Hihiga na sana si Andrea sa kanyang malambot na kama nang biglang tumunog ang cell phone niya na kaagad naman niya na kinuha. Pangalan kaagad ni Martin ang nabasa niya sa screen ng cell phone niya dahilan upang bumilis ang tibok ng puso niya. Nanlaki pa ang mga mata niya sa nakikita niya. Hindi siya makapaniwala na tatawagan siya ni Martin. Nakaramdam tuloy siya nang sobrang pagka-miss para kay Martin. "Bakit ka napatawag? May problema ba?" mahinang tanong ni Andrea kay Martin sa kabilang linya na narinig niya na nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga bago tuluyan na sumagot sa tanong niya. "Wala namang problema, Andrea. Kumusta ka pala?" sagot ni Martin sa kanya. Maging ang boses nito ay na-miss niya. Gusto niyang makita ang lalaking tinitibok ng puso niya ngunit wala namang dahilan upang magkita pa sila. Magkausap lang sila sa cell phone at wala siyang kaalam-alam kung bakit tumawag ito sa kanya. "Maayos naman ako, Martin. Bakit ka nga pala napatawag ngayon, huh? Akala
Walang sabi-sabi si Andrea sa kaibigan niya na si Gretta nang lumabas sila sa company building na pinagtatrabauhan nila kinahapunan. Hindi niya puwedeng sabihin kay Gretta na magkikita sila ngayon ni Martin dahil hindi nito pinapasabi 'yon sa kanya. Kailangan niya na sundin ang sinasabi nito sa kanya. Pinasakay niya muna ng taxi si Gretta bago siya sumakay patungo sa park kung saan sila magkikita ni Martin. She texted him that she's on the way, but she received nothing from him. Hanggang sa makababa na siya ay wala pa rin na reply ito. Iginala niya muna ang buong tingin sa park pagkababa niya sa sinakyan niya na taxi. Nagpakawala muna rin siya ng malalim na buntong-hininga at mahinang nagsalita, "Nasaan na kaya siya? Nandito na kaya siya sa park? Matawagan nga siya para malaman ko kung nandito na nga siya."Dali-dali niyang tinawagan ang numero ni Martin ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Gayumpaman ay hindi pa rin siya tumigil sa pagtawag hanggang sa sinagot na nga nito ang
Pinunasan ni Martin ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata ni Andrea matapos nilang maghiwalay sa pagkakayakap. Ginawaran niya ito ng matamis na ngiti. Ganoon rin naman ang ginawa ni Andrea kay Martin. Ngumiti rin siya rito."Iyon lang ba ang sasabihin mo sa akin, Martin? Iyon lang ba ang dahilan kung bakit gusto mo na magkita tayo ngayong hapon na 'to dahil sa gusto mo na humingi ng tawad sa akin, huh? Iyon lang ba 'yon, huh?" tanong pa ni Andrea sa kanya na namamaos ang boses.Martin gasped for air and said, "Hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit ko gusto na magkita tayong dalawa, Andrea. May iba pa, eh. May iba pa akong sasabihin sa 'yo na importante.""Ano pa 'yon, huh? Ano pa ang ibang sasabihan mo sa akin, Martin?" tanong ni Andrea kay Martin.Muling nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Martin bago sumagot kay Andrea."'Wag kang magugulat o mabibigla sa sasabihin ko sa 'yo, Andrea. 'Wag ka ring magtataka, okay?" mahinang sagot ni Martin sa kanya. "Bakit naman?
"Naniniwala ka na ba sa mga sinasabi ko sa 'yo? Naniniwala ka na ba na mahal na rin kita, Andrea? Please answer my questions honestly. Masasaktan ako kapag hindi mo sinagot 'yon," malumanay na tanong ni Martin kay Andrea. Hawak-hawak niya ang magkabilaang pisngi nito gamit ang dalawang palad niya. Magkalapit ang mukha nila sa isa't isa. Andrea licked her lips and slowly nods her forehead in front of him."Oo. Naniniwala na ako sa sinasabi mo sa akin, Martin," mahinang sagot ni Andrea kay Martin na nakangisi pagkasabi niya. Walang maramdaman si Andrea na nagsisimulang si Martin sa kanya kaya naniwala naman na siya sa sinasabi nito sa kanya na mahal nga na siya nito at 'yon ang totoo na kailangan niyang tanggapin. "Talaga ba? Naniniwala ka na sa sinasabi ko, Andrea? Naniniwala ka na mahal na rin kita, huh?" tanong pa sa kanya ni Martin na kinukumpirma kung totoong naniniwala na siya sa sinasabi nito.Muli siyang tumango at nagsalita, "Hindi ka ba naniniwala sa sinasabi ko, huh? Pasalam
"Gusto mo akong ligawan upang maging girlfriend mo ako? Iyon ba ang nais mo, Martin?" tanong rin ni Andrea kay Martin na mabilis naman na tumango sa harap niya. "Oo. Gusto kitang ligawan dahil gusto kita na maging girlfriend ko. So pumapayag ka na ligawan kita? Mahal naman na natin ang isa't isa, 'di ba? Wala akong nakikitang problema. Posibleng-posible na maging magkasintahan tayong dalawa," nakangising sagot ni Martin sa kanya. Hindi maiwasan na kiligin si Andrea sa harap niya. She took a deep breath before she speaks to him."Pag-iisipan ko pa, Martin," maikling sagot niya sa guwapong si Martin na napanguso sa naging sagot niya."Ano? Pag-iisipan mo pa ang sagot mo sa tanong ko na 'yon sa 'yo, Andrea?" untag ni Martin. Tumango si Andrea at umiwas ng tingin sa kanya ngunit ibinalik naman niya 'yon makaraan ang ilang segundo."Oo. Pag-iisipan ko pa muna 'yon," sabi niya."Bakit mo naman kailangan na pag-isipan pa 'yon, huh? Mahal mo naman ako, 'di ba? Mahal rin naman kita. Ano pa ba
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Andrea kay Martin matapos nilang mag-usap sa park ng mahigit isang oras. Nasa loob silang dalawa ng sasakyan nito na hindi niya malaman kung saan silang dalawa tutungo. "Saan mo ba gusto na pumunta ngayon, huh? Magsabi ka lang kung saan mo gusto na pumunta ngayong gabi dahil pupuntahan natin. 'Wag kang mahihiya, Andrea. Mahihiya ka pa ba sa lalaking katabi mo na minamahal mo?" nakangising tanong rin ni Martin sa kanya. Kapwa silang dalawa masayang magkasama. Namula tuloy ang magkabilaang pisngi ni Andrea matapos sabihin ni Martin 'yon sa kanya. Her heart starts beating faster. She let out a deep sigh and slowly opened her mouth to speak to him. "Minamahal kita ngunit hindi nangangahulugan na hindi na ako mahihiya sa 'yo. Hindi 'yon ganoon na hindi na ako puwedeng makaramdam ng hiya lalo na sa 'yo na minamahal ko. Sa totoo lang talaga ay hindi pa rin ako makapaniwala na mahal mo na rin ako. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang pinapangarap ko na maha
Nakadapa si Martin habang natutulog sa malambot na kama ng hotel na chineck-in-an nilang dalawa. Si Andrea naman ay abala sa paghaplos-haplos ng malalapad na likuran ni Martin habang inaalala ang kanilang usapan kanina kung saan nagtapat ito sa kanya ng tunay na nararamdaman. Nagkapatawaran na rin silang dalawa kaya malinaw na sa kanila ang mga nangyari na 'yon ay kailangan na nilang kalimutan dahil tapos na 'yon. Matapos nilang mag-sex na dalawa ay nakatulog si Martin samantalang si Andrea ay humiga lang at inalala ng mga nangyari kanina. Mahal na rin siya ni Martin. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi nito sa kanya. Mahal na nga nila ang isa't isa. Naalala pa ni Andrea ang tanong sa kanya ni Martin kung puwede ba siya nitong ligawan. Wala siyang naisagot sa tanong na 'yon dahil hindi pa siya sigurado. She wasn't yet ready for that. Natutuwa siya na marinig 'yon kay Martin ngunit natatakot siya. Natatakot siya na baka kapag pumayag siya ay hindi niya kayanin ang buhay na m
Papalabas na sana si Gretta mula sa restroom nang makarinig siya ng dalawang babae na nagtatalo papasok doon. Pamilyar sa kanya ang boses na naririnig niya. Siguradong-sigurado siya na sina Ella Marie at Clarissa 'yon. Makakasalubong niya ito papalabas kaya ang ginawa niya ay bumalik siya sa cubicle na nasa dulo at sinara 'yon. Narinig ni Gretta na pabagsak na sinara ang pinto ng restroom na 'yon. Ikinalma niya ang sarili niya at tumahimik sa loob ng cubicle na 'yon."I couldn't believe that you would do this to me, Clarissa. Akala ko ba ay magkaibigan tayo?! Bakit mo nagawa 'to, huh?!" humihikbing singhal ni Ella Marie kay Clarissa na matalim na nakatingin sa kanya. "Wala akong ginagawang masama sa 'yo, Ella Marie!" tugon ni Clarissa kay Ella Marie. "Will you please keep your mouth shut?!" "Ano'ng wala kang ginagawang masama?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa akin ngayon, Clarissa?! Sa tingin mo ba ay tama ang ginagawa mo, huh?! May girlfriend na 'yung tayo tapos ganoon ang ginag