kukuha ng pera para maabot ko ang 80% na babayaran.

"Sige po ma'am, gagawa po ako nang paraan para makaabot sa 80% ang mabayaran ko," sabi ko at nakayukong pumunta ng silid ni Khiendra.

Naabutan ko siyang natutulog. Awang-awa ako sa aking kapatid. Maraming tubo at dextrose ang nakakabit sa kan'ya. Maputlang-maputla na ang mukha at kulay ng balat nito. Biglang lumiit at pumayat ito sa aking paningin.

Lumapit ako at umupo sa upuan na nasa gilid ng kan'yang kama.

"Khiendra, mahal na mahal ka ni Kuya. At gagawin ko ang lahat para madugtungan ang buhay mo at gumaling ka lang. Hindi ko alam kung maiintindihan mo at mapapatawad mo pa ako kapag malaman mo ang ginawa ko. Patawarin mo si Kuya ha, kasi iyon lang ang alam kong paraan para magkapera nang marami pero hindi pa pala iyon sapat. Pero hahanap ako nang trabaho para magkapera lang ako." sabi ng isipan ko habang lumalandas ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

"Kuya, bakit po kayo umiiyak?" nanghihinang tanong nito.

"Oy! Gising ka na pala bunso. Ah! Ako umiiyak? Hindi, masakit lang ang mga mata ko. Hindi kasi ako nakatulog kagabi!" Pagsisinungaling ko sabay kusot ng mga mata ko.

"Kuya, thank you ha!" sabi nito.

"Ano ka ba! Bakit ka nagpapasalamat?" tanong ko.

"Thank you! Kasi patuloy kang lumalaban. Patuloy mo akong ipinaglalaban. Hindi ka bumibitaw. Hindi mo pa rin ako binibitawan kahit sobrang nahihirapan ka na!"  sabi nito na nakangiti.

Ang mga ngiti na lang nito ang nagpapalakas ng loob ko para patuloy na lumaban para sa kan'ya. Mga ngiti na dati ko pang naging inspirasyon sa buhay.

Bab terkait

  • Nothing but to lie   Chapter 1.2 Pagpapanggap

    Delmond POV Lumaking matalino at masayahing bata si Khiendra. Laging positibo sa buhay. Nagbago lang siya nang malaman n'yang may brain tumor siya. Ang mga ngiting iyon ang nais kong maibalik sa kan'yang sarili. "Kuya, gusto ko pang matulog muli inaantok pa ako," aniya. "Sige! Bunso, matulog ka na babantayan kita," sabi ko habang pigil ang mga luhang pumatak. Nang makatulog na ito ay wala akong sinayang na oras at naghanap nang trabahong maaaring mapasukan ko. Sa aking paghahanap ay napunta ako sa isang club na naghahanap nang isang female entertainer. Kahit na mag-cross dresser ako gagawin ko para sa aking kapatid. Gamit ang perang naiwan sa aking bulsa ay bumili ako ng isang lumang wig at damit pambabae sa ukay-ukay at ginamit ko ang mga lumang make-up ni Khiendra ay binalikan ko ang club at sinubukan kong mag-apply. Kinakabahan akong naghihintay nang susunod na tatawaging pangalan para sa orientat

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-09
  • Nothing but to lie   Chapter 2 Ang magandang ibinunga

    Delmond POV Maaga akong umalis ng bahay upang pumunta nang mall. Mag-go -grocery ako nang mga kailangan namin ni Khiendra sa bahay at mabilhan ko na rin ng gamot nito. Malaki ang pasasalamat ko kay Ziendrick, dahil sa kan'ya nadugtungan ang buhay ng kapatid ko. Nailigtas ito sa kamatayan. Kalahati ng pera na ibinayad nito sa akin ay inilagay ko muna sa bangko at ang sobra sa natirang kalahati ng pera sa pinambayad ko sa hospital at gastos sa pagpapagamot kay Khiendra ay ito ngayon ang ginagamit ko sa mga kailangan namin sa araw-araw. Umalis na ako sa club na pinagtatrabahohan ko dahil iyon ang kagustuhan ni Ziendrick. Kumuha na rin ako ng isang hindi kalakihang pwesto sa isang building na gagawin kong restaurant upang sa gano'n ay may mapagkukunan na rin kami nang gastusin namin sa araw-araw. Ang 500 thousand na nasa bangko ay ilalaan ko para sa pag-aaral ni Khiendra bilang isang doctor. Papalabas na ako nang grocery store nang may mabangga ak

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-09
  • Nothing but to lie   Chapter 3 Modelo

    Ziendrick POV "Wow! pogi ng anak ko ah. Saan ang punta 'bat bihis na bihis ka? May date kayo ni Khiendra?" manghang tanong ni Mommy sa akin nang dumaan ako sa kan'yang harapan. Aalis ako papuntang office. I'm trying to wear a fit round nick black t-shirt saka tenernohan ko nang strecth pants na kulay black din at white a black rubber shoes with black sunglasses. Porma na katulad nang isang tunay na lalaki na may liligawan o nagpapapogi. "Sinubukan ko lang na isuot ito Mommy kasi sayang kung mabubulok lang itong ibinigay mo para sa akin," sabi ko. "Sabi ko na nga eh. Bagay na bagay sa'yo ang mga 'yan. Noon ko pa sinabi sa'yo na isuot mo 'yan. Ang pogi mong tingnan anak sa suot mo. Ano kaya kung ikaw na lang ang gawin nating model sa mga produkto natin sa kompanya lalo na sa men's wear!" seryosong sabi ni Mommy. "What? No way! Mom, ayoko!" tanggi ko. Naiisip ko kasi na kapag ako ang nagmodel ng mga product namin lalo na sa

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-20
  • Nothing but to lie   Chapter 4 Searching a Girl Model

    Ziendrick POV"Sir Ziendrick, are you okay? You look tense!" sabi sa akin ni Cloe, ang General Manager ng Production and Promotion ng kompanya."Papaano ba naman hindi ako matetense eh papasuotin mo ba naman ako nang ganito!" sabi ko sabay taas ng boxer short na e-mo-model ko."Sir, pre photo shot pa lang po ito. Titingnan at pag-aaralan pa po natin kung saan ang mas nakakabagay na isuot n'yo sa fashion show!" pagpapaliwanag nito.May gaganapin kasing isang fashion show ang isang malaking network para sa clothing line. At naghahanap sila nang mga magaganda at may kalidad na mga clothing supply para sa kanilang mga talent at isa sa napili ang aming kompanya para rito."Ah! Basta kahit ano pa 'yan ayaw kong magsuot nang ganyan. Mas gusto ko pa ang mga ganito," sabi ko sabay kuha sa hanger nang isang color blue na long gown."Sir, please sumunod na lang po kayo. Baka mawalan ako ng trabaho kapag hindi nag-success ang pagsali natin sa fashion sh

    Terakhir Diperbarui : 2021-09-29

Bab terbaru

  • Nothing but to lie   Chapter 1.1 Pagpapanggap

    Delmond POV "Kuya!" Malakas na sigaw na aking narinig mula sa silid ni Khiendra. Dali-dali akong bumangon mula sa aking higaan saka lumabas ng silid ko at patakbong tinungo ang silid ng aking kapatid. "Khiendra, anong nangyayari sa'yo? Bakit ka sumisigaw?" Kinakabahan kong tanong nang makita itong nakahawak sa kan'yang ulo at namimilipit sa sakit. "Kuya, ang sakit-sakit ng ulo ko. Parang binibiyak. Ahh...! Ang sakit talaga, Kuya!" Naiiyak na ito sa sobrang sakit. Nilapitan ko ito at parang batang kinanlong sa mga bisig ko. "Dadalhin na kita sa hospital!" sabi ko. "No! Kuya, wala tayong pera," sagot nito. "Sige na pumayag ka na, Khiendra. Magpadala ka na sa hospital," sabi ko na naiiyak na rin dahil sa nakikita kong nahihirapan ito. "Kuya, I'm sorry! Kung napapaiyak kita. Sorry, kung umiiyak ka dahil sa akin. Alam kong nahihirapan at napapagod ka nang alagaan ako. Patawad kung hindi ko na matutupad ang prom

DMCA.com Protection Status