Share

7

Author: Aileen Narag
last update Last Updated: 2021-07-20 13:11:10

"Mom!" Excited na sigaw ni Ishi ng makita nito si Laura na biglang pumasok sa classroom. Tumakbo ang bata at mahigpit na yumakap sa dalaga na inaakala nyang ina. "You're here!" 

Malungkot na ngumiti si Laura sa kanyang anak anakan. She felt guilty dahil nawawalan na sya ng oras para kay Ishi. "Ako pa ba?" Hinaplos ng dalaga ang pisngi ng bata with so much love and longing. "Syempre naman hindi ko palalampasin ang Mother and Son bonding event ng school nyo." 

Isang ubod ng tamis na ngiti ang isinukli ni Ishi kay Laura. Walang katumbas ang kasiyahan nito dahil sa wakas ay makakasama nya ang kanyang ina. "I'm really happy Mommy," 

"I know.." Hinawi ni Laura ang buhok ng anak. 

"I'm glad you make it today Ms. Samonte." Bati ng teacher na biglang sumulpot. "Ishi was really sad dahil akala nya hindi ka makakarating." 

Tumayo ng matuwid si Laura at humarap sa teacher. "May inasikaso lang ako bago pumunta dito," Without knowing why, napatingin sya kay Isabel na abalang nakikipagusap kay Mark Aces. Laura knew if it's not because of her baka nakalimutan nya ang event ng anak. "Thank you for guiding my son and if there is any problem please don't hesitate to call me." 

Ngumiti ang teacher. "Sure Ms. Samonte. Anyway, please take a seat para  makapagumpisa na tayo ng orientation at game mechanics para mamaya." 

"Okay," Sagot ni Laura at inalalayan si Ishi na maupo sa bandang gitna ng classroom kasama ang iba pang studyante at magulang. Samantalang nakatayo sina Mark at Isabel sa pintuan para manuod. Tahimik lang si Isabel habang nakatingin kina Laura at Ishi, there were some questions inside her head but she knew it does not need any answer since she was only working a part time job to protect Laura. 

"Hindi sila magkamukha ano?" Bulong ni Mark sa partner nya. Alam ni Isabel kung sino at ano ang ibig sabihin ni Mark. 

"Baka kamukha ang tatay." Tamad na sagot ni Isabel. Actually, she already noticed it noong una palang nya nakita si Ishi but she chose not to say anything. 

Sumandal si Mark sa pader pero hindi parin inaalis ang mga mata sa direksyon ni Laura. "Ang swerte ng lalaki." May bahid ng panghihinayang ang boses nito. "Laura is so beautiful and very smart para maging number one sa bar exam," 

"Wow," Natatawang sambit ni Isabel. "You have done your research ha?" 

"But of course," Mabilis na sagot ni Mark na may kasamang proud na ngiti. "I'm sure naman na alam mo rin yun. Knowing you Ms. Isabel Cervantes, baka kinalkal mo na ang kasuluksukan ng information about Laura." Hindi na sumagot ni Isabel dahil tama ang sinabi ni Mark pero hindi lahat ay alam nya. There were some things she had to spare due to her client's privacy. "Seriously though, hindi ko pa nakikita yung asawa nya."

Gumana nanaman ang utak ni Isabel, she analyzed the situation right away. That maybe Laura and him are separated and she was raising Ishi alone since may magandang trabaho naman ito bilang isa sa pinakamagaling na Abogada dito sa Pilipinas or maybe her husband was only working overseas. Sa huli ay napahinga ng malalim na lamang ang magandang Detective Sargent at nagfocus sa nangyayari sa classroom. 

"Mark, hindi natin kailangang malaman ang lahat ng detalye about her." Bilin ni Isabel sa kaibigan. "We have to respect her personal space." 

Sumulyap si Mark kay Isabel. "E tayo ba Bella?" Pero nagpanggap nalang ang dalaga na hindi nya narinig ang sinabi ng katabi. Sanay na sya sa mga pahaging ni Mark, Isabel knew that her best friend has a huge crush on her pero maaga palang ay sinabi nya dito na she is not interested in men. "You know, just incase you change your mind about us. I'm just right here." 

Isinuksok ni Isabel ang mga kamay sa kanyang bulsa. There is no doubt for Isabel that Mark is a good guy and he deserves a better woman but sadly hindi sya ang tao na yon. "Alam mo, gutom ka lang." Sumulyap muna si Isabel kay Laura na matamang nakikinig sa teacher. "Let's buy food." 

"Treat mo ba?" Taas kilay na tanong ni Mark sa dalaga. 

Tumalikod si Isabel bago sumagot. "As if i have a choice."

Naglakad ang dalawa papunta sa cafeteria, takbo dito at takbo doon ang mga bata. Very festive ang atmosphere sa school dahil sa event na mangyayari. Mas lalong naging alerto ang presensya ni Isabel sa mga ganitong pagkakataon dahil ayaw niyang magbakasali at malusutan ng mga taong gusto na manakit kay Laura. 

"Oo nga pala." Pukaw ni Mark sa atensyon ni Isabel habang naglalakad sila pabalik sa classroom. They ordered food for four person para makakain din ang mag ina. "May kailangan akong puntahan maya maya for my new assignment kaya baka hindi kita masamahan sa pagbabantay kay Laura tonight." 

"That is okay." Sagot ni Isabel. "I already asked for extra security kay Sir. Kaya don't worry about me." Muntikan ng mabitawan ng dalaga ang bitbit nitong paper bag ng may biglang bumangga sa kanya na isang lalaki ngunit hindi ito huminto para humingi ng paumanhin at nagpatuloy lang sa paglalakad na parang walang nangyari. 

"Siraulo yun ah!" Inis na wika ni Mark. "Hoy!" Tawag nya sa lalaki na kumaripas na ng takbo samantalang nakikiramdam si Isabel sa nangyari. She have this odd feeling na hindi dapat baliwalain. "Hindi man lang nagsorry." 

"Hayaan mo na." Awat ni Isabel sa kaibigan. "Masyado kang hot e." 

Ibinalik ni Mark ang kanyang paningin sa napakagandang mukha ng dalaga at napaisip na, Isabel looks so innocent na parang hindi nito kayang manakit ng tao o kahit pumatay man lang ng insekto. "Oh really?" May mapaglarong ngiti sa labi ni Mark. "Hot ako sa paningin mo?" Walang salita na tinabig ni Isabel ang balikat ni Mark at nagpatuloy sa paglalakad. "Teka, kinakausap pa kita!" 

Nagumpisa na ang Mother and Son/Daughter event. May mga masasayang palaro at talaga namang enjoy na enjoy sina Laura at Ishi. Ngayon lang ulit sila nakapagbonding kaya sinusulit ni Laura ang bawat oras na kasama ang anak dahil alam nyang matatagalan ulit mangyari ang ganitong pagkakataon. Marami pang kaso ang naghihintay sa kanyang pagbabalik at idagdag pa ang pag alala para sa kanyang seguridad. 

Nagumpisa na ang palaro at kitang kita sa mukha ng bawat isa na talagang nageenjoy sila kahit manalo o matalo man. Very competitive din sina Laura at Ishi, they wanted to win not because of the prizes but to show the entire school community their teamwork. Umalis narin si Mark para pumunta sa headquarters para sa isang assignment habang si Laura ay tahimik na nanunuod sa gilid. 

"Okay, this is our final game for the day." Masayang anunsyo ng teacher. "Mommy please get a partner because this is going to be a trust game with someone you know." As if on cue, nagkatinginan sina Laura at Izabelle since wala na si Mark ay malamang na sila ang magiging partner kung wala na ibang mapipili si Laura. "A husband, a family members, friends or even your enemy."  

Hindi malaman ni Laura kung ano ang gagawin. Aayain ba niya si Isabel or hindi nalang sasali? Pwede rin naman syang humanap ng ibang partner but for sure na maiilang sya dito. Pero bago pa man sya makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan ay tumakbo si Ishi papunta sa direksyon ni Isabel. Laura could not help but watch the body guard is emotionless talking to the little boy and as if a fireworks suddenly appeared when Isabel smiled. Kumabog ang dibdib ni Laura ng nakita nitong tumayo si Isabel at naglakad papunta sa kanya. 

"You don't have to do this.." Bulong ni Laura kay Isabel. "Pwede naman tayong hindi sumali." 

Isang malamig pa sa yelo na tingin ang ibinigay ni Isabel kay Laura. The body guard honestly would not mind playing paper dance for the sake of the kid. "It is okay Laura, I will do this for your son." 

Laura felt her heart fluttered sa sinabi ni Isabel. Dapat ba syang matuwa dahil her body guard is actually care for Ishi? Or dapat ba syang matakot dahil unti until ng pumapasok sa mundo nya si Isabel? However, those choices both has an effect in Laura's life. 

May gusto pa sana syang sabihin ng magumpisa na ang laro. Pumuwesto sina Laura at Isabel sa bandang likuran para hindi sila masyadong mapansin. Sa mga unang rounds ay pwede pang tumayo si Laura sa ibabaw ng dyaryo na hindi dumidikit kay Isabel pero habang tumatagal ay paliit na ng paliit ang kanilang mundo hanggang sa matira sa nalang ay tatlong pair. 

"Fold it please." Utos ng teacher.

Tinupi ng lahat sa kalahati ng kalahati ang dyaryo at nagumpisang umikot ikot bago huminto ang kanta. Sabay na umapak sina Isabel at Laura sa loob ng dyaryo pero hindi na kasya ang buong paa nila. Walang pagaalinlangang hinawakan ni Isabel si Laura sa bewang para hindi ito matumba, sobrang lapit rin ng kanilang mukha kaya hindi nila  maiwasang malanghap ang mainit at minty na amoy ng hininga ng bawat isa't isa. 

"Isa..bel.." Halos hindi matapos ni Laura ang kanyang sasabihin. 

"Mmm." Paghuni ni Isabel. 

Huminga muna ng malalim si Laura bago sumagot. "Please lang wag kang huminga sa tenga ko." The young and beautiful lawyer does not really care if she sounded pathetic to her body guard pero hindi nya kayang tiisin ang binibigay na kakaibang pakiramdam ni Isabel sa kanya. "It- it's annoying." 

"But I can't move Laura." Katwiran ni Isabel na lalo pang humigpit ang kapit sa bewang nito. "Kung hindi ko ito gagawin ay babagsak tayo at matatalo." 

"Go Mommy! Go Tita Bela!" Sigaw ni Ishi sa gilid, todo cheer ang bata. "You can do it!" 

Tila naglaho ang lahat ng pagkailang ni Laura ng marinig ang boses ng kanyang anak. Alam nyang hindi nya ito pwedeng biguin dahil umaasa si Ishi na mauuwi nila ang Grand prize.  

"See?" Bulong ni Isabel. "We can't fail him," 

Wala nang nagawa si Laura kundi ang manahimik at lunukin kung ano man ang nararamdaman nyang pagkailang para sa anak. Bago pa matapos ang kanta ay nabuwal ang magpartner sa kaliwa nina Laura at Isabel kaya dalawa nalang ang natira. 

"Okay last round." Sabi ng teacher. "Let's see who is going to win." 

Tinupi ulit ang dyaryo sa pinakamaliit nitong bahagi na isang paa nalang ang pwedeng tumuntong. Hindi mapagilang mapabuntong hininga ni Laura habang iniisip kung paano nila iraraos ang last round ng hindi matutumba. Wala pa mang eksaktong ideya ang dalaga ng biglang huminto ang kanta. 

"I will carry you." Sabi ni Isabel kay Laura. 

"What?" 

Kumabog ang dibdib ni Laura ng lumuhod si Isabel sa harapan nya. "Seriously, I'm not going to propose a marriage to you or what." Seryoso ang mukha ni Isabel habang nagsasalita. "Sumakay ka sa likuran ko," 

"What?" Ulit ni Laura na parang sira na plaka. 

"Do you trust me?" 

Kumunot ang noo ni Laura. Paano nya ba masasagot ang tanong kung ilang araw palang silang nagkakakilala? 

"I don't know." Nalilitong sagot ni Laura, biglang tumayo si Isabel dahil nauubos na ang kanyang pasensya. "Ayaw ko--" Napatili ang abogada ng bigla syang buhatin ng inis na body guard. "Teka nga! Ibaba mo ako!" Pero tila wala na itong naririnig at maingat na tumayo sa ibabaw ng dyaryo si Isabel habang bitbit ang  wala paring tigil sa pagsasalita na si Laura. "You are crazy." 

"Shut up woman." Bulong ni Isabel. 

"A-anong sinabi mo?" Naninigas ang panga ni Laura habang pinagmamasdan si Isabel. Hindi nya mapigilang usisain ang bawat parte ay sulok ng maganda nitong mukha. 

Sa ganda ni Isabelle, bakit pagiging police or agent ang napili nya maging propesyon? I'm pretty sure na pwede sya maging model or maging artista na fit na fit sa ganda nya. Bulong ni Laura sa sarili nya.  

Tumingin si Isabel kay Laura. "I will kiss you kapag hindi ka tumahimik o baka naman gusto mong ihulog kita? Mamili ka?" 

Sa pagkagulat ni Laura ay hindi agad sya nakapagsalita, she didn't expect Isabel would say those words. "Whatever,"

"Good," Isabel muttered under her breath in victory. 

"Babagsak---" Tili ng mga nanunuod habang nakatingin sa kabilang team na kalaban nina Laura at Isabel na nabuwal. 

"Yehey!!" Sigaw ni Ishi at tumakbo para yakapin ang dalawang dalaga. "Nanalo tayo Mommy and Tita Bella!" 

Maingat na ibinaba ni Isabel si Laura sa sahig at walang kibuan na hinarap si Ishi na walang pagsidlan ang saya. Binigay lahat ni Laura ang prizes at award na nakuha nila kay Ishi bilang remembrance. After the event at nagpasya na silang umuwi dahil malapit narin dumilim ang kalangitan. 

"Nagenjoy ka ba Ishi?" Nakangiti na tanong ni Laura sa anak habang naglalakad sila sa parking lot ng school. Nagpasundo sila sa driver dahil hindi sila kakasyang tatlo sa motor na dala ni Isabel. "Nagustuhan mo yung mga toys na nakuha natin?" 

"Yes Mommy!" Parang may mga bituin sa mga mata ni Ishi at yakap yakap ang mga laruan na. "Pero mas masaya po ako na nakasama kita ngayon." Lumingon sya kay Izabelle na nasa kanilang likuran. "Thank you din po Tita Bella," 

"You are welcome Ishi," Sagot ni Isabel. 

Palihim na ngumiti si Laura, kahit na pigilin nya ang kanyang sarili na wag mafluttered sa affection na binibigay ni Isabel kay Ishi ay hindi nya magawa. It's weird but Laura felt that Isabel's concern is genuine. "Salamat din Isabel para sa effort at time na samahan kami ni Ishi." 

"No beggie Laura," 

The young attorney's heart jumped when she heard Isabel says her name in grace pero isinantabi nya nalang ito. Ibinalik ni Laura ang atensyon sa anak. "Mas masaya ako anak na makasama ka." Binuksan ng driver ang pintuan ng sasakyan ng huminto ang mag ina sa harapan ng kotse. "And i promise to spend more time with you no matter what okay?" 

"Yes Mom," Ishi agreed happily. "I love you," 

Hinawakan ni Laura ang kamay ng anak at marahan itong pinisil. "And I love you too Ish," 

Isabel was just there, watching a very sweet moment of Mother and child. She knew this young and formidable lawyer is a good mother. Natigilan si Isabel sa pagsakay ng motor ng mapansin nya ang lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa kotse ni Laura. Malakas ang pakiramdam ni Izabelle na may masama itong balak lalo pa at may dahan dahan itong kinukuha mula sa likuran. 

"Laura.." Mahinanong bulong ni Isabel sa dalaga. "Get in the car now." 

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Laura. But by the look of Isabel's face made her feel that something is wrong. "Sumakay ka na sa sasakyan Ishi." At sumakay na ang mag ina sa kotse pero hindi agad nakaalis dahil sa mga taong nakatayo sa daan. Laura wanted to tell Isabel to be careful but the girl is nowhere to be seen. She just silently pray nothing bad gonna happen. 

Tumakbo ang lalaki ng mapansin nito na nakita sya ni Isabel, hinabol sya ng dalaga na napakabilis tumakbo. Itinulak ng lalaki ang mga taong nakaharang sa kanyang daraan para makatakas pero hindi susuko ang dalaga. Tumalon si Isabel at nagpadausdos sa hood ng kotse na biglang sumulpot sa harapan nya. 

"Tumigil ka!" Sigaw ni Isabel. 

Nilabas ng lalaki ang baril at itinutok sa humahabol sa kanya. Mabilis na nakaiwas si Isabel ng paputukan sya nito. Nagkagulo ang mga tao, takbo dito at tago doon. Wala ng nagawa si Isabel kundi kunin ang baril para proteksyunan ang kanyang sarili. Iniharang ng lalaki ang mga lamesa at upuan na pagmamay ari ng isang karinderya para pigilang makalapit si Isabel. 

Tumuntong ang dalaga sa upuan at nagtambling na parang nilipad ito ng hangin sa ere, pagbagsak ng kanyang paa sa lupa ay agad nyang hinablot ang isang monoblock chair at buong lakas na inihagis sa direksyon ng tumatakbong lalaki at tumama sa likuran ng ulo nito. Bumagsak ang lalaki na duguan sa kalsada, agad na nilabas ni Isabel ang posas at isinuot sa kamay nito. 

"Pinagod mo pa ako." Habol sa paghingang sabi ni Isabel sa lalaki na hindi makakilos. "Sino ang nag utos sayo na patayin si Laura?" 

"Wala.." Daing ng lalaki. "Hindi ko alam!" 

Hinigpitan ni Isabel ang posas kaya napasigaw ang lalaki sa sakit. "Sino sabi nag utos sayo!" 

"Wala akong alam maniwala ka!" Iyak ng lalaki. "Nabayaran lang ako pero hindi kilala ko kilala kung sino!" 

Napailing nalang si Isabel at binitbit ito patayo, ang puti nitong suot na t-shirt ay nabahiran ng dugo na umaagos mula sa ulo nito. "Let's play good cop, bad cop then," 

Isabel Cervantes, 28, Detective Sargent.

Related chapters

  • Napoleon Rose   8

    Ilang dahon pa ba ang bibilangin ko na malaglag mula sa puno dito sa garden sa bawat pag ihip ng hangin habang naghihintay ako kay Isabel. Kanina ko parin sya tinatawagan pero hindi nya sinasagot kaya lalo akong naiinis at nag aalala. I just want to make sure that she is okay, na wala syang tinamo na kahit anong injury dahil kargo de konsenya ko pa sya.Dumaretcho si Isabel sa police station after ng insidente sa school. I still clearly remember how Isabel fough para mahuli ang lalaki na magtatangka sana sa aking buhay. The look of her face is terrifying, wala itong kabakas bakas ng takot o kaba, tila napakaordinaryo na ang paghabol nya sa mga masasamamang loob at criminal sa araw araw na ginawa ng diyos."Laura," Kumabog ang dibdib ko ng marinig ang boses ni Isabel sa hindi malamang dahilan. Paranoid lang siguro ako. "Sorry ngayon lang ako nakapunta,"Paano ko ba sya haharapin? Baka kasi sa inis ko ay masungitan at singhalan ko lang sya.

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   9

    "Hindi mo pwedeng sabihin na hinuli ka ng mga police ng walang dahilan, na bigla ka nalang pinasok sa loob ng bahay mo at dinampot Mr. Santos." Naiiling ko na sabi sa kliyente ko. "Give me a valid reason to believe everything you are saying and fight for your case."Napakamot ang matandang lalaki sa ulo nya at nag-iisip ng tamang salita na isasagot sakin. I'm curretly here in PAO, offering my service for free every friday dahil gusto ko maggive back sa mga taong pinagkaitan ng hustisya o ginawa ng mali ng mga alagad ng batas."Sa totoo lang po Ms. Samonte." Umpisa ng matandang lalaki at tumitig sakin. "Marami po akong pautang sa lugar namin, may pagkakataon na napapa-away ako dahil hindi sila nagbabayad sakin at umaabot pa sa baranggayan."Inalis ko ang aking suot na salamin sa mata at sinuri ng mabuti ang tao na kaharap ko. Binabasa kong mabuti kung nagsasabi ba sya ng totoo sakin o hindi. "So, you are saying na may

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   10

    "Aray..." Daing ni Isabel habang nililinis ko ng bulak na may alcohol ang sugat nya sa kilay. "Dahan dahananin mo naman Laura."Pero hindi ako nakikinig dahil naiisip ko parin yung nangyaring aksidente, oo aksidente dahil nawalan ng preno yung kotse na muntik ng makasagasa samin. At least, not intentional."Sa bala hindi ka takot pero sa alcohol umaaray ka." Pinagsamang inis at pag-alala na sabi ko kay Isabel.Biglang hinawakan ni Isabel ang kamay ko para pigilan ako sa pagdutdot sa sugat nya sa kilay. "Stop.""Bakit ba kasi ayaw mong magpadala sa hospital?" Kwestyon ko sa kanya. "Pag yan nainspection kargo de konsensya ko pa yan."Binitawan nya ang kamay ko at binuksan ang first aid kit para kumuha ng band aid. "Malayo sa bituka to Laura."Napaikot mata ko. "Malayo sa bituka, malapit sa utak." Biglang napatawa si Isabel at umiling iling. "What's funny?""Oh nothing.""Ano nga?" I

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   11

    Kahit nandito ako sa bulacan para sana magbakasyon ay trabaho parin ang inaatupag ko samatalang si Isabel at Ishi ay abala sa paglalaro sa labas ng bahay. Isabel was trying to teach Ishi how to play basketball at syempre paano ko makakalimutan na pati pambababae ay gusto nya ring ituro sa anak ko."Sino ba yang magandang dalaga na yan Laura?" Tanong ni Aling Minda sakin."Body Guard ko po." Sagot ko na hindi inaalis ang mata sa laptop dahil ang dami kong nirereview na case."Body guard?" Nabigla na tanong ni Aling Minda. "Parang hindi naman ah."Ganyan din ang first impression ko kay Isabel. Parang hindi makabasag pinggan dahil babaeng babae sya kumilos pero ng mawitness ko mismo kung paano sya lumaban at humawak ng baril. Damn, iba sya."Wag po kayo magpapadala sa itsura nya." Nakangiti kong sabi kay Aling Minda. "Oo nga pla, kamusta n

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   12

    Maaga akong nagising dahil sa malulutong na tawanan na nagmumula sa labas ng bahay. Kahit ayaw ko pa mang bumangon ay napilitan na ako para tignan kung ano ang nangyayari. Kahit antok na antok ay binuksan ko ang bintana at pilit tinatanaw ang mga tao sa labas. Sina Aling Minda at Isabel tinuturuan magbike si Ishi.Isinandal ko ang aking ulo sa gilid ng bintana habang pinagmamasdan ang anak ko magpaandar ng bike. I know he is eager to learn how to ride a bike pero hindi ko sya maturuan dahil lagi akong busy sa trabaho. Yes, i know marami akong pagkukulang sa kanya but im doing my best para makabawi."Gising ka na pala Laura!" Masiglang bati sakin ni Aling Minda. "Marunong ng magbike si Ishi."Ngumiti ako ng tumingin sakin si Ishi. "Nakailang semplang ba sya?" Biro ko. "Baka puro sugat na ang tuhod ng anak ko ha.""No mom!" Sagot sakin ni Ishi na may kasama pang-iling. "Wala akong sugat pero nakadalawang semplang palang ako."

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   13

    Umulan ng magdamag kaya wala kaming nagawa ni Isabel kundi ang manatili sa loob ng kubo at maghintay mag umaga na parehong bra at panty lang suot. Of course, hindi ko ito binibigyan ng kahit anong malisya dahil alam ko na she was only providing comfort and security to me especially mataas ang lagnat ko at nanginig sa ginaw.I won't even lie that i felt really safe kapag kasama ko si Isabel. Siguro dahil alam ko na hindi nya ako pababayaan at kayang kaya nya akong ipaglaban sa kahit sino pa man. For me kasi, she is a hero.Well you know not all heroes wear cape, minsan sila yung may simpleng taong nagpapasaya satin sa mga simple ding paraan. Gaya nalang ng taong nagpapasaya sayo kapag nalulungkot ka, o hindi kaya naman yung hindi mo kakilala pero dahil walang tissue sa restroom ay aabutan ka nya, pwede ring delivery ng pagkain na inorder mo dahil tamad kang magluto. Pero si Isabel para syang kabuti na biglang susulpo

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   14

    "Umalis ka na." Utos ko kay Isabel habang inaayos ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano bang nagyari at bigla akong nagblack out at kamuntikan ng mangyari ang hindi dapat mangyari. "Makikita ka ni Ishi.""E ano naman?" Tanong ni Isabel na parang baliwala lang sa kanya ang lahat. "Wala naman tayong ginagawang masa—"Natigilan si Isabel ng bigla ko syang batuhin ng unan sa mukha para matigil lang sya sa pagsasalita. How dare she to say that on my face na wala kaming ginagawang masama? So baliwala lang sa kanya ang lahat? Ganon?Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan but i stopped bago buksan ito. "Umalis ka na pagkalabas ko Isabel." Paalala ko sa kanya. "Maaga tayong aalis bukas dahil may trabaho ako." After that lumabas na ako at sinalubong ni Ishi. "Akala ko tulog ka na?"Umiling iling si Ishi at sumisilip sa loob ng kwarto ko bago itong tuluyang isara. "Sino kausap mo Mommy?"

    Last Updated : 2021-07-20
  • Napoleon Rose   15

    "Bela!" Sigaw ko sa pangalan ni Isabel habang tumatakbo akong pumunta sa kanya at halos mabuwal sya ng mahigpit ko syang yakapin just few minutes after ng barilan. "Oh gosh, are you okay?"She gently stroking my back in a very soothing way. "Oo, okay lang ako." May ngiti sa boses nya na nagpakalma sakin. Pero ayaw ko paring bumitaw sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil natakot lang talaga ako. "Kayo ba okay lang?" This time bumitaw ako kay Isabel. "Nasaktan ka ba?"My chest clenched the way she looked at me. I took few step back from her bago sumagot. "We are good. Hindi naman kami nasaktan." Bigla kong hinawakan ang kamay ni Ishi. Ayaw kong mawala sya sa tabi ko just in case na may hindi inaasahang mangyari. Muntik lang naman syang mawala sakin dahil sa masasamang tao na yon but thanks God at kasama namin si Isabel. "I honestly don't know kung paano kita pasasalamatan sa pagligtas mo kay Ishi."Ngumiti si Isabel. "I told you Laura, I w

    Last Updated : 2021-07-20

Latest chapter

  • Napoleon Rose   42

    Sa bawat segundo na lumilipas habang pinagmamasdan ko si Isabel ay unti unti syang naglalaho sa aking paningin na parang usok at nagiging si Jean. My heart hurts because i thought it was really Isabel, i thought she came back for me and Liah. But no, she was purely my imagination that made my world stop for awhile because sometimes we only see what we want to see until reality hit us.Though tanggap ko na wala na talaga si Isabel but i can't deny na meron parin kahit maliit na pursyento sa puso at isip ko na umaasa na buhay pa sya. But whatever it is, kailangan paring magpatuloy ng buhay ko para sa dalawa kong anak.Siguro nga napadaan lang sya para makita si Liah kahit saglit before she finally headed to the place kung saan sya nakaassign for a mission."Is this yours?" Nakangiti na tanong ni Jean kay Liah.Ngumiti si Liah kay Jean. "Yes. It's mine.""Then you can have this." Kinuha ni Je

  • Napoleon Rose   41

    Hindi ko alam kung anong humihila sa akin na sumaglit sa condo unit ni Isabel bago ako tuluyang umalis at manirahan pasamantala sa Amerika. Wala namang nagbago sa lugar, tahimik parin pero yung puso at isip ko parehong umiiyak, nagluluksa. It hurts, it hurts so much to see every details and corner of the condo because it reminds me everything about Isabel.Dahan dahan akong naupo sa couch, dinama ng palad ko ang init nito habang inaalala ang mga nangyari sa pagitan namin ni Isabel. I felt my tears streaming down my face no matter how much I tried to stop them.Napailing ako before i buried my face in my hands. I silently pray na sana panaginip lang ang lahat, na binabangungot lang ako na kapag nagising ay sasalabungin ako ng ngiti at halik ni Isabel. But sadly, everything is real. Kung nakakamatay lang siguro ang pagkabroken hearted baka pinaglalamayan na ako. Pero siguro nga, mas okay yun. Kasi makakasama at maririnig ko na ulit

  • Napoleon Rose   40

    Hindi ko alam kung anong nangyari, kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero nang magising ako ay napapalibutan ako ng puti. Lahat puti, puti na pintura ng pader, puti na kisame, puti na kurtina sa bintana, puti na bed sheets, puti na unan at puting patient gown. I'm sure namam na hindi ako patay dahil naaamoy ko ang gamot, kaya sigurado akong nasa hospital lang ako.Mag-isa lang ako sa kwarto pero bukas ang TV. Siguro lumabas lang saglit ang nagbabantay sakin. Kaya I just close my eyes and my hand went to my stomach, nakapa ko ang gasa na nakatakip sa kumikirot kong sugat-bigla akong napadilat ng maalala ko si Isabel at ang lahat ng nangyari."Oh gosh." I whispered to myself. "Si Isabel-"I started to panic but then I saw Isabel sleeping next to me with a cute snore. I checked her body pero wala syang sugat, ni hindi sya mukhang galing sa isang matinding labanan pero gayunpaman masaya ako dahil kasama ko sya. Tha

  • Napoleon Rose   39

    "Bakit Ashley.." Bunong paghihinagpis na tanong ni Laura sa taong itinuring nyang matalik na kaibigan at kapatid. Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip nya na si Ashley ang taong magtatraydor sa kanya pagkatapos ng pinagsamahan nilang dalawa. "Ano to?" Pero tila walang nararamdaman si Ashley na kahit anong emosyon, para syang yelo na nababalot ng nyebe. "How could you do this to me, to us—"Ashley took a quick glance over at her best friend. "Laura.." Ngumiti si Ashley, the kind of smile that will scare someone to the bones. "Of course you didn't know—""Then you tell me!" Sigaw ni Laura na hindi mapagilan ang lalong pag-agos ng kanyang luha. "Para maintindihan ko kung bakit mo kami gustong patayin!"Red Sparrow dropped her mask on the floor as she took a deep. "Dahil makasarili ka!" She said between her clenched teeth.Napahinto si Laura at pinakatitigang maigi si Ashley. "Anong pinagsasabi mo

  • Napoleon Rose   38

    Hindi alam ni Laura kung gaano sya katagal nakatulog pagkatapos takpan ng panyo na may gamot ang kanyang ilong ng mga taong dumukot sakanya. Wala ideya ang abogada kung saan sya dinala ng mga ito at kahit pagod ang katawan dahil sa mga nangyari ay pinilit parin ni Laura gumising mula sa malalim na pagkakahimbing. Kumurap kurap ang mata nya para alisin ang panlalabo ng kanyang paningin at makaadjust sa kadiliman ng paligid.It was cold, it makes Laura shakes. Gustuhin man nyang tumayo pero hindi nya magawa dahil nakatali ang kamay at paa nya. Napaangat ang mata ni Laura ng biglang bumukas ang bokilya na nagbigay liwanag sa kalahatian ng kwarto na kanyang kinaroroonan.Bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaki na nakangisi sa kanya. "Napahaba ata ang tulog mo attorney."It took Laura to speak dahil sa pagkadry ng kanyang lalamunan. "Si-sino ka? Na-nasaan ako—"

  • Napoleon Rose   37

    Isabel"I'm sorry pero hindi ko po nailigtas si Laura." Emosyonal na paghingi ko ng tawad sa pamilya ni Laura especially to her mother.It took me all my strength to face and talk to them para ideliver yung hindi magandang balita about Laura's abduction. Ginawa ko naman ang lahat e pero hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Kung saan ako nagkamali kaya nabigo akong protektahan si Laura.Instead of answering me, Mr and Mrs. Samonte just cried and hugged each other. I was expecting them to lash out at me, even curse me dahil isa akong malaking pagkabigo sa kanila. But to my pure surprise, Mrs. Samonte stood and gave me a comforting hug that I needed the most."It is not your fault okay." Bulong sa akin ng matandang babae as if she reads what's on my mind right now. "Walang may gusto nito Isabel."I just squeezed her so tight. "I'm still sorry." Nilunok ko ang sakit at disappointmen

  • Napoleon Rose   36

    Kanina pa panay ikot at hanap ni Isabel kay Ashley sa loob ng club ngunit hindi nya parin ito makita at hindi sinasadyang nagkahiwalay sila ni Laura dahil sa lalong pagdagsa ng tao. Kaya nagmamadali syang bumalik sa table nila at nagbakasakali na nandoon na ang abogada.Ayaw na ayaw ni Isabel na nawawala si Laura sa kanyang paningin lalo na kapag nasa public places sila. Sa totoo lang ayaw nya talagang pumayag na mag clubbing sila tonight pero dahil alam nyang gusto rin ni Laura lumabas ay wala na syang nagawa. Kaya sinikap nalang ni Isabel na gawing triple ang pagbabantay kahit na ano pa man ang mangyari."Jean!" Tawag ni Isabel sa nakakatanda nyang kapatid. Gumala gala ang paningin nya pero wala talaga si Laura at mag isa lang si Jean sa table nila. "Nasaan si Laura?"Kumunot ang noo ni Jean habang pinagmamasdan si Isabel. "Diba kasama mo?""Nagkahiwalay kami."

  • Napoleon Rose   35

    Excited kaming lumabas ni Isabel mula sa kwarto ko para puntahan sina Jean at Ashley pero bigla akong napahinto ng makita ko si Ishi na tumatakbo papunta sakin. Diyos ko, nananaginip ba ako? Naghahaluccinate dahil sa sobrang pagkamiss sa anak ko at sa aking pamilya?But I know I wasn't dreaming when my mother and father also came into my view, smiling at me. Nanlambot ang tuhod ko sabay yakap kay Ishi. Hindi ko mapigilang mapaiyak ng sobra sobra dahil sa saya."Mom.." Umiiyak na tawag ni Ishi sa pangalan ko. Sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap sakin. Parang ayaw nya na akong pakawalan at muli kaming maghiwalay. "Sobrang namiss kita."Hinawakan ko ang mukha ni Ishi at hinalik halikan ang kanyang pisngi, ilong at noo. "You have no idea kung gaano kita, kayo namiss anak." Niyakap ko ulit si Ishi. "Sobrang saya ko na nandito kayo ngayon.""Ayaw ko po na magkahiwalay tayo ulit." Pakiusap ni Ishi na may kasamang pagsinok.I squ

  • Napoleon Rose   34

    Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko habang naghihintay dito sa coffee shop na madalas kong pinupuntahan since College. Malaki ang pinagbago ng lugar pero yung kape at ang paborito kong pianono ganon parin ang lasa, sobrang sarap.Pero syempre hindi naman ako nagpunta dito na mag-isa. Isabel is with me pero pinili nyang bigyan ako ng privacy kaya naghintay nalang sya sa labas. Actually, I can't explain what I'm feeling right now. I'm excited dahil hindi ko kailanman inisip na tatawag sya sakin after all this time at kaba sapagkat hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.The sight of Isabel sitting in the car makes my heart swelled but the guilt is eating me alive. I'm so fuck up para magpadala sa kung ano man and completely stupid para gantihan ng halik si Jean. Gusto ko mang pagsisihan ang lahat pero nangyari na, nagawa ko na. I will just make sure na hindi ulit ito mangyayari, beside Jean already accepted her defe

DMCA.com Protection Status