Share

4

Author: Aileen Narag
last update Last Updated: 2021-07-20 13:08:17

Ang maconfined sa hospital ang pinaka ayaw ko sa lahat, kung hindi pa ako makakalabas dito as soon as possible baka sa mental na ako idaretcho. Mabuti nalang at binisita ako ni Ahsley ngayon para kwentuhan ng tungkol sa mga kaso nya kaya nabawasan ang pagkabagot na aking nararamdaman. 

"Your father told me na naghire na sya ng body guard for you." Wika ni Ashley habang ngumunguya ito ng mansanan, sya lang naman ang umuubos ng prutas dito sa kwarto ko. "I know that you did not like the idea but it is for your security." 

"Wala na akong choice tumanggi." Sagot ko. Hindi ako nagaksaya ng kahit konting enerhiya para tignan si Ashley dahil busy ako sa paghahanap sa Napoleon Rose na yan sa computer. "His name is Napoleon Rose." 

Lumunok muna si Ashley. "Wow, that sounds musculine and sexy."

"It's just that..." Napakunot noo ako. "Wala akong makitang Napoleon Rose sa kahit anong social media, g****e or police record. Walang nagmamatch."

"Why so curious Laura?" Natatawang tanong ni Ashley sakin na may mapanghusga na tingin. 

"Natural lang na alamin ko ang lahat ng tungkol sa taong makakasama ko Ash." Katwiran ko. "I wanted to know kung ano bang klase na reputasyon ang meron sya baka kasi mamaya may bad record ito ng hindi namin alam ni Papa." 

"Well." Napatingin ako kay Ashley ng bigla itong tumayo at naglakad pabalik balik sa harapan ko na tila may iniisip. "Laura, a body guard or secret agent has no social media account for security purposes, they intentionaly hide their real identity behind codenames." 

"I know right." Teka, bakit nga ba hindi ko agad naisip yan. Hindi na sana ako nagaksaya ng panahon maghanap. "Thanks for telling me." 

"Wag ka na masyadong magisip dahil parating narin naman sya." Bumalik si Ashley sa pagkakaupo. "Pareho natin syang kikilatisin. Malay mo pasado sya sa taste mo." 

Napaikot ang mata ko, why she won't stop forcing me to get a boyfriend. If Ashley only knew. "For me? Or you?" 

"Well." Ashley moved even closer to me and twirled my hair using her finger. "We can share." 

Natatawang itinulak ko si Ashley palayo. "I can share anything and everything with you Ash but not love." 

Magsasalita pa sana si Ashley nang bumukas ang pintuan at pumasok si Papa na may bitbit na pagkain. Pinagmasdan namin sya mula ulo hanggang paa. Kahit nasa mid 50s na si Papa ay hindi parin kumukupas ang kanyang kakisigan at kagwapuhan. I remember Mother told me before na maraming girls ang naghahabol kay Papa but fall inlove with her. Even Ashley, lagi nya akong binibiro na may crush daw sya kay Papa since College until now. 

"I'm happy to see you again Ashley." Magiliw na bati ni Papa sa best friend ko na sya namang sobra laki ng pagkakangiti. "Buti at dinalaw mo si Laura dahil malapit na syang maburyo dito." 

"Why i could not agree more." Pagsang ayon ko sabay sara ng laptop. "The good thing is, makakalabas na ako bukas." Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan ng restroom. "Bad thing, may bubuntot buntot na sakin lagi." 

"It is for you Laura." Ang huli kong narinig na sabi ni Papa bago ako pumasok sa banyo. 

Pinagmasdan ko muna ang aking sarili sa salamin bago maghilamos at toothbrush, ayaw ko naman magmukhang pasyente sa mata nila pero bigla akong napatigil ng masilayan ang kwintas sa aking leeg. Puro pait at sakit lang ang pinaalala nito sakin na dala ng bwiset kong ex girlfriend na si Jean. I know it has been like 3 years now ng bigla syang nakipaghiwalay sakin without any explanation.  

Para akong naiwanan sa gitna ng disyerto at hindi malaman kung saan pupunta. Kaya siguro hindi pa ako totally nakakamove on dahil wala kami naging closure ni Jean. She just damp me like a trash and run away like a coward puppy. It was really painful during that time but with the  help of my family and Ishi unti unti kog nakalimutan si Jean. 

Pero kung nabibili lang talaga yang closure sa drugs store bibilin ko kahit na gaano pa ito kamahal mawala lang sya sa isip ko. But this is my second life at ayaw ko naman itong sayangin at magpakulong sa nakaraan. Slowly, I removed my necklace and believe me, i feel more free and happy. 

Medyo nagtaka ako kung bakit maingay sa labas ng restroom na parang may ibang tao na dumating. Siguro si Mama dahil everyday syang dumadalaw sakin just to make sure na nakakakain at inom ako ng gamot sa tamang oras. 

"Laura Iha!" 

Nagulat ako sa pagtawag ni Papa sakin kaya nabitawan ko ang kwintas at nalaglag sa sahig. Kukuhain ko na sana ito ng may biglang sumulpot na maputi, mahaba at malakandilang daliri na kumuha ng kwintas. Kunot noo akong tumuwid ng tayo at tumingin sa tao-

All words vanished inside my mouth the moment our gaze locked. I was trapped by those ensorcelled blue eyes. Gosh, who is this woman standing in front of me? A living Goddess?

I almost jumped ng maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko at dahan dahang inilagay ang kwintas sa aking palad. 

"Laura." Pukaw ni Papa sa atensyon ko because i almost forgot that they were still here. "I would like you to meet, Napoleon Rose." 

"Wh-what?" Para akong bingi sa sinabi ni Papa. Hindi naalis ang mata ko sa taong nakatayo sa aking harapan. Yes, Napoleon Rose is a goddamn beautiful woman kahit pa nakasuot sya ng simpleng slack, longsleeves at blazer. "I thought Napoleon Rose is.." 

"A boy?" Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang napakalamyos ng boses ni Napoleon Rose. Pinagmasdan ko ang kanyang blonde na buhok na parang slow motion na bumagsak mula sa kanyang balikat. "Napoleon Rose was just my codename." Tumingin sya kina Papa at Ashley. "I'm Isabel Cervantez. NBI's Detective Sargeant." Bumalik ang paningin nya sakin. "Ms. Laura Samonte's body guard."

Marami naging tanong sina Papa at Ashley kay Napoleon- I mean Isabel samantalang tahimik lang akong nakikinig at inuusisa ang bawat kilos nya. She moves with so much grace and refined kaya hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na isa syang Detective Sargeant. Gaano ba sya kagaling? Kaya ba nya akong protektahan? 

"Anyway." Tumayo si Papa. "I have to go may meeting ako na dapat puntahan." Lumapit sya sakin at hinalikan ang aking noo. "I will be right back later Laura." Tumingin sya kay Isabel na tahimik na nakaupo. "Please take care of my daughter." 

"Yes sir." Pormal na sagot ni Isabel pero hindi sya tumitingin sakin. 

"Ingat Papa." Paalala ko sakanya bago ito umalis. Naiwanan kami ni Isabel na walang kibuan and since narinig ko na ang lahat ng inpormasyon na gusto kong malaman about her bumalik nalang ako sa kama at naupo samantalang si Isabel ay kumuha ng magazine para abalahin ang kanyang sarili. 

Ilang oras na kami magkasama ni Isabel dito sa kwarto pero ni kahit isang salita ay wala syang sinasabi. Gosh, malapit lapit ng mapanis ang laway ko dahil sa pagkabored. Hindi ba sya marunong magopen ng kahit anong topic? 

Bigla kong nasagi ang bedside table dahil kukuhain ko sana ang laptop para pagaralan ang mga nakapending cases ko. Nalaglag ang mineral water bottle sa sahig at gumulong malapit sa kinauupuan ni Isabel. 

"Mmm. Pwedeng pakikuha?" Pakisuyo ko kay Izabelle. 

"You have feet." Malamig nitong sagot bago dumekwatro na hindi parin naaalis ang mata sa magazine na hindi ko alam kung binabasa ba nya o hindi. "I'm not a maid." 

Nagpanting agad ang tenga ko sa sagot nya. How dare she to talk to me like that? I was asking her nicely tapos pipilosopohin nya ako? Gayunpaman, nagtimpi ako. Ayaw kong mastress dahil hindi ito makakatulong sakin, baka matagalan pa ako lalo sa paglabas ng hospital. Kaya ako nalang ang kumuha at nakasimangot na bumalik sa kung ano pa man ang gagawin ko. 

Maaga palang gising na ako, i could not wait to go home and be with my family especially ishi. Naayos ko narin ang lahat ng gamit ko, nandito narin si Napoleon, i mean Isabel pero abala sya sa pakikipag usap sa mga police sa labas. 

Bumukas ang pinto at pumasok sina Papa at Mama kasama ang napakagandang doktora na si Ginger Mercado. We became constant friends habang nakaconfine ako, marami narin kaming nashare sa isa't isa and take note, iisang bangka lang ang sinasakyan naming dalawa though nakasettle down na sya with her wife. 

"Laura, are you ready?" Todo ngiti na tanong ni Papa at kinuha ang mga gamit ko. "Alam namin na uwing uwi ka na." 

Tumayo ako at lumapit sa parents ko na walang sawa ng sumuporta sakin kahit anong mangyari. "As ever be." Inakbayan ko sila at binigyan ng tig isang halik sa pisngi. "I can't wait to get out of here." Natawa sila. "Ayaw ko ng makaamoy ng gamot." 

"Don't worry Laura, may clearance ka na for discharge." Nakangiti na sabi ni Ginger. 

"Thank you so much Ginger." Pasasalamat ko.  She is a good doctor and i owed my fast recovery to her. "But i will definetly not come back here." 

Isinuksok ni Ginger ang kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang coat. "You should be." 

"But we can meet and continue our chismisan outside, my treat." Pagalok ko.

"Sure, you already have my number. Just call me." Sagot ni Ginger bago kami maghiwalay. 

Ineskortan kami ng dalawang police palabas ng hospital, napansin ko na wala si Isabel. Saan kaya nagpunta ang babae na yon. Dapat nandito sya! Palinga linga ako hanggang sa may humintong sasakyan sa harapan namin at bumukas ang bintana. 

"Sumakay ka na." Sabi ni Papa sakin. 

Pero si Isabel lang ang nakita ko na nakaupo sa driver seat. "Paano kayo?" Nagtataka ko na tanong, bakit kailangan pang humiwalay kung pwede naman silang sumabay sakin. "Bakit sya ang makakasama ko? Saan kayo sasakay?" 

Tinapik ni Papa ang balikat ko. "Don't worry Laura, we have a car and Isabel is your body guard she can protect you." 

Gustong gusto kong iikot ang mata ko. Kung hindi lang talaga dahil sa kina Mama at Papa, I'm not going to have a body guard especially someone like conceited Isabel Cervantes. Wala na akong nagawa kundi tahimik na sumakay sa backseat para malayo ako sa kanya. 

Nakatingin lang ako sa bintana ng buong byahe at alam nyo ba ang pinaka nakakainis? Yun ang napakabagal na takbo ng sasakyan, gosh para kaming pagong, mabilis pa ang takbo ng nagbibike samin. 

"Can you drive faster?" Iritable kong tanong kay Isabel. 

Nakita ko na sumulyap sya sakin throught the mirror. "Say please." 

"What?" Halos pasigaw ko na tanong. "Are you making fun of me Napoleon Rose?" 

"It's Isabel or Bella." Nakangisi nitong sagot. "Just say please then i will drive faster." 

"You are only my body guard!" Umuusok na ang ilong ko sa inis. Why can't she do what i want? Mahirap bang gawin yung hinihiling ko. "Sundin mo ang gusto ko!" 

"You are not paying me but your father." 

This is really unbelieveable! Body guard ang kailangan ko hindi kaiinisan at mang bibwisit sakin sa araw araw. "Or maybe, hindi ka lang talaga marunong magdrive kung ano ano pa sinasabi mo!" 

There is a pure silence. 

"See, i got you." I smiled in victory. "You should ha-" Bigla akong napakapit sa handle at upuan ng patakbuhin ni Isabel ang sasakyan ng pagkabilis bilis. "Wahhh stop the f*cking car!!" Sigaw ko habang nakapikit, hindi ko kayang makita ang nangyayari dahil sa takot pero mabilis parin ang takbo ng kotse. "I said stoppppp it!!!" 

"Say please first!" Natatawang sabi ni Isabel. 

I was about to say no pero naramdaman ko ang mabilis na lumiko ng kotse pakanan na halos ikadikt ng aking mukha sa salamin. "Please..." 

"What?" Tanong ni Isabel na halatang enjoy na enjoy sa ginagawa nya sakin. "I can't hear you Laura." 

Damn! The way she says my name, it sounds so foreign to me. Sexy. Hay nako, Isabel bakit naiisip mo pa ang mga bagay na yan! 

"I said, please!" Sumigaw na ako. Wala na akong pakialam sa pride ngayon basta ang mahalaga ay matigil si isabel. Kumalma ang puso ko ng unti unting bumagal ang takbo ng kotse. Nagawa ko naring idilat ang aking mata at nagngangalit na pinakatitigan ang natatawang si Isabel. "I freaking hate you." 

Related chapters

  • Napoleon Rose   5

    Simula ng mangyari ang ambush ay napakaraming bagay ang nagbago sa buhay ko. It has a good and bad effect. Good, dahil lalo kaming pinaglapit ng pamilya ko sa isa't isa. Bad, dahil nagkaroon ako ng takot at pangamba kahit nandyan si Isabel. I'm not sure kung kaya nya ba akong protektahan at ipagtanggol dahil mas babae pa sya kumilos kaysa sakin.Bigla akong napasulyap sa salamin ng sasakyan at pinagmasdan si Napo- I mean Isabel. After what she did earlier ay hindi na sya nagsalita pa at nagfocus nalang sa pagdidrive pauwi sa bahay. Siguro sa loob loob nito ay pinagtatawanan nya ako dahil mukha akong tanga sa ginawa nya kanina.Kung may choice lang talaga ako na tumanggi sa serbisyo ni Isabelay ginawa ko na pero hindi pwede dahil kailangan ko sya para sa seguridad ko. But wait, paano kaya kung magaral ako ng self defense at matuto gumamit ng baril? In that way hindi ko na kailangan ng antipatikang body guard na bubuntot buntot kahit saan ako magpunta.

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   6

    We have been really busy the whole day and all i could do is watch Isabel moved splendidly. Mark Aces is right, sadyang napakagaling ng partner nya sa paghawak sa baril. Lahat ng target ay sapol sa ulo at walang mintis, i could not deny na nakampante ako dahil hindi naman pala lalamya lamya itong si Isabel kahit na mas babae pa syang kumilos kaysa sakin.Napaisip tuloy ako, siguro marami na syang napatay lalo na at isa sya sa pinakamagagaling na agent ng NBI. Hindi naman siguro sya magkakaroon ng ranking na Detective Sargeant kung hindi sya magaling.Walang kurap ang mga mata ko habang pinanunuod si Isabel na hindi alintana ang init ng araw because she was too busy playing with her gun. I just noticed something about her, she is actually familiar to me like i have seen her before and i just could not remember when."Ang galing nya ano?" Napasulyap ako sa pinanggalingan ng boses. It was Mark na hindi ko namalayang nakaupo n

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   7

    "Mom!" Excited na sigaw ni Ishi ng makita nito si Laura na biglang pumasok sa classroom. Tumakbo ang bata at mahigpit na yumakap sa dalaga na inaakala nyang ina. "You're here!"Malungkot na ngumiti si Laura sa kanyang anak anakan. She felt guilty dahil nawawalan na sya ng oras para kay Ishi. "Ako pa ba?" Hinaplos ng dalaga ang pisngi ng bata with so much love and longing. "Syempre naman hindi ko palalampasin ang Mother and Son bonding event ng school nyo."Isang ubod ng tamis na ngiti ang isinukli ni Ishi kay Laura. Walang katumbas ang kasiyahan nito dahil sa wakas ay makakasama nya ang kanyang ina. "I'm really happy Mommy,""I know.." Hinawi ni Laura ang buhok ng anak."I'm glad you make it today Ms. Samonte." Bati ng teacher na biglang sumulpot."Ishi was really sad dahil akala nya hindi ka makakarating."Tumayo ng matuwid si Lau

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   8

    Ilang dahon pa ba ang bibilangin ko na malaglag mula sa puno dito sa garden sa bawat pag ihip ng hangin habang naghihintay ako kay Isabel. Kanina ko parin sya tinatawagan pero hindi nya sinasagot kaya lalo akong naiinis at nag aalala. I just want to make sure that she is okay, na wala syang tinamo na kahit anong injury dahil kargo de konsenya ko pa sya.Dumaretcho si Isabel sa police station after ng insidente sa school. I still clearly remember how Isabel fough para mahuli ang lalaki na magtatangka sana sa aking buhay. The look of her face is terrifying, wala itong kabakas bakas ng takot o kaba, tila napakaordinaryo na ang paghabol nya sa mga masasamamang loob at criminal sa araw araw na ginawa ng diyos."Laura," Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang boses ni Isabel sa hindi malamang dahilan. Paranoid lang siguro ako. "Sorry ngayon lang ako nakapunta,"Paano ko ba sya haharapin? Baka kasi sa inis ko ay masungitan at singhalan ko lang sya.

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   9

    "Hindi mo pwedeng sabihin na hinuli ka ng mga police ng walang dahilan, na bigla ka nalang pinasok sa loob ng bahay mo at dinampot Mr. Santos." Naiiling ko na sabi sa kliyente ko. "Give me a valid reason to believe everything you are saying and fight for your case."Napakamot ang matandang lalaki sa ulo nya at nag-iisip ng tamang salita na isasagot sakin. I'm curretly here in PAO, offering my service for free every friday dahil gusto ko maggive back sa mga taong pinagkaitan ng hustisya o ginawa ng mali ng mga alagad ng batas."Sa totoo lang po Ms. Samonte." Umpisa ng matandang lalaki at tumitig sakin. "Marami po akong pautang sa lugar namin, may pagkakataon na napapa-away ako dahil hindi sila nagbabayad sakin at umaabot pa sa baranggayan."Inalis ko ang aking suot na salamin sa mata at sinuri ng mabuti ang tao na kaharap ko. Binabasa kong mabuti kung nagsasabi ba sya ng totoo sakin o hindi. "So, you are saying na may

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   10

    "Aray..." Daing ni Isabel habang nililinis ko ng bulak na may alcohol ang sugat nya sa kilay. "Dahan dahananin mo naman Laura."Pero hindi ako nakikinig dahil naiisip ko parin yung nangyaring aksidente, oo aksidente dahil nawalan ng preno yung kotse na muntik ng makasagasa samin. At least, not intentional."Sa bala hindi ka takot pero sa alcohol umaaray ka." Pinagsamang inis at pag-alala na sabi ko kay Isabel.Biglang hinawakan ni Isabel ang kamay ko para pigilan ako sa pagdutdot sa sugat nya sa kilay. "Stop.""Bakit ba kasi ayaw mong magpadala sa hospital?" Kwestyon ko sa kanya. "Pag yan nainspection kargo de konsensya ko pa yan."Binitawan nya ang kamay ko at binuksan ang first aid kit para kumuha ng band aid. "Malayo sa bituka to Laura."Napaikot mata ko. "Malayo sa bituka, malapit sa utak." Biglang napatawa si Isabel at umiling iling. "What's funny?""Oh nothing.""Ano nga?" I

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   11

    Kahit nandito ako sa bulacan para sana magbakasyon ay trabaho parin ang inaatupag ko samatalang si Isabel at Ishi ay abala sa paglalaro sa labas ng bahay. Isabel was trying to teach Ishi how to play basketball at syempre paano ko makakalimutan na pati pambababae ay gusto nya ring ituro sa anak ko."Sino ba yang magandang dalaga na yan Laura?" Tanong ni Aling Minda sakin."Body Guard ko po." Sagot ko na hindi inaalis ang mata sa laptop dahil ang dami kong nirereview na case."Body guard?" Nabigla na tanong ni Aling Minda. "Parang hindi naman ah."Ganyan din ang first impression ko kay Isabel. Parang hindi makabasag pinggan dahil babaeng babae sya kumilos pero ng mawitness ko mismo kung paano sya lumaban at humawak ng baril. Damn, iba sya."Wag po kayo magpapadala sa itsura nya." Nakangiti kong sabi kay Aling Minda. "Oo nga pla, kamusta n

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   12

    Maaga akong nagising dahil sa malulutong na tawanan na nagmumula sa labas ng bahay. Kahit ayaw ko pa mang bumangon ay napilitan na ako para tignan kung ano ang nangyayari. Kahit antok na antok ay binuksan ko ang bintana at pilit tinatanaw ang mga tao sa labas. Sina Aling Minda at Isabel tinuturuan magbike si Ishi.Isinandal ko ang aking ulo sa gilid ng bintana habang pinagmamasdan ang anak ko magpaandar ng bike. I know he is eager to learn how to ride a bike pero hindi ko sya maturuan dahil lagi akong busy sa trabaho. Yes, i know marami akong pagkukulang sa kanya but im doing my best para makabawi."Gising ka na pala Laura!" Masiglang bati sakin ni Aling Minda. "Marunong ng magbike si Ishi."Ngumiti ako ng tumingin sakin si Ishi. "Nakailang semplang ba sya?" Biro ko. "Baka puro sugat na ang tuhod ng anak ko ha.""No mom!" Sagot sakin ni Ishi na may kasama pang-iling. "Wala akong sugat pero nakadalawang semplang palang ako."

    Last Updated : 2021-07-20

Latest chapter

  • Napoleon Rose   42

    Sa bawat segundo na lumilipas habang pinagmamasdan ko si Isabel ay unti unti syang naglalaho sa aking paningin na parang usok at nagiging si Jean. My heart hurts because i thought it was really Isabel, i thought she came back for me and Liah. But no, she was purely my imagination that made my world stop for awhile because sometimes we only see what we want to see until reality hit us.Though tanggap ko na wala na talaga si Isabel but i can't deny na meron parin kahit maliit na pursyento sa puso at isip ko na umaasa na buhay pa sya. But whatever it is, kailangan paring magpatuloy ng buhay ko para sa dalawa kong anak.Siguro nga napadaan lang sya para makita si Liah kahit saglit before she finally headed to the place kung saan sya nakaassign for a mission."Is this yours?" Nakangiti na tanong ni Jean kay Liah.Ngumiti si Liah kay Jean. "Yes. It's mine.""Then you can have this." Kinuha ni Je

  • Napoleon Rose   41

    Hindi ko alam kung anong humihila sa akin na sumaglit sa condo unit ni Isabel bago ako tuluyang umalis at manirahan pasamantala sa Amerika. Wala namang nagbago sa lugar, tahimik parin pero yung puso at isip ko parehong umiiyak, nagluluksa. It hurts, it hurts so much to see every details and corner of the condo because it reminds me everything about Isabel.Dahan dahan akong naupo sa couch, dinama ng palad ko ang init nito habang inaalala ang mga nangyari sa pagitan namin ni Isabel. I felt my tears streaming down my face no matter how much I tried to stop them.Napailing ako before i buried my face in my hands. I silently pray na sana panaginip lang ang lahat, na binabangungot lang ako na kapag nagising ay sasalabungin ako ng ngiti at halik ni Isabel. But sadly, everything is real. Kung nakakamatay lang siguro ang pagkabroken hearted baka pinaglalamayan na ako. Pero siguro nga, mas okay yun. Kasi makakasama at maririnig ko na ulit

  • Napoleon Rose   40

    Hindi ko alam kung anong nangyari, kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero nang magising ako ay napapalibutan ako ng puti. Lahat puti, puti na pintura ng pader, puti na kisame, puti na kurtina sa bintana, puti na bed sheets, puti na unan at puting patient gown. I'm sure namam na hindi ako patay dahil naaamoy ko ang gamot, kaya sigurado akong nasa hospital lang ako.Mag-isa lang ako sa kwarto pero bukas ang TV. Siguro lumabas lang saglit ang nagbabantay sakin. Kaya I just close my eyes and my hand went to my stomach, nakapa ko ang gasa na nakatakip sa kumikirot kong sugat-bigla akong napadilat ng maalala ko si Isabel at ang lahat ng nangyari."Oh gosh." I whispered to myself. "Si Isabel-"I started to panic but then I saw Isabel sleeping next to me with a cute snore. I checked her body pero wala syang sugat, ni hindi sya mukhang galing sa isang matinding labanan pero gayunpaman masaya ako dahil kasama ko sya. Tha

  • Napoleon Rose   39

    "Bakit Ashley.." Bunong paghihinagpis na tanong ni Laura sa taong itinuring nyang matalik na kaibigan at kapatid. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip nya na si Ashley ang taong magtatraydor sa kanya pagkatapos ng pinagsamahan nilang dalawa. "Ano to?" Pero tila walang nararamdaman si Ashley na kahit anong emosyon, para syang yelo na nababalot ng nyebe. "How could you do this to me, to us—"Ashley took a quick glance over at her best friend. "Laura.." Ngumiti si Ashley, the kind of smile that will scare someone to the bones. "Of course you didn't know—""Then you tell me!" Sigaw ni Laura na hindi mapagilan ang lalong pag-agos ng kanyang luha. "Para maintindihan ko kung bakit mo kami gustong patayin!"Red Sparrow dropped her mask on the floor as she took a deep. "Dahil makasarili ka!" She said between her clenched teeth.Napahinto si Laura at pinakatitigang maigi si Ashley. "Anong pinagsasabi mo

  • Napoleon Rose   38

    Hindi alam ni Laura kung gaano sya katagal nakatulog pagkatapos takpan ng panyo na may gamot ang kanyang ilong ng mga taong dumukot sakanya. Wala ideya ang abogada kung saan sya dinala ng mga ito at kahit pagod ang katawan dahil sa mga nangyari ay pinilit parin ni Laura gumising mula sa malalim na pagkakahimbing. Kumurap kurap ang mata nya para alisin ang panlalabo ng kanyang paningin at makaadjust sa kadiliman ng paligid.It was cold, it makes Laura shakes. Gustuhin man nyang tumayo pero hindi nya magawa dahil nakatali ang kamay at paa nya. Napaangat ang mata ni Laura ng biglang bumukas ang bokilya na nagbigay liwanag sa kalahatian ng kwarto na kanyang kinaroroonan.Bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na nakangisi sa kanya. "Napahaba ata ang tulog mo attorney."It took Laura to speak dahil sa pagkadry ng kanyang lalamunan. "Si-sino ka? Na-nasaan ako—"

  • Napoleon Rose   37

    Isabel"I'm sorry pero hindi ko po nailigtas si Laura." Emosyonal na paghingi ko ng tawad sa pamilya ni Laura especially to her mother.It took me all my strength to face and talk to them para ideliver yung hindi magandang balita about Laura's abduction. Ginawa ko naman ang lahat e pero hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali kaya nabigo akong protektahan si Laura.Instead of answering me, Mr and Mrs. Samonte just cried and hugged each other. I was expecting them to lash out at me, even curse me dahil isa akong malaking pagkabigo sa kanila. But to my pure surprise, Mrs. Samonte stood and gave me a comforting hug that I needed the most."It is not your fault okay." Bulong sa akin ng matandang babae as if she reads what's on my mind right now. "Walang may gusto nito Isabel."I just squeezed her so tight. "I'm still sorry." Nilunok ko ang sakit at disappointmen

  • Napoleon Rose   36

    Kanina pa panay ikot at hanap ni Isabel kay Ashley sa loob ng club ngunit hindi nya parin ito makita at hindi sinasadyang nagkahiwalay sila ni Laura dahil sa lalong pagdagsa ng tao. Kaya nagmamadali syang bumalik sa table nila at nagbakasakali na nandoon na ang abogada.Ayaw na ayaw ni Isabel na nawawala si Laura sa kanyang paningin lalo na kapag nasa public places sila. Sa totoo lang ayaw nya talagang pumayag na mag clubbing sila tonight pero dahil alam nyang gusto rin ni Laura lumabas ay wala na syang nagawa. Kaya sinikap nalang ni Isabel na gawing triple ang pagbabantay kahit na ano pa man ang mangyari."Jean!" Tawag ni Isabel sa nakakatanda nyang kapatid. Gumala gala ang paningin nya pero wala talaga si Laura at mag isa lang si Jean sa table nila. "Nasaan si Laura?"Kumunot ang noo ni Jean habang pinagmamasdan si Isabel. "Diba kasama mo?""Nagkahiwalay kami."

  • Napoleon Rose   35

    Excited kaming lumabas ni Isabel mula sa kwarto ko para puntahan sina Jean at Ashley pero bigla akong napahinto ng makita ko si Ishi na tumatakbo papunta sakin. Diyos ko, nananaginip ba ako? Naghahaluccinate dahil sa sobrang pagkamiss sa anak ko at sa aking pamilya?But I know I wasn't dreaming when my mother and father also came into my view, smiling at me. Nanlambot ang tuhod ko sabay yakap kay Ishi. Hindi ko mapigilang mapaiyak ng sobra sobra dahil sa saya."Mom.." Umiiyak na tawag ni Ishi sa pangalan ko. Sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap sakin. Parang ayaw nya na akong pakawalan at muli kaming maghiwalay. "Sobrang namiss kita."Hinawakan ko ang mukha ni Ishi at hinalik halikan ang kanyang pisngi, ilong at noo. "You have no idea kung gaano kita, kayo namiss anak." Niyakap ko ulit si Ishi. "Sobrang saya ko na nandito kayo ngayon.""Ayaw ko po na magkahiwalay tayo ulit." Pakiusap ni Ishi na may kasamang pagsinok.I squ

  • Napoleon Rose   34

    Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay dito sa coffee shop na madalas kong pinupuntahan since College. Malaki ang pinagbago ng lugar pero yung kape at ang paborito kong pianono ganon parin ang lasa, sobrang sarap.Pero syempre hindi naman ako nagpunta dito na mag-isa. Isabel is with me pero pinili nyang bigyan ako ng privacy kaya naghintay nalang sya sa labas. Actually, I can't explain what I'm feeling right now. I'm excited dahil hindi ko kailanman inisip na tatawag sya sakin after all this time at kaba sapagkat hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.The sight of Isabel sitting in the car makes my heart swelled but the guilt is eating me alive. I'm so fuck up para magpadala sa kung ano man and completely stupid para gantihan ng halik si Jean. Gusto ko mang pagsisihan ang lahat pero nangyari na, nagawa ko na. I will just make sure na hindi ulit ito mangyayari, beside Jean already accepted her defe

DMCA.com Protection Status