"E, kung hindi si Andrea ang nagpakalat ng balitang 'yon ay sino ang tunay na may gawa, huh? May maituturo ba kayong ebidensiya na hindi siya 'yon? Maniniwala kami sa sinasabi n'yong dalawa pero kung wala namang ebidensiya kayo na maipapakita sa aming dalawa ay hindi namin kayo paniniwalaan kahit naging malapit tayo sa isa't isa. Ang kailangan namin ay ebidensiya na patunay na hindi si Andrea ang nagpakalat ng balitang 'yon na may relasyon kaming dalawa ng boss natin. Siya pa naman ang tinuturo ng karamihan, 'di ba? Sa tingin n'yo ba ay ganoon kadali 'yon na siya ang itinuro kung hindi totoo na siya nga ang may gawa ng bagay na 'yon, huh?!" sabi ni Ella Marie sa kanilang dalawa na magkaibigan. Lumuluha ito sa harap nila."Alam n'yo ba nasasaktan ako sa nangyaring 'yon. Nahusgahan tuloy ako ng mga kapwa natin empleyado dahil sa nalaman nila na may relasyon kaming dalawa ng boss natin. Masama bang magmahal ng taong hindi mo naman ka-level? Hindi naman, 'di ba? Ang importante sa lahat ay
Walang imik si Andrea habang nagtatrabaho silang dalawa na magkaibigan sa loob ng opisina ng department nila. Habang nagtatrabaho siya ay hindi pa rin mawala-wala sa isip niya ang nangyari na 'yon. Hindi siya makapaniwala na siya ang itinuturo sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Naisip pa niya na mas mabuti pa sigurong hindi na sila nagkausap ni Mr. Rodriguez tungkol sa relasyon nito kay Ella Marie para hindi na siya namroroblema sa isyung 'yon.Maaga silang dalawa ni Gretta lumabas kinahapunan. Dire-diretsong lumabas sila sa loob ng company building na para bang silang dalawa lang ang tao doon. Hinahayaan lang nila ang mga taong nakatingin sa kanilang dalawa lalo na kay Andrea."Saan tayo?" mahinang tanong ni Gretta kay Andrea nang tuluyang makalabas silang dalawa. Naghihintay sila ng taxi na masasakyaan. Nakangusong humarap si Andrea kay Gretta na hinihintay ang isasagot niya."Hindi ko alam. Hindi ko alam kung saan tayo pupunta. Syempre ay uuwi na sa mga bahay natin. Wala nama
Hihiga na sana si Andrea sa kanyang malambot na kama nang biglang tumunog ang cell phone niya na kaagad naman niya na kinuha. Pangalan kaagad ni Martin ang nabasa niya sa screen ng cell phone niya dahilan upang bumilis ang tibok ng puso niya. Nanlaki pa ang mga mata niya sa nakikita niya. Hindi siya makapaniwala na tatawagan siya ni Martin. Nakaramdam tuloy siya nang sobrang pagka-miss para kay Martin. "Bakit ka napatawag? May problema ba?" mahinang tanong ni Andrea kay Martin sa kabilang linya na narinig niya na nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga bago tuluyan na sumagot sa tanong niya. "Wala namang problema, Andrea. Kumusta ka pala?" sagot ni Martin sa kanya. Maging ang boses nito ay na-miss niya. Gusto niyang makita ang lalaking tinitibok ng puso niya ngunit wala namang dahilan upang magkita pa sila. Magkausap lang sila sa cell phone at wala siyang kaalam-alam kung bakit tumawag ito sa kanya. "Maayos naman ako, Martin. Bakit ka nga pala napatawag ngayon, huh? Akala
