Allyson's Point of View
Saglit kaming nagkatinginan ni Austin. Hindi na rin ako nag-abalang magsalita at nakipag-tinginan lamang sa kaniya.
"Ally, I met a girl at hindi ko talaga inaasahan na mahuhulog ako sa isang katulad niya. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay alam ko na siya na talaga ang babaeng gusto ko." madamdaming saad nito.
Mas lalong dumoble ang aking konsensya sa kaniya. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko na may nagkakagusto sa kaniya at alam ko rin na ako ang pipiliin ni Austin sa aming dalawa.
"Talaga ba? Siguro ay masyado talaga siyang mapang-akit kaya ka nabighani sa kaniya. Mag-iingat ka lang dahil baka hindi siya isang ordinaryong babae." saad ko dito na tila hindi ko kilala ang tinutukoy niya. Baka isipin niya na masyadong mataas ang tingin ko sa sarili ko kapag nagkataon.
"Sigurado ako na
Allyson's Point of ViewHalata sa mukha ni Travis na nagulat siya sa aking sinabi dahil nakatulala itong napatingin sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya medyo nagising ang diwa nito."I didn't break my promise." may diing saad ni Travis. Ayaw niya kasing sinasabihan siya na napapako lamang ang mga pangako niya. Masyadong big deal kay Travis ang isang pangako."Sa ginagawa mo ngayon ay para mo na rin namang sinisira ang pangako mo. Umasa pa naman ako na magagawa mo ito ng tama." paalala ko sa kaniya at sinadya ko talagang gawing nakakaawa ang boses ko upang maniwala siya na nasasaktan ako.Napabuntong hininga na lang siya at mahinahon akong tiningnan. Masyadong pagod ang mga mata niya kaya nakita ko kaagad na wala talaga siyang planong makipag-away sa akin."Hindi lang talaga ako magaling magsinungali
Allyson's Point of ViewYayakap lang sana ang plano ko pero hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko kaya bigla kong hinalikan si Travis. Kalalaki niyang taong pero nagulat pa siya sa aking ginawa. Nagtataka siya sa aking ginawa habang nanlaki ang mga mata nito na nakatingin sa akin. Akala niya naman na bago lang ang ginawa ko sa kaniya. Palagi nga siyang nagnanakaw ng halik sa 'kin kapag may oras siya."Anong klaseng tingin na naman 'yan?" natatawang tanong ko dito dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa aking ginawa."Bakit mo 'ko hinalikan? Masyado ka naman yatang nang-gugulat." saad niya at napatakip pa sa kaniyang labi. Kinurot ko ang tagiliran nito at napatawa naman siya na may halong reklamo."Masyado ka namang conservative. Sinusubukan ko lang naman ang fourth condition mo kung tatalab ba talaga. Mukha naman yatang e
Travis Point of ViewHuminga muna ako ng malalim bago ko dahan-dahang binuksan ang pinto. Gusto kong marinig muna ang kanilang mga pinag-uusapan. Gusto kong tingnan kung paano nagagawa ni Yuri na magpanggap sa harap ni Lola.Napatingin sa akin ang anak ko kaya sinenyasan ko ito na huwag lumapit sa akin. Mabuti na lang at masunurin ito kaya nanatili lamang siyang nakaupo."Masyado ka ng pumapayat ngayon, apo. Hindi ko alam kung kumakain ka ba ng maayos dahil talagang pumayat ka ngayon. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko kapag tumagal ka pa sa abroad." nag-aalalang saad ni Lola at hindi ko mapigilang hindi magalit sa sarili ko.Kung tutuusin ay kaya kong sabihin ito sa kaniya ngayon, pero hindi ko kaya na makita siya na nasasaktan dahil ang paborito niyang ampon ay niloloko lamang siya. Kitang-kita ko kung paano ngumiti si Yuri sa kaniya na talaga
