Share

Kabanata 816

”Elliot.” Sinita ni Avery si Elliot nang makita niyang nanlilisik ang mga mata nito kay Eric. “Bagong taon na bagong taon. Wag mo ng palakihin ang maliit na bagay.”

Bahagyang kumalma si Elliot nang marinig niya ang sinabi Avery.

“Matagal na akong nagbibigay kay Avery. Lahat ng klase ng mga alahas, bukod sa singsing, naibigay ko na sakanya. Diba wala ka namang pakielam sakanya palagi? Oh bakit ka nagagalit sa akin?”

Palaging kalmado si Avery pagdating kay Eric pero noong nagtuloy-tuloy pa rin ito sa pangiinis kay Elliot, dinilatan niya ito ng mga mata.

Hindi naman siya nagagalit kay Eric dahil alam niya naman na ginagawa lang yun ng tao para sakanya.

“Ano naman?” Tinaasan ni Elliot ng kilay si Eric. “Kayo ba? Kasi kung hindi, tumahimik ka nalang.”

Biglang natahimik si Eric.

Sa puntong ‘to, hindi na kayang manahimik ni Avery kaya muli niyang tinawag si Elliot.

"Elliot…"

“Ano magdadrive ka ba o hindi? Kung ayaw mo, ako nalang.” Pagputol ni Elliot.

Alam naman niya na ipagtat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status