Walang sabi-sabi si Andrea sa kaibigan niya na si Gretta nang lumabas sila sa company building na pinagtatrabauhan nila kinahapunan. Hindi niya puwedeng sabihin kay Gretta na magkikita sila ngayon ni Martin dahil hindi nito pinapasabi 'yon sa kanya. Kailangan niya na sundin ang sinasabi nito sa kanya. Pinasakay niya muna ng taxi si Gretta bago siya sumakay patungo sa park kung saan sila magkikita ni Martin. She texted him that she's on the way, but she received nothing from him. Hanggang sa makababa na siya ay wala pa rin na reply ito. Iginala niya muna ang buong tingin sa park pagkababa niya sa sinakyan niya na taxi. Nagpakawala muna rin siya ng malalim na buntong-hininga at mahinang nagsalita, "Nasaan na kaya siya? Nandito na kaya siya sa park? Matawagan nga siya para malaman ko kung nandito na nga siya."Dali-dali niyang tinawagan ang numero ni Martin ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Gayumpaman ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtawag hanggang sa sinagot na nga nito ang
Pinunasan ni Martin ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ni Andrea matapos nilang maghiwalay sa pagkakayakap. Ginawaran niya ito ng matamis na ngiti. Ganoon rin naman ang ginawa ni Andrea kay Martin. Ngumiti rin siya rito."Iyon lang ba ang sasabihin mo sa akin, Martin? Iyon lang ba ang dahilan kung bakit gusto mo na magkita tayo ngayong hapon na 'to dahil sa gusto mo na humingi ng tawad sa akin, huh? Iyon lang ba 'yon, huh?" tanong pa ni Andrea sa kanya na namamaos ang boses.Martin gasped for air and said, "Hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ko gusto na magkita tayong dalawa, Andrea. May iba pa, eh. May iba pa akong sasabihin sa 'yo na importante.""Ano pa 'yon, huh? Ano pa ang ibang sasabihan mo sa akin, Martin?" tanong ni Andrea kay Martin.Muling nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Martin bago sumagot kay Andrea."'Wag kang magugulat o mabibigla sa sasabihin ko sa 'yo, Andrea. 'Wag ka ring magtataka, okay?" mahinang sagot ni Martin sa kanya. "Bakit naman?
"Naniniwala ka na ba sa mga sinasabi ko sa 'yo? Naniniwala ka na ba na mahal na rin kita, Andrea? Please answer my questions honestly. Masasaktan ako kapag hindi mo sinagot 'yon," malumanay na tanong ni Martin kay Andrea. Hawak-hawak niya ang magkabilaang pisngi nito gamit ang dalawang palad niya. Magkalapit ang mukha nila sa isa't isa. Andrea licked her lips and slowly nods her forehead in front of him."Oo. Naniniwala na ako sa sinasabi mo sa akin, Martin," mahinang sagot ni Andrea kay Martin na nakangisi pagkasabi niya. Walang maramdaman si Andrea na nagsisimulang si Martin sa kanya kaya naniwala naman na siya sa sinasabi nito sa kanya na mahal nga na siya nito at 'yon ang totoo na kailangan niyang tanggapin. "Talaga ba? Naniniwala ka na sa sinasabi ko, Andrea? Naniniwala ka na mahal na rin kita, huh?" tanong pa sa kanya ni Martin na kinukumpirma kung totoong naniniwala na siya sa sinasabi nito.Muli siyang tumango at nagsalita, "Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko, huh? Pasalam
"Gusto mo akong ligawan upang maging girlfriend mo ako? Iyon ba ang nais mo, Martin?" tanong rin ni Andrea kay Martin na mabilis naman na tumango sa harap niya. "Oo. Gusto kitang ligawan dahil gusto kita na maging girlfriend ko. So pumapayag ka na ligawan kita? Mahal naman na natin ang isa't isa, 'di ba? Wala akong nakikitang problema. Posibleng-posible na maging magkasintahan tayong dalawa," nakangising sagot ni Martin sa kanya. Hindi maiwasan na kiligin si Andrea sa harap niya. She took a deep breath before she speaks to him."Pag-iisipan ko pa, Martin," maikling sagot niya sa guwapong si Martin na napanguso sa naging sagot niya."Ano? Pag-iisipan mo pa ang sagot mo sa tanong ko na 'yon sa 'yo, Andrea?" untag ni Martin. Tumango si Andrea at umiwas ng tingin sa kanya ngunit ibinalik naman niya 'yon makaraan ang ilang segundo."Oo. Pag-iisipan ko pa muna 'yon," sabi niya."Bakit mo naman kailangan na pag-isipan pa 'yon, huh? Mahal mo naman ako, 'di ba? Mahal rin naman kita. Ano pa ba
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Andrea kay Martin matapos nilang mag-usap sa park ng mahigit isang oras. Nasa loob silang dalawa ng sasakyan nito na hindi niya malaman kung saan silang dalawa tutungo. "Saan mo ba gusto na pumunta ngayon, huh? Magsabi ka lang kung saan mo gusto na pumunta ngayong gabi dahil pupuntahan natin. 'Wag kang mahihiya, Andrea. Mahihiya ka pa ba sa lalaking katabi mo na minamahal mo?" nakangising tanong rin ni Martin sa kanya. Kapwa silang dalawa masayang magkasama. Namula tuloy ang magkabilaang pisngi ni Andrea matapos sabihin ni Martin 'yon sa kanya. Her heart starts beating faster. She let out a deep sigh and slowly opened her mouth to speak to him. "Minamahal kita ngunit hindi nangangahulugan na hindi na ako mahihiya sa 'yo. Hindi 'yon ganoon na hindi na ako puwedeng makaramdam ng hiya lalo na sa 'yo na minamahal ko. Sa totoo lang talaga ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahal mo na rin ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang pinapangarap ko na maha
Nalaman ng lahat ang nangyari kay Clarissa. Walang natuwa sa sinapit nito kahit na nga ay maraming nagalit sa kanya dahil sa ginawa niyang kasamaan. Inoperahan si Clarissa sa kanyang ulo at pinutol ang isa niyang binti. Sa nangyaring 'yon sa kanya ay marami siyang na-realize sa buhay niya lalo na ang mga kasalanan niyang nagawa sa mga taong sinaktan niya. Pinatawad naman na siya nina Andrea, Gretta at Ella Marie sa mga kasalanan niya kahit hindi siya humingi ng tawad dito. Pinakilala na rin ni Martin si Andrea sa mga magulang niya na hindi makapaniwala sa nalaman nila na si Andrea lang pala ang babaeng minamahal ng kanilang anak. Kilalang-kilala na nila si Andrea kaya naman natuwa sila nang malaman na siya pala ang babaeng napupusuan ng anak nila. Tanggap na tanggap nila si Andrea sa pamilya nila at para na rin sa anak nila na si Martin. Sinabi nila na nagdadalang-tao na si Andrea at magkakaroon na sila ng apo. Labis ang tuwang nararamdaman nito."Kailan n'yo balak na magpakasal na da
Nagbihis muna silang dalawa ni Martin sa loob ng kuwarto niya bago bumaba para kumain ng dinner. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Martin nang bumaba sila mula sa kuwarto niya patungo sa dining room. Nagkatinginan lang ang mag-asawa na sina Merla at Roberto sa nakikita nila. Mukhang may good news na sasabihin ang dalawa sa kanila. Iyon ang nasa isipi nilang mag-asawa habang pinagmamasdan ang dalawang kababa pa lang mula sa taas.Bago umupo ang dalawa sa upuan para kumain ay sinabi na nga nila ang magandang balita na 'yon sa mga magulang ni Andrea. Inanunsiyo na nilang dalawa na magkasintahan na sila. Tuwang-tuwa naman ang dalawang mag-asawa sa nalaman nila na 'yon mula sa kanila. "Masayang-masaya kami para sa inyong dalawa. Wala kaming ibang nasabi kundi ang maging maligaya kayo sa isa't isa. Magmahalan kayo na para bang wala nang bukas pa," nakangising wika ni Merla sa kanilang dalawa na magkasintahan na. Nandoon sa dining room ang mga kapatid ni Andrea kaya narinig nila ang good ne
Pinuntahan ni Martin si Andrea sa bahay nito. Hindi sana siya papasukin ni Andrea sa bahay nito ngunit dahil sa pakiusap ng mga magulang niya ay pinapasok na niya ito sa bahay nila. Nagpaliwanag si Martin sa mga magulang ni Andrea kung bakit nagkakaganoon ang anak nila."Nagseselos lang 'yang anak namin na si Andrea kaya nagkakaganyan 'yan," sabi ni Merla kay Martin pagkapasok nito sa loob ng bahay.Tumango naman si Martin sa ina ni Andrea at ngumiti bago nagsalita. "Oo nga po, eh. Wala naman po siyang kailangan na ipagselosan o ikagalit. Siya lang naman ang mahal ko po. Hindi ko na po mahal ang babaeng nakita niya kanina na kayakap ko, eh. Siya na po ang mahal ko ngayon at wala nang iba pa. Alam n'yo naman po 'yan, 'di ba po? Akala niya po siguro ay niloloko ko siya. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Hinding-hindi ko gagawin 'yon kailan pa man sa babaeng mahal ko. She's the only one for me," sagot naman ni Martin sa harap ng mga magulang ni Andrea. Ngumiti naman ito sa kanya a
Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin umuusad ang mahabang pila ng mga sasakyan sa kalsada. Traffic na naman. Naipit sa mahabang traffic si Andrea patungo sa restaurant na kakainan nila ng dinner ni Martin. Napapamura na lang sa inis si Andrea. Naiinip na siya. Tinatawagan niya rin si Martin ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto lang niya na sabihin dito na naipit siya sa mahabang traffic ngayong gabi. Siguradong-sigurado siya na nandoon na sa restaurant na 'yon si Martin at naghihintay na ito sa kanya. Hindi na siya mapakali."Manong, ano po ba'ng nangyayari at parang hindi umuusad ang mga sasakyan?" tanong ni Andrea sa taxi driver na nasakyan niya. "Ma'am, pasensiya na po kung hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan na nasa unahan natin dahil may bangaan po kasi doon sa unahan natin," sagot ng taxi driver sa kanya. Napatango na lang siya at napabuntong-hininga nang marinig niya ang sinabi na 'yon ng taxi driver. Hindi naman nagreklamo pa si Andrea
Inihatid muna ni Martin si Andrea sa kompanyang pinagtatrabauhan nito bago siya tumungo sa mansion nila kinabukasan. Pinapapunta siya ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit. Pumasok kaagad siya sa mansion nila. Naghihintay na ito sa loob sa kanya. Bumeso muna siya sa mga magulang niya. Umupo siya sa harap nito."May importante po ba kayong sasabihin sa akin ngayong umaga na 'to?" tanong niya sa mga magulang niya na nagkatinginan muna bago nagsalita ang isa sa kanila. Sabay na tumango ito sa kanya."Oo. May importante kaming sasabihin ng daddy mo ngayon kaya ka namin pinapunta dito sa mansion natin," malumanay na sagot ni Aurora na mommy niya sa kanya."Ano po 'yon na sasabihin n'yo sa akin na importante?" mabilis naman na tanong niya. Sinenyasan ni Antonio ang asawa niya na si Aurora na sabihin na nito ang sasabihin nila. Huwag na nilang patagalin pa 'yon. "Ikatutuwa mo siguro ang sasabihin namin na 'to, Martin. Siguradong-sigurado kami ng daddy mo," sabi nito sa kanya na h
"Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin kanina," sabi ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Ilang minuto na rin silang magkausap. Martin wasn't surprised as he heard that from her. He's expecting that he would confess his feelings for her. Wala naman siyang takot sa ginawang 'yon ng best friend niya. Alam niya naman na sa kanya lang si Andrea at kailanma'y hindi ito makukuha kahit sino pa man 'yan."I'm expecting for that he would confess his feelings for you, honey. Wala namang problema 'yon sa akin dahil alam ko na sa akin at isa pa ay best friend ko siya at hindi niya gagawin na agawin ka sa akin. Kahit naman agawin ka niya sa akin ay hindi naman niya makukuha ang puso mo because it's mine already," sabi ni Martin sa kanya sa kabilang linya. Kampanteng-kampante ito na hindi mawawala sa kanya si Andrea dahil mahal siya nito at mahal niya rin ito. Kahit sabihin na hindi pa naman sila magkasintahan na dalawa ay panatag ang loob niya na hindi mapupunta sa iba ang babaeng minam
Andrea shared to her friend Gretta about what really happened last night. Masayang-masaya ito na kinukuwento ang lahat ng mga nangyari kagabi sa kaibigan niya kinikilig rin kagaya niya. "Akala ko pa naman ay sasagutin mo na siya kagabi. 'Yung ginawa niya kagabi ay para bang magkasintahan na kayong dalawa. Napaka-romantic sa totoo lang. Kahit hindi ko nakikita ang nangyari sa inyo kagabi ay masasabi ko na punong-puno ng pag-ibig ang gabing 'yon sa inyong dalawa ni Martin. Sinagot mo na dapat siya," masayang wika ni Gretta kay Andrea."Hindi ko pa naman siya sasagutin kagabi, eh. May tamang panahon para d'yan, Gretta. 'Wag muna tayong magmadali, okay?" sagot ni Andrea sa kaibigan niya. Tumango-tango si Gretta pagkarinig ng sinabi niya. "E, kayong dalawa ng boyfriend mo? Kumusta ang dinner n'yo kagabi?""Okay naman ang naging gabi namin ng boyfriend ko. We had sex last night, Andrea. Naka-ilang rounds nga kami. E, kayo did you have sex last night?" nakangising sagot ni Gretta kay Andre
"Para sigurado ako sa gabing 'to ay nakiusap ako sa kanila na ipaghanda ako nila ng mga dresses na babagay sa 'yo para kapag nagreklamo ka o gusto mo na magpalit ng damit ay hindi imposible 'yon, honey. Dahil gusto mo na magpalit ng isusuot mo na damit ay sasama ka sa kanila ngayon sa dressing room na nandito sa loob. They'll assist you there. Aayusan ka nila para magmukha kang mas maganda sa gabing 'to. Tutulungan ka rin nila na mamili ng dress na gusto mong isuot. Sumama ka na muna sa kanila. Maghihintay lang ako sa 'yo. Maghihintay ako sa prinsesa ko. Kahit ano'ng gusto mo ay sabihin mo lang sa kanila. Wala kang dapat na ipag-alala pa, honey. Bayad ko ang lahat. Gumastos lang naman ako ng mahigit isang milyon sa gabing 'to kaya wala kang dapat na ipag-alala. Do you understand me, honey?" paliwanag ni Martin sa kanya. Hindi nakapagsalita si Andrea sa sinabing 'yon ni Martin sa kanya lalo na nang sabihin nito na gumastos lang naman siya ng mahigit isang milyon sa gabing 'to."Nilalan
Nalaman na ni Gretta kung bakit pinatawag si Andrea dahil sinabi 'yon nito pagkarating sa department nila. Tahimik lang silang dalawa na nag-uusap doon habang nagtatrabaho. Sinabi rin niya na may dinner date sila mamayang gabi ni Martin."So iniingit mo na ako ngayon na may dinner date kayong dalawa ni Martin?" wika ni Gretta sa kanya. Nagbibiro lang naman siya sa kaibigan niya. Napakagat labi tuloy si Andrea."Of course not. Hindi kita iniingit, 'no? Maiinggit ka pa ba n'yan sa amin, eh, may boyfriend ka naman, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kanya. "Hindi naman kainggit-inggit ang gagawin namin na dinner date, eh. Kayo ang nakakainggit n'yan ng boyfriend mo at hindi kami." Tumawa tuloy si Gretta sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Nagbibiro lang naman ako, eh. May date rin kaming dalawa ng boyfriend ko mamaya. Hindi ka lang ang may date mamaya. Meron din ako, 'no?" nakangising sagot ni Gretta sa kanya. Tumawa lang si Andrea sa kanya."Baka bukas n'yan ay malaman ko na sinagot mo na siya. Ma