Travis Point of ViewTulad nga ng paalam ko kay Lola ay pumunta ako sa study office ko at naulo sa aking swivel chair. Mas nakakalma ko ang sarili ko kapag nakakakita ako ng mga libro sa aking paligid. Mas papakalma nito ang aking isipan.Hindi ako mapakali kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Wala akong maisip na matinong plano upang paalisin si Yuri sa buhay ni Lola. Paniguradong hindi rin ito papayag na basta ko na lang siyang paalisin sa pamilya namin. Sigurado ako na magtataka siya kapag nagkataon."Hindi pa rin pala nagbabago ang lugar na 'to kahit ngayon lang ulit ako nakabalik."Awtomatiko akong napatingin sa pinto dahil sa biglaang pagsasalita ni Yuri. Nakatalikod kasi ako sa pinto ng study office kaya medyo nagulat ako sa kaniyang pagpasok."Ano ang ginagawa mo dito? Sino sa tingin mo ang nagsabi sa 'yo na pwede ka
Travis Point of ViewSaglit akong napatigil sa tanong ni Yuri. Hindi ako sigurado kung ano ang isasagot ko dito. Baka kasi may gawin siyang masama kapag sinagot ko siya ng totoo."I'm asking you again Travis, hindi ba ako parte sa pamilya mo?" gigil na tanong niya at dahil umiiwas ako sa gulo ay nag-iwas ako ng tingin dito.Dahil sa ginawa ko ay medyo lumayo siya sa akin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa kaniyang ginawa. Akala ko ay magkakaroon na naman kami ng sigawas sa loob. Mabuti na lang at medyo umayos ang utak niya ngayon."Kahit kailan naman talaga ay hindi 'mo ko tinuring na bahagi ng pamilya mo, 'di ba?" tanong nito pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin lamang ito sa maliit na bintana.Mas lalo siyang nakakatakot kapag ganito ang kilos niya. Hindi ako sanay na makita ng malapitan ang pagiging gan
Allyson's Point of ViewKinuba ni Austin ang bulaklak at nakangiting tumingin sa akin. Seryoso lang naman akong nakatingin dito."Ally, alam ko na hindi ito ang unang beses na tatanongin kita pero, will you be my constant?" nakangiting tanong nito.Sasagot na sana ako sa kaniya nang makita ko si Iris sa may pinto. Napapansin ko ang mga ipinapakita ni Iris para kay Austin at hindi naman ako tanga upang umeksena sa kanilang dalawa."Austin, pamilyado akong tao. You're such a fine young man. Alam ko naman na maraming babae ang nagkakagusto sa 'yo na walang pamilya at malaya." kalmadong saad ko dito at tipid siyang ngumiti."Wala naman akong pake sa mga babae na 'yan. Ikaw lang naman ang gusto ko at wala silang magagawa sa desisyon ko." seryosong sagot niya at umiling ako."W
Chad's Point of ViewInaasahan ko na talaga na magwawala si Travis sa kaniyang opisina kaya hindi na muna ako sumunod kaagad sa kaniya. Pasimple ko namang inilingan sina Shiloah."Anong nangyari sa boss mo at ang init ng ulo niya? Hindi naman namin siya sinabihan na makinig sa pinag-uusapan namin." reklamo ni Shiloah at napailing ako. Sa lahat ba naman ng pwedeng pag-usapan ay ang lovelife pa talaga ni Travis."Alam mo naman siguro na wala ang asawa niya dito at talagang dito pa kayo nag-usap tungkol sa kanila. Ewan ko na lang talaga sa inyong dalawa." iling na saad ko kay Shiloah. Nagpipigil lang ako sa aking tawo nang makita ko itong kinakabahan.Sigurado naman ako na walang gagawin si Travis sa kanila. Nainis lang ito pero wala itong planong magbawas ng empleyado ngayon."Ano na ang gagawin namin ngayon? K
Yuri's Point of ViewKung siguro na sa mood ako ngayon ay baka kanina ko pa nasupalpal si Iris. Siya na nga itong tinutulongan, pero siya pa itong may ganang magalit sa 'kin at magreklamo."Natahimik ka? Totoo naman kasi lahat ng sinabi ko." saad niya kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya."Bakit naman ako magagalit sa sinabi mo? As far as I'm concern, kapatid pa rin ako ni Travis at kuya ko pa rin siya at kahit ano pa ang sinabi mo ay isa pa rin naman akong Tan." buong tapang kong pag-papaalala sa kaniya dahil baka nakakalimutan niya ito."Itinakwil ka na ni Travis kaya wala na rin namang silbi kung pamilya ka niya o hindi. Hindi ka naman nakakalapit sa kaniya."Sa mga oras na 'to ay mas gusto ko na lang yatang maging masamang tao at patahimikin ang isang 'to sa lahat ng reklamo niya.
Allyson's Point of ViewMasyadong marami ang nangyari sa buhay ko. Sa loob ng limang buwan ay hindi ako makapaniwalang mapapaibig ako ni Travis. Sa ugali palang nito ay malabo ko na itong magustuhan, pero binago niya ang ugali niya na kinaiinisan ko. Lahat ng gusto ko sa isang lalaki ay sinubukan niyang sundin. Noong una nga ay hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng panahon na magkakasundo kami ni Travis. Katatapos nga lang ngayong araw ang conmpetition at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay si Zia pa ang kinuha kong mode. Hindi nga sana ako papayag na siya ang magiging model ko dahil nalaman ko na galing pala siya sa isang mayaman na pamilya, pero nagpumilit siya dahil gusto niya raw itayo ang sarili niyang pangalan. "Mauuna na muna ako sayo Ally at baka hanapin ako ng kapatid ko." paalam ni Zia sa akin nang pabalik na kami sa room namin. Tumango lang ako sa kaniya at pagkatapos na sa aming kwarto. Uuwi rin naman ako ngayon dahil tapos na ang kompetisyon. Bago ako dumiretso sa k
Allyson's Point of ViewTulad ng napag-usapan namin kahapon ni Travis ay nagsama kami upang bisitahin ang Lola niya. Namili pa ako ng formal na damit upang magmukha akong tao sa harapan niya. Isang buwang sahod rin ang nagamit ko para sa damit na suot ko."Hindi ka ba marunong ngumiti?" biglang tanong ni Travis kaya tiningnan ko ito. Kasalukuyan kaming nakatayo sa labas ng bahay ng Lola niya. Inaaasahan ko na sobrang laki nito upang hindi ako magulat."Hindi naman kasali sa agreement natin na kailangan kong ngumiti ng walang dahilan." sagot ko dito. Agad namang kumunot ang noo nito."Ang akin lang naman ay baka isipin ng mga tao sa loob ng bahay na pinilit lang kita dito. " Nag-iwas ako ng tingin at muling tumingin sa bahay."Hindi ba't iyon naman talaga ang totoo." sagot ko dito. Talagang napilitan lang naman ako dito."Mag-asawa tayo ngayon, kaya dapat lang mag-asawa rin ang kilos natin. Sa posisyon natin ngayon para lang tayong nasa isang blind date." saad nito, pero hindi ko siy
Allyson's Point of ViewMas napili kong pumasok ng maaga upang mas madali kong matapos ang gagawin ngayon. Kailangan kong matapos ang trabaho ko sa Soul Empire bago pa malaman ni papa na nagkita na kami ni Mr. Tan. Baka mas lalo niya lang akong piliting magpakasal sa lalaki. "Ally, anak" Gulat akong napatingin sa lalaking sumalubong sa akin.Hindi ko inaasahan na pati sa trabaho ko ay aabot siya para lang kulitin ako sa gusto niyang mangyari."Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo dito?" taas kilay jong tanong.Wala pa namang ibang empleyado dahil masyado pang maaga at isa pa ay alam na ni Auntie na hindi maganda ang samahan namin ni papa."Sinubukan kitang tawagan kagabi, pero hindi ka naman sumasagot. Kinakabahan tuloy ako kaya pumunta na ako dito upang kumustahin ka." kunwari nag-aalalang saad nito, pero kung titingnang mabuti ang sitwasyon ay nandito siya para makuha ang sagot ko."Huwag na po tayong maglokohan dito at masasayang lang ang oras ko. Ano po ba talaga ang pakay niyo sa
Allyson's Point of View Maaga akong bumisita sa puntod ni mama. Gusto kong sabihin sa kaniya ang plano ko para sa nalalapit na kompetisyon. Ito kasi ang pangarap namin noong nabubuhay pa siya. Alam kong wala siya sa tabi ko, pero sigurado naman ako na nakatingin siya sa akin mula sa itaas. "Ma, pasensya kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sa inyo. Masyado kasing marami ang naganap sa buhay ko. Kailangan kong ihanda ng maayos ang sarili ko para sa competition. Pangako ko sa inyo na ako ang mananalo kagaya ng nangyari sa inyo. I'll bring the trophy to you." nakangiting saad ko sa puntod nito. "Paniguradong masaya ang mama mo ngayon dahil nandito ka." Awtomakitong nawala ang ngiti sa aking labi. Sa boses pa lang nito ay may ideya na ako kung sino ang dumating. Siya lang naman ang taong kinaiinisan ko dahil mas pinili niya ang pangalawa niyang pamilya keysa sa akin. Tanda ko pa kung paano niya madaling napalitan ang nanay ko habang ako ay nagluluksa. "I'm here Christine" saad nito s
Allyson's Point of ViewMas lalo akong naging tamad nitong mga nagdaang araw. Palagi ko ring inaalala ang hitsura ko at pakiramdam ko ay mas tumaas ang confidence ko ngayon. Naninibago ako sa nangyayari ngayon sa buhay ko kahit hindi naman ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.Kasalukuyang nakaupo si Tyrell sa gitna namin ni Travis. Kanina pa sila naglalaro kaya natulog lang ako dito sa sala. Nagulat na lang ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin kaya nagising ako. Palagi akong natatawa kapag nakikita ko si Travis na problemado kay Tyrell. Minsan na lang kasi magkasama pagkatapos niyang gumaling. Laking pasalamat ko dahil nagawa pang maagapan ang buhay ni Travis kasi masyadong maliit sa 50% ang chance na mabubuhay pa siya matapos siyang mahulog mula sa pag-uusap nila ni Austin. "Ang sabi sa akin ni great grandma ay may baby sister po ako sa tummy mo!" Kahit hindi ito ang first time na may dala akong bata sa sinapupunan ko ay pakiramdam ko ay naninibago ako. Mas kai
A lot of things may changed, but my feelings for her won't fade. Siya lang ang babaeng gusto kong makasama sa bawat pagdilat ng mga mata ko.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa naming lampasan ni Allyson ang lahat ng problema na magkasama.Buong buhay ko ay iginugol ko sa kompanya dahil ang gusto ko lang naman nuon ay ang palaguin ang mga bagay na ibinigay ng magulang ko at para na rin masuklian ang paghihirap nila para sa akin. Hindi ko inaasahang pagdating pala ni Allyson sa buhay ko ay mababago ang lahat ng pananaw ko sa buhay.Bukad sa pamilya ko ay siya ang unang babaeng nagbigay kulay sa buhay ko. Binigyan niya ako ng pag-asang maging mabait sa lahat na hindi ko inaasahang makakaya ko.My wife gave me strength to continue all the bottles I have right now and I can't imagine a life without her. Kahit na minsan ay nagagalit siya sa akin na walang rason ay hindi pa rin siya pumapalya sa pagpaparamdam sa akin na ako lang ang lalaki sa buhay niya.Dahan-dahan ak
Travis Point of View"Bumalik ako upang hanapin ka at alam 'yan ng pamilya ko, pero wala ka sa orphanage kaya si Yuri ang napili nila mommy na kunin. Iba ang sinabi nila sa akin sa sinabi mo ngayon. Pinaniwala nila ako na masaya sa tunay mong pamilya. Kung alam ko lang edi sana kinuha ka namin at hindi na sana tayo umabot sa ganito." mahinahong paliwanag ko dahil gusto ko na maintindihan niya ang gusto kong iparating sa kaniya."Sa tingin mo ba ay maniniwala pa ako sa mga kasinungalingan mo?"Hindi ako sumagot dito, pero aminado ako na hindi ako nagsisinungaling sa kaniya. Lahat ng sinabi ko ay totoo.Peke siyang natawa sa sinabi ko."Sinasabi mo ba sa akin ngayon na sa tinagal-tagal ng galit ko sayo ay pawang hindi pagkakaintindihan lamang? Hindi ako bobo Trav! I'm not that simple star na nakilala mo!" sigaw nito sa akin.Gusto ko sanang sumagot sa kaniya, ang kaso lang ay sumasakit ang ulo ko at mas lalong lumalabo ang paningin ko. Alam kong alam na ni Austin ang kalagayan ko, pero
Travis Point of ViewNaging mabilis sa akin ang mga pangyayari. Bigla na lang may tumakip sa mga mata ko kaya wala akong nakita kahit anino."Sino ka? Is that you Austin?" tanong ko dito habang pilit niya akong itinutulak. Kung hindi ako nagkakamali ay papunta kami sa sasakyan niya."Manahimik ka kung gusto mong makita ang anak mo." utos nito kaya hindi na lang ako nagsalita.Tahimik na nagmamaneho si Austin at minsan ay nagtatanong ito sa akin kung nakakakita pa ba ako o pinaglalaruan ko lang ba siya dahil ang tahimik ko. Inaasahan niya raw na magwawala ako ngayon."Huwag mong susubukang lokohin ako. Iba ako magalit." muling paalala nito sa akin."Kinapkapan mo na 'ko at nakuha mo na rin ang cellphone ko at pagkatapos ay tinakpan mo pa ang mga mata ko. Sa tingin mo ba ay may makikita pa 'ko?" naiiritang balik tanong ko sa kaniya.Siya na nga itong may lamang sa sitwasyon ngayon, pero masyado pa rin talagang praning."Ayusin mo lang!" saad nito at muling natahimik.Dahan-dahan kong ti
Austin's Point of ViewTahimik lang akong nakatingin sa direksiyon ni Tyrell at sa teacher nito. Sa hula ko ay hinihintay nila ang sundo ni Tyrell at kung hindi ako nagkakamali ay si Zia.Hindi ko gustong gawin ang bagay na 'to, pero wala na akong ibang paraan upang makausap si Travis. Hindi pwedeng hindi siya managot sa ginawa niya sa akin. Masyado na akong napupuno ng galit dahil sa mga ginawa niya."Tyrell!" tawag ko sa anak ni Allyson habang nakangiti ko itong nilapitan.Ngumiti lang sa akin ang teacher niya, pero nakahawak naman ang kamay nito sa bata."Uncle Austin! Bakit ngayon lang po kayo nagpakita? We are finally going abroad!" masiglang sagot nito sa akin.Mas lalo akong nakaramdam ng inis dahil parang wala lang kay Travis ang pagsira niya sa buhay ko."Kaya pala pinasundo ka sa 'kin ng mommy mo dahil aalis na pala kayo." malungkot kong saad sa bata at mukha namang naniwala ito."Bakit po kayo ang susundo sa akin? Diretso na po kami sa airport sabi ni mommy." inosenteng tan