Allyson's Point of View
Napabuntong hininga ako sa pagiging desperada niya. Sa buong buhay ko ay sa kaniya lang yata sumakit ng husto ang ulo ko. Kahit na anong sabihin ko ay hindi talaga niya maintindihan na para rin naman sa kaniya ang ginagawa ko. Kilala ko si Travis at kahit na kapatid niya sa papel si Yuri ay hindi niya ito palalampasin kapag napuno na siya dito. Gusto ko lang iligtas ang batang 'to sa hinuhukay niyang problema.
"Ano naman ngayon kung magawa mo nga akong gayahin? Kahit na ano pa ang matutunan mo, hindi ka pa rin niya magugustuhan." diretsong saad ko at natahimik siya kaagad. Sa tingin ko ay nasaktan ko yata kaagad ang damdamin niya.
"Kahit na ano pa ang gawin mong pagpapapansin sa kaniya, hindi pa rin 'yan mababago ang katotohanang hindi ka talaga niya pipiliin laban sa 'kin." nakangiti kong pang-aasar sa kaniya.
Ik
Allyson's Point of ViewSabay kaming bumalik ni Travis sa aking opisina. Tinapos ko na rin ang niluto niya bago kami pumunta sa opisina ko. Dala-dala ko ngayon ang mga folder na kailangan naming matapos para bukas."Attention!" sigaw ko at lahat sila ay napatingin sa akin. Masyadong pagod ang mga mata nila pero wala akong narinig na reklamo mula sa kanila. Lahat sila ay ganadong magtrabaho sa hindi mo maipaliwanag na dahilan.Kaagad kong hinanap si Zia at naabutan ko itong nagsusulat. Hindi ito nakatingin sa akin at masyadong nakatuon ang atensiyon niya sa kaniyang nakaatas na trabaho."Ang live streaming ay magsisimula sa hapon. Let's all work hard for it." anunsiyo ko sa kanilang lahat. Alam kong nagulat sila dahil ang usapan ay gabi pa ang live streaming, pero wala akong magagawa dahil kailangan naming maunahan ang Velasco Eclipse upa
Allyson's Point of ViewNakangiti ako habang tinatahak ang daan papunta sa aking opisina. Pagkatapos kasi ng live selling ay naisipan namin ni Zia na kumain muna sa baba dahil hindi ko na talaga kaya ang gutom ko kahit marami naman akong kinain kagabi."Everyone!" panimula ko upanh tawagin ang kanilang atensiyon. Lahat naman sila ay napatingin sa akin."Gusto ko lang iparating sa inyo ang isang magandang balita na natanggap ko!" anunsiyo ko sa kanila at lahat sila ay nagpalakpakan."Tumawag sa 'kin ang Jewel upang batiin tayo sa nakuha nating sales. Doble ang nakuha nating sales kumpara sa inaasahan natin!" masiglang pahayag ko at mas lalong lumakas ang kanilang palakpakan. May iba pa ngang naiiyak dahil hindi sila makapaniwalang nagawa namin ng maayos ang trabaho namin kahit maraming problema ang bigla na lang dumating.
Allyson's Point of ViewAkmang tatayo na si Zia nang pigilan ko ito. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman siya upang ipakita sa kaniya na ayos lang ang lahat. Tahimik naman siyang sumunod sa akin."Hindi ko naman sinabing makukulong siya kaagad. Sasama lang siya sa pag-iimbestiga upang makita natin kung may kinalaman ba siya o wala." saad ni Travis pero umiling ako.Kung hindi ko lang kilala ang ugali ni Travis ay papayag akong sumama si Zia sa kaniya, pero alam kong hindi basta-bastang gagawa ng ganitong eksena si Travis kung mapapahiya lang siya sa huli."Hindi ako papayag na kunin mo si Zia. Sigurado ako na malinis ang konsensya niya!" seryoso kong saad kay Travis. Rinig na rinig ko ang pag-uusap ng mga taong nakatingin sa amin pero wala akong pake. Mas ayos lang sa 'kin na mapahiya sa kanilang lahat keysa ilagay k
Zia's Point of ViewTulala lang si Allyson habang yakap ko siya. Mas lalo tuloy akomg kinakabahan at nakokonsensya dahil sa pagiging tahimik niya. Wala rin naman kasi akong ginagawang masama sa kompanya. Ewan ko ba kay Travis kung anong nahanap niya at talagang nasama pa ang pangalan ko."Ally, magsalita ka naman. Ako ang kinakabahan sa ginagawa mo." puna ko sa pagiging tahimik nito. Tipid siyang ngumiti sa akin na tila pagod siya sa mga nangyayari sa paligid niya.Maiintindihan ko naman kung hindi ako pipiliin ni Allyson. Kaya ko namang ipaglaban ang sarili ko sa hindi makatotohanang paratang para sa 'kin, ang kaso lang ag talagang ipinaglaban niya ang paniniwala niya kaya nagalit si Travis. Hindi ko naman pwedeng kausapin si Travis ngayon dahil paniguradong galit pa siya sa akin."Huwag ka ngang mag-alala sa 'kin. Sinisiguro ko lang na hindi kayo magagalaw ni Travis hangga't nandito ako sa loob ng kompanya." nakangiting saad niya na tila ayos lang sa kaniya ang nangyari.Diretso ang
Allyson's Point of ViewNagulat pa si Shiloah nang makita akong papasok sa opisina ni Travis pero nagawa niya pang bumati sa akin. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi na siya nabati ng pabalik. Diretso lang ang lakad ko hanggang sa makapasok ako sa opisina ni Travis. Kaagad naman siyang nag-angat ng tingin sa akin na tila naiirita sa aking ginawa."Hindi ka ba marunong kumatok? Hindi 'to katulad ng bahay natin na bigla ka na lang papasok. Marunong ka namang rumespeto sa boss mo." puna niya sa ginawa ko.Wala na akong pake kung masabihan akong walang respeto. Ang importante sa 'kin ay hindi ako mawala sa posisyon na meron ako ngayon."Wala akong pake sa respetong 'yan kung wala ka namang karapatang makatanggap ng respeto." sagot ko sa kaniya. Ibinaba niya ang dalang ipad at tiningna ako mula ulo hanggang paa na tila nagtataka siya sa inasal
Allyson's Point of ViewPagbalik ko sa aking opisina ay kaagad ko silang naabutang nakatayo lahat. Kaagad silang napatingin sa akin nang makita nila akong papasok."Miss Flare!""Ate!""Ally!"Nag-aalala ang mga mukha nila. Para naman akong sumabak sa gyera dahil sa mga tingin nila."Kumalma lang kayo. Para namang nanganganib ang buhay ko sa mga titig niyo." nakangiting biro ko pero wala kahit isa sa kanila ang ngumiti sa biro ko."Nag-aalala po kami ng sobra sa 'yo. Ang akala namin ay hindi ka na babalik dito at aalis ka na lang po na walang paalam." malungkot na saad ni Sofia habang pinapatahan siya ni Ryan. Paano ko naman iiwan ang mga kasamahan ko kung halos mawalan na ng boses si Sofia habang umiiyak.
Allyson's Point of ViewKasalukuyan kaming na sa isang pribadong hall para sa grand opening ng brand na SWEET. Naisip ko lang ang brand dahil gusto kong maranasan ulit ang matamis na buhay. Hindi ko nga inaasahan na magiging successful ang event na 'to ngayon dahil si Zia lang ang pinabayaan ko sa venue at sa mga ilalagay dito. Tumulong lang ako last minute bago ang event."Pinapatawag ka na." saad ni Zia kaya sabay kaming lumabas upang salubongin ang mga tao. Kasama ko ngayon ang buong staff ng SWEET at iilang kilalang media upang kahit papaano ay makilala ang brand na 'to. Mabuti na lang at ginamit ni Zia ang kaniyang mga koneksiyon."I would like to thank everyone for coming! Masaya ako dahil marami ang interesado sa brand ko. Hindi lang ito panibagong milestone ng buhay ko, kung hindi sa lahat ng staff members na kasama ko sa pagbuo ng pangarap na 'to."
Allyson's Point of ViewAng inaakala kong lunch meeting ay biglang umabot ng gabi. Marami kasing ipinaliwanag si Austin tungkol sa gusto niyang collaboration kasama na rin ang mga benefits na makukuha ng bawat empleyado. Gumawa sana ako ng paraan upang matapos kaagad ang meeting, ang kaso lang ay bigla naman siyang tinawagan ng mga miyembro ng Eco Friendly International Organization (EFIO) upang ipaalala ang nalalapit na conference. Sinabihan ko na siya na lumayo muna upang magkaroon sila ng privacy, ang kaso lang ay hindi siya pumayag. Habang nag-uusap sila at kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang paghingi ni Austin ng konting oras dahil hindi pa siya nakakahanap ng designer. Muntik na nga sanang mawala sa kaniya ang project dahil natatakot ang mga miyembro ng EFIO na baka walang mahanap na designer si Austin.Dahil sa konsensya ko ay napa-oo ako sa kaniya ng wala sa oras at kinailangan pa naming
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan