Travis Point of View
Tulad nga ng paalam ko kay Lola ay pumunta ako sa study office ko at naulo sa aking swivel chair. Mas nakakalma ko ang sarili ko kapag nakakakita ako ng mga libro sa aking paligid. Mas papakalma nito ang aking isipan.
Hindi ako mapakali kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Wala akong maisip na matinong plano upang paalisin si Yuri sa buhay ni Lola. Paniguradong hindi rin ito papayag na basta ko na lang siyang paalisin sa pamilya namin. Sigurado ako na magtataka siya kapag nagkataon.
"Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na 'to kahit ngayon lang ulit ako nakabalik."
Awtomatiko akong napatingin sa pinto dahil sa biglaang pagsasalita ni Yuri. Nakatalikod kasi ako sa pinto ng study office kaya medyo nagulat ako sa kaniyang pagpasok.
"Ano ang ginagawa mo dito? Sino sa tingin mo ang nagsabi sa 'yo na pwede ka
Travis Point of ViewSaglit akong napatigil sa tanong ni Yuri. Hindi ako sigurado kung ano ang isasagot ko dito. Baka kasi may gawin siyang masama kapag sinagot ko siya ng totoo."I'm asking you again Travis, hindi ba ako parte sa pamilya mo?" gigil na tanong niya at dahil umiiwas ako sa gulo ay nag-iwas ako ng tingin dito.Dahil sa ginawa ko ay medyo lumayo siya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa kaniyang ginawa. Akala ko ay magkakaroon na naman kami ng sigawas sa loob. Mabuti na lang at medyo umayos ang utak niya ngayon."Kahit kailan naman talaga ay hindi 'mo ko tinuring na bahagi ng pamilya mo, 'di ba?" tanong nito pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lamang ito sa maliit na bintana.Mas lalo siyang nakakatakot kapag ganito ang kilos niya. Hindi ako sanay na makita ng malapitan ang pagiging gan
Allyson's Point of ViewKinuba ni Austin ang bulaklak at nakangiting tumingin sa akin. Seryoso lang naman akong nakatingin dito."Ally, alam ko na hindi ito ang unang beses na tatanongin kita pero, will you be my constant?" nakangiting tanong nito.Sasagot na sana ako sa kaniya nang makita ko si Iris sa may pinto. Napapansin ko ang mga ipinapakita ni Iris para kay Austin at hindi naman ako tanga upang umeksena sa kanilang dalawa."Austin, pamilyado akong tao. You're such a fine young man. Alam ko naman na maraming babae ang nagkakagusto sa 'yo na walang pamilya at malaya." kalmadong saad ko dito at tipid siyang ngumiti."Wala naman akong pake sa mga babae na 'yan. Ikaw lang naman ang gusto ko at wala silang magagawa sa desisyon ko." seryosong sagot niya at umiling ako."W
Chad's Point of ViewInaasahan ko na talaga na magwawala si Travis sa kaniyang opisina kaya hindi na muna ako sumunod kaagad sa kaniya. Pasimple ko namang inilingan sina Shiloah."Anong nangyari sa boss mo at ang init ng ulo niya? Hindi naman namin siya sinabihan na makinig sa pinag-uusapan namin." reklamo ni Shiloah at napailing ako. Sa lahat ba naman ng pwedeng pag-usapan ay ang lovelife pa talaga ni Travis."Alam mo naman siguro na wala ang asawa niya dito at talagang dito pa kayo nag-usap tungkol sa kanila. Ewan ko na lang talaga sa inyong dalawa." iling na saad ko kay Shiloah. Nagpipigil lang ako sa aking tawo nang makita ko itong kinakabahan.Sigurado naman ako na walang gagawin si Travis sa kanila. Nainis lang ito pero wala itong planong magbawas ng empleyado ngayon."Ano na ang gagawin namin ngayon? K
Yuri's Point of ViewKung siguro na sa mood ako ngayon ay baka kanina ko pa nasupalpal si Iris. Siya na nga itong tinutulongan, pero siya pa itong may ganang magalit sa 'kin at magreklamo."Natahimik ka? Totoo naman kasi lahat ng sinabi ko." saad niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya."Bakit naman ako magagalit sa sinabi mo? As far as I'm concern, kapatid pa rin ako ni Travis at kuya ko pa rin siya at kahit ano pa ang sinabi mo ay isa pa rin naman akong Tan." buong tapang kong pag-papaalala sa kaniya dahil baka nakakalimutan niya ito."Itinakwil ka na ni Travis kaya wala na rin namang silbi kung pamilya ka niya o hindi. Hindi ka naman nakakalapit sa kaniya."Sa mga oras na 'to ay mas gusto ko na lang yatang maging masamang tao at patahimikin ang isang 'to sa lahat ng reklamo niya.
Allyson's Point of ViewAraw-araw na lang yata akong sisigla kapag sumasapit ang hapon. Ang dami kong ginawa ngayong araw para lamang hindi ako matambakan ng mga gagawin bukas.Kasalukuyan na akong pabalik sa aking opisina galing sa canteen nang mapatigil ako dahil nakita ko si Iris na nakatingin sa pinto ni Austin. Sa mukha niya ay parang may gusto siyang gawin na hindi niya magawa. Sa tingin ko ay gusto niyang pumasok sa opisina ni Austin, pero natatakot siya. Hindi lang ako sigurado kung bakit."Iris? Anong kailangan mo kay Austin? Kanina ka pa yata nandito." tanong ko dito sabay nilapitan siya. Halata naman itong nagulat dahil napatalon siya sa kaniyang pwesto."Ate! Kanina ka pa po dito?" gulat na tanong niya pero nanatili akong seryoso. Iba ang pakiramdam ko sa babaeng 'to. Sa mga mata palang niya ay may iba ng ipinapakita sa akin.
Austin's Point of View"Sigurado ka ba talaga na hindi na kita ihahatid?" muling tanong ko kay Allyson dahil pauwi na kami ngayon at sasabay na lang daw siya kay Zia."Oo, sigurado na 'ko. Hindi naman pareho ang daan natin." sagot niya sa 'kin kaya tumango na lang ako at umalis doon.Pagdating ko sa bahay ay kaagad akong nagbihis at inayos ang mga kalat sa sofa. Ngayong araw lang yata ako medyo nakarandam ng takot sa kasalanang ginawa ni Iris. Akala ko talaga kanina ay paaalisin na siya ni Allyson dahil hindi nito sinunod dapat niyang gawin. Mabuti na lang talaga at kumalma si Allyson dahil paniguradong hindi na tatagal si Iris sa kompanya.Paupo na sana ako sa sofa nang tumunog ang doorbell. Wala namang ibang nakakapunta sa bahay ko, maliban sa isang tao. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis habang iniisip na nandito na naman siy
Allyson's Point of ViewMaaga akong pumunta sa opisina dahil maaga rin akong inihatid ni Travis. Mabuti na lang at ibang kotse ang gamit niya kaya walang nakakita na siya ang naghatid sa akin. Kasalukuyan akong na sa aking opisina habang hinihintay ang pagdating ni Zia. Nitong mga nakaraang araw kasi ay hindi ko na ito masyadong nakikita dahil masyadong tambak ang trabaho niya.Hindi ko rin naman gustong magtanong kung bakit hindi niya nababalanse ng maayos ang oras niya. Dati kasi ay madali lang sa kaniya ang pagsabayin ang marami niyang ginagawa. Nababahala na nga ako dahil palagi itong nagmamadali.Tatayo na sana ako upang kumuha ng kape dahil medyo nilalamig ako nang tumunog ang cellphone ko kaya napaupo ulit ako. Inatake na naman ako ng sariling katamaran. Imbes na mainis sa nag-text ay napangiti ako nang makita ko ang pangalan ni Travis."Anything unusual today
Allyson's Point of ViewPagkatapos kong uminom sa aking kape ay nginitian ko siya na parang wala siyang kasalanan sa akin. Baka naman sabihin niya na may galit ako sa kaniya kapag bigla na lang nagbago ang ugali ko."Don't take it persnally. Pareho lang tayong nagt-trabaho sa Velasco Eclipse at inaamin ko na naging harsh ako sa 'yo dahil gusto kong ipakita sa lahat na patas ang pagtingin ko sa inyong lahat pagdating sa trabaho. Wala akong kinilkilalang kapamilya kapag na sa trabaho ako. Sana lang ay hindi ka magtanim ng galit sa 'kin." puno ng sarkasmong saad ko dito at agad-agad siyang umiling.Hindi po mangyayari ang bagay na yan ate. Sana lang po talaga ay hindi rin po kayo magtanim ng galit sa 'kin." madamdaming saad niya at tiningnan ko lang siya ng seryoso bago pirmahan ang mga papeles.Umiling ako dito bago ibinalik sa kaniya. Nag
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan