Allyson's Point of View
Tahimik lang kaming kumakain ng agahan ni Austin. Hindi na sana siya kakain, pero hindi ko naman kayang ubusin lahat at napansin ko rin na panay ang tingin niya sa pagkain kaya pinasabay ko na sa akin. Marami rin kaming mga napag-usapan katulad nang mga plano niya para sa kompanya.
Katatapos ko lang kumain ng lasagna kaya nililigpit ko ito ngayon. Hindi ko inaakalang masasarapan ako sa mga pagkain na dala niya. Itatanong ko na lang mamaya sa kaniya kung saan niya nabili ang lahat ng 'to upang sa susunod ay ako na lang ang bumili para sa aking agahan. Nakakahiya naman masyado kung aasa pa ako sa libre niya at alam ko na hindi magtatagal ay may makakakita sa lahat ng ginagawa niya dito.
"Naalala mo ba kung sino ang nagsabi na hindi siya kakain dahil kailangan niya ng pumunta sa trabaho dahil hindi niya gustong maunahan ng mga kasama niya?" biglang tanon
Chad's Point of ViewMasyadong masaya ang araw ko para hindi gumising ng maaga. Sinabihan kasi ako ni Zia kagabi na sa ayos lang sa kaniya kung sa bahay niya ako matutulog. Pumayag naman ako kaagad dahil minsan lang din naman ako makabisita sa kaniya. Gusto ko na rin siyang makita dahil medyo matagal na rin magmula noong umalis sila dito ni Allyson. Hindi naman pwedeng bisitahin ko siya sa Velasco Eclipse dahil baka makalikha pa kami ng problema sa plano ng dalawa. Masyado pa namang malaki ang sakripisyon ng mag-asawa at nakakahiya kung dahil lang sa aming dalawa ni Zia ay masisira ito.Nakangiti akong pumasok sa opisina ni Travis. Inaasahan ko na masama na naman ang araw niya dahil hindi ko naman sila nakikita ni Allyson na magkasama o 'di kaya ay mag-kausap sa telepono. Pagpasok ko ay kaagad akong nagulat sa aking nakita. Nakangiti ito na tila may naiisip siyang magandang ideya."B
Allyson's Point of ViewSabay kaming pumunta ni Zia sa Kudo restaurant. Nag-presenta sana si Austin na isasama ako papunta sa destinasyon namin pero tumanggi ako. Mas lalong lalakas ang tsismis tungkol sa amin. Kasalukuyan kaming naglalakad ni Zia sa likod ni Austin."Bakit iba yata ang pakiramdam ko sa dinner na 'to? Parang may mali." nakangising tanong ni Zia at hindi ko talaga alam kung ano ang ibig niyang sabihin."Tumabi ka kay Austin dahil paniguradong hindi 'yan matatahimik kapag nalayo ka sa kaniya." dagdag pa nito at nagdadalawang-isip naman akong tumango sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay may binabalak siya na hindi ko alam.Tulad nga nang napag-usapan namin ni Zia ay tumabi ako kay Austin. Kaagaf naman akong ipinaghila ng upuan nito. Hindi ako sigurado kung may usapan ba ang dalawang 'to dahil hindi naman sila malapit sa isa't-
Allyson's Point of ViewNapapaisip na lang ako kung bakit ako sumama dito. Sana pala ay nanatili na lang ako sa bahay at natulog. Wala sana akong problema ngayon."Ally"Napalingon naman ako kay Travis sa pagtawag niya sa akin. Nagulat ako sa lambot nito kaya hindi ko maiwasang hindi mapatingin.Magsasalita na sana siya nang maunahan siya ni Austin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang kaniyang pagtiim-bagang."Nakalimutan kong lagyan ang plato mo ng baby ribs. Kung hindi ako nagkakamali ay paborito mo ito." saad ni Austin at gusto ko sanang umangal dahil hindi ko naman ito paborito.Lahat na lang yata ng nakikita niyang pagkain ko ay iniisip niya na paborito ko. Nahihiga naman akong sabihin sa kaniya na mali siya dahil baka mapahiya siya sa mga nakatingin at mag-isip pa siya ng iba.
Allyson's Point of ViewSaglit kaming nagkatinginan ni Austin. Hindi na rin ako nag-abalang magsalita at nakipag-tinginan lamang sa kaniya."Ally, I met a girl at hindi ko talaga inaasahan na mahuhulog ako sa isang katulad niya. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay alam ko na siya na talaga ang babaeng gusto ko." madamdaming saad nito.Mas lalong dumoble ang aking konsensya sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na may nagkakagusto sa kaniya at alam ko rin na ako ang pipiliin ni Austin sa aming dalawa."Talaga ba? Siguro ay masyado talaga siyang mapang-akit kaya ka nabighani sa kaniya. Mag-iingat ka lang dahil baka hindi siya isang ordinaryong babae." saad ko dito na tila hindi ko kilala ang tinutukoy niya. Baka isipin niya na masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko kapag nagkataon."Sigurado ako na
Allyson's Point of ViewHalata sa mukha ni Travis na nagulat siya sa aking sinabi dahil nakatulala itong napatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya medyo nagising ang diwa nito."I didn't break my promise." may diing saad ni Travis. Ayaw niya kasing sinasabihan siya na napapako lamang ang mga pangako niya. Masyadong big deal kay Travis ang isang pangako."Sa ginagawa mo ngayon ay para mo na rin namang sinisira ang pangako mo. Umasa pa naman ako na magagawa mo ito ng tama." paalala ko sa kaniya at sinadya ko talagang gawing nakakaawa ang boses ko upang maniwala siya na nasasaktan ako.Napabuntong hininga na lang siya at mahinahon akong tiningnan. Masyadong pagod ang mga mata niya kaya nakita ko kaagad na wala talaga siyang planong makipag-away sa akin."Hindi lang talaga ako magaling magsinungali
Allyson's Point of ViewYayakap lang sana ang plano ko pero hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko kaya bigla kong hinalikan si Travis. Kalalaki niyang taong pero nagulat pa siya sa aking ginawa. Nagtataka siya sa aking ginawa habang nanlaki ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Akala niya naman na bago lang ang ginawa ko sa kaniya. Palagi nga siyang nagnanakaw ng halik sa 'kin kapag may oras siya."Anong klaseng tingin na naman 'yan?" natatawang tanong ko dito dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa aking ginawa."Bakit mo 'ko hinalikan? Masyado ka naman yatang nang-gugulat." saad niya at napatakip pa sa kaniyang labi. Kinurot ko ang tagiliran nito at napatawa naman siya na may halong reklamo."Masyado ka namang conservative. Sinusubukan ko lang naman ang fourth condition mo kung tatalab ba talaga. Mukha naman yatang e
Travis Point of ViewHuminga muna ako ng malalim bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto. Gusto kong marinig muna ang kanilang mga pinag-uusapan. Gusto kong tingnan kung paano nagagawa ni Yuri na magpanggap sa harap ni Lola.Napatingin sa akin ang anak ko kaya sinenyasan ko ito na huwag lumapit sa akin. Mabuti na lang at masunurin ito kaya nanatili lamang siyang nakaupo."Masyado ka ng pumapayat ngayon, apo. Hindi ko alam kung kumakain ka ba ng maayos dahil talagang pumayat ka ngayon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko kapag tumagal ka pa sa abroad." nag-aalalang saad ni Lola at hindi ko mapigilang hindi magalit sa sarili ko.Kung tutuusin ay kaya kong sabihin ito sa kaniya ngayon, pero hindi ko kaya na makita siya na nasasaktan dahil ang paborito niyang ampon ay niloloko lamang siya. Kitang-kita ko kung paano ngumiti si Yuri sa kaniya na talaga
Travis Point of ViewTulad nga ng paalam ko kay Lola ay pumunta ako sa study office ko at naulo sa aking swivel chair. Mas nakakalma ko ang sarili ko kapag nakakakita ako ng mga libro sa aking paligid. Mas papakalma nito ang aking isipan.Hindi ako mapakali kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Wala akong maisip na matinong plano upang paalisin si Yuri sa buhay ni Lola. Paniguradong hindi rin ito papayag na basta ko na lang siyang paalisin sa pamilya namin. Sigurado ako na magtataka siya kapag nagkataon."Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na 'to kahit ngayon lang ulit ako nakabalik."Awtomatiko akong napatingin sa pinto dahil sa biglaang pagsasalita ni Yuri. Nakatalikod kasi ako sa pinto ng study office kaya medyo nagulat ako sa kaniyang pagpasok."Ano ang ginagawa mo dito? Sino sa tingin mo ang nagsabi sa 'yo na pwede ka
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan