Allyson's Point of View
Kasalukuyan kaming na sa isang pribadong hall para sa grand opening ng brand na SWEET. Naisip ko lang ang brand dahil gusto kong maranasan ulit ang matamis na buhay. Hindi ko nga inaasahan na magiging successful ang event na 'to ngayon dahil si Zia lang ang pinabayaan ko sa venue at sa mga ilalagay dito. Tumulong lang ako last minute bago ang event.
"Pinapatawag ka na." saad ni Zia kaya sabay kaming lumabas upang salubongin ang mga tao. Kasama ko ngayon ang buong staff ng SWEET at iilang kilalang media upang kahit papaano ay makilala ang brand na 'to. Mabuti na lang at ginamit ni Zia ang kaniyang mga koneksiyon.
"I would like to thank everyone for coming! Masaya ako dahil marami ang interesado sa brand ko. Hindi lang ito panibagong milestone ng buhay ko, kung hindi sa lahat ng staff members na kasama ko sa pagbuo ng pangarap na 'to."
Allyson's Point of ViewAng inaakala kong lunch meeting ay biglang umabot ng gabi. Marami kasing ipinaliwanag si Austin tungkol sa gusto niyang collaboration kasama na rin ang mga benefits na makukuha ng bawat empleyado. Gumawa sana ako ng paraan upang matapos kaagad ang meeting, ang kaso lang ay bigla naman siyang tinawagan ng mga miyembro ng Eco Friendly International Organization (EFIO) upang ipaalala ang nalalapit na conference. Sinabihan ko na siya na lumayo muna upang magkaroon sila ng privacy, ang kaso lang ay hindi siya pumayag. Habang nag-uusap sila at kumakain ako ay hindi ko maiwasang hindi marinig ang paghingi ni Austin ng konting oras dahil hindi pa siya nakakahanap ng designer. Muntik na nga sanang mawala sa kaniya ang project dahil natatakot ang mga miyembro ng EFIO na baka walang mahanap na designer si Austin.Dahil sa konsensya ko ay napa-oo ako sa kaniya ng wala sa oras at kinailangan pa naming
Allyson's Point of ViewSabay kaming napalingon sa pinto ng opisina ni Austin dahil sa biglaang pagbukas nito. Nakangiting lumabas si Austin at kaagad na naglakad papunta sa amin."Kumain ka na ba ng breakfast?" nakangiting tanong nito sa akin kaya medyo napatulala ako. Sa lahat ng tanong na inaasahan ko ay hindi ko inaasahan ang tanong niya. Masyado naman yatang nasobrahan sa pagiging friendly niya sa akin.Sinubukan kong umiling sa kaniya upang malaman ko kung ano ang gagawin niya. Ipinakita niya naman ang itinatago niya sa kaniyang likod."Inaasahan ko na ang sagot mo kaya nagdala ako ng coffee at pagkain para sa breakfast mo." nakangiting saad niya kaya ngumiti na lang din ako. Nakatingin pa naman sa 'kin ang ibang empleyado at baka isipin nila na suplada ako kapag hindi ako naging mabait sa boss nila.
Allyson's Point of ViewLahat kami ay napatingin kay Austin dahil sa biglaan nitong pagpasok sa meeting. Lahat sila ay tumayo upang batiin ito pero nanatili lamang akong nakaupo at nakatingin sa kaniya. Hindi ko naman alam na kailangan palang bumati ng nakatayo sa kaniya sa gitna ng meeting."Please sit down." saad ni Austin at pagkatapos ay tumingin sa akin.Masama na rin ang kutob ko sa pagpunta niya ngayon dito. May dala siyang paper bag sa kamay niya at hindi ko alam kung ang laman nito."Hindi pa tapos ang meeting namin." diretso kong saad sa kaniya dahil talagang hindi ko gusto ang ginawa niyang pagpasok.Nasanay ako sa meeting namin sa Soul Empire na dapat pormal at nakatuon lamang sa meeting ang isipan. Hindi katulad nito na biglang papasok ang boss na tila naglalaro lamang siya.Imbes na
Travis Point of ViewMedyo mainit ang ulo ko dahil wala sa tabi ko ang aking mag-ina. Nasanay lang kasi ako na palagi sila ang nakikita ko sa tuwing umaga.Naisipan kong tingnan muna ang mga post ni Allyson dahil baka may update ako sa kanila. Imbes na post ni Allyson ang makita ko ay post ni Austin ang nauna sa aking facebook. Kaagad kong pinindot ang post nito dahil medyo pamilyar sa akin ang tao na nasa picture niya.Awtomatikong tumaas ang aking dugo nang makita ang asawa ko. Natutulog ito sa sofa habang may kumot sa kaniyang katawan. Hindi naman ako nag-iisip ng masama tungkol kay Allyson dahil alam ko naman na hindi niya ako lolokohin. Wala lang talaga akong tiwala kay Austin dahil kitang-kita ng mga mata ko na may nararamdaman siya sa asawa ko."Anong nangyari sa mukha mo? Mukha ka naman yatang pinagbagsakan ng langit at lupa."
Austin's Point of ViewKasalukuyan akong nakahiga sa aking higaan. Plano ko sanang imbitahan ng dinner si Allyson kanina, kaso lang wala na akong naabutan na Allyson sa kaniyang opisina. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil ang akala ko ay masakit pa ang tiyan niya kaya umalis kaagad ito, pero talagang wala sa isip niya ang kumain kasama ako sa labas.Katatapos ko lang siyang tawagan, pero bigla namang naputol ang linya kaya hindi ko masyadong gets ang sinabi niya na bukas. Sinubukan ko naman siyang tawagan pero hindi ko na makontak ang kanitang numero. Siguro ay nakatulog na rin siya kaya hindi ko na lang itinuloy ang plano kong puntahan siya ngayon sa kaniyang bahay."Sigurado ka ba talaga na hindi ka pa nahuhulog sa babaeng yun?"Napalingon ako sa pinto dahil sa pagpasok ng girlfriend ko. Naging kami lang naman ng girlfriend ko dahil kailangan k
Allyson's Point of ViewPagbukas ko ng pinto ay kaagad kong nginitian si Austin. Hindi ako sigurado kung nahalata ba niya na peke ito pero sana ay hindi. Kinakabahan pa rin ako dahil baka biglang magbago ang isip ni Travis at magpakita siga kay Austin. Sana lang talaga ay sumunod siya sa utos ko at isipin niya ang maaaring mangyari kapag nagpakita siya dito."Good morning, Allyson! Anong problema sa loob?" nakangiting tanong nito at pilit na tinitingnan ang loob.Binuksan ko ng malaki ang bahay ko upang makita niya na wala namang problema sa loob. Baka kasi isipin niya na may tinatago ako."Pasensya ka na kung hindi kita kaagad nabuksan. Kagagaling ko lang kasi sa Cr." pagpapalusot ko dito at sa tingin ko ay naniwala naman siya dahil nakangiti itong tumango sa akin."Ayos lang naman sa 'kin. Nag-aalala lang a
Allyson's Point of ViewTahimik lang kaming kumakain ng agahan ni Austin. Hindi na sana siya kakain, pero hindi ko naman kayang ubusin lahat at napansin ko rin na panay ang tingin niya sa pagkain kaya pinasabay ko na sa akin. Marami rin kaming mga napag-usapan katulad nang mga plano niya para sa kompanya.Katatapos ko lang kumain ng lasagna kaya nililigpit ko ito ngayon. Hindi ko inaakalang masasarapan ako sa mga pagkain na dala niya. Itatanong ko na lang mamaya sa kaniya kung saan niya nabili ang lahat ng 'to upang sa susunod ay ako na lang ang bumili para sa aking agahan. Nakakahiya naman masyado kung aasa pa ako sa libre niya at alam ko na hindi magtatagal ay may makakakita sa lahat ng ginagawa niya dito."Naalala mo ba kung sino ang nagsabi na hindi siya kakain dahil kailangan niya ng pumunta sa trabaho dahil hindi niya gustong maunahan ng mga kasama niya?" biglang tanon
Chad's Point of ViewMasyadong masaya ang araw ko para hindi gumising ng maaga. Sinabihan kasi ako ni Zia kagabi na sa ayos lang sa kaniya kung sa bahay niya ako matutulog. Pumayag naman ako kaagad dahil minsan lang din naman ako makabisita sa kaniya. Gusto ko na rin siyang makita dahil medyo matagal na rin magmula noong umalis sila dito ni Allyson. Hindi naman pwedeng bisitahin ko siya sa Velasco Eclipse dahil baka makalikha pa kami ng problema sa plano ng dalawa. Masyado pa namang malaki ang sakripisyon ng mag-asawa at nakakahiya kung dahil lang sa aming dalawa ni Zia ay masisira ito.Nakangiti akong pumasok sa opisina ni Travis. Inaasahan ko na masama na naman ang araw niya dahil hindi ko naman sila nakikita ni Allyson na magkasama o 'di kaya ay mag-kausap sa telepono. Pagpasok ko ay kaagad akong nagulat sa aking nakita. Nakangiti ito na tila may naiisip siyang magandang ideya."B
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan